|¦ Celeste ¦|
Nakarating naman kami kaagad ng anak ko sa SIG Medical Hospital. Mabuti na lang at hindi masyadong ma-traffic. Ang sabi ni Mama ay nasa second floor siya ng hospital kaya kaagad na kaming sumakay ng elevator.“Mommy, I want to pee.” magkadikit ang tuhod ni Stella nang makalabas na kami ng elevator.“Alright punta tayo sa comfort room.”Nahanap ko naman kaagad iyon at saka ko siya dinala papasok doon. Dalawang taon pa lang si Stella ay kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya lalo na sa ganitong sitwasyon. Ayaw niya na ng ginagabayan ko siya, lalo na ngayong nag-aaral na siya dahil palagi niya sinasabi sa akin na big girl na siya.Kaya naman mag-isa itong pumasok sa cubicle habang ako ay naghihintay sa labas at inaayos ang buhok ko. Hindi ko masyadong pinansin ang babaeng kalalabas lamang mula rin sa isang cubicle kaya nang huminto ito sa harapan ko ay hindi ko ito masyadong nakilala.“Celeste? Ikaw ba ʼyan?!” pagalit nitong tanong.Nang matitigan ko ang mukha nito ay nanlaki ang mga mata ko.“M—Madam Mirna. . .”“Punyetà ka! Ikaw nga!”Mabilis akong sinugod nito at sinabutan.“A—Aray! Madam Mirna, tama na po! M—Masakit, aray!”Hinila ako nito palabas ng comfort room at basta na lamang ibinagsak sa sahig. Napatingin pa ako sa entrance ng comfort room dahil naroon naiwan ang anak ko. Kapag nakita ako nitong wala roon ay tiyak na iiyak ito.Hindi ko naman magawang lumaban dahil malaki ang respeto ko sa mas nakakatanda sa akin. Hindi ko akalain na sa sobrang laki ng Pilipinas ay magtatagpo pa kaming dalawa. Unti-unti nang dumarami ang mga taong nakatingin sa amin na mga pasyente.“Sa wakas naman ay nakita rin kita! Hindi niyo alam ni Jovy kung anong malas ang dinala niyo sa negosyo ko! Mga malalandi kayong tunay!” sigaw pa nito at muli itong pumaibabaw sa akin at sinabunutan ako.Nabalitaan namin ni Jovy mula sa mga kasamahan namin na nakulong daw si Madam Mirna dahil ang kliyente na nakasama namin ng gabi na ʼyon ay ini-report ang nangyari. Inimbistigahan si Madam Mirna at nalaman na mayroon din pa lang mga babaeng ibinubugaw ito at mga menor de edad pa.“T—Tama na po. . . Aray ko! Tulong!” tanging braso ko ang ginawa kong pang sangga sa mga hampas niya sa ʼkin.Kapwa kami nakarinig ng pagpito at mula iyon sa guwardiya ng hospital.“Tigilan mo ʼyan!” sigaw pa ng guwardiya.Mabilis na umalis sa ibabaw ko si Madam Mirna at kaagad na tumakbo papalayo sa amin dahil tiyak na huhulihin siya ng mga ito. Tinulunyan rin akong makatayo ng mga guwardiya.“Ayos lang po ba kayo? Kilala niyo po ba ang babaeng ʼyon?”“Ayos lang po ako. H—Hindi ko po siya kilala, bigla niya lang po akong sinugod mula sa comfort room.” pagsisinungaling ko at pinagpagan ang suot kong white slacks.Kagagaling ko lang sa klase ko kaya naka-uniform pa ako nang sunduin ko si Stella. Doon pa lamang ako napatingin muli sa entrance ng comfort room. Si Stella!Ang anak ko!Mabilis akong tumakbo patungo sa comfort room. Nanlaki ang mga mata ko nang bukas na ang pintong pinasukan nito kanina. Patakbo akong sumilip sa loob pero wala na ito roon.“Stella? Anak?” isa-isa kong binuksan ang pinto ng cubicle pero wala roon ang anak ko.Hindi kaya nakalabas na siya? Oh my gosh! No, baka kinuha siya ni Madam Mirna? Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at bumalik sa labas at tinawag ang guwardiya. Kaagad kong sinabi sa mga ito na nawawala ang anak ko. Humingi sila ng litrato at information nito at nag-paging na rin upang mas mapadali ang paghahanap.“M—Ma. . . Mama, si Stella po nawawala! Nawawala ang anak ko! Ma!” humahagulgol kong sambit nang matagpuan ako ni Mama.Nanlalambot ang mga tuhod ko at nanginginig ang kalamnan ko. Tiningnan na rin ang footage ng CCTV pero sira ang ilang CCTV na posibleng dinaanan ni Stella. Halos gusto kong magwala dahil sa nangyayari. Halo-halo ang nasa isip ko, lalo na ang pagsulpot ni Madam Mirna.Sheʼs freaking four years old! Huwag naman sana siya kinuha dahil mababaliw ako kung mangyari man ʼyon!“M—Mas makakabuti siguro kung maghanap din tayo, anak.” bakas na rin sa boses ni Mama ang pag-aalala.“Tama kayo, Ma. S—Sige po, dito ako sa buong second floor at third floor maghahanap, sa first floor na lang po kayo at baka nakalabas siya. Tawagan niyo po ako kapag nakita niyo siya at ganoʼn din po ako.”>>>.<<<|¦ Idris ¦|“Hindi ko kailangan magpakasal sa kung sino mang babaeng gusto niyo! Bumalik ako sa Pilipinas, hindi para sa inyo! Itatak niyo ʼyan sa utak niyo, Abuelo!” sigaw ko habang umiigting ang aking panga dahil sa galit.Mabilis kong ibinaba ang tawag at hinagis ang cellphone ko ng malakas sa pader na sigurado kong basag-basag na ʼyon. Napahilamos ako sa aking mukha at ginulo ang aking buhok. Kadarating ko pa lang sa Pilipinas, ngunit gusto na naman niyang kontrolin ang buhay ko! Mabuti na lang at katatapos lamang ng meeting ko with my old patient bago sirain ni Abuelo ang araw ko.“G—Galit po kayo?” napatingin ako sa pinto kung saan galing ang maliit na boses. “Alam niyo po, kapag galit ako or nalulungkot kumakain po ako ng ice cream! Ang sabi kasi ng Mommy ko it will helps to reduce our emotions, para kumalma raw po tayo.”Tinitigan kong mabuti ang itsura ng bata habang papalapit ito sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. May kakaiba sa nararamdaman ko na hindi ko maintindihan— hindi ko mawari kung dahil ba sa biglaang pagsulpot nito o dahil sa sinabi nito.“Woah, you know what? You looks like me!” para bang namamangha pa nitong sambit habang nakangiti.Napaupo ako at para bang nakikita ko ngayon ang girl version ko noong bata pa ako. Her eyes are blue like mine, her hair was brownish, her nose, her lips is not mine but over all sheʼs literally looks like me.Unbelievable!“W—What are you doing here princess?”“Iʼm not Princess, my name is Stella. And Iʼm here with my Mom and Mommyla, but I get lost.”Walang paalam nitong hinawakan ang mukha ko. Medyo nabigla pa ako noong una ngunit nang ngumiti ito ay hindi ko na rin napigilan pa ang ngumiti. I canʼt tell. . . but it looks like I know her a bit?“Itʼs amazing! Siguro kamukha mo ang Daddy ko?”|¦ Idris ¦|Napaawang ang labi ko. “What do you mean by maybe? Bakit nasaan ba siya? Hindi mo pa ba siya nakikita?” nagtataka kong tanong.“Hindi ko pa siya nakikita kahit isang beses. Ang sabi ni Mommy, nasa gitna raw po ng dagat at nagbabantay doon para hindi magbungguan ang mga barko. Pero malapit na rin daw po siyang umuwi!” bakas sa boses ng bata ang pagka-excited.Napailing ako. Her mom is a liar! Ganoʼn ba talaga kahirap sabihin ang totoo? Buong childhood life ko ay puros kasinungalingan ang sinasabi sa akin ni Lolo at ni Daddy. Sinabi nilang umalis si Mom dahil sa trabaho, kahit ang totoo ay dahil ʼyon sa lalaki.