''kamusta ka ?" unang nagising si Zaira kay Kyler kaya pagtingin niya kaninang nagising siya ay nasa isang kama na ang kanyang asawa kaya agad siyang lumapit at hinawakan ang mga palad nito . Tinatanong niya kahit hindi pa ito gising .Alam niyang naririnig siya ni Kyler gusto niya kausapin parin ito . ''epekto ng gamot yan iha kaya hindi pa siya gising '' nagpasalamat siya sa kanyang ama at ama ni Kyler . Hindi niya makakaya kung mawawala ang kanyang asawa sa piling nilang mag iina sapat na yung nawala na ito ng matagal bago sila ulit nagkita . Ilang oras ang nakalipas ay agad na bumalikwas sa pagkakahiga si Zaira ng makita niyang nagmulat na ng mata si Kyler . '' I'm glad gising kana baby '' hinalikan niya ito sa pisngi at labi . Natuwa naman si Kyler dahil unang mulat niya sa kanyang mata ay ang asawa niya ang unang bumungad sa kanya . ''matunaw ako sa kakahalik mo baby '' natawa nalang si Zaira at umupo sa tabi nito .Hindi niya mapigilan ang kanyang saya dahil ligtas na
"mama papa asan po kayo!" malakas na sigaw ni Zaira pagkagising mula sa ilang araw nitong pagtulog. Nilibot niya ang buong bahay ngunit walang ingay na naririnig.Pagkabukas niya sa kwarto ng mga magulang ay malinis at walang kalat. "mom ,dad" naiiyak siyang umupo habang yakap yakap ang kanyang tuhod. "zaira gising kana pala" tanong sa kanya ng katulong. "ate asan si mommy at daddy ." pumunta agad si Jane kay Zaira at niyakap ito. "shhhh .Wala na sila. Zaira .hindi na sila babalik dahil patay na sila. Zaira move on .please! tulungan mo ang sarili mo tignan mo yang katawan mo nangangayayat kana dahil ilang araw ka makakatulog dahil sa epekto ng gamot sayo." mahigpit niyang niyakap ang among dalaga dahil hindi niya matanggap ang naririnig at sinasabunutan ang buhok. "No!!! Ate I need my parents" lalong umiyak ang dalaga dahil walang siyang matandaaan na wala na ang mga magulang nito. Kinuha ni Jane ang gamot na nireseta ng doktor para sa sakit ni Zaira .Malaki ang tra
"pasok" utos ng lalaki sa mga tauhan .Bilis na umakyat ang isang tauhan at pinagbuksan ang mga kasama mula sa gate .Pagkapasok nila sa gate ay mabilis silang pumasok sa loob ng mansion ng dahan dahan.Akala nila may tao parin sa loob ng mansion kaya animo parang magnanakaw ang mga to na dahan dahan pumasok at hindi nakakagawa ng ingay .Nilibot nila ang paningin ay tahimik at maayos kaya pumunta sila sa kwarto kung saan may hahanapin sila."shit naunahan nila tayo wala na sila dito at nakaalis na" "halughugin ang buong bahay hanapin ang hinahanap ng dokumento!" sigaw ng lalaking nakatayo sa harap ng hagdan . Halos magintigan ang mga ngipin dahil sa inis na nawala ang mga target ."boss mukhang nadala nila pati mga alahas ng mga chua ay nawawala ganun din po sa mga kwarto dito .May mga natirang dokumento sa opisina ngunit wala doon ang pakay boss" .tikom ang kamao ng pinaboss dahil sa galit.Nagtataka siya kung sino ang tumulong sa kanila gayong walang alam ang katulong at batang kas
