Whispers Of Ember Hallow: The Luna's Awakening

Whispers Of Ember Hallow: The Luna's Awakening

last updateLast Updated : 2024-11-15
By:  Succy Completed
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
108Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Embark on Seraphina's captivating odyssey through the depths of captivity, the anguish of loss, and the enigmatic encounters that reshape her destiny. Unveil the mysteries of her alpha nature as it intertwines with the fates of three powerful men destined to be her mates. Together, they ascend as a formidable pack, with Seraphina embracing her rightful place as their Luna. Amidst enigmatic dreams and divine guidance, Seraphina is propelled towards Ember Hallow, accompanied by her devoted mates. Through trials, spiritual revelations, Seraphina discovered the truths of her power, reincarnation, prophecies, and an ancient, potent goddess. Seraphina's past collides with her present as she grapples with awakening powers that hold the key to either salvation or destruction. Her awakening unleashed a power struggle transcending time, as she confronted her past sins and a future fraught with peril. Dive into Seraphina's journey of past trauma, romance, betrayal, sacrifice, and a race against time as she navigates a perilous path towards unlocking her full potential and facing the ultimate choice that could alter the course of existence.

View More

Chapter 1

Escape

Tatlong taon ng pagiging mag-asawa nila ay mistulang alikabok na hindi na mahagilap ni Yelena ang halaga. Kaya matapos mamatay ang panganay na kapatid ni Morgan, naglakas-loob siyang mag-file ng annulment. Gusto niyang lumaya, sa kabila ng mga pangamba sa posibleng epekto ng desisyon niya sa buong pamilya at sa mismong sarili niya, dahil aaminin man niya o hindi, minahal niya nang buong puso ang asawa.

"Ano ito?" Sumimangot si Morgan, nakarehistro sa mga mata ang gulat. "Dahil lamang hinarang ko ang sampal mo para kay Nova?" angil ng lalaking hindi makapaniwala.

Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng hipag, naroon ang pagsuyo na hindi niya madama kapag pangalan niya ang sinasambit ng lalaki.

Hinamig ni Yelena ang sarili at malamig na sumagot, "Oo, dahil sa ilang beses mong pagtatanggol sa kaniya. Pinagmumukha mo akong kawawa, Morgan. Ako ang asawa mo at hipag mo lang si Nova. Pero nasaan ba ang simpatiya mo? Hindi ko na hihintaying sabihin mong umalis ako dahil mas importante sa iyo ang asawa ng kapatid mo.”

Iniwas ng lalaki ang mukha. Naiwan pa ang bakat ng palad niya sa pisngi nito. Parang dumi sa gwapo nitong mukha. He became a knight with losing armor. How cheap. Pumapayag na tamaan ng sampal niya para lang protektahan si Nova. Nagulat din naman ang pamilya nito, gaya niya. Pero nakakatawa. Kung hindi dahil sa bakat ng palad niya sa mukha nito, hindi siya magkakaroon ng sapat na tapang upang magpasya na palayain na ang sarili sa tanikala ng kanilang kasal, kahit ang kapalit niyon ay pagkadurog ng puso niya.

Masakit magmahal. Literal na itinuro iyon sa kaniya ni Morgan.

Three days ago...

Wedding anniversary nila ni Morgan. Naghanda si Yelena ng sorpresa para sa asawa. Naglakbay pa siya at pinuntahan ang negosyanteng kinomisyon niya para gumawa ng customized pocket watch. Hinatid niya iyon sa Baguio kung saan may business trip si Morgan. Pero sa halip na magiging memorable ang araw na iyon para sa kaniya'y inubos siya ng sakit at pagkawasak pagkatapos marinig ang pakikipag-usap nito sa mga kaibigan.

"Morgan, bakit ba tuwing wedding anniversary ninyo ni Yelena ay nagtatago ka? Ako na ang naaawa sa asawa mo. Tapat siya at mabuting babae, bigyan mo naman ng konsiderasyon ang kaniyang effort para mapasaya ka."

"Sa palagay mo ba gusto ko?" May bahid ng guilt sa tono ng lalaki. "Kung hindi ko ito gagawin, hindi siya maniniwala na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw si Yelena. Na walang nangyari sa amin ng asawa ko."