“I guess your Mom is great.” sarkastik kong puna. “Great pretender and a liar. . .” bulong ko sa dulo.“Yes, she is! She raise me all along together with my Mommyla at Tita Jovy!”Napakunot ako ng noo. Para bang pamilyar sa akin ang pangalan na "Jovy", pero hindi ako sigurado kung saan ko ito narinig.“Idris! Sa wakas naman at— tangʼna, sino ʼyan anak mo?” kapwa kami n
|¦ Celeste ¦|Nang rumihistro sa aking alaala ang istura ng lalaking nasa harapan ko ay halos hindi ako makagalaw. Four years ago, kasama ko siya. He save me from that kind of work. He save my mother from the surgery and he also save my mother using that money he gave to me.Ganoʼn ba talaga kaliit ang mundo? Hindi ko na inakala pa na makikita ko pa siyang muli. At ang mas malala ay sa sitwasyon kung saan kasama ko ang anak ko.Sa sobrang mapaglaro ng tadhana ay pinagtagpo pa nito ang mag-ama ko.“Ano? Balak mo bang magpaliwanag from the past, now or is it another kind of lies of yours?” tanong nito na bakas sa boses ang galit.“H—Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. G—Gusto ko lang na hindi malaman ni Mama at ng anak ko ang totoong nangyari four years ago. I know we had past, pero tapos na ʼyon at isang gabi lamang iyon.” pilit kong tugon upang makaalis na.Isang gabing hindi ko makalimutan hanggang ngayon. “At ang bunga nang gabi na ʼyon ay si Stella. Anak ko siya ʼdi ba?” tila n
“I—Iʼm here to surprise you. Hindi ka ba nasurpresa?” tanong ng lalaki na malawak na ngayon ang ngiti.Mabilis na inayos ni Celeste ang kaniyang sarili. Ang akala niya ay si Idris na ang dumating, iyon pala ay si Mateo ang bestfriend niya noong college. Kailangan nitong umuwi sa England noon upang ipagpatuloy ang business management na kurso, kaya sila nagkalayo.“L—Long time no see, Mateo. B—But we are in hurry. Kailangan na naming umalis.” inilabas na ni Celeste ang mga dalang maleta.Napakunot ng noo si Mateo. After so many years ay ngayon lamang ulit sila nagkita ni Celeste at ganito pa ang magiging reaction nito? Hindi niya inakalang ito lamang ang matatanggap niyang tugon dito.“Mommy, saan po ba tayo pupunta?”Kapwa napatingin si Celeste at Mateo sa batang nagsalita. Mateo is in shock. He literally dropped his jaw. “M—Mommy? May. . . May anak ka na pala? Wow.” hindi makapaniwala si Mateo sa nalaman at nakikita.“Who is he, Mom?” kunot-noong tanong ni Stella.“Heʼs name is Mateo
Itʼs Idris big day at Gonzaloʼs Empire. Ngayon araw siya ipapakilala bilang susunod na President CEO of their company. Hindi pa siya maaaring umupo kaagad dahil pinipigilan iyon ng Lolo niya kahit pa napatunayan na niya ang sarili niya sa pamamahala ng company nila sa England.Pagkapasok niya pa lamang sa building ay kaniya-kaniya na nagsiyukuan ang mga empleyado. Kilala na siya noon pa, pero bilang anak lamang ng Daddy niya. Salubong ang kaniyang kilay at hindi niya man lang tinapunan ng tingin kahit ang ilang empleyado nila. Ramdam na ramdam ng mga tao roon ang kaniyang mabigat at nakakatakot na presensya.Sumakay siya sa VIP elevator ng mag-isa, dahil para lamang iyon sa mga may matataas na katungkulan sa kanilang kompanya. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang wrist watch. Heʼs five minutes early, gaya ng gusto ng Lolo niya.Nang makalabas siya ay kaagad siyang ineskortan ng dalawa niyang tauhan at ang secretary ng Daddy niya. Bago pa siya makalapit sa conference room, ay kaagad na