Nagluluto ng malasadong itlog si Aling martha ng may nauligan siyang tunog ng sasakyan na palapit sa kanilang kubong bahay ."tonyo ! tonyo! meron na ang anak mo .siya na ata tong parating!" hananao niya ang kanyang asawa na abala sa ginagawang lambat ."meron na ba .!!tara salubungin natin ang anak natin!" tumayo ang si Tonyo saka pumunta sila sa labas ng bahay dahil tumigil ang kotse sa harap ng bahay nila. Bumalik muna si Martha sa loob ng kusina para takpan ang mga ulam dahil baka itakbo ng mga pusa nilang alaga lalo .Isda ang ibang niluto niya. Kinarga niya muna ang isa sa pusa na kumukiskis sa paanan niya at nilagay sa loob ng kwarto nila. "martha ! martha halika !" sa sobrang taranta ng asawa ay bilis siyang lumabas para makita ang anak. "nay tay!" nakangiti si Jackson sa kanyang magulang dahil nagtataka ang mukha nila sa kasamang babae .Nakanganga ang mga ito at gulat na gulat."hello po magandang umaga po!" lumapit si Jane sa magulang ng lalaking kasama. Nagmano ito sa kan
Nagngingitngit ang kalooban ni Alice dahil sa itsura ng asawa ng kaibigan. Maganda at maputi ito .Samantalang siya ay morena lamang maganda siya sa paningin ng taga sa kanila ngunit baka maagawan siya ng spot light pag nakita nila ang babaeng asawa ng kaibigan at ikumpara ito sa kanya. "nay ,tay, alice, maiwan ko muna namin kayo at mag papahinga na kami dahil pagod na tong asawa ko sa byahe.Baka makagawa pa kami ng bagong an... awwww!" siniko ni Jane si Jackson habang nagpapaalam sa magulang dahil sa sobrang daldal ay nakatikim ito. Namimilipit si Jackson sa sakit mula sa tagiliran niya hindi niya akalain na ganon pala kasadista ang babae.Naunang pumasok si Jane sa loob ng kwarto at nakita niyang nakatulala si Zaira .Mabilis siyang lumapit sa alaga ."zaira are you okey !" pag aalalang tanong niya sa dalagitang nakatulala parin."asan tayo .nanaginip akong may humabahabol at papatayin nila tayo!" nangangapa ang isip ni Jane kung ano ang pwedeng ipaliwanag sa alaga kung ano ang n
Pagkatapos kumain si Zaira ay siya na ang naghugas ng pinagkainan nito at saka niya inutusang lumabas muna sa sala ang bata."ang ganda mo namang bata ka.Para kang artista!" namamanghang lumapit si Alice kay Zaira at hinaplos ang mga malambot nitong balat saka tinitigan ang mukha."kamukha mo nga ang panika..Para kang manika.Sana pag nagkaroon din ako ng anak .Ipaglilihi ko siya sa manika" hindi na nagawang mahiya ni Alice sa bata na anak ng minamahal na lalaki dahil sa kilig niyang iniisip na magkakaroon siya ng anak at maging mukhang manika din ito pag pinaglihi ."salamat po .Papa .Lo,la maiwan ko muna kayo jan .It because i Feel sleep!" tulalang nakatingin na naman ang tatlo sa batang nasa harapan nila. Samantalang si Jackson ay natatawa at napapailing dahil sa bata. "yes baby ..Sleep well..go na!"ngumiti siya sa bata at tumuloy si Zaira sa kwarto kung saan sila galing kanina. "si Zai...?" tanong ni Jane pagkalabas si kusina.Nakita niyang nakatingin si Jackson sa damit niyang ba
Walang siyang alam sa mga papel na nagkalat sa sahig .Ngunit agaw pansin sa kanya ang maliin na envelop . "pwedeng buksan!" tinignan ni Jane ang hawak ng kaharap at hinablot niya ito at siya na ang nagbukas. "passbook ..!" namangha siya sa laman ng passbook at nakita niyang malaking halaga ang nadeposit dito. "ba--bakit hindi nalang nila pinambayad to sa utang nila .." naiinis niyang inaalala ang nakaraan kung saan sunod sunod ang naniningil sa pamilya ng chua. "naniniwala ka bang bago mamatay ang mag asawa .ay nagkautang ang mga .Look tignan mo tong papel na to..Ito ang hinahabol nila at hinahanap noong patakas na tayo!" tinignan ni Jane ang isang papel at nakasaad doon na may nakasaad ang account nila na trillion ang laman at sila lang ang makakabukas or pag meron na 25 years old ang anak nila ay doon na ipapasa ang pangalan ng anak ang halaga na nakasaad sa banko .Pirmado ng president ng bangko at limang attorney .Hindi basta basta ang nakasaad sa papel mukhang pangalawang
