Home / All / Venomous Cure / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Oceane Oeuvre
last update Last Updated: 2021-07-01 15:50:49

Maven Cianna's POV

"Where do you think you're going?" Agad na bungad ni Sandro nang makalabas ako mula sa aking silid. Mabilis kong tinignan ang relong nasa kamay ko. 7:15 am pa lang, sobrang aga pa bakit nandito na ang lalaking 'to.

"What are you doing here? Sobrang aga mo naman ata?" Balik na tanong ko. Naningkit ang magagandang mata nito na nakatingin sa akin.

He's starting to get pissed.

Sinalubong ako nito ng matalim na tingin,"I'm asking you,Cianna. Where on earth are you going?" Seryosong saad nito na hindi man lamang pinansin ang naging tanong ko.

"I need to monitor the transaction na gagawin ni Ezekiel mamaya. Malaking pera ang nakasalalay dito kaya hindi dapat ito pumalya."sagot ko at nilagpasan siya. 

"You're not going anywhere," he said firmly. 

"Taci,Sandro! Kapag pumalya ang transaksyon ngayon ay siguradong magkakarooon ng pagkakataon ang mga hayop na 'yon para kalabanin ako. Alam mo kung paano mag-isip ang mga hudas na 'yon." matigas na sagot ko.

"May i just remind you na may mga test tayo na gagawin sa araw na ito,Cianna."saad nito na tila ba hindi narinig ang sinabi ko.

Tinignan ko ito ng masama,"Sandro."babala ko.

"It won't work on me,Cianna. You can't use that tone on me." he hissed.

"Hayaan mong si Lucius ang gumawa ng bagay na gagawin mo."giit nito. Hindi talaga ako mananalo sa isang ito.

"Mahalaga ang transakyong iyon,Sandro. Can't you understand that?" I said calmly.

"At mahalaga rin ang buhay mo,kaya gagawin natin ang mga test na 'yon! Don't make me repeat myself, Cianna. Kakausapin ko si Lucius para mag monitor sa transaction ni Ezekiel and you.." Duro nito sa akin.

"You will come with me  whether you like it or not and that's final. Magbihis ka na, hihintayin kita sa labas." Pinal na saad nito bago tuluyang umalis sa harap ko habang naiwan akong laglag ang panga at hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

What the hell did just happen?! Come osa quel bastardo!

Inis akong bumalik sa aking silid at agad na kinuha ang aking telepono. Halos mabutas na ang screen nito dahil sa diin nang pagpindot ko. 

"Ezekiel," Sambit ko matapos nitong sagutin ang tawag ko.

"Lucius will  monitor the transaction. Make sure na hindi papalya ang transaksyon natin dahil sa lahat ng tao ikaw ang mas nakakaalam kung gaano kahalaga ang bagay na 'yan sa akin." paalala ko. Nang makuha ko ang sagot nito ay agad kong ibinaba ang telepono at nag simulang magbihis.

"Sandro! Kapag talaga pumalpak ang transaksyong ito ay malilintikan ka sa akin!" inis kong sambit.

"Halos isang oras ka ng nasa loob,Cianna. Natabunan ka na ba ng mga damit mo?" Dinig kong tawag ni Sandro mula sa labas ng aking silid.

1 hour? Is he kidding me?! Ni hindi pa nga 10 minutes na nandito ako!

"You shut up, Sandro! Huwag mong ubusin ang pasensya ko." bulyaw ko.

"At huwag mo ring ubusin ang pasensya ko,Cianna dahil kapag naubos ang pasensya ko papasukin na kita sa loob ng silid mo at ako mismo ang magbibihis sayo." Tila napantig ang tenga ko sa sinabi nito.

Ang kapal talaga ng mukha ng gagong 'to!

"Just give me 5 more minutes, will you?!" I shouted back.

He tsked,"Fine." sagot nito.

"Before i forgot, hindi fashion show ang pupuntahan natin kaya sana hindi ka mag-abala sa isusuot mo. Hospital ang pupuntahan natin."dagdag pa nito na akala ko ay tapos na. 

M****a!

"Let's go." walang gana kong saad nang makalabas ako sa silid.

"Ang buong akala ko ay balak mo ng tumira sa loob ng closet  mo."pang-aasar nito. Tinapunan ko ito ng masamang tingin na sinuklian niya lang ng ngisi.