“So whatʼs the reason why youʼre hiding? May malaki ba kayong problema, Celeste?” kibit balikat na tanong ni Mateo kay Celeste. Kasalukuyan silang nasa veranda ng second floor ng bahay kung saan sila pinatuloy ni Mateo. Sa totoo lang ay masyadong malaki ang bahay na tinutuluyan nila ngayon lalo paʼt apat lang naman sila. But they are thankful to Mateo.Napayuko si Celeste, at kaagad din na nag-angat ng tingin sa langit kung saan napupuno ng mga bituin. Napabuntong hininga siya bago ngumiti ng bahagya. Muli siyabg humarap kay Mateo.“Alam mo kasi Mateo, noong umalis ka at noong mamatay si Papa, naubos kami. W—Walang natira sa amin ni Mama kung hindi ang isa't-isa. We move in Valencia, and we found out that Mama had a heart desease. Iʼm broke, we broke.” hindi na namalayan pa ni Celeste ang mapaluha. “H—Hindi ko alam ang gagawin ko.” halos hindi na siya makapagsalita pa sa sobrang bigat ng alaalang dala niya.Hindi naman mapigilan ni Mateo ang hindi mapakuyom ng kamao. Kung hindi siya u
“Mukhang tamang-tama lang din talaga ang dating ko.” mahiwaga at tila galit na sambit ng boses lalaki.Ang lahat ay napatingin sa kapapasok lamang na si Idris. Habang nasa meeting siya kanina ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang pinsan. Nang marinig niya ang pangalan ng babaeng hinahanap niya ay kaagad niyang ipinatigil ang meeting.“Idris. . .” naisambit ni Celeste ang pangalan ng binata habang halata ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.“Daddy! Daddy! Daddy!” paulit-ulit na sambit ng anak niya. Bigla ay kumawala sa kaniyang bisig si Stella.Gulat si Mateo sa mas malaking rebelasyon dahil kilala niya si Idris Gonzalo.Natulala naman at nagulat muli si Celeste dahil sa sinambit ng kaniyang anak. Naguguluhan si Celeste sa kung paano nito nalaman na ito ang Daddy niya. Bukod sa kaniya, kay Jovy, at kay Mateo, wala ng iba pa ang nakakaalam.Mabilis napaangat ng tingin si Celeste sa Doctor at naalala niyang bago pa mag umpisa ang session kanina ay may tinawagan na ito, ganoʼn din
|¦ Celeste ¦|Hindi ako mapalagay sa aking inuupuan habang hinihintay dumating ang sinasabing Lolo ni Idris. Nalaman kong alam na ng kaniyang buong angkan na mayroon na siyang anak. Hindi ko akalain na ganoon pala ito kayaman– na halos ang buong mundo ay sinasakop ng kanilang negosyo base sa nakalap kong information.Napatingin ako kay Idris na ngayon ay kalong-kalong sa kaniyang kandungan si Stella. Ayaw nitong humiwalay sa kaniyang Daddy na animoʼy tatakasan. Pakiramdan ko tuloy ay sobra kong naging masamang ina, dahil ipinagkait ko sa kaniya ang katotohanan.Isang matanda ang nakasakay sa wheel chair habang tulak-tulak iyon ng isa pang lalaki na halos kamukha ni Idris liban sa mas matanda na ito. At nasisiguro kong ito ang Daddy niya.“Siya na ba ang aking apo? Ako ito ang great grandfather mo!” bakas sa boses ng matanda ang sigla.Tumayo si Idris at hinawakan ang kamay ni Stella. “Siya na nga, Lolo. Meet my beautiful daughter, Stella. Stella, this is your great grandpa.”Naglakad n
