KABANATA 20
AKALA NI FRENI, ayos na siya pagkatapos siyang iwan ni Stephano kagabi. Wala siyang saktong tulog dahil na rin sa pinag-iisip niya sa buong magdamag. Ang resulta? Mabigat ang pakiramdam niya at masakit ang mga mata niya.
Freni was feeling groggy from the lack of sleep, but she chose to get up. Walang yumayaman sa pagtulog.
Pagkagising, hindi na lang siya nag-breakfast. Agad siyang lumabas at nagpahangin sa may garden ng palasyo. Hindi na muna niya sinilip ang kalagayan ni Nacho. Sigurado naman siyang inaalagaan ito ni Stephano. Or may inutusan itong mag-aalaga sa lalaki.
Ginawa ko kung ano ang tama.
Iyon ang paulit-ulit na sinabi ni Freni sa isipan bi
KABANATA 21NAABUTAN ni Freni ang mga kasambahay na niyakap ang isa’t-isa pagpasok pa lang sa loob ng palasyo. Nakatingin ang mga ito sa second floor kung saan nakalagay ang kwarto ni Nacho.“Anong nangyayari?” tanong niya sa mga ito.“Ewan namin. Basta na lang may parang halimaw na sigaw,” sagot ng isa. Sa pagkakatanda niya ito ang pinaka-unang kontrabida sa pamamalagi niya sa palasyo subalit tila nakalimutan na iyon ng babae at mas naunahan ng takot.Nagpalinga-linga siya. Walang mga bantay.“Saan si Master at Alfonso?” tanong niya.“Wala kaming alam. Hanapin mo nga sina Master,” utos ng i
KABANATA 22"KUMUSTA na si Stephano?" tanong ni Freni kay Xanti. Agad niyang tinawagan ang isa sa kasambahay ni Stephano pagkatapos nitong mawalan ng malay. Noong una, pinaratangan pa siyang siya raw ang dahilan kung bakit nahimatay ito. Siya pa talaga? Gayong siya lang ang nag-attempt na pumanhik sa kwarto ni Nacho at i-check kung kanino nagmula ang malakas na sigaw.Kung hindi niya ito tinakot, hindi ito susunod sa kanyang utos na tawagan si Xanti. Saka lamang din lumapit ang mga guwardiya sa kanya at tinulungan siyang maibalik sa kama sina Stephano at Nacho.Napabuntong-hininga si Xanti. "Mas lalo akong naniniwala na ipinadala ka upang patayin si Master."Umigting ang panga ni Freni. "Wala akong ginawa sa kanya. Nagising si Nacho n
MATAPOS ANG PAG-UUSAP nila ni Stephano, bumaba na rin si Freni. Hindi na siya nagtagal. Hindi na rin niya nasagot ang tanong nito. Why couldn’t she answered him? Bakit parang ang hirap sagutin ng tanong nito gayong oo at hindi lang naman ang pagpipilian niya? Gaano ba talaga iyon kahirap, Freni? Freni did not know, really. But one thing was for sure. Kailangan niyang ipagpatuloy ang paghahanap kay Sophia. She was running out of time. Baka mamihasa siya sa mundong ito. Dapat hindi rin niya kalimutan na may naghihintay sa kanya sa mundo ng mga tao-- si Lilac at ang mama niya. Bukas, ipagpapatuloy na niya ang paglalakbay. She will gather all the necessary things for her journey. Kaunti lang naman iyon. Nang dumating siya rito, wala siyang dala
KABANATA 24NAGISING si Master na walang kasama sa kanyang kwarto. Everything in his body hurts like hell. Para siyang kakagaling lang makipaglaban sa isang elepante.He tried to sit. Even by sitting, it hurts. As days passed, mas lalong hindi bumubuti ang pakiramdam niya. Baka dumating sa puntong wala na siyang ibang gagawin kundi makaratay sa kama. He tried to hide it from the others para hindi mag-alala ang mga ito, lalong-lalo na kay Freni.Damn. He did nothing wrong but made the woman's life miserable. He was nothing but a bastard and a jerk. She was his soulmate, but what did he do? Nothing. Instead, he had tried to kill her once.
