JILLIAN
"Ano hindi ka pa rin tapos d'yan?" nakapamaywang kong tanong kay Jordan.Hindi ko siya tinulungan mag-asikaso ng pagkain na ihahanda kay Inay kaya halos magkandaugaga siya sa harapan ng lutuan. Panay paypay ng puro usok na buga ng kahoy. Wala akong makitang apoy. Palihim kong dinala sa likod ng bahay ang kalan at uling kanina pagdating namin habang busy siya sa paghahanda ng mga lulutuin. Kaya wala siyang choice kundi gamitin ang kahoy na binasa ko sa labas ng hindi niya mahanap ang kalan. Nagtaka pa siya kung bakit basa ang kahoy e hindi naman umulan.Nakakabwesit kasi. Hindi na nga ako tinulungan magbitbit ng pagkabigat-bigat ng dalawang plastik na 'yong hanggang sa sakayan ng mga tricycle, pinahinto niya pa ito ilang kilometro ang layo sa bahay nila. Pinaglakad niya ako ulit bitbit ang mga 'yon! Peste siya!Ang sakit-sakit ng mga kamay ko. Buong katawan ko ata e. Pakiramdam ko naputol ang mga boto sa braso ko. Kahit umiyak na ako hindiJILLIANNaglakad ako patungo sa likod ng bahay. Ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad sa aking harapan. Napahinto ako sa paghakbang ng makita kong mga nakahubad ng pang-itaas na damit sina Austin at Kenneth. Tumutulo ang pawis sa katawan habang busy sa pag-iihaw ng mga manok at baboy. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanila ngunit tuluyan na akong naestatwa ng pagbaling ko sa kaliwa ay nagtama naman ang paningin namin ni Kevin na naghuhubad ng kanyang pang-itaas na damit. Nagulat pa siya pagkakita sa akin. Napalunok ako ng makita ko ang namumutok niyang muscles sa braso. Parang mas lalong lumaki pa ata 'yon kaysa no'ng nag-aaral pa kami. Lumapad lalo ang kanyang mga balikat. Pati ang dibdib lumaki. Nahiya ako bigla sa dibdib kong lumaki lang dahil sa push up bra. Napamulagat ako ng mapadako ang tingin ko sa tiyan niya. Damn, he got toned abs! T'ngna. Kailan pa ba ako natutong magpantasya sa isang lalaki?Napakislot ako ng may biglang tumabi sa akin pero hindi ko m
JILLIAN"Happy Biiiirthday To You! Happy Biiiirthday To Yoooou! Happy Biiiiirthday, Happy Biiiirthday, Happy Biiiirthday Nay Julieee!"Sabay-sabay na kanta naming lahat habang nakaumang ang kamay kong may hawak na malaking cake sa harapan ni Inay matapos mag-perform ng dalawang clown. Tuwang-tuwa ang mga bata pati kami sa mga magic tricks nila. Ang galing din nila magpatawa pero hindi man lang natawa si Inay kahit isang beses. Seryoso lang itong nakatingin sa kanila. Subrang tahimik sa kanyang kinauupuan, hindi nagsasalita.Kahit kanina, wala man lang akong makitang katiting na emosyon na nasiyahan siya, or nagulat man lang nong ilabas na namin siya ng bahay habang iginagala ang paningin sa buong paligid. May nalalaman pa kaming pa piring-piring wala naman palang epekto."Wish ka muna Nay bago mo hipan." nakangiting sabi ko sa kanya.She smiled back.Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nahig
JILLIANNatawa ako sa sagot niya."Mareng Julz, hali ka dito! Kanta tayo!" sigaw ni Nay Glenda, nanay ni Blessie.Sabay pa kaming napabaling ni Inay sa kanya. Nakangiting kumakaway ito sa amin."Punta muna ako sa kanila ha." paalam ni Inay sa akin."Ayy sige po." kaagad na sagot ko sa kanya. "Enjoy po kayo Nay." pahabol ko pa ng maglakad ito palapit sa grupo ng mga matatandang bisita na nagkakantahan.'Yong mga bata naman ang iingay habang nanonood ng magic tricks ng mga clown. Hindi nila ito tinigilan kaka-one more. Nakangiting napailing ako ng sugurin nila ang mga ito matapos mag-magic ng maraming candy.Lumingon ako sa mahabang mesa ngunit bigla na lang nawala doon ang dalawa kong kaibigan. Nagpalinga-linga ako. Hinanap si Cheena at Blessie. Pero hindi ko sila makita.Saan na ba pumunta ang dalawang 'yon?Nagkibit-balikat na lang saka naglakad palapit sa mesa. Kumuha akong plato at kubyertos. Nilagya
