แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: epitomeyours
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-10-13 17:18:47

"OMG!"

Reaction ni Cassy when I told her what happen last night with matching paypay pa yan, the fact na aircondition ang room.

"Wag ka ngang maingay, para kang sinapian jan." Pina-upo ko agad siya after niya mag-react ng bongga.

"Halika, after this class alamin natin ano name niya tsaka kung anong course niya!" Mas excited pa siya sakin kahit ako yung may crush. Yes, I admit crush ko talaga siya. Sino bang hindi? Ang ganda ng boses, gwapo pa kaso yun nga lang panis laway mo.

As soon as the class dismiss. Hinatak niya na ako palabas ng room at nag-ikot sa University since 2 hrs din kaming vacant.

"Kung nagba-banda siya sis, ibig sabihin palagi siyang nasa practice room. Andun lahat ng instruments tsaka dun nagpa-practice iba kong classmates."

Sumilip kami sa labas ng practice room, pero wala namang tao. Maybe, may klase pa sila. So we decided na tumambay sa library kasi di pa naman kami gutom.

"Alam mo ba nakakatamad na minsan pero you know, parehas nating dream diba maging designer."

Naka-nguso niyang sambit. Cassy is really pretty, morena siya pero ang ganda niya. Yung tipong panlaban sa mga beauty pageant? She's like that, ang tangkad niya. But my height is 5'7 sya naman 5'6.

"Yeah, we have no choice kung hindi baka ipag-take ako ni dad ng business pag may bumagsak akong isang subject dito."

Tinignan ko ang mga students sa loob ng library when someone caught my attention.

"Kael, pare gising dyan turuan mo naman kami dito. Hindi namin gets."

Pagkalabit ni Zico, drummer ng band ng school namin.

"Kunwari kapa zic, mangongopya ka lang din." Pang-aasar naman ni Lander, pianist ng band.

"Manahimik ka nga dyan bakit kaba nandito? Engineering ka ah." Sagot naman ni Zico.

"Tanga ka ba? Ikaw nga business ang course pero nagpapaturo ka jan kay Kael na Agri student."

Singhal naman pabalik ni Lander. Nagulat sila ng pinagbabatukan sila ni Darrel.

"Mga tarantado, bakit ba ang ingay nyo? Masita na naman tayo ni Madam Librarian." Pagtapos nun, bumalik na siya sa paglalaro sa phone niya.

"Kindatan lang yan ni Kael, kikiligin na yan diba pre?" Pangangalabit naman ni Zico kay Kael na tulog na tulog.

Bakit siya tulog? Ginawa niya pang unan yung libro niya. Parang lagi siyang puyat.

Parang ayaw ko pa magpakita sa kaniya, parang ayaw ko pa ibalik yung jacket.

I didn't had a chance to talk to him, kasi umalis na din sila ng mga kaibigan niya kaya nagtago ako sa likod ng hawak kong book.

"Hoy anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Cas.

"Nakita mo ba yung mga lalaking nasa tapat ng table natin? Isa dun yung guy kagabi." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"You mean yung kasama nila Zico? OMG. He's the hottie transferee na pinag-uusapan last time!"

Yeah, before the first sem starts kasi may bagong students na galing sa province ng Quezon but hindi ako nakinig kay Cassy na may bagong crush na naman ang campus.

"He's also the new vocalist ng The Resistance." Yun pala name ng band ng school namin, mukhang magiging fan na ako simula ngayon ah?

"May fan group ba sila? Sasali ako." Kinikilig na pahayag ko.

"Grabe iba na talaga tama mo jan kay Kael ha." After that, we proceed to our next class.

Pagtapos ng klase namin, naunang umuwi si Cassy kasi may family dinner pa daw sila. Maaga pa it's 6pm palang kaya naisip ko dumaan sa practice room ng The Resistance, umaasang andun siya at nagpa-practice.

Sumilip ako sa pinto ng room, at kung sinuswerte ka nga naman, nagpa-practice sila sa loob. Mukhang sound proof ang room kaya mas nilapit ko pa ang tainga ko sa pintuan para marinig ko ang kantang tinutugtog nila. Sobrang ganda ng boses niya, vocalist siya pero nag-gigitara din siya sobrang talented naman niya. Pero hindi ako makontento sa naririnig ko, gusto ko pa siya marinig ng maayos-

Napahinto sila ng makitang nakahandusay ang chismosa kong katawan sa sahig ng practice room nila.

