What is Love?“Tired but still holding on”Pagdating ko sa bar ay pinaalis ko na ang driver na naghatid sa akin. Tinanong pa niya ako kung magiging maayos na daw ba ako. Hindi ko sigurado pero tumango na lang din ako.Nasa labas na silang lahat. Mukhang hinihintay na nga lang ako.Nakita ko sa gilid si Luna. Para itong minolestya dahil sa awra nya. Isang simpleng shirt at jeans lang ang suot nya. Sa kabila non ay maganda pa din ang pagdadala nya doon ngunit bakas na bakas sa mukha nya ang kanyang pag-iyak.“Axl.” tinapik-tapik ko ang pisngi nito. Nagmulat ito ng konti at tinitigan ako. Hinawakan nya ang aking pisngi at napangiti. Maya-maya’y bumagsak ulit.“Madami siyang nainom.”Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Gusto kong sigawan si Axl dahil sa ginagawa nya. Paano ko naman masisigawan ang lalaking ito? Daig pa niya ang pinaka-problemadong tao sa mundo dahil sa hitsura nya.“Tingin niyo, anong oras pa sya nandito?” nagkibit-balikat ang lima. Nilin
What is Love?“Maternal Bond”I watched how the little girl delightly ate her food that was served on the table. I can’t find a way to eliminate my gaze with her. I just still can’t believe it.“Kristal, dahan-dahan lang. Look at your clothes, it’s already messy.”Nalumbay naman ang bata sa pagpuna ng kaniyang… ama sa kanya. Nakangusong pinagpagan niya ang dibdib at hita kung saan nalaglag ang mga kinain niya.“Sorry, Daddy.”“Okay. Just eat properly, okay?”Tumango ang bata at galak na galak na kumain ulit. Ang ganda niya kaya hindi ko mai-iwas ang tingin ko sa kaniya. Her face is enchanting. Sigurado akong hindi ako magsasawa na titigan siya.“Matti.”Naputol ang pagtitig ko sa bata. Napansin kong tumingin din ito sa akin nang tawagin ako ni Kris.“Eat your food.” natauhan naman ako kaya tumango ako at sinimulang kainin ang nakahain.Habang inuubos ang pagkain ko ay hindi ko pa din maiwasang hindi mapatingin kay Kristal. Bukod sa ganda niya ay hindi ko din
What is Love?“Jealousy”Kristal is comfortable in the house for a whole day. Bandang hapon nang umuwi sina Lola mula sa hindi ko alam kung saan sila nanggaling ni Lolo. Napuno ng tawanan at hagikhikan nila ang buong espasyo ng sala dahil kay Kristal at sa pagiging bibo nito.The whole day was not the same as how I usually spent my saturdays. And that’s because of her. This day is a little bit relaxing and calming.Pinapanood ko kung paanong nagtatawanan sina Lolo’t Lola kasama si Kristal sa sofa dahil sa kung anong magic ang ginagawa nito. Nasa hamba ako ng hagdanan habang malawak pa din ang ngiti dahil sa kanila nang mapansin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na kotse sa garahe sa pamamagitan ng glass wall.“Kristal, your Daddy’s here.”Naglaho kaagad ang malalakas niyang tawa dahil sa sinabi ko. Paglapit ko sa kaniya ay kinuha ko ang kaniyang kamay. Sabay kaming naglakad palabas.Kris’ face was dark as he got off of his car. Pino ang paglakad nito para salubun
What is Love?“THE HEARTBREAK”Another month passed by. Tila naging normal na lang ang mga nagdaang pangamba. Iisipin ko ngayon tapos mamaya, pipilitin kong makontento sa mga nalalaman ko. Talagang delubyo ang nangyari sa semester na ‘to. Minsan ay ayaw ko na lang gumising sa umaga dahil ibig sabihin lang niyon ay panibagong bakbakan na naman.At habang nalulunod ako sa gawain sa school works ay gumagapang lalo ang mga araw at gabi na normal at ordinaryo na lang din ang relasyon namin ni Axl.Sinisiksik ko sa sarili ko na nangyari na ‘to dati at malalagpasan din namin ito.Pinipilit kong maging kampante.Pero aminado pa din ako sa sarili kong hindi ko kayang maging kampante lang.I believe that when people tend to be comfortable on some things, they won’t realize that changes are starting to befall them.Kaya kung naiisip kong kampante lang ako na ganito kami ni Axl, naiisip ko lang ‘yun.Kailangan normal lang kaming mag-usap sa tawag, ordinary exchange of te