MARCO"Mom, Dad? Anong ginagawa niyo dito?" bulalas ko ng mabungaran ko sila pagkabukas ko ng pinto ng aking Unit."Ano itong nabalitaan namin na pinagtatanggal ni Miguel ang mga trabahador sa tubuhan?" galit na tanong ni Dad sa akin.Malalim akong napabuntong-hininga sabay lock ng pinto. Nilagay ko sa gilid ang mga gamit na binili kong pang-camping sa SM.Muli ko silang tiningnan saka naglakad palapit sa kanila sa may sofa. "Pinabalik ko na silang lahat. Mainit ang ulo--""Mainit ang ulo niya kaya sa mga trabahador na matagal ng naninilbihan doon ibinunton ang kanyang galit?! Nababaliw na ba siya? Nasaan ba ang g*gong 'yon at wala daw doon sa Hacienda sabi ni Nana Rosa?" singhal sa akin ni Dad."Kailan pa kayo dumating?""Sagutin mo ang tanong ko, hindi 'yong iniiba mo ang usapan."Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung nasaan siya.""Hindi mo alam?" tanong niya saka salubong ang mga kilay na pinasa
MARCOPasuray-suray na naglakad ako pabalik sa aking kwarto. F*ck! Mura ko pa ng mauntog ako sa pader. Parang dalawa na ang paningin ko. Muli akong napamura.Nakailan ba akong baso at parang lasing na lasing yata ako?Marahan kong hinilot ang aking sentido saka pabagsak muling nahiga sa kama. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip sa pangit na babaeng 'yon na nanggugulo ng buong sistema ko.***"Ah..." daing ko ng maalimpungatan ako sa lakas ng tunog ng call ringtone ng cellphone ko. Naiinis na inabot ko ito sa ibabaw ng drawer sa gilid ng kama. Bahagya ko lang ibinukas ang aking mga mata para tingnan kung sino ang istorbo sa pagtulog ko. Miguel Calling...Lalong sumakit ang ulo ko ng makita ko ang pangalan ng siraulong 'yon. Kaagad kong kinansel ang tawag niya. Ngunit hindi ko pa nga ito nailalapag ay muli na namang tumunog ang cellphone.Damn! Ano na naman ba ang problema ng lalaking 'to at ginugulo na n
MARCO"Ano pong importanteng pag-uusapan natin? Bakit kailangan ipatawag niyo pa ako?" maang-maangan kong bungad kay Dad.Kasalukuyan kaming nasa harapan ng hapagkainan. Nasa bukana pa lang ako ng main door kanina pagdating ko dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan nila kaya dumeritso ako ng kusina. Naabutan ko silang kumakain. Nagulat pa sila pagkakita kay Keith sa likuran ko. Lihim akong napangiti ng makita kong nagkatinginan si Mom and Dad. Malamang nahulaan kaagad ang plano ko. Well, tutal nandito naman na si Tay Philip, malaya ko ng magagawa ang gusto ko dahil siya ang magiging kapalit ko. Lalo't may bagong pinupuntirya na namang babae si Miguel, malamang hindi siya aalis dito. Napangiti ako sa aking naisip."Balak kong ipamana itong Hacienda kay Philip tutal ayaw niyo namang dalawa--""Fernan..." sabad ni Tay Philip. Lahat kami napabaling sa kanya. "Hindi ako pumapayag diyan sa gusto mo.""Pero Phil... Kabilin-bilinan iyon ni M