I tsked,"What do we need to do now?" tanong ko habang nasa sasakyan kami.

"You need to undergo series of test."seryosong saad nito. Hindi ito ang Sandro na nang-inis sa akin kanina, ito ang Sandro na doctor ko.

"Lumalala na ba ang lagay ko? After what happened yesterday at sa mga mga ikinikilos mo i can tell that something is wrong." ani ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"I still don't know, that's why we need to do the tests." sagot nito ngunit alam kong nagsisinungaling siya. Alam kong hindi nito sasabihin sa akin na malapit na ang oras ko bagay na nauunawaan ko naman. Ever since takot silang banggitin o pag-usapan man lang ang tungkol sa bagay na yon.

"I'm 23 years old already,Sandro. Dalawang taon na lang ang natitira," Saad ko at gumuhit ang mapait na ngiti sa aking mga labi.

"What the hell,Sandro?!" Hiyaw ko dahil sa agad na pag-preno nito sa sasakyan.

"What's wrong with you? Are you trying to kill us?" hiyaw ko.

"Don't say that thing again,"mababa ngunit malamig na babala nito. Agad na nabiling ang tingin ko dito at nakita ang galit sa kanyang mga mata.

"Sandro.."

"You don't have the right to say that word,Cianna. You understand me?" madilim ang mukhang sabi nito. Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"We can't hide the fact that i only have two years. I can't run away from it,Sandro. I just need to accept it." sagot ko.

"Stop it,Cianna! You know that i am doing my best right? We we're doing our best to save you sana naman makisama ka." Aniya.

Lihim akong napangiti. I will surely miss them once I'm gone.

"Alright. I don't have a choice either." I murmured.

"Let's go. We are already late ." i added. Pinili kong manahimik na lamang sa buomg byahe namin. Maging si Sandro ay hindi na rin nagbigay ng kanyang opinyon pa bagay na ikinagaan ng loob dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya pagdating sa bagay na ito.

"We're here."imporma nito. Isinuot ko ang sumbrero dala ko maging ang salamin para itago ang pagkakakilanlan ko. Hindi maaaring makilta ng kung sino man sa lugar na ito dahil siguradong makakarating ito sa mga taong kalaban ko. Mabilis kaming nakarating sa isang pribadong silid kung saan naroroon ang isa pang taong nakakaalam ng sitwasyon ko. 

"Von,long time no see." Bati ni Sandro sa lalaking nasa loob ng silid habang abala sa binabasa nito.

"Sandro my man! Haven't see you in a while," Ani nito bago kami sinalubong at niyakap si Sandro.

"And to you, Mia Cara. "baling naman nito sa akin. Mabilis kong ibinaba ang salamin at sumbrero ko bago matamis na ngumiti dito.

"Come stai, Von??" Pangungumusta ko.

"Still handsome as ever."aniya bago ako masuyong niyakap. Von Romanos, Levin's cousin.Isang kilalang general surgeon at pag-aari nila itong hospital. Maliban sa sa mga kaibigan ko ay isa rin si Von sa nakakaalam sa kalagayan ko.

"I heard about what happened. Sandro also called me last night regarding this," Panimula nito bago kami iginaya paupo.

"We will do the test and you need to comeback after five days for the result." He added.

"You ready?" Von asked. I slightly nodded. 

"I'll wait here." Sandro said. Tinanguan ko lang ito bago sumunod kay Von. Halos tumagal ng apat ba oras ang mga test na ginawa namin bago kami lumabas sa silid. 

"I'll call you once the results are out," Von said.

"Grazie, Von." Ani ko.

He smiled at me,"Don't mention it. You know how important you are to us,Cianna." He said that made me smile.

"I just need to go to the restroom." Paalam ko sa dalawa bago iniwanan ang mga ito dahil tila may balak pa itong mag-usap.Mabilis akong nagtungo sa comfort room at mabilis na inayos ang sarili ko at muling isinuot ang cap at salamin ko bago lumabas. Habang papalabas ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Sandro.

"Yeah, I'm on my way—"

"Che cazzo! look what you've done?!" Galit na sigaw ng taong nabangga ko. 