What is Love?Born AgainPagpasok ko ng elevator ay hindi ko alam ang sunod na gagawin. Pasarado na iyon nang may isang kamay na pumigil doon. Nag-angat ako ng tingin para magulat na si Axl iyon.Taas-baba ang dibdib nito. Malalalim ang mga tingin na ginawad niya sa akin.“Kanina ka pa nandito?”I bit my lip, hard. I know he can already see my tears, and my eyes are getting blurrier each second passed.Pinigilan ko talaga ang aking sarili na hindi matuloy ang aking paghikbi.Dahil konti na lang talaga. Konting-konti na lang, gusto ko nang ibuhos ang mga ito.Ang hirap nang ikinimkim ko lang. Ang hirap nang sinasarili ko lang.“Hindi ah,” I almost cursed myself when I heard my voice slightly cracking up. “Kakarating ko pa lang. Lalabas na nga ako eh. Medyo nawala lang ako sa sarili kasi akala ko may nakalimutan ako.”I smiled at him. The smile that hides a thousand lies.“Tara sa condo mo? Su-surprise sana kita,” ako pala ang nasurprise, “Kaso may pupuntahan k
What is Love?Strong Heart“Matti?”I’m reviewing some resumes in the table when Ms. Zia - one of the HR assistants who’s guiding me throughout my internship - called me.“Yes, Ms?”She pointed her finger through the wall clock. “2 pm, don’t forget.” Ngumiti ako at tumango sa pagpapaalala niya tungkol sa pagr-rounds ko mamaya.“Yes, Ms.”I waited for another 15 minutes before I called the service department to have someone who will drive me through all the places I have to go to.Dala-dala ang mga original and photocopies of the month’s events ay lumabas ako ng administration office para hintayin sa labas ang tinawagan kong service.A year had passed again. I’m now a graduating student. Ilang buwan na lang ang ilalagi ko sa kolehiyo at tapos na ako.Parang kailan lang ay magkasama kami ni Dessa na tinatapos ang mga gawain namin. Sabay pa kaming umiiyak kapag hindi namin makuha ang mga sagot sa business math at stats and probability kahit naiintindihan naman na
What is Love?“Loud Cries”Kinabukasan nga ay maagang umalis si Dessa. Pinahatid ko siya sa isa naming kaklase diretso na mismo sa trabaho niya kaya malayo pa iyon. Ako naman ay tamang oras ay nasa administration office na.Masyadong abala ang lahat sa HRD dahil may event na magaganap mamayang gabi kaya madami silang hinahabol. Ang mga immersionees ay baka next month pa magsimula at wala ni isa sa kanilang nagpa-assign sa department na ito.Pabalik-balik ako dahil sa mga inuutos nilang dadalhin o di kaya ay papipirmahan sa accounting and finance department o di kaya sa marketing at kung saan pang department na sakop ng admin office.Dahil sa pagiging busy nila ay kinailangan ko na din mag-overtime para may katulong sila. By 9 pm, magsisimula ang event at hindi naman daw lahat sila ay a-attend kaya tinapos na nila ng 8pm ang trabaho.Pagpunta ko ng service department ay may isang driver doon. Mabuti na lamang pala at nakapag-out ako ng ganitong oras. Last batch na
What is Love?“Heartbroken”Nasa bukana pa lang ako ng hallway ng hospital ay sinalubong na agad ako ni Tita Eleanor. May pag-aalalang nakaguhit sa mukha nito.Siya ang unang taong gusto kong tanungin ng lahat ng naiisip ko. Ngunit ngayong nandito na siya sa harap ko, ayaw ko na lang umimik.Siya ang unang taong pinagkakatiwalaan ko kay Papa. Kahit noon na hindi ko siya gusto para kay Papa ay hinayaan kong makapasok siya sa pamilya namin. Ang maging kapalit ng aking ina dahil doon ko mapapatunayan na mas ikasasaya iyon ni Papa.Hindi ko siya magawang sisihin sa nangyari dahil hindi naman talaga niya kasalanan.“Si Papa po?” imbes ay tanong ko na lang sa kaniya.Yumuko ito bago ako inihatid sa private room kung saan naka-kwarto si Papa. He’s sleeping peacefully in that bed.I can’t help but shed a tear.Pinangarap kong makatulog siya nang mapayapa pero ayaw kong makita na nararanasan niya iyon sa loob ng hospital.Sumisikip ang dibdib ko, ang bigat ng mga mata
About the AuthorNethaniah Miesha (Author's pen name) is an eighteen year old college student who's been fond of written literature and novels since her childhood. Even though she's been a fan of writing stories, she couldn't find the motivation to finish a story until 'What is Love?'. She believes that her writing has a purpose and that she's writing for a reason.
"Know the healer."I smiled as I roamed my eyes around the room. Everything is in its perfect places right now. Everyone is listening attentively.Every hanging word I've spoken left them admired. I can't blame them. These words are the words from our God.Time flies so fast."He is life. And he brings healing."Tumigil ang aking mata sa babaeng nakasuot ng white floral dress. Nakaupo ito sa unang row ng upuan. She's looking at me with full of admiration and her eyes are screaming that she's so proud of me.Ngumiti ito nang maglapat ang aming mga tingin. "I love you," I read her mouth.Hindi ko nagawang sumagot dahil nagpatuloy ako sa pagtuturo.This isn't the first time I did this but this still feels like the first. Everytime feels like the first time.Natapos ang sunday service ay nagtipon-tipon na ang mga leaders and members nila para sa life group. Habang magkakasama sila sa kani-kanilang grupo ay hindi ko mapigilang pagmasdan silang lahat. Ang iba ay nag-iiyaka
What is Love?“LOVE NEVER FAILS”"Some books are meant to be close to halfway reading it because it's not worth reading anymore." Ito ang huling linya ko sa pagtuturo ng prayer meeting. "But there is only one book that will never fail you. It contains His words and promises. The book that tells you that love never fails."Mula dito sa maliit na entablado sa unahan ay kitang-kita ko ang mga nangingilid na luha sa mga mata nila.Sa kabila non ay lalong sumigla ang dibdib ko sa nakikita ko.Through His words, it will never fail His children."May ibang bagay na hindi mo nakukuha kahit ilang beses mong ipagdasal. Hindi dahil binigo ka. Hindi ka kailanman kayang biguin ng Diyos. Iyon ang pag-ibig. He provides you the best plan you can ever encounter."I, once again, smile."You may not see it now, but someday, you will."The prayer meeting starts at three am and it lasts for almost three hours."Tay, uuwi na po kayo?" Nilingon ko si Grace matapos kong magpaalam kay
What is Love?“Love always wait” "I knew what's going on with you and Iris, Euriel.""What can I do, Kuya? I love her.""You have to let go.""No, I can't."Those memories played one more time in my head.I wish I could finally regain those I've lost. I am tired of the never-ending headaches. I was completely a naive man trying to remember something that's leading my heart in vain.Euriel...Iris...Dessa...Matti..."Hey," boses ni Luna ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "How are you?"Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang lumipas ang ilang taon na wala na talaga kami. Ang pagkakatanda ko ay lumalaban pa ako. Sigurado at determinado akong mabuo ulit kaming dalawa.I always think of not wasting every time and moments we spent together.Paanong nangyari ito?She's now five months pregnant. And Tony - my brother - is the father."Aren't you hungry?"Umiling ako saka nilipat muli ang atensyon sa TV. It's been months now since I got out of t
What is Love?“Love stays”Warning: This chapter contains harmful scenes. If you find it disturbing, kindly skip this one.Ayaw akong makita ni Mommy. Hindi niya ako hinayaang makausap siya matapos ang gabing iyon. Sa kabila ng paglalasing ay pakiramdam ko ay nahihimasmasan ako dahil sa nangyari.Sinalubong ako ng madilim at tahimik na kwarto ko. Alas-tres na ng madaling araw. Hindi nawawala sa pakiramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mata.Nakakapagod. Ano lang ba ang ginawa ko sa buong maghapon? Naghabol lang naman ako kay Luna. Pinilit magpaliwanag ngunit ayaw naman pakinggan. Sinubukan itama ang mali niyang iniisip tungkol sa akin pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon.Nakatitig lamang ako sa kisame habang lumilipad ang aking isip. I'm lying at my bed horizontally."I'm sorry I couldn't celebrate our birthday, Adi."Wala akong nakikita kundi ang dilim na lalong nagpa-alala sa akin ng panahon na nawala at hindi ko nailigtas ang kap