MARCOSumunod kami sa kanya. Dinala niya kami sa dalampasigan. WOW. Humahangang iginagala ko ang aking paningin sa ganda ng lugar. Ang puti at subrang linis ng buhangin. Napapaligiran ng naglalakihang punong kahoy. Mangasol-ngasol pa ang tubig dagat. Lalo tuloy akong na-excite gumala at halughugin ang lugar. Parang ang sarap tumambay dito mamayang gabi. Napangiti ako sa aking naisip."Kanina lang dumating sina Aling Dolor. Nag-birthday kasi 'yong kumare niya kaya hindi sila kaagad nakapunta dito. Inantay nila para ipasyal din dito 'yong mag-ina." kwento nito."So, bakit binibenta 'yong lupa? I mean, ang ganda nitong lugar. Ang lapit dito sa dalampasigan. Pwede nilang pagkakitaan 'yon." sabi ko."Hindi na nila maasikaso pa ang lupain nila dito kaya binebenta. Matagal na silang nanirahan sa San Agustin. May itinayong parlor 'yong anak nilang si Jordan sa Makati. Pumatok sa masa. Gagamitin ata do'n para mag-expand 'yong negosyo. Hindi ako sure. Hindi
JILLIAN"Bakit mo naman ginawa 'yon?" nagtatakang tanong sa akin ni Jordan pagdating namin sa dalampasigan.Humihingal na kaagad akong sumalampak sa buhanginan. Napagod ako kakatakbo makalayo lang sa lalaking 'yon. Akala ko hahabulin niya kami. Hindi ko naman sana gagawin 'yon e. Kaso iwan ko ba sa sarili ko at naisipan kong pag-trip-an siya. Tuloy sa subrang pagkataranta ko naibato ko ang cellphone sa kanya. Sapol ito sa noo. Napahagikhik ako."Anong bakit ginawa ko 'yon? Dasurb niya 'yon no." nakatawang sabi ko sa kanya. "Tsaka siya ang dahilan kung bakit pinahirapan mo akong magbibit ng pagkabigat-bigat na groceries!""Kawawa naman 'yon--AWW!" maarteng daing ni Jordan ng batukan ko siya."Naawa ka sa kanya pero sa akin hindi?" singhal ko sa kanya sabay ngiti habang inaalala ang umuusok sa galit na mukha ng lalaking 'yon. "Well amanos na kami ngayon. Pero infairness ang wafu niya no. Kamukha niya talaga 'yong lead singer ng PRINX Boy Ba
CLEOFATRA MONTEFALCO POV2 DECADES AGOPapasok na kami sa Hotel ng mapansin kong wala ang inaanak kong si Fernan. Nagpalingalinga ako sa paligid pero hindi ko makita ang anino niya. Dali-dali akong lumapit kay Lian na busy sa kausap sa kanyang cellphone."Lian..." hinawakan ko siya sa kanyang braso. Marahas niya naman akong nilingon. "...where's Fernan?""Ok Mr. Ricaforte, see you tomorrow." she ended the call, kunot-noong tinitigan ako. "Anong nasaan si Fernan? Diba..." iginala ang paningin sa paligid saka muli akong tiningnan. "...kasama mo siya?""Ha?"Kaagad akong linukuban ng takot ng makita ko ang itsura niya."Damn it Cleo, tanungin mo sina Marga!"Mabilis kong hinablot ang braso niya ng akma niya akong tatalikuran."Saan ka pupunta?""Babalikan ko sa parking lot baka naiwan doon.""Anong naiwan mo sa parking lot?" sabad ni Eleanor na naglakad palapit sa amin."Anong meron?" ani ni Norman."Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong naman ni Stephano."Where's Fernan?"Napalunok ako
JILLIAN"Marco..?" tawag ko sa kanya ng magising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "My loves?"Nagtungo ako sa connecting door ng kwarto ng anak namin pero wala siya. Inayos ko ang kumot ni Max saka lumabas ng kwarto."Marco?" tawag ko ulit sa kanya pero wala akong marinig na ano mang kaluskos at tugon sa kanya. "Saan na naman ba nagpunta ang lalaking 'yon?"Nagtatakang naglakad ako pababa ng hagdanan.Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kaming dalawa sa loob ng Hacienda. Kinabukasan pagkatapos ng kasal kaagad niya kaming dinala dito sa kabilang isla, sa bahay namin.Sa lugar kung saan ilang ulit nagkrus ang landas naming dalawa buong araw na puno ng inis sa isa't isa.Ang lugar na pinangarap kung bilhin noon at naghihinayang na ibininta ng mga magulang ng kaibigan kong si Jordan na ngayon ay pag-aari ko na. . .dahil kay Marco. Inilipat niya sa pangalan ko ang titulo ng lupa five years ago.Binili niya para sa sarili niy