KABANATA 25NAPAKURAP SI FRENI. Nilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng lugar na kinatatayuan niya. Saan na ba siya? Nakabalik na ba siya sa mundo ng mga tao? Totoo ba ang sinabi ni Nacho na ibinalik siya nito sa sarili niyang mundo?Freni swallowed again and again.Kung talagang nakabalik na siya sa mundo ng mga tao, bakit hindi tuwa ang naramdaman niya sa puso niya ngayon kundi takot?Alangan. Sinong hindi matatakot kung napilitan kang maglakbay na gabi na? Even some travellers chose the morning.Freni gasped for some air. She did not like the atmosphere of this place.She looked up at
“KAILAN ka tumakas?” tanong ni Freni kay Izabella nang mahimasmasan ito. Actually, ipinagpalagay na lang niya na Izabella ang pangalan nito dahil sa pangalang nabasa sa anklet nito.Namumula ang ilong nito at mga mata, but she still looked beautiful. Ang tangos ng ilong nito na animo may mixed na lahi. Nakakatomboy ang kagandahan nito. Marahil ang kagandahan nito ang isa sa dahilan kung bakit ipinadala ito para kay Master. Upang madaling umibig ang lalaki rito."Noong nakarating na ako sa kaharian ng Ebrosirka. Noong hindi ko na naramdaman ang presensya ng hari namin."What if nagtagpo ang mga landas ni Stephano at Izabella? Will they fall for each other? Maybe or maybe not. However, who wouldn't fall for her beauty?Are you insecure?
NAGISING SI FRENI na wala na si Izabella sa tabi niya. Late na sila natulog kagabi dahil sa mahaba-haba nilang usapan. Naging matabil ito sa kanya. At nagkwento tungkol sa Zantrominya.Izabella told her about how strict their king was. On how he loved being with the women. Nagseselos din ang asawa nito subalit walang magawa dahil ayaw hiwalayan ng hari.Based in their talks, she realized one thing. Nakaka-miss din pala ang makipag-usap nang matagal sa isang indibidwal. Iyong pinapakinggan ang lahat ng gusto niyang sabihin nang walang anumang judgments na naririnig mula sa kausap. That was the kind of woman she was.Kung hindi lang siya nagsabing matutulog na sila, hindi rin matutulog ang babae.At ang resulta? Kulang na naman ang tulog niya
“TOTOO BA iyang sinabi mo, Izabelle? Hindi ka ba nagsisinungaling?” Baka gino-good time lang siya ng babaeng ito. Pero sana...totoo ang sinabi nito. At kung totoo, that day Nacho meant Sophia's location, not the human world--her world. Magkagayunman bakit pa rin ito nagsinungaling sa kanya? “Ano pa ba ang nakita mo?” Nagkibit-balikat ito. “Wala na. Iyon lang. Hindi na ako lumapit pa. Alam mo namang tumutunog ang bell sa paa ko.” Nabuhayan ng loob si Freni. Sa wakas. Hindi na pala niya kailangan magpakalayo sa gubat na ito. Hindi na niya kailangang maglakbay ng sobrang layo. Nandito lang ang hinahanap niya. Thank you, piping dalangin niya sa langit. This time, magtatagumpay na siya. Ipinapangako niya iyon. Para makalabas na rin sa gubat na ito. After this,
Tatlong taon ang nakalipas… SUMASAKIT NA ANG ulo ni Freni habang binabasa ang hardbound textbooks na hanggang two-inch-thick. Idagdag pa ang mga articles mula sa mga law articles, from different newspapers, and journals. Ang dami pa niyang mga essay exams na kailangan ang legible handwriting niya. Eh, dati pa siyang tamad when it comes to writing. Mas gusto pa niya iyong encoded. Halos wala ng pumapasok sa utak niya sa totoo lang. Nagtapos siya ng kanyang baccalaureate degree sa Political Science a few years ago and after that took an exam namely the Philippine Law School Admission Test (PhiLSAT) na isang prerequisites para makapasok sa basic law courses.
HIS LIFE? Dovee was asking for his life? Ano naman ang gagawin nito sa buhay niya? Sa lahat ng pwede nitong hingin, ang buhay pa niya?Master stared at him, with confusion evident on his face. Hindi na niya ito tinangkang itago pa. Gusto niyang ipabatid dito ang pagtataka niya.When she only stared at him with lopsided smile, Master asked, "Kaunti lamang ang tagal ng buhay ko, Dovee. Bakit mo gustong kunin ito? Can't you see I'm dying?" he said, softly. “You can hear everything, and I am sure you already know about my condition.”This woman was unbelievable. And he could not grasp how her mind works.Akmang nag-isip-isip ito.Inilagay nito ang isang daliri sa baba.
"Anong gusto mong ibigay ko?" tanong ni Master kay Dovee. "Do you want this kingdom? Or my treasures? Name it, Dovee. Napagtanto kong walang saysay ang lahat ng ito kung mawawala si Freni sa buhay ko." Kahit anong gustuhin nito, buong puso niyang ibibigay. Material things did not appeal to him anymore. Tumaas ang sulok ng labi ni Dovee. "Tama ka. Everything will be useless kapag namatay si Freni. Masaya ako at na-realize mo ang bagay na iyan." Pumalakpak ito. "Okay. Huwag na nating patagalin pa. Aalis na rin kami ng manggagamot. But before that, ibigay mo muna ang gusto." "Ano nga iyon? Ang dami mong sinasabi. Kailangan na naming puntahan si Freni. You're the one making it difficult, woman." "Napaka-atat mo, Master. Relax. Ano nga pala ang ibibilin mo, Si
MASTER WAS PACING BACK AND FORTH.Halos mabutas na ang sahig na nilalakaran niya. Dinamba pa rin ng takot ang kabuuan ng pagkatao niya. Takot para sa babae.Ilang oras ng nasa silid si Dovee at ang isang kasama nito. Habang ginagamot si Freni.He just hoped that she was still alive. Hindi niya kakayaning mawala ito. Mas mabuti pang siya na lang kaysa si Freni. Hindi niya kakayanin. Habang buhay niyang sisihin ang sarili oras na may mangyaring masama rito."Xanti? Ayos lang ba sila sa loob?"Pinatawag niya ang lalaki nang makarating sila sa palasyo. At hindi ito unalis sa tabi niya hanggat hindi nila nasisiguradong ayos na ang pakiramdam ni Freni.Hindi niya
NAHIGIT ni Freni ang hininga nang tumambad sa mga mata niya ang hitsura ni Nacho. Bumalik ulit ito sa orihinal nitong hitsura ngunit kapwa nakagapos ang dalawa nitong mga kamay ng tanikala at dumadaloy ang mga dugo sa iba’t-ibang sugat nito sa katawan.Napaawang ang bibig niya. Oh my goddess.Nacho was tortured. Pretty badly.Ano pa ba ang magandang explanation sa sitwasyon ng lalaki?Agad siyang dumulog dito at humanap ng kahit na anong makakaalis sa tali nito."The second guardian of Ebrosirka," bulong ng sirena.“Nacho,” asik niya. “Huwag kang mamatay. Kailangan ka ni Stephano sa tabi niya. Huwag mo siyang iwan.” Pin
NANLAKI ang mga mata ng babae sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" tanong nito na animo hindi narinig ang sinabi.The mermaid heard her loud and clear. Inuutusan lang siya nitong ulitin iyon. And why not? She will give her what she wants. Madali lang naman siyang kausap. "I just said that you are a bitch. May problema ba tayo roon?" tanong niya.Rage nearly consumed her. "Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ang bagay na iyan? Kung tutuusin, pwede kitang patayin sa puntong ito. Sino ka ba? Isa ka lamang mahinang tao. Ni wala ka man lang angking kapangyarihan. At ikaw pa ang may ganang magsabi niyan? How dare you!"Nanginginig ang mga kamay ng sirena. Animo ilang sandali na lang ay sasaktan siya nito.If there was something Freni
THE ROOM did not have enough light so that Freni could see what was inside. But she knew someone was there. And he or she needed some help. Their help.However, the strong smell of urine and human waste attacked their noses.Napaubo si Freni sa tindi ng amoy."Papasok ka sa mabahong kwartong iyan? Amoy patay iyan, tao.""Hindi kita pinipilit na samahan ako sa loob. Kung gusto mong mag-stay rito sa labas at magbantay kung may papasok ba, you go ahead. Basta ako? Titingnan ko kung nasa loob ba ay ang kasama ko.""Nakakasuka ang amoy. Amoy palang, may warning na na huwag ka ng tumuloy.""Shut up! Tigilan mo nga iyang pagiging kontrabida mo sa buhay ko. Kung makaakto ka, daig mo
NAALIMPUNGATAN si Freni nang may dumampi sa kanyang mukha. Or nagkakamali lang siya. Parang haplos ang cheeks niya na hindi niya mawari. Slowly, she opened her eyes. Ang unang bumulaga sa kanya ay ang kadiliman ng kwartong kinalalagyan niya. The place smelled dust and dirt, and it hugged her nose, nearly choking her. She coughed a couple of times. When she finally calmed, inilibot niya ang paningin hanggang sa may mahagip na itim na mga bagay. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang mga aninong umaaligid sa kanya kapwa namumula ang mga mata at animo gustong-gusto na siyang kainin. Napaatras siya ngunit kaunti lang dahil sa pagkakagapos niya. Sa mga kamay. And it was made of steel.
MASAYANG kinukwentuhan ni Lilac si Nacho ng mga bagay na aasahang makikita ng bata sa mundo nila. Ang bata naman, animo nakikinig talaga sa kwento ng babae. Na para bang iyon ang unang pagkakataon nito na makapunta sa kabilang mundo.Ang galing lang talaga umarte ng bata.And what did he think? Na nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya?Her longingness for him changed into irritation. Ganoon-ganoon na lang ba talaga iyon? Na kakalimutan na lang nito ang pag-teleport nito sa kanya sa panganib?Mayamaya ay napasulyap si Nacho sa direksyon niya. At ngumiti lang ito sa kanya.What the hell?Gusto niya itong sumbatan. Subalit hindi niya magawa dahil