What is Love?“Love pursue”Hindi ko kayang umalis sa tabi ng kabaong ni Adi.Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi ko man lang natugunan na mangyayari ito. Walang ideyang ganito ang mangyayari sa akin, o kay Adi.I was just staring at my cell phone. On my call logs, there's that 32 seconds phone call with her.Gusto kong magwala.Galit na galit ako sa sarili ko. Isa ako sa may kasalanan ng pangyayaring ito maliban sa hayop na demonyong iyon.Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang parte ko dito.Putangina, hindi ko makayanan tingnan ang sarili ko sa salamin. Ang lakas pa ng loob ko na tumabi sa kaniya ngayong gabi matapos nang hindi ko pagtugon sa kaniya.Umiiyak siya nang tawagan niya ako.Ngunit wala pa din akong ginawa.I couldn't afford to look at her through that glass barrier of her casket."Anak?"Pag-angat ko ng tingin ay ang pugtong mata agad ni Mommy ang sumalubong sa akin. Kahit siya ay hindi ko matingnan kaya
What is Love?“Love tests”Warning: Mature Scenes and Foul Language may be encountered at this chapter. If you find it disturbing, please skip this one.Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya hindi ko kayang panoorin lang ang panghuhusga sa kaniya ni Tita Tatiana. Hindi ko napigilang itulak ang magandang babae.Nanlalaki ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin mula sa pagkakahulog nito. Kanina ko pa siyang napapansin na dinuduro niya si Adi. At ayaw kong minamaliit ng kahit na sino ang kapatid ko.“How dare you,” matigas ang pagkakabigkas nito.“Mommy?” ang inosenteng boses na iyon ni Tony - ang isa ko pang kapatid - ang umalingawngaw sa buong sala.Sa tapat ng pinto ay nandoon si Mommy at Daddy, parehas nakakunot ang noo dahil sa nasaksihan.Malugod na lumapit si Tony. Maingay ang pagkalansing ng mga medalya na nakasabit sa leeg niya sa pagtakbo niya.“Mommy, ano pong ginagawa niyo sa sahig? Naglalaro po ba kayo nina Kuya?” Tinulungan niya ang
What is Love?“The long wait is over”Maingat ang pagsuklay ko sa full bangs na muntik nang makatusok sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng full length mirror sa kwarto.Wearing a light brown turtleneck long sleeve top and high waist jeans, partnered with a brown stilettos, I exhaled deeply and smiled. Inayos ko ang buhok kong ngayon ay hanggang ilalim ng dibdib ang haba.Thank You, Lord for another day.Kinuha ko ang shoulder bag sa ibabaw ng kama at isinuot bago humarap muli sa salamin. Para akong baliw na inensayo pa ang pagngiti.I can’t believe I changed into another person… to the new me.The ‘Matti’ who used to down herself because of insecurities and low self-esteem is now wearing her thick and strong faith with her.Five years and I’m turning into a grown woman. And by years, I’m still growing.It’s an unending process to be a grown woman. It will take a lot of process. It will take a lot of time. And it will take a lot of words f
What is Love?“Sad beautiful tragic”“Some promises are worthy to keep. But they can’t last long.”Iyon ang pambungad ko sa puntod ni Adi - ang kapatid ni Axl.I can see her beautiful smile through her picture inside her columbarium niche which was covered by thick glass.Sa ngiting iyon ay mas naaalala ko si Axl. Parehas na parehas sila ng ngiti. Hindi mo aakalaing magkapatid sila pero pakakatitigan mo lang, makikita mo kung saan sila nagkakapareha.“I’m still so proud of your brother, Adi.” Mahinang bulong ko dito. “I brought you your favorite flower.”Inilapag ko ang vintage style vase of peace lily.I bent down on my knees so I could smell the scent of the flowering plant I gave her. As if it would literally calm my senses.“I did some research about your favorite flower, Adi.” Ngumiti ako bago magpatuloy sa pagkukwento. “Buti na lang hindi mahilig sa pusa ang kapatid mo,” bahagya akong napangisi sa sinabi ko. “Kasi nalaman ko na poisonous pala sa pusa ang