Sophia's POV
Hinihintay ko si Mileya na matapos ang pamamaalam niya kay Klein. Hindi kasi ito pwedeng sumama dahil siya ang pinuno ng kanilang tribo.
"WAAAAAH!" ngawa niya habang nakayakap kay Mileya na parang koala.
"Lord Klein, bitawan mo ako," walang emosyon na banta ni Mileya sa kaniya.
"AYOKO! Nagbago na isip ko! Huwag mo akong iwan! Dito ka lang!"
Mabigat na nagpakawala ng buntong hininga si Mileya. Ako naman … pilit na pinipigilan na hindi matawa sa sitwasyon nila. Hindi ko talaga inakalang ganito siya ka-childish pagdating sa asawa niya.
"Babalik rin kami agad kapag nakuha na namin sa Diamante ang artifact ni Lady Sophia."
"Ayoko nga eh!"
Gaya ng sinabi niya, nasa kaharian ng Diamante ang isa sa artifacts na pagmamay-ari ng naunang Dark Priestess. Iyan ang nakalap na impormasyon ng mga shadow soldier n
Sophia's POV"LADY SOPHIA!"Madali kong naimulat ang mga mata ko dahil sa ingay ng paligid. Tumalon ako palayo upang maiwasan ang atake na patungo sa direksyon ko.Napalingon ako sa kinaroroonan ni Mileya. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa isang fifth-ranked demon beast.Pinagmasdan ko ang nasa harap ko. This is also a fifth-ranked demon beast. I guess they are a couple. Hinila ko ang espada ko gamit ang kanang kamay saka ko naman pinalabas ang shadow whip ko sa kaliwang kamay."I can handle this! You don't have to waste your energy for the likes of them!" sigaw niya habang nakikipaglaban."Don't be stubborn, Mileya. I also want to test myself in a real battle," I said while focusing in front of my opponent.Hindi siya sumagot pabalik. Mukhang naintindihan niya naman agad 'yong punto ko.Fifth-ranked demon beast, mukha
Sophia's POVWe are now preparing ourselves to continue our journey."Here's your dagger." Mileya handed over the dagger she made using my seventh-level demon beast crystal core."Thank you, Mileya," I said after taking it.Sinuri ko itong mabuti. The dagger's point is very sharp and it has two sharp edges. She is very good at this. Kahit noong nasa Elf Tribe pa kami, lahat ng weapons gawa niya ay napakaganda ng quality.Mileya is excellent in archery. She is specialized in long-range weapons, but her skill in close combat is also exceptional. Just like her husband, she also has the talent of being a creator … pero mas trip niya ang paggawa ng mga sandata."According to my General, the Asterin troupe is five hundred seventy-two kilometer east.""By running at full speed without stopping, maabutan natin sila for only
Sophia's POV"Anong dahilan at bakit niyo kami sinundan?"I sighed heavily. "As you can see, I also have a business that needs to be dealt with in Diamante.""So, you are trying to take advantage of us."Ack! Parang may dugong lalabas sa bibig ko dahil sa pangsasapul niya agad sa punto.Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "I can't tell who's who.""Pft—what else you can do? Hindi ka naiiba sa mga kailangan pa protektahan.""You dare …!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang nawala sa harap ko.Para siyang may inaasikaso sa ilalim ng lamesa kaya lumapit naman ako roon para alamin ang ginagawa niya."What the?"He is crouching on the floor while caressing the head of a cat. "What?" he replied coldly.Madali ko siyang nilapitan para ila
Killian's POV"Here," he said as he offered a piece of meat for me to eat, so I opened my mouth to accept it.I am really in a foul mood today, dumadagdag pa 'yong gutom na nararamdaman ko.Francisco is blushing like an idiot. He is about to pat my head, hinampas ko palayo 'yong kamay niya pero imbes na masaktan, natuwa pa siya sa ginawa ko.Hinihimas niya ang baba ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng ginhawa. Napapapikit ako dahil nagiging kalmado ako sa haplos niya.Ha … I can't get away with this feeling …Natigilan ako ng napagtanto ang sitwasyon. Madali akong tumalon palayo para ihanda ang sarili ko sa pag-atake.What kind of black magic is he doing to me? Why do I feel comfortable with his touch!He sighed. "Hihinto na ako. Come here, you have to finish your food."Dahan-dah
Sophia's POV"Commander, there was an incident that happened to Jericho, one of the knights from the supply team."Napalingon kami sa knight na nag-report. Agad tumayo si Francisco para lumapit sa direksyon nito. "Bring me to him," utos niya.Pinagmasdan ko lang sila na lisanin ang headquarters."Meow ..."Naagaw ni Black ang atensyon ko. Kakarating niya lang dito. Tumalon ito sa aking kandungan para maupo. Mukhang good mood na siya."You're not mad at me anymore?" malambing kong tanong habang marahan na hinahaplos ang kan'yang noo.He reached for my hand to lick it, I chuckled.Binuhat ko siya para pumunta sa medical area. Naabutan ko silang nagkukumpulan sa harap ng tent, kung saan dinala ang nasabing kabalyero."What happened?" I asked one of them.Nilingon ko ang biktima, hindi ko ito
Third Person's POVTagumpay na napasok ni Francisco ang teritoryo ng kalaban, kasama ang iilang elite knights. Nagulat ang mga kalaban sa hindi inaasahang pag-atake ng Asterin. Kahit na konti lang sila, walang makakapigil sa mga ito. Sa bawat may lulusob na kalaban ay kamatayan ang naging hatol. Pinatunog ng kalaban ang kampana upang magbigay ng alerto sa buong palasyo."You can leave these to us, Commander!" sigaw ng isa sa mga kakampi.Habang nakikipaglaban ang mga kasamahan na kabalyero, ginamit itong pagkakataon ni Francisco na mabuksan ang tarangkahan sa harap. At saka sinindihan ang hudyat na maaari ng lumusob ang mga naiwang kasamahan sa labas ng palasyo.Hindi rin nagtagal ang paghihintay, dumating nga ang mga ito. Nagpakawala ng mga palaso ang gumagamit ng pana para patumbahin ang mga kalabang nakaabang sa terraces. Sunod na pumasok ang mga mahuhusay sa paggamit ng espada para har