|¦ Idris ¦|“S—Sir Idris?”Nagulat ako at napaangat ng tingin nang maramdaman ko ang paghawak sa akin sa balikat. Nakatingin lamang ako ngayon kay Cyrus habang nagpe-presenta ito ng new plan for the new hotels.Hindi ako nakapagsalita kaagad, at napatingin pa ako sa mga kasama namin sa meeting. Kanina pa pala ako nito tinatawag pero hindi ko kaagad narinig. This past few weeks ay palagi akong wala sa sarili and this is all because of that woman— Celeste.Napagpasyahan ko na lamang na putulin ang meeting at ituloy na lang kinabukasan. Nang mabasa ko ang text ni Klinton ay ipinakansela ko na lamang din ang mga meetings na mayroon ako. Sigurado rin naman ako hindi ako makakapag-focus.Why not to join them, right?Malakas na musika ang sumalubong sa akin sa mismong club kung saan kami laging nagkikita noong college kami. This club is amazing and always bring you an enchanted and amazing night. Nararapat lang talaga ang pangalan nitong Enchanted Premium.Dumiretso ako sa DIKW– silent the le
Good day, readers! Hindi po muna ako makakapag-update this month, dahil kakapanganak ko pa lang po. Ngunit, maaari niyo pong mabasa ang iba ko pa pong istorya na COMPLETED na. 1. UNEXPECTEDLY HER SPERM DONOR IS A BILLIONAIRE (escape while pregnant + romance + romcom) 2. MARRIAGE FOR PLEASURE (R+18 — SPG) (arranged marriage + taguan ng anak + dark romance) 3. THE BILLIONAIRE’S INNOCENT BRIDE (R+18 — SPG) (contract marrigae + escape while pregnant + taguan ng anak + romcom) COMPLETED po lahat ng ito, at tiyak ko po na magugustuhan niyo po! Sana ay makita ko rin po kayo sa iba ko pa pong istorya! Thank you so much po, and have a blessed day! — Author Febbyflame/Sashiflame
Idris Point of ViewUmupo ako sa upuan ng drayber ng aking kotse, ang pamilyar na amoy ng balat at mga bakas ng aking cologne ay nakikisama sa mapait na amoy ng panghihinayang. Nang isara ko ang pinto, ang mundo sa labas ay naging malabo, at ang mga luha na pinipigilan ko ay nagsimulang dumaloy. Inilagay ko ang aking mukha sa aking mga kamay, na inaalihan ng alon ng emosyon na bumabalot sa akin.Ano na ang ginawa ko?Ang mga sigaw ni Stella ay umuukit sa aking isipan, bawat hikbi ay mas malalim kaysa sa huli. Siya ang aking anak na babae, ang aking munting prinsesa, at ang isipin na siya ay nasasaktan sa pagitan namin ni Celeste ay parang isang punyal na umiikot sa aking puso. Nakikita ko pa rin ang kanyang mukha na punung-puno ng luha, ang desperadong paraan na siya ay kumapit sa akin, ang kanyang maliliit na kamay ay humahawak sa aking kamiseta na parang ako ang kanyang lifeline.Huminga ako nang malalim, sinusubukang huminahon, ngunit ang sakit sa aking dibdib ay hindi nawawala. Al
Celeste’s Point of ViewMadilim ang silid, tanging liwanag ng buwan ang humihimok sa mga kurtina. Nakahiga kami sa kama, ang ritmo ng paghinga ni Stella sa tabi ko ay tila nakakaaliw na lullaby. Siya ang aking maliit na bituin, isang ilaw sa aking buhay. Pero bigla, parang kulog na rumaragasang sa malayo, nabasag ang kanyang mapayapang pagtulog.“Daddy!” sigaw niya, ang kanyang boses ay pumasok sa katahimikan na parang kutsilyo.Napabalikwas ako, ang puso ko ay mabilis na bumabayo. Sa aking pagkalito, nahulog ako pabalik mula sa kama, bumagsak na may malambot na tunog sa karpet.“Stella!” tawag ko, pilit na umuupo. Tumataas ang tibok ng puso ko nang makita siya, ang kanyang mga mata ay malaki at kumikislap sa luha, ang kanyang maliit na katawan ay nanginginig sa takot. “Anong nangyari?”“Napaka-real!” umiiyak siya, niyayakap ang kanyang mga tuhod sa kanyang dibdib. “May gustong kumuha kay Daddy! Ang takot ko!”Mabilis akong lumapit sa kanya, niyayakap siya sa aking mga braso. “Ayos la
Celeste’s Point of ViewAyoko sanang nandito. Bawat hakbang ko sa mga pasilyo ng ospital ay parang pabigat nang pabigat. Ang bigat ng lahat ng nangyari kina Idris at Rachel ay halos hindi ko na kayang tiisin, pero may trabaho akong dapat gampanan. Hindi tumitigil ang tungkulin ko bilang isang nars kahit na parang basag na ang puso ko.Ngunit ang pag-iisip na makita silang dalawa ay nagpapaikot ng tiyan ko sa galit at pagkakanulo. Hinigpitan ko ang mga kamao ko, pilit na humihinga ng malalim. Wala akong magawa kundi magpakatatag—para sa ngayon.Sa oras ng pahinga ko, napunta ako sa staff lounge kasama sina Sammy at Beyonce. Sila ang pinakamalalapit kong kaibigan sa trabaho, ang tanging mga tao na mapagkakatiwalaan ko sa pinagdadaanan ko. Kailangan kong mailabas ang lahat ng sama ng loob bago pa ako tuluyang lamunin nito."Hindi ko pa rin matanggap," bulong ko habang naglalakad paikot sa maliit na silid at nagsimula nang bumuhos ang mga salita. "Akala ko iba si Idris, alam mo yun? Pero
Rachel’s Point of ViewPinanood kong naglakad pabalik si Idris papunta sa ospital, dala ng kanyang mga balikat ang bigat ng lahat ng pinagdadaanan niya. Parte ng aking sarili ang gustong maawa sa kanya. Nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata, ang pagkakasalang dinadala niya dahil sa pananakit kay Celeste. Pinipilit niyang ayusin ang lahat sa pagitan nila, ginagawa ang lahat para kay Stella at Aiden, at alam kong lahat ng ito ay ginagawa niya dahil sa pagmamahal.Ngunit may isa pang bahagi sa akin—yung bahagi na ayokong aminin na naroroon—na nakaramdam ng kakaibang ginhawa. Bagama’t hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng mga bagay, ang katotohanang tila nagkakawatak-watak na ang relasyon nina Idris at Celeste... parang pakiramdam ko’y tadhana ito. Parang siguro ito na ang nakatakda. Pagkatapos ng lahat, kami ni Idris ang naunang magkasama. Kami ang unang nagmahalan.Napabuntong-hininga ako, hinaplos ang buhok ko habang nagmumuni-muni. Hindi dapat ganito ang nangyari. Hindi
Idris Point of ViewTahimik ang biyahe pabalik sa mansyon, at parang mabigat ang hangin sa hindi namin sinasabi. Si Papa ang nagmamaneho, mahigpit ang hawak sa manibela, habang si Lolo ay nasa tabi ko sa likod, malalim ang iniisip. Mabilis ang takbo ng isip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana, sinusubukang unawain ang lahat. Kalagayan ni Aiden, si Rachel, si Celeste, si Stella… Parang nagkakawatak-watak na ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko.Pagdating namin sa mansyon, ang dati’y mainit na kaluwalhatian ng bahay ay parang naging malamig at malayo. Tumungo kami lahat sa silid-aklatan, kung saan si Papa ay nagsalin ng inumin sa kanyang baso, binasag ang katahimikan habang ang amber na likido ay umikot sa loob ng baso.“Diretso na tayo,” sabi niya, humarap sa akin. “Kritikal ang kalagayan ni Aiden, at wala tayong maraming oras. Kailangan nating humanap ng paraan para mapatatag ang kalusugan niya, at nangangahulugan ito ng mahihirap na desisyon.”Lunok-lalamunan akong tum
Celeste’s Point of ViewParang sinaksak ako ng paulit-ulit, ang matalas na panghihinayang ay kumikilos sa aking puso habang ang mga alaala nina Idris at Rachel ay sumasagi sa aking isipan. Bawat pagkaunawa ay parang bagong sugat, sariwa at masakit.Nag-sex sila. Ang simpleng katotohanang ito ay isang brutal na katotohanan na hindi ko matanggap. Nagsimula ang aking tiyan, at isang alon ng pagkahilo ang bumalot sa akin habang pinipilit kong intidihin kung paano ako kayang ipagkanulo ni Idris ng ganito. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinapahid ang aking mga luha, bawat patak ay paalala ng tiwala na ibinigay ko sa kanya—tiwalang sinira niya sa pinakamasakit na paraan.Naka-curled up ako sa kama ng ospital, mahigpit na hawak ang mga kumot, na para bang iyon na lamang ang aking tanging lifeline. “Ano bang mali sa akin?” bulong ko sa aking sarili, ang tanong ay umaawit sa walang laman na espasyo sa aking dibdib. Hindi ba ako sapat? Nabigo ba akong maging kaparehang kailangan niya? An
Idris Point of ViewHabang hawak ko ang cellphone ni Celeste, natulala ako sa litrato roon. Kami ni Rachel, magkasama sa kama, walang saplot. Ang pagtataksil ay tumama sa akin na parang sampal sa mukha. Umikot ang isip ko habang pinipilit kong unawain kung paano ito nangyari. May kumuha ng litrato namin!“Celeste, hayaan mo akong magpaliwanag!” sigaw ko, ang boses ko ay puno ng desperasyon at panginginig.Tinutukan niya ako ng tingin, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit at sakit. “Ipaliwanag? Ano ang ipapaliwanag? Na nagsinungaling ka sa akin sa buong panahong ito? Na kasama mo siya habang akala ko ay sinisikap mong tulungan ang anak mo?”“I promise you, hindi ito kung ano ang iniisip mo!” pakiusap ko, kumakabog ang puso ko. “Kami ni Rachel—mali ito. Hindi ko sinadyang mangyari! Nalilito ako, at akala ko maayos ko ang mga bagay sa iyo at kay Aiden. Pero hindi ko kailan man nais na saktan ka.”Umangat siya ng isang hakbang, ang kanyang mukha ay nag-aalab sa pagkadismaya. “Akal
Celeste’s Point of ViewIsang beses lang tumunog ang telepono bago ito sagutin ni Idris, ang boses niya ay mahinahon at nag-aalala.“Celeste? Nasaan ka? Nag-aalala na ako sa ‘yo, please mag-usap naman tayo.”Ngunit hindi ko na kayang pigilin pa. Uminit ang aking ulo, at sumigaw ako sa telepono.“Kailangan talaga nating pag-usapan ‘to, Idris! Nasaan ka?!”“Celeste?” Nagbago ang tono ng kanyang boses at naging malambing ito, ngunit lalo lamang itong nagpagalit sa akin. “Pakiusap, just—”Hindi ko na siya hinintay na makapagpatuloy. Inabot ko ang tawag, ang puso ko ay tumatalon at puno ng halo-halong emosyon—galit, takot, at matinding pagprotekta para kay Stella. Akala nila maaari silang gumawa ng desisyon tungkol sa aming anak na hindi man lang ako kinonsulta?Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad sa maliit na silid ng ospital, mabilis ang mga iniisip. Kanya ang anak ko! Ramdam ko ang aking mga kamao na humigpit sa aking tagiliran. Ako ang magdedesisyon kung siya a mag-undergo sa test