Chapter 22
ANG SAKIT sa dibdib at ang hirap huminga nang maayos kung ganito ang nararamdaman ko. Humahapdi pa ang mata ko dahil sa halo-halong emosiyon.
Parang sasabog na ang puso ko nang makitang may pumatak na luha sa mata niya.Ang ibig sabihin..."Sino si Boss?" ang ulit ko. "Sino siya?!"Pero hindi niya masabi at panay lang ang iling. Tumayo ako para lumapit pero agad siyang lumayo.Agad kong nahabol ang braso niya. "Sabihin mo sa 'kin, sino siya?" mas mahinahon na ang boses ko. "Hindi mo kayang sabihin? Bakit?"Tuluyan na siyang umiyak. Pumatak sa kamay ko ang luha niya. Binitiwan ko ang braso niya at niyakap siya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan."Shhh... tahan na," ang bulong ko,"I'm so sorry Aaron... I'm sorry," ang hikbi niya."Ayos lang," sabay punas ko sa luha niya. "Hindi na importante sa 'kin kung ano man ang nangyari."Ilang beses siyang umiling at pagkatapos ay lumayo sa akin. "Aaron... I'm sorry, pero kailan[Past]SA SENYAS ng staff crew ay naglakad ako sa gitna ng stage. Madilim dahil hindi pa binubuksan ang ilaw. Tumingin ako sa pianist nang mag-umpisa na itong magtipa sa piano.Pumikit ako para damhin ang musikang nililikha ng piano. Inangat ko ang hawak na microphone at buong pusong inawit ang 3rd single ko.“Lubusan mang nasasaktan, hindi maiibaTibok nitong puso’y tanging sa ‘yo lamangLimutin mo man ako’y laging nariritoSana’y madama mo itong tinitibok ng puso…”Nang imulat ang mata ay may nakatutok na sa aking ilaw. Tiningnan ko ang mga audience na parang nakikita ko talaga sila. Kahit madilim at tanging sa puwesto ko lang ang may ilaw ay patuloy ako sa ginagawang pagtingin sa audience. Gusto kong maramdaman nila ang kinakanta ko.Lalo na at ako mismo ang nag-compose at nag-arrange. Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ang kantang ito.Masigabong palakpakan ang natanggap ko
[Present]BIGLA kong nakita si Mama na papunta sa amin pero nang makita niya ako ay bigla siyang nagulat at mabilis na napa-atras.“Anong ginagawa niya dito?” ang tanong matapos makitang nakasunod sa kanya si Papa.Kita ko ang kaba sa mukha ni Mama matapos akong magtanong.“Napadalaw lang ako, Aaron,” ang sagot ni Papa.“Maayos ang buhay namin kaya hindi mo kailangang dumalaw.”“Aaron,” ang saway ni Mama at saka lumapit sa akin. “’Wag ka namang magsalita ng gan’yan sa Papa mo.”Pero hindi ko pinakinggan si Mama. “Ano bang kailangan mo? Naubos na ba ang perang binigay ko sa inyo?”Gumuhit ang galit sa mata niya matapos ko iyong sabihin. “Wala kang galang, a!”Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Mama. “Sa kwarto lang po ako,” ang sabi ko at nilampasan sila.“Napakawalang-modo, porket artista’t sikat,” narinig
NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Bumangon ako para ayusin ang kurtina pero bago pa makatayo ay agad kong naramdaman ang sakit sa ulo. Ilang beses akong napamura dahil sa sobrang sakit.Gaano ba karami ang nainom ko? Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.Nahigit ko ang hininga nang biglang sumakit ang tiyan. Sh*t! sobrang sakit!Muli akong napahiga nang hindi na kinaya ang sakit. Resulta na ata ito nang pag-inom ko ng walang laman ang tiyan. Kahapon pa ako hindi kumakain.Hindi pa nagpupunta si Gab dito simula nang magkasagutan kami.Imbis na ayusin ang kurtina ay lumabas na lang ako ng kwarto para maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan.“Bw*sit! Wala bang gamot para sa sakit sa tiyan?” Namimilipit na ako sa sakit. Halos itapon ko na ang laman ng medicine box para lang mahanap ang kailangan pero wala akong makita kahit isang gamot para sa tiyan.Pumunta na lang ako sa kusina at uminom ng tubig. Baka saka
NAGISING ako at agad hinanap ng mga mata si Thalia. Muntik pa akong bumangon para hanapin sa labas.“Aaron?”Napalingon ako nang lumabas siya mula sa banyo.“Akala ko umalis ka na,” ang sabi ko matapos makahinga nang maluwag.“Naghugas lang ako ng kamay,” ang sagot niya at lumapit sa akin. “Humiga ka ulit, hindi ka pa magaling.”Sinunod ko ang sinabi niya at muling nahiga. Tiningnan ko sa side-table ang orasan. Malapit na palang magtanghali.Napansin ko ang damit niya. Kahapon niya pa ito suot. At sigurado akong hindi pa siya nakakauwi sa kanila. “Baka hinahanap ka na sa inyo.”“Nagpaalam na ako kay Daddy at Mommy kaya ayos lang.”“Pero kasi…” Pagkatapos ay tinuro ko ang suot niyang damit.“Bakit?” ang tanong niya. Mukhang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.“Kahapon pa kasi ‘yang suot mo. Baka lang hindi ka na komportable.”Sandaling lumikot ang mga mata niya.“Kung okay lang sa ‘yo may extra akong damit d’yan. Never ko pang nagamit. Pwede ka rin