"Anong ginagawa mo dyan miss?"

Si Darrel ang unang nagtanong sakin. Shit! Pulang pula na ako sa kahihiyan, hindi ko alam na bukas pala yung door! Malay ko ba at sumandal pa ako. Agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Act proper and prim, like how they know you Cosette. You are elegant and prim.

"I was just trying to hide from someone, maybe my stalker? But I came up randomly opening the doors and I didn't control my force when I open your practice room. I'm sorry for interruption."

I shook my head, hiyang hiya talaga ako. Tumawa bigla si Zico ang pinaka maloko daw sa banda.

"It's okay miss, akala namin admirer na naman ni Kael." I choke from what he said, kaya napunta na naman sa akin ang atensyon nila.

"Yes, I mean no! Ofcourse not. Actually, I don't know who's Kael?" Nakakahiya na talaga ano ba pinagsasabi ko.

"Hmm, Really?" Napa-angat ang tingin ko kay Kael na prenteng naka-sandal sa pader habang hawak ang gitara niya.

"Y-Yes." Baka ma-offend siya, ano ba itong pinasok ko?

"Sure, Maybe your twin sister is the one who borrowed my jacket last night." He strummed his guitar, I know that song! Yan yung pinakinggan namin kagabi sa earphones ko.

"May kakambal ka pala?" Tanong ni Zico, malamang wala!

"Gusto mo ba makinig sa tutugtugin namin?" Tanong naman ni Lander.

"Can I?" Dream come true ata 'to. Kunwari nalang hinaharana ako ni Kael.

"Oo naman, kaibigan ka ni Cassy diba? Kaibigan ko din siya." Pag-amin naman ni Darrel.

"Really? Hindi ko yan alam." Nginitian niya lang ako then nagstart na magstrum si Darrel, since he's the lead guitarist.

"We need you as our audience for tonight, para malaman namin opinion mo. Magpe-perform kami sa foundation day." Zico said, their drummer.

"Wow, Sure makikinig ako." I smiled sweetly.

"Shet nakakatunaw naman yang smile mo cosette!" May pag-acting na sabi pa ni Lander, their pianist. Binato naman ni Kael si Lander ng drum stick sa ulo.

"Aray naman pre, inaano kaba?" Nagkakamot ng ulo na sabi ni Lander.

"Magsimula na tayo." Tsaka nag-ayos na siya ng gitara niya.

"May regla ka gurl?" Pang-aasar naman ni Zico.

Natatawa ako sa mga asaran nila kaya hindi ko talaga mapigilan. Mukhang bakla magsalita si Zico pag nang-aasar ng mga ka-banda niya pero pag tinignan mo siya, lalaking lalaki. Nagsimula na sila.

Now Playing: Once Upon a Time by Jeff Bernat

"Called you on your phone

Damn I can't leave you alone

For some reason, I just can't get enough of you lady

I'm sure you already know

That you're beautiful

But your smile and complexion

Is driving me crazy"

Tumingin si Kael sa mga mata ko habang kinakanta niya ang line na yun, sobrang lamig at ganda ng boses niya. I don't know pero parang hinehele ako nito.

"I'll come over to your place

We'll have some drinks and chill

Or we could watch some TV fall asleep

See as long as I am with you

Tell me stories I'll just listen

Let's do something new

And even if it's only for a second

As long as I am with you"

I can't get my eyes off him, parang may magnet between us. His voice is really something, he's someone na nakikita kong magiging sikat na singer in the future. Naniniwala akong deserve niya makilala ng mundo.

"'Cause we could be just like

A story from the movies

You next to me all night

Just like how it's supposed to be"

After nilang matapos yun, I can't help but to clap. I'm now their number one fan, especially to him. Nagpaalam na ako sa kanila at nauna na kasi mag-aayos pa sila ng practice room.

Akmang aalis na ako ng marinig ko na naman ang boses ni Kael.

"Tell your twin sister that, I had a great time last night."

Surely, you had fun teasing me tonight.