JILLIAN"Napansin niyo ba 'yong asawa ng kapatid ni Kuya Pogi?""Sino? Si Shienna?""Oo.""O, ano na naman napansin mo?""Parang. . . may gusto siya sa pinsan ni Kuya Pogi."Nagkatinginan kaming lima sa sinabi ni Cheena.Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto namin ni Marco, inaayusan ako ni Jordan para sa bonggang garden wedding ko. Si Cheena naman kay Mia, at si Blessie kay Jas. Si Margz, iwan kung saang lupalop na naman pumunta. Simula ng dumating dito noong nakaraang araw hindi na namin mahagilap.Hindi ko akalain na matagal ng pinagplanuhan lahat ni Marco ang kasal naming dalawa.It's been four years since he started to make this wedding plan!Akala ko minaniobra niya ang lahat in just two weeks. 'Yon pala, noon pa ready ang lahat. Ako na lang ang kulang.Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya but still it's all worth it. And now, the wait is over. I'm getting married to Jeff Marco Del Carpio for real!Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kanina
JILLIAN"Your Lola Cleo and my Mom Juliana were childhood bestfriend."Nagkatinginan kami ni Marco sa sinabi ng kanyang Daddy sabay tingin sa mga magulang ko na tahimik lang din na nakaupo sa katabi nilang sofa.Kasalukuyan kaming nasa sala lahat. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa, nasa armrest naman si Marco at walanghiyang nakaakbay pa sa akin kahit nasa harapan namin ang mga magulang ko't magulang niya. Pasimple kong tinatanggal iyon pero binabalik niya naman ulit, hinihigpitan pa lalo kaya hinayaan ko na lang din.Alas dose na ako nagising kanina, mag-isa na lang sa kama.Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako at nananakit ang aking buong katawan kaso nakakahiya naman sa mag-asawang Del Carpio kaya nagmamadali akong naligo't lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako sa nabungaran ko pagtapak ko ng hagdanan at matanaw silang lahat na nasa sala.Masayang nagtatawanan habang nagpapakitang gilas naman si Max sa gitna nila. Bigla rin natigil ang in
MARCOPagkatapos kong makausap si Thur pinuntahan ko si Jillian sa kwarto. Natigilan pa ako sa aking narinig pagkalapit ko sa banyo, humahalo ang kanyang hikbi sa malakas na buhos ng tubig sa shower.Marahan kong kinatok ang pinto niyon."Love, are you okey?" tawag ko sa kanya mula sa labas.Kaagad din siya tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng tubig mula sa shower."Jil..?" tawag ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumasagot.Biglang rumagasa ang takot at pag-aalala sa aking dibdib. Baka kung napa'no na siya sa loob kaya nagmamadaling kinuha ko ang susi sa drawer at binuksan ang banyo.Nagulat ako pagkabukas ko sa aking nakita.She's all naked, nasa tabi ng malakas na lagaslas ng shower. Padaskol niyang kinukuskos ng mabulang fishnet ang kanyang leeg habang impit na humahagulhol."Jillian!" malalaking hakbang ko siyang nilapitan. Pinatay ko ang shower. "What's wron