Pagkatapos ng kanilang usapan ay nag impake muna sila at saka nag paalam si Jackson papuntang bayan para bumili ng kulungan ng mga pusa . "ayy aalis po kayo!" tanong ni Alice na may hawak na bowl na may lamang ulam nakita niya ang mga maleta at malalaking bag na nasa sala. "Alice ikaw pala yan!. oo aalis muna kami sasama muna kila Jane dahil gusto naman namin papasyal .Pasok ka!" sumimangot si Alice dahil hindi na niya makikita si Jackson at ganun din ang magulang nito.Napamahal na siya sa magulang ng mahal niyang lalaki .Kaya kahit may asawa na ito ay hindi niya magawang magalit dahil mas tinuring siyang anak nito. "pwede bang sumama?" malungkot niyang saad. Nagkatinginan ang mag asawa . "Hindi pwede ...!" matigas niyang sagot sa dalaga. Kararating lang ni Jackson na may dalang kulungan ng pusa at pagkain nito . "bakit hindi pwede .Gusto ko lang umalis na dito!.feeling ko kasi walang future dito at alam mo naman mga magulang ko parang mainit ang mata nila sa akin .Kung pagbubuk
''kamusta ka ?" unang nagising si Zaira kay Kyler kaya pagtingin niya kaninang nagising siya ay nasa isang kama na ang kanyang asawa kaya agad siyang lumapit at hinawakan ang mga palad nito . Tinatanong niya kahit hindi pa ito gising .Alam niyang naririnig siya ni Kyler gusto niya kausapin parin ito . ''epekto ng gamot yan iha kaya hindi pa siya gising '' nagpasalamat siya sa kanyang ama at ama ni Kyler . Hindi niya makakaya kung mawawala ang kanyang asawa sa piling nilang mag iina sapat na yung nawala na ito ng matagal bago sila ulit nagkita . Ilang oras ang nakalipas ay agad na bumalikwas sa pagkakahiga si Zaira ng makita niyang nagmulat na ng mata si Kyler . '' I'm glad gising kana baby '' hinalikan niya ito sa pisngi at labi . Natuwa naman si Kyler dahil unang mulat niya sa kanyang mata ay ang asawa niya ang unang bumungad sa kanya . ''matunaw ako sa kakahalik mo baby '' natawa nalang si Zaira at umupo sa tabi nito .Hindi niya mapigilan ang kanyang saya dahil ligtas na
''lapit na tayo sa hospital ah .Hold on baby !" hindi alam ni Zaira kung saan siya hahawak sa katawan ni Kyler na duguan . Hindi niya makakaya kung iiwan siya ng kanyang asawa . ''lumaban ka para sa mga anak natin ..hindi namin alam ang gagawin namin kung mawawala ka baby pleased!'' lalo siyang naiyak ng makitang wala paring malay si Kyler.Dahil sa takot niya ay inutusan niya ang nurse na kasama niya sa ambulansya para suriin ang pulso ng kanyang asawa .''malakas ang pulso niya ma'am nawalan lang ng malay si sir dahil sa dugong nawawala sa kanya '' medyo malayo pa sila sa bayan kung saan may hospital kaya labis ang pag aalala niya sa kanyang asawa . ''tito .opo ihanda niyo lang po ang dugo na para kay Kyler opo sige po salamat '' nakasunod parin ang team nila Brandon sa ambulansya na lulan ang si Kyler . Kahit hindi niya totoong pinsan ang ito ay nasa isip at puso niya parin ang pagiging magpinsan nilang dalawa . Pagkarating nila sa hospital ay agad na pinasok si Kyler sa emerge