Sophia's POV"Lady Sophia, here." Madali akong lumapit sa direksyon ni Mileya. She activated her power of insight, to find us the safest route.Humiwalay kami kina Lawrence ng pinasukang daan. Wala akong balak na makisali sa digmaan nila. Kukunin ko lang ang pakay ko rito.I suppress myself from using my power. Hangga't kaya, lalaban ako gamit lang ang combat skills ko. Mas mabuti na ang maingat dahil baka may makakita pa sa shadow soldiers ko.Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ng lahat ang existence ko as the Dark Priestess. Mahirap kumilos kapag may mga huma-hunting sa 'yo."Surprisingly, walang mga kalaban ang nasa paligid," she said. Kita sa itsura niya ang pagtataka."Isn't it a good thing? Let's go," I said, then tapped her in the back.Tuloy-tuloy lang ang paglalakad namin tungo sa mga lugar na maaaring k
Third Person's POV"Should I join you?" Lawrence said while smirking. He sat down on the vacant chair, opposite the King. Francisco stayed by his side together with other elite knights."Prince Lawrence, you surprised me," the King sarcastically said. Lihim niyang hinawakan ang sariling sandata upang maghanda sa kung anuman ang pwedeng mangyari."You know I love surprises, King Diamante. Lalo na sa mga ayaw kusang sumuko," sagot nito habang nakangiti. Ngiting hindi ka makakaramdam ng tuwa, kundi takot.Nakakabinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng silid. Walang sinuman ang nagbabalak na magsalita. Pare-pareho silang naghihintay kung sino sa dalawang maharlika ang magsisimula ng gulo."Your Highness, hawak na po namin ang magpapatunay sa kanilang mga illegal na gawain," balita ng kapapasok lang na knight officer.Nang marinig iyon, madaling nagsipa
Sophia's POV Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice. Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga. Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid
Sophia's POV Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa. Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon. While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about. "Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na
Sophia's POVI am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan."Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya
Sophia's POVTahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie."High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido."Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat!
Third Person POV"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation."That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."Umalingawngaw sa silid a
Third Person's POVMADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito."Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon."Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.
Sophia's POVI remained silent while he's carrying me on his shoulder. Hindi ko nakikita ng maayos ang nadadaanan namin dahil nakaharap ang mukha ko sa likod niya.Teka? Umaalingasaw ang amoy ng dugo. Why is that?Lumingon ako sa kaliwa, sandali akong natulala sa aking nasaksihan."Put me down," sabi ko saka mahinang hinampas si Killian sa bewang niya."Bakit?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Wala yata itong balak na sundin ang nais ko."I said, put me down!" Naglikot-likot ako para makawala sa kapit niya.Walang salitang maingat niya akong ibinaba, dahilan para ako ay makaramdam ng konting hiya.Madali ko siyang tinalikuran para suriin ang paligid. "Ugh!" Hindi kinaya ng sikmura ko ang nakikita kong senaryo, lakad-takbo akong tumungo sa poste saka sumuka ng sumuka."A-ano ang nangyari rit
Third Person's POVAng dating kaaya-ayang pagmasdan dahil sa linis ng kapaligiran na hindi nakikita ang alikabok, at makinang na mga bagay na nagpapaganda at mas nagpapaliwanag ng lugar. Ngayon ay magulo na't parang dinaanan ng bagyo. Basag ang mga babasaging gamit, at may marka na likha ng matalas na kuko ang sumira sa mamahaling paintings na nakasabit sa dingding ng palasyo."Ugh!" Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura ng mga ilang kabalyero. Hindi makapag-focus ang karamihan sa pakikipaglaban, dahil sa karumal dumal na senaryo na nakapaligid sa kanila.Nagkalat sa sahig ang mga bangkay, maging ang dugo at laman loob, at parte ng katawan—biktima sa biglaang pag-atake ng mga kalaban."Patatagin ang sikmura ninyo!" sigaw ng isa sa mga commander ng Imperial Knights. "Don't stain any further your pride and honor as Knights of Asterin!""Yes, sir!" they shouted in unison
Third Person's POV"Aaaaah!" Maririnig ang malakas na sigawan ng mga mamamayan ng Asterin."What's happening?" pagtataka ng isang noble na wala pang ideya sa nangyayari sa labas ng palasyo. Hindi lang siya kundi maging ang karamihan ay pare-pareho ng tanong na nasa isipan.Sa ikalawang palapag, naroon nakapwesto ang mag-asawang namumuno sa bansa. Sina Emperor William at si Empress Ivory."Aking mahal na Emperor, kahit ako ay nakararamdam na ng pagkabalisa sa mga tangis na 'yon." Ipinatong ng Empress ang kamay niya sa likod ng palad ng katabing asawa."Don't fret, I'll stay by your side," he said.Mula sa kinauupuan, si Emperor William ay tumayo at saka inangat ang kaliwang palad upang senyasan ang orkestra na ihinto ang pagtugtog ng musika. Madali naman siyang napansin ng Conductor, at sumunod kaagad ang mga musikero sa kaniyang nais."Det