NAKAGAT ni Nica ang ibabang gilid ng labi upang supilin ang pangangatal ng labi nang ibuka niya iyon ngunit walang tinig na lumabas. Hindi siya sanay na purihin o hangaan ng mga tao.
"Noon ay hindi ako naniniwala sa love at first sight." Paunang pahayag ni Chris nang nasa harapan na siya ni Nica.
"Owwhhhh!" sabay-sabay na naibulalas ng mga naroon at kinilig.
Si Bheng ay napatakip ang isang kamay sa sariling bibig upang pigilan ang pagtili dahil sa kilig.
Tumikhim muna si Chris upang alisin ang bara sa lalamunan bago nagpatuloy.
"Ang hirap mong paamuin kaya patawad kong nakipagsabwatan ako sa mga magulang natin. Hindi ko kasi alam kung paano mapalapit sa puso mo dahil alam kong takot ka magtiwala. Takot ka magmahal at mahalin dahil ayaw mong masaktan."
Tuluyan ng tumulo ang luha ni Nica na kanina pang pinipigilan. Mabuti na lang at girl scout si Bheng at inabutan siya ng tisue.
"Please forgive me at hayaang iparamdam ko sa iyo ang pagm
MAY alam ka ba dito, Laura?" Galit na tanong ni Loida sa assistant ni Janice. Nanlalaki ang mga mata ni Laura at umiling bilang tugon. Natakot siya bigla sa mga nakapaligid sa kaniya at wala siyang makitang pwedeng kakampi. "Oo nga, sa pagkatanda ko ay ikaw ang nagkakalat ng chimis tungkol sa hindi magandang ugali ni Miss Nica. At ang laging kawawa ay si Janice." Segunda ng isa pa. Lahat ay nang-uusig ang tingin kay Laura. Sa takot sa mga ito ay patakbo rin siyang umalis ng bulwagan. Totoong siya ang nagkakalat ng maling balita tungkol sa kasiraan ni Nica. Pero wala siyang alam sa ginawang pang-aagaw ni Janice sa design ng kapatid nito. "I'm so disappointed with this!" galit na wika ng ama ni Chrismith habang nakatingin kina Alfonso at Margaret. Ang ina ni Chris ay naluha dahil maging siya ay naging masama ang tingin noon kay Nica. Isa siya sa humusga sa pagkatao nito dahil sa mga kwento ni Margaret. "I'm so sorry, hija!" Niyakap ni Lu
NAPABALIKWAS ng bangon si Janice nang may kumatok sa kaniyang pintuan. Nasa tinig ng ama ang galit."Open this door, now!" mando ni Alfonso sa anak nang hindi ito tumugon sa una niyang katok."Dad, can you leave me alone for a while?" pakiusap ni Janice sa ama at natakot na rin sa mga ibabato nitong katanongan."Honey, huwag mo munang dagdagan ang sama ng loob ng anak mo. Let her take a rest." Pakiusap ni Margaret at kinakabahan na rin siya sa nakikitang galit sa mukha ng asawa."Huwag kang makialam dito, pumasok ka sa ating silid!" Dumagundong na ang baritonong boses ni Alfonso habang nakaturo ang hintuturo sa kabilang silid.Ngayon lang nakita ni Margaret ang ganoong galit sa mukha ng asawa kaya napasunod siya dito. Ayaw niyang pati siya ang makatikim ng hagupit ng galit nito.Kahit takot ay napilitan si Janice na buksan ang pintuan. Agad siyang umurong pagkabukas ng pinto nang bumungad ang galit na mukha ng ama."Paano mo nagawa it
"HONEY?" Nagulantang si Margaret sa biglaan at padabog na pagpasok ng asawa sa kanilang silid. Natakot din siya sa galit na nakikita sa mukha nito."Pak!"Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Maragret na ikinatigagal niya. Sapo ang kanang pisnging nasaktan habang nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat. Hindi makapaniwalang napatitig sa asawa dahil sinaktan siya nito nang ganoon na lang."How dare you!" Galit niyang bulyaw kay Alfonso nang makabawi. Ang tangkang pagsugod dito upang gumanti sa pananakit sa kaniya ay naudlot nang sinalubong siya ng isa pang sampal sa kabilang pisngi naman."What's wrong with you?" Mangiyak-ngiyak niyang bulyaw kay Alfonso habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi. Halos mabingi rin siya sa lakas ng impact ng pagkasampal sa kaniya nito."What's wrong with me, huh?" Mabilis na hinawakan ni Alfonso sa buhok ang asawa at hinila iyon upang patingalain ito. Tuluyan ng nagdilim ang kaniyang panigin
"KAILANGAN kong makagawa ng paraan!" ani Margaret at matalim ang tinging ipinukol sa unahan ng sasakyan.Tinapunan ng tingin ni Janice ang ina habang nagmamaneho ng kotse. Kanina pa ito nagmumura dahil sa galit. Hindi pa niya alam kung bakit nagalit ng husto ang ama dito."Napaka demonyo talaga ng babaeng iyon! Alam kong siya ang nagbayad ng tao upang sundan ang bawat galaw ko!" nangangalit ang mga ngipin ni Margaret at kuyom ang mga kamao. Noong araw na umalis siya upang makipagkita sa mga kaibigan ay si Philip ang kasama niya. Hindi niya akalain na may nakasunod sa kanila at nasundan hanggang sa loob ng hotel."Ano po ba ang ginawa ni Nica at halos namuhi na ng husto sa iyo si Daddy?""Nagbayad siya ng tao upang sundan ang bawat lakad ko. Bwesit din kasi si Philip at hindi mapigilan sa bisyo niya!"Nangunot ang noo ni Janice at bahagyang binagalan ang pagpatakbo ng sasakyan. Hindi niya naintindihan kung bakit nasangkot ang pinsan niya dito. Ang t
"TITA please po ako na ang nakikiusap sa inyo, huwag muna kayong magpakita kay Nica." Pakiusap ni Chris sa ginang. Naipagpasalamat niya at nasa loob pa ang asawa at siya ang unang nakakita sa ginang."Asawa ako at anak lang siya kaya ako ang may mas karapatan na dapat nasa tabi ni Alfonso!" matigas na pamimilit ni Margaret na makapasok sa silid kung saan nakaratay si Alfonso. Kailangan niyang makita ang kalagayan ng asawa upang makapag-isip ng hakbang laban kay Nica."Asawa?"Natigil sa pagtatalo sina Chris at Margaret nang magsalita si Nica mula sa bungad ng pintuan. Ang mga mata nito ay mugto mula sa pag-iyak ngunit nag-aapoy sa galit na nakatitig kay Margaret."Tinawag mo ang sarili mong asawa ng ama ko?" Nang-uuyam niyang tanong sa madrasta at dahan-dahang isinara ang pintong pinagmulan.Biglang umurong ang dila ni Margaret at hindi magawang sagutin si Nica. Ibang Nica na ang nakikita niya ngayon at nasa mukha ang hindi magpapatalo sa kaniya sa
"WHERE'S my Mom?" tanong ni Chris sa nurse na naabutan sa silid pagkabalik niya doon. Ang ama ay naiwan pa sa labas at may kinausap na tao. "Nakasalubong ko po siya kanina sa labas at kasunod niya ang babaeng nakaaway ng asawa mo." Sagot ng nurse sa binata. Dali-daling lumabas ng silid si Chris upang hanapin ang ina. Nahulaan niyang si Margaret ang tinutukoy ng nurse kaya nag-alala siya. Sinundan niya ang direksyon kung saan ito huling nakita ng napagtanongan. "Luisa, binalaan na kita noong una pa na huwag magpalinlang sa panlabas na anyo ng babaeng iyon! Magaling siyang umakting upang makuha ang loob ng taong gustong agawin sa buhay namin mag-ina." Malungkot na pahayag ni Margaret at lihim na napangiti nang makita sa reaction ng mukha ng kaibigan ang galit habang nakatitig sa hawak na larawan. "Kung totoo ito, bakit hinayaan ni Chris na mangyari ito?" Nalilitong tanong ni Luisa sa kaibigan. Ang alam niya ay si Margaret ang may ibang lalaki at hindi s