Napalunok si Yelena habang tahimik na nakikinig mula sa kaniyang kinatatayuan. Hindi mapapansin kahit anino niya dahil malikot ang liwanag ng ilaw bagamat mahina at subtle lang ang musika.

"Siya? Si Nova ba ang tinutukoy mo?" Halos violent ang naging reaction ng mga kaibigan ni Morgan, partikular na si Mark. Pati ang kumakanta sa song box ay natigil dahil sa narinig. "Seryoso ka? Si Nova ba ang tinutukoy mo? Bakit? Ano'ng problema niya kung gagalawin mo si Yelena, eh, asawa mo iyon? May sira ka na sa utak, Morgan. Nanganak na 'yong hipag mo, pero hindi mo pa rin siya mapakawalan? Naintindihan kong first love mo si Nova at mahirap siyang kalimutan, pero si Yelena ang pinili mong pakasalan. Bigyan mo naman ng kunting respeto ang asawa mo!" May bakas ng inis sa boses ni Mark. "Isa pa, masyado mo nang binu-bully si Yelena. Mamaya niyan babalikan ka ni Argus."

"He won't and he can't." Piniga ni Morgan ang mga kamay. "Wedding of the decade kung ituring ang kasal namin ni Yelena. Walang magtatangkang guluhin kami, kahit si Argus pa. Besides, matagal nang blocked sa lahat ng communication outlet ng socmed ang taong iyon. For three years, wala siyang update sa naging buhay namin ng asawa ko."

Umatras na palayo si Yelena. Sapat na ang kaniyang narinig. Alam naman niya noon pa na may girlfriend si Morgan nang ikasal sila. Pero walang nagsabi sa kaniya kung sino ang babae. May kutob siya pero hindi rin niya makompirma. Hindi lang niya inaasahan na si Nova pala. Kapatid pa man din ang turing niya sa babae. Sa loob ng tatlong taon hindi niya ito pinag-iisipan ng masama. Nahihiya siya para sa sarili niyang katangahan.

Mag-isa siyang bumiyahe pauwi ng Maharlika Valley. Sa bigat ng loob ay nagpaulan siya patungo sa mansion, inisip na gaya lang ng mantsa ang sugat sa puso niya. Kapag binanlawan ay maglalaho. Basang-basa siya hanggang sa nilagnat tuloy siya na nagtagal ng dalawang araw. Noon dumating ang balitang naaksidente si Morris, nakatatandang kapatid ni Morgan at asawa ni Nova.

Sa Maharlika Valley ginanap ang burol at funeral ng lalaki. Dalawa hanggang tatlong oras lamang ang pahinga ni Yelena habang nagsisilbi sa burol. Matapos ilibing si Morris, pakiramdam niya ay malapit na rin siyang sumunod dito sa hukay dahil bumibigay na ang kaniyang resistensiya.

"Mang Carlos, doon tayo sa bahay," aniya sa diver pagkapasok sa loob ng sasakyan.

"Hindi ka uuwi ng Espace Elegance?" tanong ni Mang Carlos.

"Hindi po."

Tapos na ang libing pero tingin niya ay hindi pa tapos gumawa ng gulo ang mga Cuntis. Si Morris ang panganay na anak at apo, lumaki itong hawak ang ningning ng buwan at mga bituin. Ang hindi inaasahang pagpanaw nito ay nag-ugat sa kakulitan ni Nova sa extreme sports. Pinilit nitong mag-skydive si Morris pero disgrasyang napigtas ang harness kaya nahulog ang lalaki na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Noong dinala naman ito sa hospital, hindi rin agad naasikaso. Ang galit ng pamilya kay Nova ay wala pa sa sukdulan. Ayaw niyang makitang ipagtatanggol na naman ng asawa niya ang babaeng iyon.

Umuusad na ang sasakyan nang bigla silang harangin ni Morgan, Binuksan nito ang pinto at pumasok. Pure blacksuit, ang suot ng lalaki. Matangkad ito at slender built, ang gwapong mukha ay kababakasan ng pagiging masungit. Pero noon lagi niyang hinahanap-hanap ang mukhang iyon.

"Ready to go home?" tanong nito.

Tumango lang siya at itinapon ang paningin sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abalang tingnan itong muli dahil nasa tabi na nito sina Nova at Philip, ang anak ni Morris na apat na taong gulang pa lamang. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
108 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status