JILLIAN"Mama kooo!" malakas na sigaw ni Max pagkapasok namin ng Mansion sabay takbo palapit sa amin. "Daddy ko!"Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa kanyang mukha pati leeg. Gumaya din si Marco kaya malakas siyang nagtitili at humagikhik.Pagkahatid sa amin dito sa Hacienda ni Matt, kaagad itong bumalik ng Manila.Nasa himpapawid pa lang kami kanina halos hindi na ako makapaniwala sa subrang ganda ng tanawin na natatanaw ko sa ibaba lalo na ng makalapag kami sa rooftop ng bahay nila.Subrang lawak ng lupain na tinuturo sa akin ni Marco na pagmamay-ari daw ng mga magulang niya. Maraming mga ibat-ibang hayop akong nakita sa ranchong tinuro niya sa akin. Marami ding mga tao, kumakaway sila sa amin lalo na 'yong mga nasa tubuhan. Natawa pa siya ng sabihin kong atat na pumunta doon sina Margz at Mia para makapag-hunting ng poging ranchero.Pagtapak ko pa lang sa mansion nila nalula na ako sa subrang ganda. Lalo tuloy akon
JILLIAN"Nandun si Boss. . ." tinuro ni Thur ang kinaroroonan ng private plane sa pinakadulo pagkaparada ng sasakyan sa loob ng compound. "Hindi na kita sasamahan, kailangan kong bumalik sa Hospital.""Salamat Thur. Kung hindi kayo dumating--""You know na darating kami kahit anong mangyari." sabad niya. "But. . .sorry kasi na-late kami. Nagkaroon kasi ng aberya sa Salon ni Jordan kaya natagalan. Kahit nahabol kayo nina Jasmin at Kevin at iba pang tauhan, still, 'di sila sapat para sagupain ang nagkalat na mga tauhan ni Clark. Hindi ko akalain na nakalabas sila sa kulungan. Like damn. . .I forgot na anak pala siya ng isang Steves.""Anong atraso ng Lola Cleo ko sa kanila--"Sunod-sunod itong umiling."Si Boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan. Sige na. Puntahan mo na 'yon, baka mainip, mayari na naman ako.""Sorry--""Nah--Its fine. Sanay na ako sa kanya. Ganun lang 'yon pero ang totoo super babaw ng luha no
JILLIAN"I. . .want to feel--touch you Clark." daing ko sa kanya habang paulit-ulit na minumura siya sa aking isip.Nag-angat siya ng tingin saka tinitigan ako sa aking mga mata. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi."Please. . ."Nakita ko pa siyang napalunok bago ako muling hinalikan, mapusok at nagmamadali.Siguro nadala siya sa pagtugon ko, pagpapaubaya at peke kong mga daing na para bang nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko kaya bigla niya na lang kinalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.Tinulungan ko pa siyang matanggal iyon ng maramdaman kong lumuwag na ang tali. Ipinulupot ko kaagad ang aking mga braso sa kanyang leeg at nakipagpalitan sa kanya saglit ng halik.Gusto kong bumunghalit ng iyak pero tiniis ko ang lahat. Sina Marco at Max ang tanging laman ng aking utak habang ginagawa ko iyon.I need to scape no matter what!!Nang masiguro kong tangay na tangay na siya, malakas ko siyang itinulak. Hindi niya inaasa
JILLIANKanina pa ako gising pagkaalis nina Inay at Max para ihatid ito sa eskwelahan pero nanatili pa rin ako sa higaan. Nakatulalang nakikipagtitigan sa kisame. Nag-iisip ng tamang approach kung paano ko kakausapin at haharapin sina Itay at Jas.Beep. . .Inabot ko ang phone ng tumunog iyon.BUDOL GANG:It's fine my loves. How are you anyway? Will go there and see you. I love you!Kumirot na naman ang puso ko sa sinabi niya.I need to make it up to him. To all of them. They owe me a lot. And also Max. . . I know both of them will be very happy once they see each other.Sigurado akong magagalit siya sa akin sa ginawa kong pagtatago kay Max sa kanya ng apat ng taon pero buong puso kong tatanggapin ang lahat ng sasabihin niya basta mapatawad niya lang ako. And will do everything whatever he want me to do. As long as na makakapagpasaya iyon sa kanya, sa anak namin. . . at sa puso ko, will do it with all my heart without thinking twice.Binaba k