"I'm sorry, i didn't mean it." Paumanhin ko at akma na sanang pupunasan ang damit nitong natapunan ng juice ngunit malakas nitong tinapik ang kamay ko.

"Oh come on! How stupid of you?!" He added. Halos maningkit ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Iniangat ko ang mukha ko at bumalandra ang mukha ng isang gwapo ngunit demonyong lalaking nabangga ko. Mula sa makinis na balat nito at mapupulanh labi ay dumagdag din sa appeal nito.Ang magaganda niyang itim na mata at matangos na ilong. Mas matangkad din ito sa akin at may gray na buhok. 

"Stop drooling at me!" He hissed. Drooling? Me? What a delusional man! Matuwid akong tumayo at inalis ang salamin ko maging ang sumbrerong suot ko ag malamig itong tinignan.

"I'm not drooling at you. You look like a frog so why would i drool over you?" Mataray kong saad.

"You—" hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil nilagpasan ko na ito. Hahabol pa sana ito ngunit may tumawag dito dahilan upang hindi na ako nito masundan. I tsked, napakakapal naman talaga ng mukha niya.

"What's with that face?" Tanong ni Sandro ng makapasok ako ng sasakyan.

"Nothing. I just saw some frog." ani ko na ikinakibit lang ng balikat nito.

What kind of day is it?!

Related chapters

  • Venomous Cure   Chapter 3

    Trigger Jin's POV That freaking lady, how dare her to call me a frog?! Sa gwapo kong ito?! Mukha ba akong palaka?! "Oh? Anong nangyari sayo? Bakit mukhang dugyot ka sa itsura mo?" Natatawang saad ng kaibigang kong si Train nang makasalubong ako nito. Inis ko itong tinignan at muling ibinalik ang atensyon sa pagpupunas sa damit kong natapunan ng juice kanina. "Saan ka na naman ba kasi lumusong kuya? Bakit ganyan ang itsura mo?" my cousin Snow added. "Nabangga ako ng isang malditang bampirang babae." Sagot ko na ikinakunot ng mga ito. "Dude, ayos lang ba ang utak mo? Bakit naman magkakaroon ng bampira sa ospital na ito?Nasisiraan ka na ba ng bait?" Train said. Halos ambahan ko na ng suntok si Train dahil sa kanyang sinabi. Mukhang naniwala naman ang siraulong ito sa sinabi ko? Hindi man lang ba niya inisip na may halo

    Last Updated : 2021-07-01
  • Venomous Cure   Chapter 4

    Sandro's POV Cianna's condition is getting worst. Kapag nagpatuloy pa ang mga symptoms na naramdaman niya katulad noong nakraang araw ay hindi malayong mailagay nito sa panganib ang buhay niya. Fuck it! Hindi ko na alam ang gagawin ko. She was diagnosed as a CIPA patient when she was three years old. She has the same condition with her mom at nakuha ito ni Cianna. Her mother died at the age of 27, at lumagpas lamang ito ng dalawang taon sa average age ng mga taong may ganitong sakit. In most cases, the patient doesn't live over age of 25. CIPA is also a very rare disease, isa sa mahigit 125 million na tao lang ay mayroong ganitong kalagayan. Sa kaso ni Cianna, maagang napagtuonan ng pansin ang sakit niya kaya kahit papaano ay naging normal ang pamumuhay niya sa loob ng halos 20 years. Dahil na rin sa yaman at koneksyon mayroon ang pamilya nila ay natutukan ang kanyang kalagayan. Halos bawat galaw nito noong bata pa

    Last Updated : 2021-07-01
  • Venomous Cure   Chapter 5

    Maven Cianna's POV Abala ako sa pagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa mga nakalipas na transaksyon namin nang pumasok si Ezekiel sa aking opisina. "Anong balita?" Agad na tanong ko. "Gusto ng elders na sila ang humarap sa transaksyon natin sa Legrand sa darating na linggo. Ayaw nilang pumayag na ikaw ang humawak sa transaskyong ito."imporma ni Ezekiel sa akin. Inalis ko ang tingin sa aking binabasa at hinarap ito. "What?" I asked. "They don't want you to handle the transactions with Legrand. Ipinipilit nila na siguradong papalya ka sa transaksyong ito," He added. Sarkastiko akong tumawa dahil sa narinig ko. "Is that a joke? What a bunch of clowns," naiiling na saad ko. Sinusub

