Hindi dumating si Caleb. Tumawag ito at sinabing na-stranded. Malalim daw ang tubig at hindi kaya ng sasakyan. Ipinayo nito na mag-stay na lang muna siya sa hotel.Medyo hupa na ang bagyo kinabukasan. Maghapon siyang natulog. Umakyat siya sa rooftop. Gusto niyang makita ang paglubog ng araw.Laking gulat niya dahil kasunod niya si Noah. Naglatag ito ng mat. May dala din itong pagkain at inumin.“Come here, sit down,” anyaya nito.She sat at the opposite side of the mat. Nahirapan siya sa pag-upo dahil skirt ang suot niya at medyo maiksi.Nagbukas si Noah ng beer in can at inabot sa kanya ang isa. Kinuha niya at agad na ininom ang laman.“Beer yan, Maddie, hindi softdrinks, dahan dahan ang inom,” amused na sabi nito.Tumapon ang beer ng ibaba niyang bigla. Namula ang kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung dahil sa alak o dahil naglapat ang mga mata nila ni Noah.He had the most beautiful eyes she had ever seen. The color of his eyes was a mesmerizing shade of dark brown that sparkled
“Maddie, hindi ka lumalabas, bahay at opisina ka lang. You’re a workaholic. Paano ka magkakaboyfriend n’yan?” sabi ni Kaye ng dalawin siya sa opisina.“At sino ba ang nagsabi na gusto ko ng boyfriend? Magpapakatandang dalaga na lang ako, wala pa akong problema sa buhay.”“Aba, problema din kapag tumanda kang dalaga, malungkot mag-isa.”“Pwede ba, ‘wag mo akong kulitin. Kayo na lang ni Caleb ang lumabas at mag-date,” taboy niya.“Don’t tell me na mahal mo pa din si Noah? Ni hindi ka nga dinalaw sa ospital para kumustahin. Maddie, you deserve someone better who will take care of you.”“Please, leave me in peace. Sige, kapag naging kayo na ni Caleb, tsaka ako maghahanap at makikipag-date.”“He loves someone else.”“Sino?” Kunot ang noong tanong niya.“Hindi ko kilala.”“Hindi ka naman pala sigurado. Take a chance. Malay mo naghihintayan lang kayo.”“We are better off as friends. Boring si Caleb. Masyadong mabait at maunawain.”“Uy, naghahanap ng dahilan para ayawan si Caleb. I know you l
Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Mukha namang normal ang lahat. She didn’t like the idea of being watch. Ang secret security ni Don Arturo ay nakahalo sa pangkaraniwang tao sa kanyang paligid. Kilala niya ang mga ito. She’s aware na sinusundan siya for her safety. Na may mga kapalpakan nga lamang dahil dalawang beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pero may sinabi si Noah na, ipapabugbog niya si Ivan sa mga tauhan niya. Did he pay people to watch over her? Para saan?Umuwi din siya kinagabihan pagkatapos ng commitment sa Pangasinan. Pinag-drive siya ni Raul, ang baklang manager ng resort niya bagamat wala sa itsura nito ang pagiging binabae dahil bihis lalaki ito. Papunta din naman ito sa Manila upang umattend ng monthly meeting. Bumaba ito at binagbuksan siya ng kotse. Pagbaba niya ay napansin niya si Noah na nakatayo sa harap ng bahay niya at nakasandal sa kotse nitong Honda Civic Sedan. Mukhang ilang oras na itong naghihintay. Tila pinapak na din ito ng mga lamok.