Nakayakap si Kyler kay Zaira habang tulog ito sa byahe .Pauwi na sila ng syudan dahil kailangan na nilang bumalik lalot namiss na nila ang kambal . ''pwede bang dyan muna tayo sa restuarant .Medyo naiihi na kasi ako '' inaantok na saad ni Zaira.Malayo pa sila kaya kailangan na niya rin magbawas para sa kanilang byahe . Inalalayan muna ni Kyler ang asawa niya pababa ng van . ''Dapa '' utos nito ng may makita siyang pulang bilog sa likod ni Zaira . Natarantang sinunod ni Zaira ang utos ni Kyler saka bumalik sa loob ng van . Nanginginig na yumuko siya sa gilid ng upuan .Hindi naman nila problema ang Van dahil bulletproof ito kaya safe sila sa loob . Nakipagpalitan ng putok ang mga kasamahan ni Brandon kasama rin siya sa sumama sa paghatid kay Kyler . ''shit this is ambush!" saad ng kanyang kasamahan . ''do it properly bro dapat walang isang mawawala sa atin '' agad niyang kinuha ang selpon niya sa kanyang bulsa at tumawag sa kapulisan para sa kanilang back up . '' tama na wag
"natagpuan na namin kung saan nagtatago sina Jerry at Franco" biglang nabuhayan si Celine pagkabalita ni Arden tungkol sa mga puganteng sina Jerry. Akala niya mamatay siyang hindi niya nakikitang magdusa ang mga ito sa mga nagawa nilang kasalanan sa kanya . "ayos ka lang ba ate?" napapansin ni Arden na pumapayat na ang pinsan nito .Ngumiti lang si Celine at tinapik ang balikat ni Arden .Ayos lang naman siya at katawan niya lang ang bumabagsak. "dapat mahuli na sila Arden para sa kaligtasan ng lahat " umalis na siya sa harapan niya si Celine.Bigla siyang naawa sa pinsan niya dahil sa sakit nito alam niyang may cancer ang pinsan niya pero hindi niya alam kung anong stage dahil hindi pa niya sinasabi ang tungkol sa kalagayan ng sakit niya. "tama ba yung narinig ko Arden mahuhuli niyo na sina Jerry?'' hindi niya sinasadyang marinig ang usapan nila kanina . "sana nga po tita dahil hindi madali ang laging may takot sa ating sarili .Gusto ko na rin mabuhay tayong payapa at walang iniis
''you may kiss the bride '' mabilis na itinaas ni Kyler ang belo ng kanyang asawa .Isang linggo lang ang kanilang preparation sa kanilang kasal dahil hindi naman bongga at walang bisita .Ang importante lang sa kanila ang pare na magkakasal sa kanila .Sa likod ng compound may dagat doon at puting buhangin kaya doon ginanap ang simpleng kasal na meron sila .Ang importante kompleto ang pamilyang meron sila . Kahit wala gaanong bisita ay sapat na sa kanilang pamilya dahil pribado at pag iingat lang kaya mabilisang preparation ang kanilang ginawa. Nasa kabilang bahay ang dalawang bata at hindi na mula nila pinakita sa lahat dahil ayaw nilang malaman ng mga kalaban na may mga bata at baka ito pa ang paginitan nilang saktan . ''congrats sa inyo '' bumeso si Jasmine sa dalawa at kahit simple lang manamit si Zaira ay maganda na ito .Hindi parin siya makapaniwala na ang bestfriend niya ay tunay niyang kapatid . ''salamat Jasmine sana magkaroon kana rin tulad ng kuya mo '' natatawang saa
'' dad !'' gulat si Zaira sa nakikita niya magkasama ang ina at ama nito .Naiyak siya dahil finally kompleto na ang pamilyang meron siya . ''ayyyy sorry nahuli ako ng dating !'' kararating lang din ni Jasmine kasama si Arden . Lihim na sinundo ni Arden si Jasmine sa kanila .Alam ni Jasmine na si Arden ang kasama niya papunta sa kinaroroonan nila Zaira dahil hindi pa siya pwedeng magisa lalot laya parin ang kalaban ng kanyang pamilya . ''waiittt Who are these cute litte persons ?'' nakatingin sa kanya ang dalawang bata na parang pinagmamasdan siya ng mga ito . ''mga anak namin ng ate mo " napanganga siya sa sinabi ni Kyler at blankong tumingin kay Zaira . ''totoo ang narinig mo .Kapatid siya ng anak kong namatay . Triplets sana sila kaso silang dalawa lang ang nabuhay '' nagtitiling yumakap si Jasmine kay Zaira hindi nga siya nagkakamali noon na hindi lang isa ang nasa tyan nito dahil sa sobrang laki at bilog nito . ''dalawa na agad ang pamangkin ko wow !!'' masayang lumap
