Kabanata 87 Sheena POVPinabantayan ko muna kela Manang Lita si Yohan dahil dito ko ngayon sa Coffee Shop,hindi naman kasi pwedeng pabayaan ko nalang ito dahil dito ko kumikita ng pera,ayaw kung iasa lahat kay Gino ang pangangailangan namin at wala akong balak na magpalamon sa kaniya.Maraming costumer ngayon kaya naman abala ako sa pagtimpla ng iba't ibang flavor na kapeng order nila,pasalamat ako dahil kahit wala ngayon si Yulie ay meron akong katulong sa pag-aasikaso sa mga costumer,kada week ko sila pinagsasahuran dahil mga working student sila,si Yulie ang kumuha sa kanila dahil siya ang manager dito."Ma'am bakit po hindi na po namin nakikita si ate Yulie dito?"Nagtitimpla ko ng kape ng lapitan ako ni Sabel."Doon muna kasi siya sa Papa niya,marami daw siyang ginagawa doon kaya hindi siya nakakapunta dito!"Paliwanag ko sa kaniya."Ah kaya naman po pala,meron po kasi Ma'am ditong isang costumer na lalaking panay ang tanong tungkol kay ate Yulie eh!"Napakunot ang noo ko sa si
Kabanata 88Gino POVNagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko para itong binibiyak at ng maramdaman kung meron akong katabi dito sa kama ko ay hindi ako nakagalaw,lalo na ang kamay ko na merong nahahawakanng maumbok at saktong-sakto lang ang laki sa kamay ko hawak ko ang dibdib ni Sheena,parang nawala ang sakit ng ulo ko ng tumingin ako sa mukha niya,mahimbing ang pagtulog niya na parang anghel.Nasapo ko ang ulo ko ng tumindi ang kirot non,at napansin kong merong namumuong dugo sa kamao ko.At nagflashback saakin na marami pala kung nainom,paano kaya ako nakauwi.Pinagsamantalahan niya ang pagkalasing ko,napangiti ako sa naisip ko.Nakangiti ko nalang siyang pinagmasadan,napataas ang dalawa kung kilay ng isiksik niya ang katawan saakin,nag-iinit ako sa ginawa niya,parehas kaming walang saplot.Mag-aalas dos palang ng madaling araw dahil nakita ng mata ko ang orasan sa mesa ko.Parang hindi nako nakakaramdam ng antok.Hinawi ko ang nakaharang niyang buhok sa pisngi,nahaharangan kasi no
Kabanata 89Sheena POVDito ko sa kwarto ko nagpapahinga.Si Manang Lita muna ang naghatid kay Yohan sa paaralan dahil feeling ko lalagnatin ako.Ngayong nag-iisa na naman ako namimiss ko na naman si Mama,hindi ko maiwasang hindi siya maisip,sumuko na ang mga pinagbayaran kung mga tauhan na hanapin siya,tanggapin ko nalang daw na wala na si mama,dahil ginawa naman daw nila ang lahat para mahanap si Mama pero nabibigo lang sila."Kung nasaan ka man ngayon Ma! Sana okay kalang! Sana mali silang lahat na wala ka na! Dahil ako naniniwala akong makikita at makakasama pa kita at ipapakilala kita sa apo mo! Magiging masaya tayo Ma kaya naman magparamdam ka na naman oh?!"Pinunas ko ang luhang tumulo sa pisngi ko,palagi ko nalang kinakusap ang picture na matagal ko ng iniingatan ,magkasama kaming dalawa sa ritratong hawak ko at matatamis ang ngiti naming dalawa.Napaayos ako ng sarili ng biglang may tumawag,agad kung inabot ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Yuie."Oh?"Sabi ko agad sa
Kabanata 90Gino POVDi ko na kayang magsinungaling pa kay Cindy na dito na nakatira sila Sheena sa bahay ko,kaya naman tinawagan ko siya at sinabi ang totoo.Inasahan ko ng magagalit siya,pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya at agad na naputol ang usapan namin.Napaisip ako kung ano ang reaksyon niya,pabalik-balik ako sa pwesto ko ng biglang may nagdoorbell,agad kung binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita ko ang masayang-masayang aura ni Cindy,marami siyang bitbit at agad akong hinalikan ng mapusok sa labi.Nawala ang pag-iisip kung baka galit siya dahil sa nagsinungaling ako sa kaniya,ng sabihin niyang gusto niya raw mapalapit kay Yohan at ito naraw ang tamang panahon para makipag-ayos siya kay Sheena at binilihan niya pa ng mga laruan at damit ang anak ko.Siya pa ang naghanda ng hapunan namin dahil gusto niya raw na matikman ni Sheena at Yohan ang masarap niyang luto,wala akong nagawa kundi ang samahan siya sa kusina,masaya ko dahil nakikita kung gusto niya
Kabanata 91Sheena POVPagdating namin dito sa bahay ni Gino ay sinalubong ako ng yakap ni Yulie at nasa likuran niya si Ryan."Tita Yulie!!"Tuwang sigaw ni Yohan sa tita niya."Namiss ko kayo ng sobra! Lalo ka na baby Yohan!"Niyakap niya ng mahigpit ang anak ko."Namiss ka rin po namin ni Mommy,bakit po ngayon ka lang nagpakita saamin,namiss po talaga kita Tita Yulie ko!"Hinalikan pa niya sa pisngi si Yulie."Mabuti naman at kasama ka na namin ngayon! Ano ba kasing nangyayari sa'yo?"Sabi ko sa kaniya,karga niya si Yohan habang nakapulupot ang mga braso ng anak ko sa leeg ng Tita niya."Hay nako! Huwag mo ng alamin baka pati ikaw ay mamroblema! Ang importante ngyon ay kasama ko na kayo at kung pwede sana dito nalang ako tumira ang ganda nitong bahay,tinalo pa ang palasyo!"Namamangha niyang sabi,at nakaawang pa ang labi at inilibot ang paningin sa buo ng kabahayan ni Gino."Ah,ano ka ba Yulie,nakakahiya sa kaniya!"Saway ko sa kaniya dahil pinapaandar na naman niya ang walang kahi
Kabanata 92Cindy POVNapatigil ako sa pagsubo ng makita ko si Ryan dito sa mall na may kasamang babae,at kilala ko ang babae niyang kasama,kaibigan ito ni Sheena."Guys sandali lang ah! Magbabanyo lang ako!"Paalam ko sa mga kaibigan kong kakauwi palang dito sa Pilipinas,umuwi sila dahil tatlong araw nalang ay ikakasal na kami ni Gino."Okay,bilisan mo lang ah!"Sabi ni Sabel,mga Pilipino ang mga kaibigan kung ito kaya Pilipinong-pilipino din silang magsalita,nagkataon lang kasi na doon sila pinaaral ng mga parents nila sa abroad,mayayaman ang mga kaibigan kung ito tulad ko.Habang papalapit ako kela Ryan na naghihintay siguro ng order dahil dito rin sila sa restaurant na kinakainan namin,malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sigurado kung nandito rin sila Gino at Sheena,driver ni Gino si Ryan at kaibigan ni Sheena si Yulie kaya naman sigurado na ko sa inaakala ko."Ryan,kasama mo ba si Gino dito?"Natigil ang tawanan nilang dalawa ng malapitan ko sila."Uh...Oo kasama namin! Bakit?"
Kabanata 93Gino POVHindi ko sinabi kay Sheena na dadalhin ko sila dito sa bahay ng parents ko dahil alam kung kokontrahin na naman niya ko sa gusto kung mangyari.Buo na ang disisyon kung ipakilala sila kay Papa at Mama kahit alam kung galit saakin si Papa ngayon,at inasahan ko narin na maraming bantay ngayon dito sa bahay para hindi ako makapasok,at kahit sa kompanya ay pansamantala muna akong hindi nakakapagtrabaho.Masaya ang anak ko dahil makikita at makikilala na niya ang Lolo at Lola niya,kaya naman nagagalit ako dahil nawala ang saya niyang iyon ng hindi siya pinakitaan ng magandang loob nila Papa,pati si Sheena ay nadismaya sa inasal ni Papa,alam kung hindi gusto ni Sheena na dalhin ko sila dito sa bahay,pero kahit ganon ay nagbigay galang parin siya sa mga magulang ko."Tatlong araw nalang at ikakasal na kayo ni Cindy,kaya kung ayaw mong tuluyang itakwil kita bilang anak ko,huwag na huwag mo ng dadalhin ang mga basurang iyon dito sa pamamahay ko!"Parang piniga ang puso ko
Kabanata 94Sheena POV"Si Yohan matatanggap ko pang parte siya ng pamilya namin,pero ikaw?...HINDI!"Simula ng kausapin ako ng Mama ni Gino ay hindi na mawala sa isipan ko ang huli niyang sinabi saakin.Paulit-ulit iyang narerecall sa isipan ko.Masaya kung sinusubuan ang anak ko ng lapitan ako ng Mama ni Gino at iyon na nga ang simula ng pang-iinsulto niya saakin.Kaya naman ng makita ko silang masayang nagyayakapan ay umalis ako,dito ko ngayon sa labas ng bahay nila,nagpapahangin gusto ko ng sariwang hangin,gusto kung kalimutan ang mga masasakit na sinabi saakin ng Mama ni Gino.Pero ngayong nandito ko sa labas ng bahay nila mas maraming gumugulo sa isipan ko,lalo pa na dito kami ngayon titira sa bahay ng mga magulang niya.Kaya naman ako pumayag ay dahil gusto kung gumaling ang Papa niya,gaya nga ng sabi ng Papa niya ay gusto niyang magpagaling habang kasama si Yohan.Kaya kung magsakripisyo makita ko lang silang masaya,masaya ang anak ko na makilala ang Lolo at Lola niya at masaya