    Last Updated : 2021-07-04
  • Venomous Cure   Chapter 6

    Sandro's POV "We're here. Umayos kayong dalawa,"babala ni Cianna kina Rage at Levin bago naunang bumaba sa sasakyan na mabilis ko namang sinundan. "Wait for us,Cianna!" Levin called her pero hindi niya ito nilingon. "Are you in hurry,Cianna?" Rage added. Agad na lumingon si Maven at tinapunan ng masamang tingin ang dalawa. "Ako ng bahala sa kanila Cianna," Saad ni Eve at hinawakan sa magkabilang braso ang dalawa. "Kapag hindi kayo tumahimik at kapag hindi ninyo tinigilan si Cianna ay ako mismo ang mag dadala sa sainyo sa operating room dito." pananakot ni Eve sa dalawa habang nagpupumilit kumawala mula sa pagkakahawak niya. "Doc! Doc! Emergency!" Agad kaming napalingon mula sa kinaroroonan ng entrance n

    Last Updated : 2021-07-04
  • Venomous Cure   Chapter 7

    Maven Cianna's POV Tatlong araw na ang nakalipas simula nang lumabas ang resulta ng mga ginawang test sa akin at hindi ko maikakaila na hindi ko ito nagustuhan. I don't have much time left, I shouldn't waste my remaining time, kailangang magbayad at bumagsak muna ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko. "Signora, bukas na ang transaksyon natin sa mga Legrand. Alam na ho ba ng Sinister ang plano mo?" Tanong ni Ezekiel sa akin. Nasapo ko ang noo ko nang maalala ito, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila dahil hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon sa mga nakalipas na araw. Dahil nasisiguro kong tututol ang mga ito sa balak kong gawin. "Not yet. Don't worry about them. Ako ng bahala sa kanila," Sagot ko na lamang.

    Last Updated : 2021-07-04
  • Venomous Cure   Chapter 8

    Eve's POV "Levin Get back here?! I'm going to bury you alive!" i shouted. Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng sigaw ko. "Come on,Eve. Let me pass, just this once will you?"pakiusap nito habang tumatakbo papalayo sa akin. Ang siraulong ito talaga! Kahit kailan ay sakit ito sa ulo. I don't have a younger brother pero bakit niyo naman ho ako binigyan ng batang alagain?! "Figlio di puttana !I've told you not to meddle with their business. Nasisiraan ka na ba ng bait?" inis kong asik dito. "Eve, i didn't do anything—i mean, ginawan ko lang ng kaunting paraan para pumalya ang plano nila but that's all.

    Last Updated : 2021-07-04
  • Venomous Cure   Chapter 9

    Trigger Jin's POV "Jin?" "Trigger Jin?" "Yah Kuya Jin?!" agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang sumigaw si Snow. "Shit. You're going to kill me,Snow!" saway ko rito. "Hello! We've been calling you numerous time already but you are not even answering," Snow hissed. "Man,you've been like that for four days already. Maayos na naman ang lagay ng taong inoperahan mo last time kaya hindi namin maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka," Train added. Mukhang pati ito napansin na rin ang pagiging balisa ko

    Last Updated : 2021-07-04
  • Venomous Cure   Chapter 10

    Trigger Jin's POV "Monitor her condition and immediately call me kung may mapansin kayong mali. I'll be at Von's office."bilin ko kay Sky at Train na nasa silid ni Maven kasama ang tatlong kapamilya nito. "Kailan siya magigising?" Levin asked. "I still don't know. Dapat ay gising na siya sa mga oras na ito pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi pa rin siya nagigising. But you don't have to worry that much, she's out of danger now. Hintayin na lang natin ang pag gising niya." sagot ko rito. "Thanks,Doc." sabi nito bago ako tuluyang lumabas ng silid at nagtungo sa opisina ni Von kung saan naghihintay ang dalawang doctor ni Maven. "What's wrong,J