''bakit ganyan ang itsura mo Celine ayos ka lang ba ?" nakipagkita si Celine kay Haris .Alam niyang hindi na siya magtatagal .Kung tinanggap niya an chemo mahahalata sa kanyang katawan ang pagbagsak ng kanyang kalusugan .Pero dahil hindi niya tinanggap ay nanatili parin ang mga buhok niya at tanging immune system niya lang ang naapektuhan dahil sa sakit niyang colon cancer . ''hindi ako maayos Haris nakipagkita ako sayo dahil gusto kong sabihin sayo na alagaan mo si Zaira '' ''para ka namang nagpapaalam na sa lagay na yan '' tinitigan niya si Celine at halata niya sa dating kasintahan nito na may malubhang sakit ayaw niyang magtanong dahil gusto niya hintayin nalang niya na aminin ni Celine .''may cancer ako Haris at malapit na akong mamatay '' ''what my gosh Celine bakit di ka magpagamot ..ayos ka lang ba ..at bakit mo nasabi malapit kana mamatay ?" lumapit si Haris sa kanya at niyakap .Hindi siya makapaniwala na kung kailan malubha na ang sakit ni Celine ay doon palang magpapaki
Ilang putok ang ginawa ng mga armadong mga kalalakihan habang pinagbabaril ang driver kung saan nakasakay si Jerry .Ililipat nila ito sa masikip na kulungan sana pero nakatimbre ang iba nilang tauhan kaya nagplano sila kung paano makuha ang kanilang boss . Hindi naka handa ang mga pulis sa pagsalakay ng mga armadong kalalakihan kaya namatay ang mga nasa bantay ng mga ililipat na preso .Natangay nila ang sasakyan kaya nakipag habulan sila ngunit may nag abang din palang ibang grupo .Halos hindi sila makapaniwala sa naganap dahil isang iglap lang namatay ang ibang bantay .Iniwan nila ang sasakyan ng preso at wala ng laman kundi ang mga naiwan ay mga pulis na may mga tama ng baril kaya agad silang tumawag ngrescue para sa kanila . "shit !!" pinagtatadyak ni Arden ang gulong ng kanyang kotse matapos malaman na nakatakas si Jerry ang masaklap maraming autoridad nawalan ng buhay dahil malakas ang pwersa ng mga armado at talagang pinagplanuhan . "Arden nasaan ka ...tama ba yong narinig
Pagbalik ni Arnold sa loob matapos makatanggap siya ng dalaw.Medyo nag alinlangan siyang sabihin sa amo nila ang tungkol sa sinabi ng asawa ni Boyet na siyang inutusan niya maghatid ng balita sa kanila . "boss wag kayong mabibigla ." abala ito sa pagbabasa ng newspaper at may nagmamasahe sa likod nito .Kahit nasa loob ay siya parin ang sinusunod ng kanyang mga tauhan . "sabi ng asawa ni Boyet nalaman niyang patay na ang isa mong anak" " ano sabi mo ...namatay ang isa kong anak dahil kay Veronica?" "opo yon ang sinabi boss" kinewento niya ang ibang sinabi ng kanyang dalaw .Hindi makapaniwala si Jerry sa mga narinig . " ayon sa asawa ni Boyet kalilibing lang kanina ang anak niyo . " pinagsusuntok ni Jerry ang pader at tahimik na umiiyak .Hindi matanggap na hindi pa niya nakakapiling ang mga anak tapos mamatay lang dahil sa hindi nagiisip na ina nila .Naikwento rin ng tauhan niya na sinangga ng isa niyang anak ang sarili para protektahan si Celine . "bakit hindi nag iisip si