SA LOOB ng ilang linggo ay naging maayos ang trabaho ko. Kahit may dumagdag na mga project ay mas maayos naman sa point na nakalimutan kong may project pala kaming magkasama.Laking pasalamat na lang siguro na naging artista ako at kayang kontrolin ang emosiyon sa harap ng ibang tao.“Do’n lang ako sa likod,” ang sabi ni Gab matapos magkumustahan sa director, staff and cast ng movie. “Ito nga pala ang script.” Sabay abot sa akin.Tinapik ko lang ang balikat niya saka naupo. Katabi ko sa long table ang female lead. Sa hilera namin ang ibang actor na may malaking role sa movie. Kahit hindi ko nakuha ang lead role na in-audition ay thankful pa rin ako dahil napasama sa cast.Ang papel ko sa movie ay kaibigan ng leading man at isang doctor.Sa kabilang side naman ng table nakaupo si Noreen, sa pinakadulo. Nakangiti sa lahat pero hindi man lang ako matignan. Parang hindi ako nag-i-exist sa paningin niya at tumatagos lang.Well,
IN-OFF ko ang shower saka hinagod ang basang buhok. Inabot ko sa may sink ang towel at saka ibinalot sa bewang. Kahit tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ay lumabas na ako ng banyo at lumapit sa side-table para kunin ang cellphone na kanina pa nagri-ring.“Hello, ‘Ma?” ang sagot ko sa kabilang linya.“Kumusta ‘Nak?”“Okay lang ‘Ma, kailan ang balik mo?” Naglakad ako palapit sa cabinet at kumuha ng damit.“Siguro next week pero hindi ko pa sigurado.”“Hmm…” biglang sumagi sa isip ko iyong nangyaring pagtatalo namin noong huli. Nag-sorry na ako sa kanya pero parang hindi sapat iyon. Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya dahil muli siyang bumalik sa probinsiya kasama si Tita habang may sakit ako.Sa susunod, sisiguraduhin kong dadalaw ako sa bahay at hihingi ng tawad sa ginawa ko.“Okay ‘Ma, dadalaw ako sa bahay pag-uwi mo.”
ILANG BESES akong nag-doorbell sa pinto ng apartment ni Gab. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Baka hindi pa iyon gising at nakalimutan ang usapan ngayon. Ang linaw-linaw pa naman nang sinabi ko na maaga kaming aalis dahil malayo ang airport.“Gab!” ang sigaw ko pa na kulang na lang ay kalampagin ang pinto para lang makapasok. Kung bakit kasi wala akong duplicate sa susi ng apartment niya, samantalang siya kayang maglabas-masok sa condo ko.Muli sana akong magdo-doorbell nang buksan na niya ang pinto. “Ano ba! Nabibingi na ako sa kaka-doorbell mo,” ang reklamo niya. Inis ang mukha pero hindi ko na iyon pansin at sa suot niya lang nakatingin. Hindi siya mukhang bagong gising at mukhang nakapanglakad.“Ba’t kasi ang tagal mong buksan ang pinto? Kanina pa rin ako tumatawag tapos hindi mo naman sinasagot.”“Nag-number two ako,” sabay pakita ng kamay sa akin. “Kung gusto mo, am
NAKAPIKIT akong bumangon sa kama nang magising sa ingay ng doorbell. Tiningnan ko muna ang orasan sa may side-table bago lumabas ng kwarto.Five forty-three? Sino namang magdo-doorbell sa condo ko nang ganito kaaga?Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa buksan ang pinto. “Anong—!“ Bigla akong matigilan nang makita ang isang babaeng naka-cap at mask. Itim ang suot na damit at pants.Sino ito?!“Ahhhh!!” Bigla siyang sumigaw at nagtatatalon. Muntik pa nga akong yakapin pero mabilis kong naisara ang pinto. Ni-lock ko agad kung saka-sakaling buksan nito mula sa labas ang pinto.“Aaron!” ang rinig ko pang sigaw ng babae sa labas. Napaatras ako nang kalampagin pa nito ang pinto.Anong nangyayari?! Fans ko ba iyon? Bakit nakapasok rito sa building?Nagpunta ako sa sala para tawagan ang security ng building. “Hello?... Yes, sa condo unit 049 ‘to. May babae sa labas ng pinto ko… Pwede bang umakyat kayo r
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth
SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.
DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a
HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko