"Ang aga mo nagising?" agad na sabi ko dahil bumungad sa harap ko si Roi na kakatapos maligo."Pupunta ako sa company, may meeting. Gusto mo ba sumama sa akin?" tanong niya habang nakangiti."P-Pero hindi pa ako nakakaligo." Mahinang sagot ko sa kanya."I'll just wait, take your time." Pagkasabi niya agad ko na kinuha ang towel ko."Be careful, baka madulas ka." Roi reminded.Patago akong napangiti sa sinabi niya. Sobrang malalahanin talaga niya. Kaya naman naligo na ako ng panandalian dahil nakakahiya naman kung tagalan ko pa tapos siya naghihintay. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na may nakahanda na isusuot ko. Isang puting dress na hanggang legs ko. I saw this dress in my closet, siguro doon niya ito nakuha. Lagi na lang ako napapangiti ni Roi, nakakainis."I'll wait you outside, get ready." Nakangiti niyang sabi kaya napatango agad ako. Nagbihis na agad ako para makapag ayos na rin ako kahit light make-up lang. Iyong buhok ko nakalugaygay lang dahil hindi ko p'wedi ito ipitan
WARNING: R-18Dalawang buwan na ang makalipas simula nang mawala ang anak ko. Masakit pa rin sa akin pero tuloy lang ang buhay. Pinagsisisihan ko rin na sana hindi ko na nakilala si Enrico. Sinisisi ko rin ang sarili ko."Babe?" tawag sa akin ni Roi habang busy ako nanunuod ng TV."Yes, babe? Bakit?" tanong ko kahit nakatingin ako sa TV. Ang ganda kasi ng pinapanuod ko."Hindi ka ba sasama sa company?" muli niyang tanong habang sinusot ang kanyang necktie."Next time na lang, okay lang ba?" malambing na sabi ko dahil wala ako sa mood lumabas. "Sure, babe. Wala kang lakad ngayon?" Nakakunot na noo niyang tanong."Wala naman, wala lang ako sa mood lumabas." Sagot ko sa kanya.Lumapit siya sa akin at hinalikan ako."I'll have to go," paalam niya at tumango lang ako na hindi siya tinitignan."Babe! Aalis na nga ako hindi mo pa ako nililingon." Roi pouted. T*ngina. Nagpapabebe nanaman 'tong asawa ko. Pero gwapo naman siya kaya okay lang naman.Tumayo ako sa pagkakahiga ko at lumapit sa k
Pagdating ko sa office ni Roi ay naabutan ko ang isang babae na nakaupo sa mesa ng asawa ko. Biglang nag init ang ulo ko at gusto ko saktan ang babaeng kasama ng asawa ko. Pinipigilan ko lang."Babe!" tawag agad ni Roi sa akin at lumapit agad siya."Sino 'yang babaeng 'yan?" mahinang tanong ko sa kanya dahil ayaw ko mag eskandalo rito."B-Bago kong secretary, babe." Nauutal niyang tugon sa akin. Wait, bakit nauutal si Roi?"Ako nga pala ang asawa ni Roi." Sabi ko sa babae at inirapan lang ako."Asawa ka? Bago ako rito." Walang asin niyang sabi. Kulang ito sa asin, hindi marunong gumalang."Pakilabas na 'yan, bago ko pa masaktan 'yan." Mahinang sabi ko kay Roi. Kaya naman senenyasan siya ni Roi na lumabas at muli na naman siyang umirap."Damn her! Wala siyang respeto! Fired her, now." I commanded."B-Bago pa lang siya, babe. Hayaan mo pagsasabihan ko na lang sa susunod." I rolled my eyes."Siguraduhin mo lang." Seryosong sabi ko at umupo na sa harap ng table niya."Relax lang babe,"
Naihatid ko na si Luisa sa kanilang probinsya. Buti na lang nagawan ko ng paraan tungkol doon. Akala ko mag-aaway kami ni Roi pero hindi. I told him that we decided to go to the beach with Luisa. Buti na lang talaga at hindi siya nagtanong. Kabado ako noong nakauwi na kami ni Manong Ogie. I told manong Ogie about that para alam niya ang sinasagot niya if ever magtanong si Roi. Para tuloy kaming may script. Ngayon ay nandito ako sa bahay kung saan kami nagkakilala ni Enrico. Namasyal lang ako dahil namimiss ko sila Dad and Mom. Matagal ko na silang pinatawad at ayos na ang lahat. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala ka nang tinatagong galit. Sa panahon na puno ako ng galit ay hindi ako makatulog ng maayos. "Anak?" tawag ni Daddy sa akin. "Hi, dad! Kumusta?" bati ko at yinakap agad ako ng tatay ko."Okay lang kami ng mommy mo. How about you?" nakangiting tanong niya."I'm okay, dad." "Anak...patawad sa ginawa ko sa 'yo." Ito lagi ang kanyang sinasabi sa tuwing nag-uusap o nagkikita
Alas tres na nang madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako umiiyak ng palihim dahil ayaw ko magising si Roi at baka tanungin niya kung bakit ako umiiyak. Ayaw ko magalit sa akin si Roi dahil hindi biro lahat ng ginawa niya sa akin simula noong ikinasal kami. Kahit hindi namin gusto ang kasal na 'yon ay nagmahalan at tinanggap na lang namin. Nakakainis. Bakit pa nag krus ang landas namin ni Enrico? May bunos pa na kasama, kasama pa niya ang bago niya! Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Sana...sana hindi ko na lang talaga siya nakilala. Sobrang sakit! Parang ayaw humilom yung sakit sa puso ko. "Babe?" natigil ako sa pag-iyak pero humihikbi pa rin ako kahit pinipigalan ko."Why are you crying?" he come close to me. Yinakap niya agad ako kaya mas lalo akong naiyak."N-naginip lang ako ng masama. P-pero okay na ako." Pagsisinungaling ko sa kanya."It's just a dream, babe." He said.Sana nga panaginip lang lahat ang nangyari sa amin ni Enrico.Humiga na siya at
Kasalukuyang nandito ako ngayon sa kumpanya ni Roi. Isinama niya ako dito, siyempre sumama na ako. Tinatamad ako pero sinamahan mo pa rin siya.Nandito ako sa penthouse niya dito sa taas. Naisipan ko namang bumaba dahil hindi ko pa napapasyalan buong company nila."May bago tayong sharer na galing sa ibang company! And guess what? Siya ang may pinakamalaki na nai-share dito!" narinig ko ang usapan ng mga empleyado dito. 'Di ba dapat confidential 'yon?"Pero balita ko hindi yata tinanggap ng CEO natin?" Napataas ang kilay ko, bakit naman hindi tatanggapin ni Roi?"Excuse me?" sabi ko sa kanila."What are you talking about?" I asked sarcasticly."N-Nothing Ma'am." Pagkasagot nila ay agad silang nagmadaling umalis.Hindi ko makita si Roi kaya naisip ko na baka nasa meeting siya. Sasakay sana ako nang elevator pero sobrang daming taong sasakay. So I decided to use the stairs. Hindi ko alam kung bakit ako kinakaban. Pagbukas ko ng exit door ay may nakita akong pamilyar na tao. "Pa'no kun
"Babe?" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Aalis lang ako, kasama ko si Kein. Hindi pala siya natuloy pumunta sa ibang bansa? Nagtatawang siya ng inuman." Sabi niya at agad akong pumayag."Ikaw ba babe? Aalis ka ba?" tanong niya at umiling ako."Wala, dito lang ako sa bahay at plano ko itong tapusin." Sagot ko at ipinakita ang librong binabasa ko kagabi pa."Okay babe. Kung may ipapabili ka tawagan mo agad ako." Tumango ako at nagbasa na ng libro. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na pinapakinggan. Hindi niya alam na kausap ko si Kein. Kein texted me na wala naman talaga silang usapan na lalabas. I know, alam ko kung saan pupunta itong manloloko kong asawa. Dalawa lang naman pupuntahan niya 'eh. Ang secretary niya o ibang babae.Biglang may nag text na unregistered number. So I read it.'P'wedi ba tayong mag-usap? Si Enrico ito.' Ito siguro yung time na magpatawaran kami. I want to heard his side. Nagbulagbulagan ako dahil sa mga sinabi ni Roi dati. He brainwas
"Good evening, Alexi! How are you?" tanong ng mommy niya sa akin. "Okay naman po." Sagot ko habang nakayapos pa rin ako sa kamay ni Roi. Kahit ayaw ko gawin ito ay kailangan. Una, dahil nandito kami sa bahay ng magulang niya at pangalawa ay nandito ang malanding secretary niya.Nakita ko ang secretary niya na tumingin sa akin, ang tingin niya parang pinapatay niya ako. Hindi ko pa natatanong kong bakit nandito ang kanyang secretary. At saka gusto ko maglaro ngayon."Good thing, dumating kayo!" sabi ng kanyang daddy. I faked a smiled to them."Bakit nandito ang secretary mo?" mahinang bulong ko sa kanya kasabay naman ang paghawak ko sa kanya ng mahigpit."I-I don't know, babe." Roi stuterred."Hi, tita! I cooked some lasagna, your favorite." Maarteng sabi niya sa nanay ni Roi."Thank you, Patricia! Ah, by the way, this is Alexi. Roi's wife." Pagpapakilala sa akin. Napangisi ako at nakita ko ang itsura ng Patricia. Hindi maipinta!"Patricia." Sabi niya at pagpapakilala niya. Nang hin
WARNING: R-18FINAL CHAPTER*"Saan ba tayo pupunta?" ang asawa kong makulit ay kanina pa tanong ng tanong. Hindi niya kasi alam kung saan magaganap ang gyera namin. "Baka naman kahit saan mo ako dalhin! Kahit saan man 'yan, gagawa tayo ng bata." Bigla akong natawa sa misis kong lasing pati rin ang driver natawa. Pagkatapos kasi ng kainan nagkayayaan uminom, kaya naparami ang inom niya.Iba talaga pag nalalasing si Alexi, nagiging wild siya.Nag rent ako ng room sa harap ng isang beach. Isang exclusive room ang kinuha ko at kahit medyo mahal ay kinuha ko pa rin. Buti nga ako unang nakapag reserved dahil pinipilahan daw iyon ng mga tao ngayon. Bigla naman akong hinalikan ni Alexi tapos hinahawakan niya ang alaga ko. Nako, kapag nagising 'to kawawa siya. "Tumigil ka, 'hon. Mamaya na." Sabi ko at ayaw talaga niyang magpapigil."Grabi 'tong asawa ko, hindi na makapaghintay." Reklamo ko at natawa na lang si Mang Jose sa sinabi ko."Naparami yata ang inom ni ma'am Alexi?" sabi ni Mang Jo
Habang inaayusan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin ay hindi ko lubos maisip na ikakasal na ako. Ito na ang araw na ikakasal na ako kay Enrico. "Ikakasal na ang nag iisang anak ko na babae." Napalingon ako dahil nasa pinto sila Daddy at Mommy na tinitignan ako!Lumapit naman sila sa akin at ako naman ay nakatingin pa rin sa salamin. Si Mommy umiiyak na at si Daddy ay pinipigilan na 'wag umiyak."Kahit naman ikasal ako hindi ko naman kayo hahayaan. Although I have my own family, sa inyo pa rin ako pupunta." Nakangiting sabi ko sa kanila."Anak mahal na mahal ka namin ng mommy mo." Sabi ni Daddy at bigla niya akong niyakap. "Mahal na mahal ko rin kayo." Tumayo na ako para mayakap ko silang dalawa. "Don't make me cry, ang hirap po mag ayos." Natatawang sabi ko pero ang luha ko ay nangingilid na."Tara na nga! Malalate pa tayo." Pag aaya ni Mommy kaya naman lumabas na kami. Iyong bouquet ko si Luisa na daw mag aayos. Hindi ko ba alam sa buntis na 'yon dahil gusto niya raw siya gag
"Kiss the bride." Pagkasabi ng Pare ay nag kiss na sila Kuya Alex at Luisa. They married! Nauna sila ikasal kasi kami susunod pa lang. Ayaw isabay nila Mommy dahil bawal daw.Malaki na rin ang tiyan ni Luisa at halata na. Hindi na niya matatago pa ang baby bump niya dahil halata na rin."Tayo na ang susunod." Nagulat ako dahil tumabi sa akin si Enrico.Nagkabalikan kami at may schedule na ang kasal namin. We decided na mag civil wedding na lang kami. Ayaw ko rin gumastos ng malaki at napag usapan namin na mag civil wedding na lang. Limited lang ang tatawagin namin sa kasal namin, pamilya ko at mga ibang kaibigan ang tatawagin ko. Hindi ko lang alam kung tatawagin ni Enrico ang tatay niya, wala kasing sinasabi sa akin ni Enrico.Simula nang magkabalikan kami ay hindi na kami mapaghiwalay. Lagi rin ako natutulog sa bahay niya at minsan doon siya sa bahay namin. We sorry to each others and I admit what I did. Sinabi ko lahat sa kanya para wala akong tinatago. He forgived me, sinabi ko an
Habang kami ay papunta sa sinabing venue ng kasal nila Enrico ay kinakabahan ako. Alas kwatro na nang umaga at wala akong nagawa nang sabihin ni Alfred na nahanap na kung saan ang venue. Liblib pa na lugar ang kanilang venue, talaga namang sinisigurado niya ang kasal na magaganap. Kinakabahan ako at sana maabutan namin sila. Kating kati na rin ang dila ko na sabihin at ibunyag ang totoo. Gusto kong mapahiya si Jane sa lahat ng mga dadalo ng kasal nila. Si Alfred na ang nag drive at mukha siyang seryoso. Sabi niya ay kasing edad ko lang siya, mayaman si Alfred at mabait. Bakit iniwan ni Jane!? Nasa mabuting tao na nga siya pero ipinilit pa rin niya ang sarili kay Enrico. She was obssesed! "Are you alright?" tanong sa akin ni Kuya Alex at tumango ako kahit hindi ako okay. Kailangan ko maging matatag at matapang. Gusto kong mapahiya si Jane ng sobra. Hindi siya deserved ni Enrico, naawa talaga ako kay Enrico simula no'ng sinabi ni Alfred na nagpapanggap lang si Jane bilang Kyla. Tapos
Mahigit isang buwan na ako dito sa transient na tinitirhan ko. Hindi pa ako umuuwi at parang wala akong balak umuwi. Ang sarap lang kasi dito dahil pag gising ko ay bubungad agad ang magandang view na dagat. Parang hindi ko kayang iwan itong tinitirhan ko dahil part ito ng healing stage ko. Unti na lang ay makakalimutan ko na si Enrico.Lagi ngang tumatawag sila Daddy at tinatanong kung kailan daw ako uuwi. Pati si buntis ay pinapauwi na rin ako dahil gusto daw niya ako makita. Hindi ko ba alam bakit nila ako pinapauwi. Kung tutuusin wala naman akong gagawin doon kung sakaling umuwi ako. Matagal ko nang pinahinto ang pag papa-renovate na ibinigay sa akin ni Enrico na shop. Sa kanya iyon eh, kaya pinatigil ko na. Ayaw ko naman na ituloy ang papa-renovate kasi hindi naman sa akin iyon."Alexi," tawag sa akin ni Kein na may dalang inihaw na isda. Magkakakaliskis na yata ako sa kakabigay niya ng isda. I mean masarap ang isda lalo na kapag inihaw pero halos araw araw na nga yata siya nagbi
Habang kumakain ako ay nakita ko na naman si Kein na nag se-served dito sa kinakainan kong restaurant! Kahit saan saan ko talaga nakikita 'tong lalake na ito at para siyang kabute na bigla bigla ko na lang nakikita!Habang kumakain ako ay pinapanuod ko lang siya mag serve ng pagkain sa mga customers nila. Sobrang ingat niyang binababa ang mga pagkain sa table. Bakit nandito siya? Negosyo kaya nila 'to?"Anak ng! Nandito ka rin!" nagulat ako sa kanya at napatingin ako sa kanya."Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya."Negosyo ng Lola ko 'to kaya dito ako nagtratrabaho. Matagal na ako dito at sa tuwing umuuwi ako eh dito ako nag pa-part time." Napatango na lang ako sa kanyang sinabi."Ang sarap ng luto ng Lola ko noh?" nakangiting tanong niya, adobo lang ang inorder ko at totoo namang masarap."Oo, ikaw kumain ka na?" tanong ko habang sumusubo ng pagkain. "Mamaya na, kailangan ko muna sila tulungan dito. Kumain ka lang diyan." Pagkasabi niya ay umalis na siya at
