Tinanggal ko ulit ang pagka ponytail ng buhok ko at sinuklay ito bago hatiin sa gitna at suklayin ulit. Umiling ulit ako at nagponytail. Kainis naman, eh. Gusto ko sanang nakalugay lang ako pero mainit naman. Ayoko namang mag ponytail kasi di ako komportable pero baka pagalitan ako ni Jean. "Alam mo para wala kang problema, kalbohin na lang kita." Pinakyu ko si Hustzy na ikinatawa lang niya. Kakatapos lang nilang mag away ni Rielle dahil bawal dito sa room namin si Hustzy pero nagpumilit. Hindi na naman n'ya maiwan ang pwet ko. "Saan ka pala pwinesto ni Ysa?" Tanong ko dito at tumingin ulit sa salamin ni Ysa na hiniram ko lang. Camping pero may salamin. Baliw. Itinali kuna ang buhok ko kasi paniguradong iyon lang din ang bagsak nito. "After yours. Kami iyong magbabato ng nga balloons with water inside after they crawl like a worm in the mud." Excited n'yang sabi at umakto pa itong parang may binabato. Natatawang binatukan ko ito. "Baka naman k
After so many, many, many minutes have past before the first activity started. Grabe, kung hindi kami ang mag-iingay sina Rielle at Hustzy na mag aaway o sina Lleidzy at iyong lalaking nambastos kay Ysa kanina. Ah, kaya pala nandito 'to eh. Kaaalis din ni Rone. May problema raw sa business na pinapatayo niya.Hanga nga ako sakaniya, eh. At the early age, he was able to work while studying. Ang sabi niya, at the age of 12 nagtra trabaho na raw siya. He said ayaw niyang umasa sa family niya and he wants to start his own business without being connected with his father. I don't know the history between them but Rone is a great man. "Kapit filter." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Akala ko noong una ako ang sinabihan niya pero nang tignan ko ay nakatingin siya sa isang babae na pinagtitinginan nila."Bakit? Kahit anong filter ba hindi tumatalab sayo sa kainggitan mo?" Natatawang sabi ko. Wala eh, akala ko sakin sinabi eh.
Tamad na tamad akong sinuot ang jacket ko at hinayaan na lang ang buhok kong basa pa. Wala. Nakalimutan ko nanaman ang blower ko. Buti na lang at teachers na ang bahala sa pagkain naming facilitators. Aba, dapat lang! Pagod na nga kami paglulutuhin pa kami. Kami na nga gumagawa ng dapat na trabaho nila. Pero bago pa ako makalabas ay may bumangga na sa akin at hinila ako papasok sa kabilang kwarto. Kung nasaan ang kwarto ng mga lalaking kasama namin. Agad niyang isinara pinto na hindi na ako nakaangal pa. Ano na naman ba ang problema n'ya? Linibot ko ang tingin ko sa kwarto nila at halos mapamura nang makitang mas maayos pa ang kwarto nila kesa sa amin! Aba't naka foam pa! Eh banig lang iyong amin. Walang hiya kasi iyang Ysa, proud na proud pang sabihing siya nang bahala sa hihigaan namin. Banig naman! Mas pwede pang higaan iyong kinuha kung comforter. Ang mga gamit nila ay nasa iisang sulok habang kami ay kung saan saan nakikita. Tag iisa sila ng foam at comforter. Parang hindi
Since pajama party 'to, walang upuan kundi puro unan lang at kung ano-ano pa. Wala naman akong alam sa mga ganito. Hindi rin naman mahilig sila Jean at Ysa na gumawa ng mga ganito. Yes, we do have girl's night out but with n*****x and foods. Si Jean ay masyadong kabado sa dumi habang si Ysa ay walang pake sa mga ganoon. Tamad naman ako at walang alam sa mga ganoong bagay. Buong gabi na iyon lang ang nangyari. Maraming studyante ang umangal lalo na ang mga lalaki. So Jean tried to make things right or more like make things fun. Halos mag away pa nga sila nang isuggest ni Giany na mag-aral na lang. Taena niya. Na saan ang fun doon? The pajama party turned to a real party except that there is no alcoholic drinks. RINIG NA RINIG KO ang pag angal ni Ysa nang tanggalin ni Jean ang kaniyang sapatos. "Ysa, magje jeep tayo ba't ka naman naka boots?" I sighed and put my jacket on. "So? I still need to look beautiful!" Hindi lang si Jean ang napairap sa narinig. Ako nga ay halos gusto ku