Nagpaplano na siyang mangibang bansa. Inihanahanda na lamang niya ang mga tauhan na maiiwan lalo si Kaye at Caleb. Never naman siyang binigo ng dalawa.She’s attending hotel management training sa Monreal Beach Resort. World class ang resort na ngayon lang niya narating, mula sa pagkain hanggang sa facilities. Umikot muna siya sa kabuuan ng resort. Bukas pa ang opening ng event kaya may oras pa siyang mamasyal. Gumawi siya sa souvenir shop, ibibili niya ng pasalubong ang mga employees niya.May inabot siyang necklace na gawa sa shells at pearls, ngunit may isa pang kamay ang humawak dito. Napatingin siya sa may-ari ng kamay. Si Noah. Nagkagulatan silang pareho.Kunot ang noong pinagmasdan niyang mabuti ang binata. Baka namamalikmata lang siya. Dahil imposibleng nasa isang lugar lang sila ngayon. Two wrong people at the right time and at the right palace.“Oh, hi!” bati ni Noah na suot na naman ang ngiting tutunaw sa kahit sinong anak ni eba.“Sinusundan mo ba ako?” aniya pagkabawi sa
Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya ng matanaw si Noah. Hindi niya inaasahan na makikita na naman ang binata sa bar. Kinaladkad lamang siya Caleb, mas gusto pa niya sa bahay at magpahinga. They will meet an old friend kaya napilitan siyang sumama.Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay lumapit ito sa kanila. “Pwede ka bang makausap?” Pormal ang anyo nito.“Hindi, baka magalit ang boyfriend ko,” tanggi niya sabay hawak sa braso ni Caleb.Ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan kay Noah. Tapos na sa kanila ang lahat. Hindi niya muling papayagang pumasok ito sa buhay niya. Never.“Yes, huwag mo na kaming guluhin. Masaya na si Maddie,” sabi ni Caleb. Nakahinga siya ng maluwag sa pakikiayon nito.Ngunit hindi nito pinansin si Noah. “Maddie, I’m just asking for a few minutes. Please, let us talk. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nakikinig sa akin.”“Para saan, Noah? Kahit anong paliwanag mo ay hindi na mababago ang desisyon ko. It’s over. Tapos na sa atin ang lahat.”“Hindi b
Matapos maihanda ang lahat ng kailangan para sa pagtira niya sa America, kinausap niya ang mga naging importanteng tao sa buhay niya.Pinuntahan niya si Don Edgardo, ang tatay ni Noah. He’s been good to her. Sinigurado niyang wala si Noah at nasa opisina, unfortunately nag-half day lang ito at umuwi na.“Hijo, niyaya ko si Maddie na dito na mag-lunch. Tara at saluhan mo kami,” bungad ng Don.“I already ate dinner.” Paakyat na si Noah sa kwarto ng madinig ang tawag ng ama.“Tara muna dito ng makipagkwentuhan."Umupo si Noah sa tabi ng ama. Tuloy ang kwentuhan nila ni Don Edgardo. Maya maya ay nagpaalam ito may kukuhanin lang daw sa kwarto ngunit halatang gusto lang na sila ay makapagsolo.“Anong pakulo ito? Bakit ka pa nagpunta dito? Akala ko pinili mo na ang boyfriend mo?"“Hindi ikaw ang dinalaw ko. At huwag kang makialam sa mga ginagawa ko!” angil niya sa lalaki.“Alam ba ng boyfriend mo na nagpupunta ka pa sa mansion ng dati mong asawa at nagpapapansin sa akin?”“You, arrogant beas
Naiwan si Noah sa gitna ng kalsada. Tumingin siya sa relo. Makakaabot pa siya sa airport. Tumakbo siya pabalik ng kotse at agad na pinasibad upang muling habulin si Maddie. Hindi na niya pinansin ang pagpito ng traffic enforcer. Mamaya na niya aasikasuhin kung may violation man siyang nagawa.Pumasok siya sa airport, 5:50am. Mahaba ang pila papasok. Ayaw din siyang papasukin ng guard, wala siyang maipakitang passport or air ticket. Hindi din nito tinanggap ang kanyang paliwanag.He felt helpless. A feeling that never even crossed his mind that he would experience. Susunod na lamang siya sa America upang kausapin si Maddie at kumbinsihing bumalik sa Pilipinas.Talunang lumabas siya ng airport. Pumasok na siya sa kotse ngunit ayaw mag-start. Nakailang try siya. Binuksan niya ang hood ng sasakyan upang tignan kung ano ang sira. Mukhang nag-overheat ang kotse niya.“May gusto ka bang sabihin sa akin?” tinig ng isang babae sa likuran.Saglit siyang huminto. Pinaglalaruan yata siya ng kanya
Nagkita sila Caleb at Kaye sa coffee shop. “I couldn’t believe that Maddie will come back to that bastard!” sabi ni Caleb. “Kaya nga kahit ako nagulat. Akala ko talagang iiwan na niya si Noah. But anyway, sino ba tayo para humadlang sa kaligayahan ni Maddie. Let’s just support her.” “Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa lalaking ‘yon. Ilang beses na siyang sinasaktan.” “Kilala mo si Maddie, matigas ang ulo niya. Walang pinapakinggan lalo pagdating sa pag-ibig.” “Nag-aalala ako at baka mapahamak siya. Hindi mabuti ang pagtrato sa kanya ni Noah. At nakakapagtaka ang intensyon nito sa muling pakikipaglapit sa kanya mula ng malaman na bilyonarya si Maddie.” “Kahit sabihin natin yan, she won’t listen to us.” “I smell something fishy. Baka pera ni Maddie ang habol ni Noah.” “Let’s hope na maging masaya ang kaibigan natin. Tigilan na natin ang pag-iisip ng negatibo lalo at nasa honeymoon sila at nag-uumpisa ng bagong buhay bilang mag-asawa.” Napansin ni Kaye na nagpupuyos ang ka