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napahawak ako bigla sa aking ulo dahil sobrang sakit. Oo nga pala, uminom pala kami kagabi. Pagtingin ko sa gilid ay mahimbing na natutulog si Kein at nakatalikod siya.Bumangon na ako para makauwi na kaya naman agad din nagising si Kein at tinignan ako. Nagising na siya!"Uuwi ka na ba?" tanong niya habang kinukusot ang kanyang mata dahil sa kagigising lang niya."Oo pero kung inaantok ka pa, ako na lang bababa mag isa. Kaya ko naman at saka mag ta-taxi ako." Sabi ko at ngumiti."Hindi na ako inaantok. Sandali, hintayin mo ako at mag to-toothbrush lang ako." Paalam niya kaya tumango ako agad.Nag inat inat lang ako ng katawan. Buti na lang hindi ako naging wild o ano! Baka pagsisihan ko pa ngayon. Tama na ang beses na may nangyari sa amin. Hindi na ako magbibihis, hihiramin ko na lang ang damit niya. Pagtingin ko sa gilid malapit sa bintana ay nakita ko na nakasampay ang nasukahan ko na damit. Nilabhan niya?"Nilabhan ko 'ya
Hindi na kami natuloy ni Luisa dahil sa nalaman namin na buntis siya. Umulit pa siya ng pregnancy test kit at positive nga siya. May halong saya at kaba ang nararamdaman niya ngayon. Nandito siya sa kama ko at nakahiga.Nakatingin lang siya sa pregnancy test kit niya. I am so happy for her...for them! Sa wakas, magkaka-apo na sila Daddy at Mommy."Paano ko sasabihin?" mahina niyang tanong sa akin."Kausapin mo si Kuya Alex." Agad na sagot ko."Paano? Baka magalit siya?" nag aalalang tanong ni Luisa."Over reacting 'te? Ano ka ba, tell him na you are pregnant." Agad na sabi ko at bigla siyang natahimik."Kaya siguro lagi sumasakit ang ulo ko sa tuwing umaga. Tapos lagi ako nag cra-crave sa mangang green." Bigla siyang natakam kaya delikado 'to. Kailangan kapag may gusto siyang kainin ay dapat niyang makain.Biglang may kumatok at tumayo na agad ako para pagbuksan kung sino man ang kumatok. When I opened the door, si Kuya Alex pala. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya sa pinto o ano."B
Inawat ko na agad sila at dito pa talaga sila nag away sa harap ng k'warto ko! Dumudugo ang kanilang labi at ngayon lang dumating ang mga guard ng ospital. Huli na sila." G*go ka! Matagal ko nang napapansin na pinopormahan mo si Alexi!" gigil na sabi ni Enrico kay Kein."So what? Kung ikaw nga niloloko mo na ako. Nakabuntis ka pa! Inaway ba kita? Hinayaan kita, Enrico! Sana hayaan mo na ako dahil wala nang tayo!" sabi ko at napatingin siya sa akin."Just let me go, ayaw na kita makita kahit kailan." Pagkasabi ko ay hinawakan agad niya ang kamay ko."Narinig mo naman ang sinabi ng kapatid ko 'di ba? Let her go and don't bother her anymore." Sabi ni Kuya Alex at pumasok na ulit ako sa k'warto at inalalayan agad ako ni Luisa na pumasok."Ano ba nangyari? Bakit may suntukan?" naguguluhan niyang tanong at mukhang wala pa siyang alam sa nangyayari."We broke up. May nabuntisan si Enrico at sa mismong bahay niya pa talaga pinatira. Niloko niya ako! Akala ko kasambahay lang ang kabit niya iy