February’s POV
“Happy birthday, Zeal,” bati naman ng kararating lang na lalaki. Mukhang ang daddy ni Fiona.
“Thanks, Tito,” nakangiti nitong bati pabalik. Now that I think of it, hindi ko pa pala nakikita ang Daddy nito mula kahapon. Maski sa bahay nila ay wala ito, akala ko’y babalik ngayon sa manila dahil nga birthday ng kanyang anak.
“Come here, Zeal, let’s take a picture, para kumpleto naman ang taon sa album natin,” sabi ng Mommy ni Fiona.
“Oo nga, Zeal, halika rito,” sabi naman ni Fiona sa kanya. Nagdadalawang isip itong iwan ako ngunit mahina ko siyang tinulak at nginitian.
“Don’t mind me, Architect, kaya ko sarili ko. I’ll eat muna,” sabi ko at nginitian pa siya. Matagal pa niya akong tinignan bago lumapit doon.
Nakita ko namang napangiti siya nang magbiro ang Da
February’s POV“Tiyansing ka na...” natatawa kong sambit na tinulak pa ito. Sa pagkakataong ito, hindi peke ang pinapakitang ngiti.“You’re the one who touched my abs, Missy,” natatawa niya namang sambit.“Ang kapal mo! Wala ka niyon! Halika na nga’t bumalik na tayo sa loob,” sabi ko na hihilain na sana siya ngunit hindi ito nagpatinag. Tinignan niya pa ang kamay ko na hawak-hawak ang heels saka tinignan ang paa ko.“Let’s stay here for a while, I’m really tired talking with the visitors all day...” sabi nito.“Palusot ka naman, ang sabihin mo, gusto mo lang akong kasama,” natatawa kong biro.“Hmm, yeah...” sabi niya naman, hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang malapad dahil dito. Ang bilis-bilis niya lang talagang alisin ang mga negatibong nasa utak ko.
February’s POV“Ano, Febi? Sabi ko naman kasi sa’yo huwag kang masiyadong nagpapaniwala riyan kay De Silva. Kita mo nga naman ngayon, nagsawa na agad sa’yo,” natatawang saad ni Aling Ruby sa akin. Pinili ko na lang hindi pansinin ang sinasabi nito.Hindi pa ako nakakalagpas nang magsalita nanaman siya.“Oh ano? Hindi ka makapagsalita ngayon? Nakita daw nina Ana Marie ‘yang si Zeal na may kasamang mestisang babae. Mukhang wala ka na talagang laban do’n,” natatawa niya pang saad sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ng noo dahil do’n.Magdadalawang buwan ang nakalipas simula no’ng pumunta ako sa bahay nina Sapphire, ‘yon na rin ang huling pagkikita naming dalawa. Hindi kami naghiwalay, ang sabi niya lang ay marami siyang pinagkakaabalahan ngayon at walang oras para pumunta dito.Ayos lang naman sa
February’s POV“Hindi ho talaga kayo sasama, Nang, Tang?” hindi ko maiwasang itanong kina Lolo at Lola.“Hindi na, Apo, marami pa kaming ginagawa dito, mag-iingat kayo,” sabi ni Lolo sa akin. Tumango naman ako.Sinusundo kasi ako ni Sapphire ngayon, birthday ni Donya Emilya at iniimbita nanaman ako na tumungo sa malapalasiyong bahay nito.“Let’s go?” nakangiting sambit ni Sapphire sa akin, ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos ng pagpunta nila ng Tita niya. Minsan pa sa tawag ay hindi ko ito makausap ng matino.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya. Hindi ko alam kung nagsasawa na ba ito o ano. Napatingin naman siya sa akin, napansin siguro ang tingin ko sa kanya.“Hmm?”“Are you really busy?” hindi ko maiwasang itanong.“W
February’s POVTulala lang ako habang nagdidiscuss ang guro, iniisip ang nawala kong scholarship ngayon. Ang sabi’y nag-alis daw sila, maayos naman ang mga grado ko, ayos naman ang performance ko sa klase kaya hindi ko maintindihan kung bakit naalis ako. Gusto kong magreklamo, hindi ko nga lang alam kung paano.“Febi! Febi!” Napatingin ako sa labas ng classroom ko nang makita ko si Isaac na tinatawag ako, mukha pa itong natataranta kaya napakunot ako ng noo sa kanya.“Anong problema mo?” tanong ko nang makalabas..“Ang Lola’t Lolo mo!” Napakunot naman ako ng noo at ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso.“Ano?” hindi ko maiwasang itanong dahil hindi pa rin nito dinudugtungan ang gustong sabihin.“What the fuck is it?” iritado ko ng sambit sa kanya.&ld