Hindi ko parin malimutan ang nangyari at pakiramdam ko lahat nang tumitingin sa akin ay alam ang nangyari. Kahit si Ysa at Jean ay ganoon din. Naka cap pa sila na halos itago na ang buong mukha nila. Hindi ko alam kung nakakakita pa ba sila. "Anong bang nangyari sainyo kanina?" Tanong ni Rielle na agad kung ikinailing. "Ang masasabi ko lang ay ayoko sa jeep. Hinding-hindi na ako sasakay pa sa jeep." Tumatangong sabi ko at nakita ko pang tumango rin ang dalawa. Mas lalo tuloy na nacurious si Rielle pero wala talagang nagsalita sa amin. Syempre, alam naming nakakahiya talaga ang nagawa namin. Wala kaming balak maging comedy star. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para takpan ang mukha ko nang makitang papalapit pa lang si Lleidzy ay nakatingin na siya sa akin. Sa paraan nang pagtingin niya para bang alam niya lahat-lahat ng nangyari at tungkol sa akin. Hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kaniya sa kaba na baka mas mapatunayan niya ang hinala n'ya! Nama-mangha n'ya akong tinitign
Hustle...Hindi ko talaga maintindihan kung bakit Hustle ang tawag nila sa kanya. It's seems like it's something that I should know but I shouldn't. May parte sa akin na gusto kung malaman pero mas gusto kung hindi ito malaman. Hustzy chuckled. "Huh." He scoffed before looking at Lleidzy straight in the eyes. "Dude, before calling her yours, why don't stop being torpe and forget your hatred? There's no way you can love her without hurting her if you can't let go of the past." Mockery could be seen in his eyes despite of being emotionless.Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Habang nakikinig ako ay sumasakit lang ang ulo ko. Am I turning into an idiot? Ba't wala akong maintindihan ngayong araw? Napahilot na lang ako sa ulo ko. Ewan, masakit talaga ang ulo ko. Mukhang napansin iyon ni Lleidzy kaya hindi na lang niya pinansin pa si Hustzy at sa akin binaling ang attention niya. "Does your head hurts?" Umiling ako dito pero mukhang hindi siya kumbinsido at mas tinitigan pa ako.
"Bigyan mo ako pambili ng coins, kakalimutan ko ang ginawa mo." Kunot-noo niya akong tinignan pero nang makitang matatalim ang tingin ko sa kaniya agad itong tumango. Binigay ko sa kaniya ang cellphone ko at binabantayan ang bawat kilos niya. Mahirap na, baka pera ko ang gamitin. Para sa mga bata sa amponan 'yon. "Ang kuripot mo naman, Hustzy! Dagdagan mo pa!" Sinamaan niya ako nang tingin pero tinaasan ko lang ito ng kilay. Wala siyang nagawa kundi sundin ako. "Ayan, iyo na. Masaya kana?" Matamis akong ngumiti dito na ikinairap lang niya. Pinag patuloy ko ulit ang pagbabas habang si Hustzy ay inaayos ang magulong gamit namin. Lalo na iyong kay Ysa. Pwede na siyang mag-asawa. Tahimik lang kaming dalawa nang biglang may pumasok. Hinihingal pa ito at naka kapit sa pintuan. "Hust, tubig." Mabilis naman itong kumilos at binigyan si Jean ng tubig. Grabe, parang alalay ko lang si Hustzy. Nang makitang normal na ang pag hinga niya ay agad ko itong binatukan. "Zhia!" She glared at m
Malapit na matapos ang misa na wala man lang pumasok sa utak ko.Mukhang si Ysa rin ay problemado. Ewan ko. Mukhang hindi maganda ang maiidulot sa amin ng camping na ito. Pangalawang araw palang namin may nangyari na buti na lang at sa mga sumunod na araw ay natahimik ang buhay namin.Sana magtuloy-tuloy na 'to."Alam mo kaninang kumuha ako ng tubig, may narinig akong chismis." Bulong ni Hust kaya agad akong napatingin dito."Ano 'yon?" Pabulong kung tanong at humarap ulit sa pari. Para hindi mahalatang hindi kami nakikinig."May babae daw sa gate na parang gangster kong manamit. Gustong pumasok pero hindi pinyagan." iyon na 'yon? Hindi naman interesting,eh."Pinuntahan ko nga baka studyante lang na nakalabas. Parang gangster nga! Grabe ang astig niya." Nama-mangha pa niyang sabi na ikina irap ko lang.Asus, kung makikita niya lang si Ri mahilig iyon sa mga gangster-gangster na damit. Pero good girl naman siya sa school. Saka lang nag