    Last Updated : 2021-07-04

Latest chapter

  • Venomous Cure   Chapter 35

    Trigger Jin's POVIt's already nine o'clock in the evening when Yoshin,Ivo and I arrived. May mga ipinadala si Mom sa bayan na gagamitin para sa event nila sa susunod na linggo.Mabilis akong bumaba sa sasakyan at nagtungo sa silid ni Maven. I need to check her baka ka kung ano ng nangyari sa kaniya."Maven," i called but no one answered.Ilang beses pa akong kumatok ngunit walang sumasagot kaya naman at binuksan ko na ang silid nito."She's not here. Don't tell me hindi pa sila umuuwi?" Lumabas ako sa silid kung saan nakasalubong ko si Ate Kitty."Where's Maven,Ate?" Tanong ko."We left her at the garder kanina. Napagod kami sa paglilibot kaya nagpahinga kami at nagpaiwa siya sa garden. Wala ba sa silid niya?" Ate Kitty said.I felt that there's something wrong so i decided to call her but i can't reach

  • Venomous Cure   Chapter 34

    Maven Cianna's POVInabot kami ng hapon sa paglilibot sa buong hacienda ng mga Madrigal. Hindi maipagkakaila na sila nga ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bayang ito dahil sa laki ng sakop nilang lupain."Aren't you tired,Cianna?" Tanong ni Ate Kitty na humahangos sa na naupo sa silyang nasa harapan niya.Ngumiti ako rito at umiling."What?! Are you even a human,Ate Cianna? Halos nalibot natin ang buong hacienda pero parang kami lang ang napagod. Anong gatas ba ang sekreto mo,te?" Hindi makapaniwalang dagdag pa ni Yesha."Wala pa sa kalahati ang nilibot natin kumpara sa mga lugar na nililibot ko sa Italy, Yesha." Sagot ko na lamang dahil hindi naman maaaring sabihin ko sa kanila ang totoong dahilan."Unbelievable!" Sabay na sabi ng dalawa dahilan upang mahina akong matawa."Bakit kaya hindi mo na libutin ang buong earth,Cianna tu

  • Venomous Cure   Chapter 33

    Trigger Jin's POVI woke up with a wide smile plastered on my face. I still couldn't get over about last night na pati sa panaginip ko ay nakikita ko ang magandang ngiti ni Maven.Akala ko ay maling desisyong isama siya rito but after hearing her words, that she's happy and that she enjoyed the dinner last night i couldn't ask for more. I've been staying with her for several months already but this is the first time i saw her smiled genuinely, her blue eyes says it all i can't even see the pain and sufferings i usually see on that blue eyes.After taking a cold shower i decided to leave my room ngunit hind pa man ako tuluyang nakalalabas ng silid ay sumalubong sa akin ang nakapikit pang si Ivo."Fuck! My head is spinning!" Reklamo nito."I told you not to drink too much but you didn't listen. Serves you right."

  • Venomous Cure   Chapter 32

    Maven Cianna's POV"I told you ate Kitty she's the PERFECT GIRL for my brother." May diing sabi ni Yesha na may halong pang-iinis kay Nadia habang ako naman ay nagtatakang nakatingin kay Trigger."I'm sorry about that,Amore. Lagi itong ginagawa ni Ate Kitty sa mga nagiging girlfriends ko,I glared at at Trigger,Yoshin smirked when he saw me glaring at his brother,"It should be ex girlfriends,Kuya. Becareful, baka mamaya tumilapon ka na lang diyang bigla." Natatawang sabi nito."Shut up,Yoshin!" He hissed at his brother."Allow me to explain,Dear." Sabat ni Ate Kitty."There's something i want to see and to hear sa mga ipinapakilalang babae nitong pinsan ko. Usually,magpapaawa sila like magsusumbong kay Tita na inaapi ko or iiyak kay Trigger at sisiraan ako na ginawa ng babaeng 'yan,"Turo nito kay N

  • Venomous Cure   Chapter 31

    Maven Cianna's POV"Kuya Jin,your fiance is here!" Kamuntikan ko nang hilahin si Yesha dahil sa ginawang pag sigaw nito. Ang kaninang maingay na garden ay biglang tumahimik,tumigil ang mga ito sa kanilang ginagawa at nanatiling nasa amin ang atensyon ng lahat.I gripped on Yesha's hand. I don't like too much attentions and i am freaking nervous right now.Ngunit agad namang nawala ang kabang nararamdam ko nang makita kong tila lintang naka kapit si Nadia kay Trigger. Ang kaninang kaba ay napalitan ng inis lalo na nang ngumisi si Nadia sa akin at mas lalong inilapit ang kaniyang sarili kay Trigger.This bitch is pissing me off."Is it okay if i throw that bitch out of the mansion,Tita Ver?" Bulong ko kay Tita na naka hawak sa akin."Do what you want,Anak. I'll back you up

  • Venomous Cure   Chapter 30

    Trigger Jin's POVPasaso alas-syete na ng gabi nang simulang mag datingan ang mga bisita ni Mama. Natapos na rin ang lahat sa paghahanda at hinihintay na lang ang iba pang kamag-anak namin na dumating. Pinili rin ni Mama na sa garden na lang gawin ang dinner dahil sa lawak at magandang tanawin nito tuwing gabi."Jin!" Napangiti ako nang makilala kung sino ang pamilyar na lalaking sumigaw mula sa pintuan ng mansyon.Mabilis ako nitong dinambahan ng yakap na halos ikabuwal ko na,"The fuck Ivo! Masisira ang damit ko dahil sa'yo." Reklamo ko. Ivo is my cousin sa side ni Papa. Maka-edad lang kami nito at parehong kurso rin ang kinuha namin noong college."Ipapatahi ko na lang kay France,Dude." Agad na sumama ang tingin ko rito dahilan upang lumakas ang halakhak nito."Baka imbes na maayos ay mas lalo pa

  • Venomous Cure   Chapter 29

    Trigger Jin's POVAbala ang lahat sa mansyon sa isang simpleng dinner na inihanda ng pamilya namin. Mom and Dad invited some of their close friend and some of our relatives lalo na at nalaman ng mga ito ang pagdating ko."Mom, I'll go check Maven." Paalam ko rito. It's already 7pm kailangang maka inom na ng gamot si Maven at magawa ang ilang test niya to make sure na maayos ang lagay niya."After the incident with Nadia earlier ay hindj ko na ito nakausap dahil sa sobrang busy at hindi rin ito iniiwan ni Yesha at Mom. Tumulong na rin si Jethro at Kahel sa akin at paminsan minsan ay binabantayan ng mga ito si Maven.Kumatok ako ng dalawang beses mula sa silid nito bago niya ito binuksan.Sinenyasan ako nitong pumasok habang may kausap ito sa telepono."Trigger is here, you want to talk to

  • Venomous Cure   Chapter 28

    Maven Cianna's POVMatapos naming kumain ay inilibot ako ni Tita Veron at Yesha sa buong mansyon kung saan mas napagtanto ko ang kalawakan ng kanilang lupain habang sina Trigger naman ay masayang nakikipag kwentuhan sa ama at kapatid nito kasama sina Kahel at Jethro."Is your hair natural,Ate?" Yesha asked out of nowhere habang masuyong sinusuklay ang buhok."Yes," i simply answered."Wow. I want this kind of hair,"Yesha said with amusement in her voice.Kusang sumilay ang simpleng ngiti mula sa aking labi. I suddenly remember my mom, ganito ang lagi niyang sinasabi tuwing sinusuklay niya ang buhok ko."Para kang ang mama ko. She always told me that she wants this kind of hair," ani ko."Where's your mother,Iha?" Tanong ni Tita Veroni

  • Venomous Cure   Chapter 27

    Maven Cianna's POVUmabot ng dalawang oras ang byahe namin patungong Tagaytay hanggang sa tumigil ang sasakyan sa isang malawak na lupain. An hacienda to be exact.Inalalayan ako ni Trigger na makababa sa sasakyan at sinenyasan sina Jethro na dalhin ang mga gamit namin.Inilibot ko ang aking pangin sa malawak na lupain. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang masilayan ang ganda ng lugar, mula sa magagandang bulaklak na nakapaligid rito at ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking nalat. It feels to relaxing, walang ingay tanging katahimikan lamang."Let's go." Hinawakan ni Trigger ang pulsuhan ko at marahan akong hinila patungo sa isang may kalakihang bagay. The house look simple but at the same time elegant. Makikitang may impluwensya ng Spanish architecture ang bahay na ito dahil sa desinsyo."My mom is a Half Spanish ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status