February’s POVKita ko naman ang malakas na pagbuhos ng ulan ngayong nandito na ako sa bus, sakto pa talaga kung kailan paalis ako.Hindi ko alam kung ayaw lang ba talaga akong paalisin o ano. Hindi ko maiwasang mangalumbaba habang pinagmamasdan ang labas. Halos hindi na makita ang paligid dahil sa sobrang lakas nito. Ngayon pa talaga. Saka ko lang naalala na may papasok nga pa lang bagyo kahapon.Tahimik lang ako, buo na ang desisyon sa kung ano mang gagawin. Wala nang atrasan ‘to. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko dahil hindi ako nakatulog kahapon kaiisip sa kung anong mangyayari. Nakatulog naman na ako sa pag-iisip. Nagising na lang ako nang makitang nagsisibabaan na ang mga pasahero.“Ano pong nangyayari?” tanong ko.“Nasiraan ang bus, lumipat na kayo sa kabila,” sabi nito.Hindi ko alam kung senyales na ba ‘t
February’s POV“Febi… nandito ang mga De Silva...” bulong sa akin ni Aling Sally. Hindi ako nagsalita, hindi rin gumagalaw sa pwesto ko.Nakatulala pa rin sa litrato nina Lola’t Lolo na siyang nasa harap ko ngayon. Wala pang resulta sa imbestigasiyon ngunit ang pangunahing suspek nila ay ang Papa ni Sapphire.“Febi… papasok na sila,” hindi mapakaling sambit ni Aling Sally.“Papasukin niyo lang ho...” sambit ko dahil alam kong kahit paano’y may pinagsamahan din sina Donya Emilya at ang Lola ko. Hindi pa rin naman ako nagsasalita, hinahayaan lang silang nagsipasok sa loob.“Sorry for your loss, Febi...” mahinang bulong ni Tita sa akin. Hindi ko magawang ngitian ito tulad ng nakasanayan ko. Ni hindi ko ito nayakap pabalik ng yakapin niya ako.“Ang kakapal naman ng mukha ng mga
Sapphire’s POV“Hoy, Insan, sino nanaman tinitignan mo diyan?” natatawang tanong sa akin ng pinsan kong si Franco.“Huwag mong sabihing may natitipuhan ka rito?” Humagalpak pa siya ng tawa kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Agad naman siyang umarteng parang zinizipper ang kanyang bibig.Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito at nanatili ang tingin sa babaeng patuloy pa rin ang pagngiti sa mga bisita kahit na mukha naman na ‘tong naiirita.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy ko pa rin itong tinitignan kahit naiinis ako sa ngiti nito na halata namang hindi tunay.“Ayos lang po... sige po, ako na po ang bahala riyan...” sabi niya na kinuha ang iniuutos ng mga pinsan kong tarantado. Alam ko naman na pare-parehas kaming walang magawa dahil napilitan lang kming sumama kay Lola rito sa probinsiya, inimbita kasi siya ng may-ari
February’s POV“You’re really going back, Febi?” tanong ni Isaac sa kabilang linya.“Hmm, yeah. We’re already packing,” sambit ko naman pabalik.“Sige na, ibaba ko na. See you soon,” sambit ko sa kanya.“Alright, see you, Febilyn,” natatawa niya pang saad bago ako pinatayan ng tawag.Nilagay ko naman na ang natitirang gamit namin sa truck na magdadala nito pabalik sa probinsiya kung saan ako lumaki.Simula kasi ng mawala si Lola, lumipat kami sa Conception, Tarlac pagkatapos malaman kung sino nga ba talagang pumatay sa kanila.Napag-alaman naming hindi ang Daddy ni Sapphire ngunit si governor mismo. Ang witness na nakakita ay kasabwat na bumaril. Hindi raw kasi nagsalita sina Lola, tikom pa rin ang bibig kahit na pinakitaan na raw ng pera. Sa takot na siraan sila nina Lola,
Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan
February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah
February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya
February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo
February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la
February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam
February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph
February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.
February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa