Napatigil sa pagnguya ng sandwich si Zea, nang biglang pumasok si Ethan sa hotel room. Mabilis nitong inilapag ang silver case ng experimental drug sa lamesa at kumuha ng isa. Napansin kaagad ni Zea ang seryoso nitong mukha, taliwas sa masayang ekspresyon nito bago ito lumabas ng silid kanina. "May problema ba?" mahinang tanong ni Zea, habang nakaupo sa gilid ng kama. Lumapit kaagad sa kanya si Ethan at pumwesto banda sa kanyang likuran. Marahan nitong hinawi ang kanyang mahabang buhok at masuyong hinalikan ang kanyang balikat. "We have to leave, Z." "As in, ngayon na? Aww!" halos mapapiksi si Zea, nang ibaon ni Ethan ang syringe sa kanyang leeg. Uminit bigla ang kanyang pakiramdam at tila ba bigla siyang nanghina, habang unti-unting humahalo ang gamot sa kanyang buong sistema. Hinawakan siyang mabuti ni Ethan, at mahigpit siyang niyakap nito para maalalayan. "Konting tiis lang, mabilis lang 'to umepekto." malambing na bulong nito. Maingat na hinugot ni Ethan ang syringe at hi
"So this is how it all ends?"His deep voice sent shivers through her body. Slowly, she looked up and met Kael's gaze. An ominous gaze she never seen before."If ever I see you tomorrow during the SIBS Party, I swear, I'll kill you."Halos natulala si Zea sa sinabi nito.Not, if I kill him first... Ethan silently uttered througj Zea's listening device. Looking at them from afar. Attentively listening to their conversation.His eyes, totally fixed on them. Amidst the darkness of the desolate park. Hidden behind the shadows.Isang kamay ang naramdaman ni Ethan sa kanyang balikat, dahilan para bahagya siyang mapalingon."Let them talk, Ethan." Kaito said, keeping his voice low.Muling ibinalik ni Ethan ang kanyang tingin sa dalawa. Saka masinsing tinitigan ang mukha ng dalaga na buong atensyong nakatingin kay Kael."Tara na... Hayaan mo na sila diyan," aya ulit ni Kaito. "Wala ka bang tiwala sa partner mo?""Meron... Pero kay Kael, wala. Baka nakakalimutan mo, sandali lang tayo nalingat
He's here... "Stay calm, he's trying to lure you..". Ethan whispered through his listening device. Huminga ng malalim si Zea at marahang gumihit ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang boses nito. Ngunit mabilis ding nawala iyon, nung masilayan niyang muli ang nakakasuklam na tusong ngiti ni Knight. Paano nga ba siyang mananatiling kalmado? Gayong kaharap niya mismo ang lalaking kumitil sa buhay ng kanyang ama? "Muntik na kitang makalimutan, Yohan." natatawang wika ni Knight, habang pinupunasan ang dugo sa kanyang pisngi. Dahan-dahang tumalas ang tingin ni Yohan sa lalaking kaharap, habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. "Huwag kang mag-alala, magrereserba ako ng lugar para sa ulo mo, bata. " Knight's evil gaze quickly darted Zea. "At siyempre, pati na rin sa tuta mong si Shadow Fox." Biglang kumunot ang noo ni Yohan. Sinong Shadow Fox? Ta
Napatinging muli si Zea ang magandang babaeng nakapulang midnight gown na nakatayo sa harap ng VIP Entrance.Arajin Marcaida?Kahit gaano pa pagmasdan ni Zea ang mukha nito ay hindi niya talaga ito makitaan ng pagkakahawig kay Kael.Related ba sila?Napansin ni Arajin ang pagkakatitig sa kanya ni Zea kaya naman nginitian niya nito."Shall I escort you to the VIP hall instead?"Mabilis na umiling-iling si Zea saka gumanti ng ngiti. "No, you don't have to. Thanks."Kaagad siyang umalis at dumiretso patungo sa elevator, habang masinsin siyang pinagmamasdan ni Arajin sa paglalakad, hanggang sa tuluyan siyang makasakay sa elevator."Target on sight. Paakyat na siya sa VIP area." mahinang bulong nito sa kanyang mahabang hikaw.Napangiti naman si Knight nang narinig mula sa kanyang listening device ang balita."Good, get in your position," utos nito.Mula sa ilalim ng reception table, ay isang mahaba at mukhang mabigat na itim na bag ang kinuha ni Arajin. Mabilis itong naglakad palayo, patun
Person verified... Welcome, Mr. Han Yuan Gan Armada, SIBS Primary Successor. Isang ngiti ng tagumpay ang gumuhit mula sa mukha ni Yohan. Mariing ikinasa ni Kaito ang high power sniper rifle na hawak, at mabilis na itinutok sa SIBS Tower. Raven Seals, its show time! "Copy that, RS-05." Napangiti bigla si Ethan, habang mabilis na nagpapadausdos pababa ng tower, gamit ang rappel cord. "Kid, in three minutes... work it!" bulong ni Kaito sa listening device habang seryosong sinisipat ang tower. Mabilis na tinipa ni Yohan ang touchscreen monitor ng main server. "Please state or type command to continue authorized transaction," wika ng voice prompt. "Initiate fund transfer." Yohan said. "Initiating fund transfer..."Halos tumalsik lahat ng gamit sa ibabaw ng lamesa nang hampasin ito ni Damien. "Anong ibig mong sabihin na hindi natin ma-access ang main server?" Kulang na lang ay mapatid ang litid nito sa tindi ng pagsigaw. "S-sir... nag-initiate po yung high security system..." na
"So you're from the Marcaida Household" Ethan quickly pulled out four razor sharp karambit knives and looked intensely at this vicious looking guy sitting on his wheelchair. He might look totally harmless, because of his disability. But the sinister glint in his eyes tell otherwise. Umayos nang upo ang founder at buong ngisi siyang pinagmasdan nito mula ulo hanggang paa. "Tingin mo ba bubuhayin pa kita, pagkatapos mo akong makita?" Matiim na tinitigan ni Ethan ang matandang lalaki He was about to open his mouth to speak, but a sudden ring on the phone interrupted them all. Kaagad tiningnan ng matanda ang kanyang cellphone, at mabilis na kumunot ang noo nito, nang makita kung sino ang tumatawag. Agad itong tumayo at mabilis na nilingon si Nyx."I just have to check on something." He coldly said then looked at Ethan once more. "But when I come back. I want to see his head right on top my desk!" The old man demanded, before he went out of his office. A wry smile slowly crossed Nyx's
"Zea!"Mabilis na napatingala si Zea habang nakabitin sa ere, nang makarinig siya ng isang malakas na sigaw ng isang lalaki.Kaito?Ngunit halos namilog ang kanyang mga mata, at halos manlamig ang buong katawan niya, habang pinagmamasdan ang pigtas na dulo ng rappel cord, na kasabay niyang bumubulusok pababa.Oh shit... I gonna die... ****Five minutes ago...Mabilis na inilibas ng mga bodyguards ang founder mula sa silid ni Damien. Habang pinauulanan ng bala ni Kaito ang buong hotel suite."Connect me to Arajin." utos ng matanda, habang mabilis na naglalakad papunta sa kabilang bahagi ng hallway, patungo sa opisina."Arajin..."Napaiktad ang dalaga nang marinig ang tinig nito. Kaagad niyang binitiwan ang rifle na hawak at dagliang ginagap ang hikaw niyang listening device. "Sir?""I'll put you in charge of Black Hawk." mariing utos nito. "Gustong kong patayin mo ang traydor na kasabwat ng magaling kong anak, si Knight.""Yes, Sir!" Napangiti bigla ang dalaga saka mabilis na kinasa a
"So you're telling me, that he's suffering from amnesia?" Nag-aalalang tanong ng matandang lalaki sa doktor."Yes, Sir. Though it might be temporary. Kung tutuusin nga, napakasuwerte pa ng pasyenteng ito, at ganito lang ang inabot niya."Muling nilang nilingon si Ethan sa glass wall, habang payapa itong nakahiga sa kama at walang kibong nakatanaw sa labas ng bintana."Ang lalalim ng mga sugat niya, pero lahat ga-hibla lang ang pagitan sa internal organs. Yun nga lang, hindi na niya naiwasan ang severe head trauma nung nahulog siya."Sunod-sunod na katok ang umabala sa kanilang pag-uusap at kaagad naman silang napalingon sa bagong dating na tauhan."Sir, nandito na po yung mga experimental drugs na inorder niyo mula sa black market.""Good." Kaagad binalingan ng matandang lalaki ang doctor. "I want you to use every single drug I bought, to speed up his recovery." mahigpit na bilin nito. "This is the least thing that I can do for this young man for saving my life." Walang nagawa si Et
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
"Take that old man to secret vault," utos ni Kein sa tauhan saka pinagmasdan si Kael habang pinapalibutan ng kanyang mga tauhan. "Kill him. I want his fucking head on top my desk!" "Ninong Kael!" iyak ni Kaizer na kaagad din kinaladkad ni Kein palabas ng silid. Kasama ang ilan sa mga tauhan nito na sapilitan din bitbit si Uncle Ram. Men quickly gathered around Kael. There was complete utter silence. Waiting for each other's next move.Ipinasok ni Kael ang kamay sa kanyang bulsa at kitang-kita pa niya ang pagtalas ng mga mata nito."I'm really on a tight schedule," he coldly whispered as he pulled out a credit card from his pocket.Asar na dumura ang isa. "That ain't gonna help you, asshole!"Mabilis itong sumugod kay Kael. With one swift move, the guy skillfully flipped his knife and swung it viciously down on Kael's face.Ngunit laking gulat niya nang saluhin ng credit card ang patalim niya at sadyang pinahati ito ni Kael sa dalawa.Even before he could blink, Kael ripped his neck
Zea clenched her fist.Sa dinami-dami ng makakasalubong niya. Ito pa talagang animal na pumatay sa tatay niya. It shouldn't be a problem. She wanted to kill him anyway, in the most brutal way possible.She's been waiting for this moment for so long. To finally get the chance to avenge his father. But the thing is... she's pregnant. Mas mahalaga pa ba ang paghihiganti kaysa sa pagtiyak ng kaligtasan ng bata sa sinapupunan niya?Marahang tumulo ang pawis sa kanyang noo habang pinagmamasdan si Knight na nakaharang sa daraanan niya. Fuck, wala akong lulusutan... Kailangan kong lumaban, kundi siguradong mamatay kami ng anak ko dito... Matiim niyang tiningnan si Knight.Anak, kapit kang maigi. May itutumba lang si Mommy sandali. Akmang humakbang si Zea. Pero bago pa lumapat ang paa niya sa sahig ay isang mabilis na patalim ang numipis sa kanyang pisngi. Hindi nakakilos si Zea matapos bumaon ang kutsilyo sa pader. Ga-hibla lang ang pagitan sa pisngi niya. "Kunin mo na," buyo ni Knigh
VICTORIA CITY, Raven Seal's Underground Facility. Tahimik na pinagmasdan ni Kaito si Yanna at tanging tunog lang ng heart rate machine ang kaniyang naririnig habang abalang inooperahan ito ng mga doktor, sa pamumuno ni Harry.Halos madurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang pagbebenda sa mga mata ng dalaga. Ang naka-semento nitong mga balikat at isang katutak na tahi sa katawan.Eight broken bones, dislocated shoulders, nine stab wounds... Mariing naikuyom ni Kaito ang kanyang kamay at nagtagis ang kanyang panga."Demonyo ka Kein. Hindi ka na nakuntento... dinukot mo pa pati mata ni Yanna."His eyes burned in tears out of extreme rage. He q took a firm step backward and gave Yanna a dignified salute."Undercover Agent Black Vixen. I relieve you from your mission."Ilang minuto pa ay natapos na ang operasyon. Kaagad lumabas si Harry mula sa ICU unit at sinalubong si Kaito hawak ang isang pirasong papel."Ano 'to? Bakit may ganito? Sigurado ka ba rito?" tanong ni Harry sa kaibigan.
20 minutes earlier... Kasama ang ilang tauhan ng Red Group, lumakad si Kein palabas ng opisina ng founder. Kaagad nahawi ang mga tao sa hallway. Walang gustong humarang sa daraanan ng buong grupo. Marahang gumilid ang kanyang tingin sa pintuan ng opisina ni Kael. Ngunit bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mapansing walang ilaw sa ilalim ng pinto."The CEO haven't arrived yet?" "Not yet, Sir."Unti-unting tumalas ang tingin ni Kein. Sa pagkakaalala niya ay umalis ito kasama si Zea kanina.The fact that Zea went out with Kael so willingly after what happened in the Shareholder's meeting, doesn't sit well with him.Mabilis siyang lumiko papuntang control room at pinagmasdan ang CCTV footages sa buong tower."Sir, kaliliko lang po ng kotse ng CEO sa driveway."Kaagad nilingon ni Kein ang screen kung saan nakita niya ang itim na Maserati na huminto sa harap ng tower.Bumababa roon si Kael at binuhat ang walang malay na dalaga papasok sa lobby. Pinagmasdan niyang maigi ang dalawa. H
I told you... I'll make you the happiest girl in the world... The deep sound of his voice... and those words. It echoed through her ears and through her mind. She looked up and met Kael's gaze and a soft, heartfelt smile deepened on the corners of his lips —and it slowly pierced her heart like warm arrows. Looking at this man. The man who meant the whole world to her —the one she used to love. Kael looked at her, and got lost in her misty eyes...11 years ago... "Bakit ka ganyang makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Zea habang nakaupo sa veranda ng mansion. "Wala..." matipid na sagot ni Kael saka umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga siya ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang mumunting mga bituin na nagkalat sa madilim na kalangitan. Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot? Kung dahil ba sa malamig na hangin o dahil sa nalalapit nilang mission... Pakiramdam niya kasi ay magkakahiwalay na sila ni Zea. "Naisip ko lang..." Napalingon si Zea kay Kael nang bigla itong
"Umupo ka." Mariing nagtagis ang panga ni Ethan habang pinagmamasdan ang pagkakaarko ng ngiti sa mga labi ni Kael habang tinitingnan ang kasintahan."Sasama ako sa kanya. Eth..." Pero bago pa matapos ni Zea ang sasabihin ay kaagad siyang hinatak ni Ethan palabas ng conference room."No... Let them be," awat ni Kael sa ilang miyembro ng Red group na hahabol sana sa dalawa palabas. "Walang magagawa si Zea kundi sumama sa akin." "At bakit ka sasama?" "Para matapos na lahat ng 'to!" kumbinsi ni Zea sa kasintahan. "May tiwala ako kay Kael. Pero doon sa Kein na yun, wala! Siguradong hindi non papalagpasin si Kaizer!""Tingin mo hahayaan namin mangyari ni Kaito yun?" singhal ni Ethan na kaagad din kinalma ang sarili saka masuyong hinawakan ang mukha ni Zea. "Buong buhay ko pinrotektahan kita... Handa kong itaya ang buhay ko para sayo... Sa tingin mo hahayaan kitang pumunta doon? Mas may tiwala ka ba kay Kael kaysa sa akin?"Huminga ng malalim si Zea saka h******n ang mga labi ni Ethan."Kun
Napangiti si Zea habang pinagmasdan si Kaizer habang abala itong kumain ng ice cream. Sino ba naman ang mag-aakala na may anak na pala ang kaibigan niyang si Kaito?Gayong wala itong kahilig-hilig sa babae at noon pa man ay seryoso ito pagdating sa trabaho. Kaya naman hindi na siya nagtaka kung siya ang napili ng kanyang ama bilang maging leader ng Raven Seals. Napatingin sa kanya ang bata at kaagad siya nitong sinimangutan. Natawa tuloy si Zea."Hindi nga ako girlfriend ng Papa mo.""Alam ko. Mas maganda kaya sayo Mama ko." Lalong natawa si Zea. "Nasaan ba Mama mo?""Nasa heaven."Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Zea. Tahimik siyang tumabi rito saka marahang hinaplos ang buhok nito."Oo naman. Mas maganda ang Mama mo. Huwag kang mag-alala, di ko naman siya papalitan. Ako, saka si Papa mo. Matagal na kami magkaibigan. Magkatrabaho kami.""Agent ka rin po?" Buong atensyon siyang tiningnan ng bata. "Magaling ang Papa ko sa baril. Sharp shooter! Marunong ka rin po ba non?"Ngumiti