PINAKINGGAN ni Margaret ang voice record na pinadala ni Xtine kay Tinay. Ganap iyon sa nangyaring pag-uusap nito at ni Nica tungkol sa kung paano nito makumbinsi ang kaniyang step-daughter upang ito ang e-recommend bilang tagapag-alaga ni Janice.Matapos mapanuod ang video ay malapad ang ngiti sa labi ni Margaret. Ibinalik niya ang cellphone kay Tinay. "Sabihin mo na ayusin ang trabaho at huwag siyang magkamaling traidurin ako!""Okay po, Senyora. Aalis na po ako." Paalam ni Tinay sa ginang.Lumipas ang mga araw at alam ni Nica na lalabas na ng hospital ang kapatid. Ayaw pa rin nitong makipag-usap sa kaniya at hinayaan na lamang niya iyon."Sasamahan ko lang si Daddy sa paghatid kay Janice sa isang private resort." Paalam ni Chris sa asawa.Ngumiti si Nica sa asawa at tinanguan ito." Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Balitaan mo ako kapag nandoon na kayo."Masuyong hinalikan ni Chris sa labi ang asawa at ang anak bago umalis.Hindi nakauwi
NANGUNOT ang noo ni Philip pagkakita sa taong dumalaw sa kaniya. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito matapos niyang gawan ng hindi maganda ito.Hi!" nahihiyang ngiti ang pumaskil sa mga labi ni Xtine pagkakita kay Philip."Kung nandito ka para lang pagtawanan at makita kung gaano ka miserable ang buhay ko dito, makakaalis ka na." Masungit na sita ni Philip kay Xtine."Bakit mo naman naisip iyan? Hindi mo ba talaga ako minahal at ang tingin mo sa akin ay napakasamang babae?" naluluha ang mga mata ni Xtine at ang boses ay gumargal.Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Philip pagkakita sa malungkot na mukha ng dalaga. Pinakatitigan niya ito at inarok ang tunay na saloobin nito sa kaniya."Alam mo noon pa na kaya ko gawin ang lahat para sa iyo. Kahit na noong alam kong nagkakamabutihan kayo ni Nica ay inakit pa rin kita. Ginawa ko ang lahat kahit pa masira ang pagkakaibigan namin."Hindi malaman ni Philip ku
"HINDI ko po kayang mawalay ng matagal sa mag-ina ko, Dad." Bagsak ang mga balikat ni Chrismith at mukhang pasan ang mundo ang mababanaag sa mukha niya ngayon.
BITBIT ang cellphone ay pumasok si Tinay sa isang private room kung nasaan si Janice. Kilala na siya roon ng nurse at doctor dahil madalas niyang dinadalaw ang dalaga sa utos na rin ni Margaret. Wala siyang reklamo d
ISANG oras naghihintay sa labas ng operating room sina Chris at sobrang nababahala na ang binata kahit sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kaniyang mag-ina. Normal na umano ang minsan ay napaaga ang anak or d
"KUMUSTA na po ang anak ko, Doc?" kausap ni Alfonso sa manggagamot na siyang nag-aalaga kay Janice.
ISANG lingo rin ang lumipas bago nagising si Alfonso. Humina ang katawan nito pero tuwid pa rin namang magsalita. Pinaubaya na niya kina Nica ang disisyon sa kompanya at sa kaniyang asawa. Pinahuli ni Nica si Philip
"JANICE, do something! Hindi ako pwedeng makulong! Ano na lang ang sasabihin ng mga amega ko? Nakakahiya ang lahat ng ito at maging ang pangalan mo ay madungisan!" Lakad paroo't parito ang ginagawa ni Margaret habang