บทที่เกี่ยวข้อง

  • Trace to Remember   Chapter 3

    "Mag-iwan kaya ako ng love letter sa locker niya?" Nakatulalang sabi ko habang nilalaro ang pen ko."Crush na crush talaga girl?" Natatawang tanong sa akin ni Cas."Na-kwento ko naman sayo diba yung nangyari kahapon? Like, feeling ko may pag-asa talaga ako?" Nakaka-inspired pala pumasok araw-araw kapag may crush ka."Uy grabe di ko kinaya katangahan mo kahapon ha?" Kinurot ko siya sa tagiliran, grabe talaga. Kaibigan ko ba 'to?Lunch break, pumunta kaming cafeteria para kumain. And my very bestfriend, hinatak na naman ako. Huli na ng malaman ko kung saan kami papunta ng nasa harapan na kami ng table nila Kael."Uy Cosette!" Bati ni Lander sa akin."Naks may napadaan na walking megaphone dito ah." Pang-aasar naman ni Darrel kay Cas."Hello Lander! Hi guys!" Bati ko sa kanila."Hoy tuknene

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 4

    "So guys, let's start making some decorations para sa booth natin." Pagkatapos sabihin yun ng leader namin para sa gaganaping foundation day, Inassign niya na din kami sa mga shift namin, at kung sinong kasama namin. It happens na apat kami sa 8:00 to 9:00 am na magiging waitress, si Cassy, Zades, our leader Naih and ako."Hello, kayo pala ka-group ko." Nahihiyang lumapit samin si Zades, half korean siya kaya maputi and medyo singkit siya. Si Naih naman, maputi din but mas maputi si Zades sa kaniya, she's a leader type. Halatang magaling mag-handle ng mga tao."Ang cute! Tayo magkaka-group, dati ko pa gustong maging friends kayo!" Masiglang sambit naman ni Naih sa amin. We exchanged smiles, sobrang gaan nila kausap."Tara lunch na, sabay sabay na tayong apat kumain." Pumunta na kaming cafeteria at agad ginala ko ang aking mga mata

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 5

    “Hoy sis, bakit kasabay mo pumasok si Nick? At sa kotse ka pa nya bumaba.”Pagi-intriga sa akin ni Cassy, pagpasok ko sa booth. So nakita nila yun? Umupo muna kami saglit sa loob ng booth at balak ko i-explain sa kanila ang set-up na meron kami ni Nick.“Sila Mom and Dad kasi, gusto nila sabay kami pumasok. I'm against of the idea pero alam nyo naman sila mom gusto nila sila masusunod lagi.” Paliwanag ko sa kanila.“I think gusto ng parents mo na magka-mabutihan kayo ni Nick.” Saad naman ni Naih, na sinang-ayunan ni Zades at Cas.“I don't know, pero if ever alam nyo naman kung sinong gusto ko.” Nagsimula na kaming mag-linis ulit at mag-ayos ng booth, pagtapos din ng ilang minutes, nag-open na kami para sa mga customers.“Finally, our shift is done.” Nag-inat na sabi ni Zades.“Tara libot ulit?” Pag-yaya ulit ni Cas.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 6

    “Mukhang masaya ka kahapon na watak-watak tayo ah?” Sabi ni Naih sa akin na halatang pikon na pikon sa nangyari sa kanila ni Lander yesterday. Hindi ko alam pero pikon na pikon talaga siya kay Lander, siguro dahil lagi siyang inaasar nito. “Hindi ka man lang ba nasiyahan sa wedding nyo kahapon?” Tanong ko sa kaniya na ikina-ikot ng mga mata niya. It's really confirm, sobrang inis siya kay Lander.“Kamusta honeymoon?” nagtawanan kaming tatlo sa tanong ni Cas kay Naih kaya pikon na pikon si Naih.“Sa inyo, Zades at Cas ano nangyari sa inyo kahapon?” Nanlumo ang mukha ng dalawa. Parang ang worst kasama nung mga lalaking yun at ganto ang reaction ng mga kaibigan ko.“Basta! Wag na natin pag-usapan.” Sabi ni Zades na halatang ayaw ipaalam ang nangyari sa kanila ni Darrel kahapon.Nagsimula na ulit kami sa daily routine namin sa booth, as usual maglinis at mag-ayos ng booth

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 7

    “Kindly finalize your fashion show project, since tapos na ang foundation day. Focus on your ramp, and also there's a photoshoot of the clothing you've made. You can choose whoever your partner is, any course.”Halos lahat kami na-stress kasi konti nalang ang remaining days namin para sa preparation tho malapit ko na matapos ang clothing na ginawa ko, my theme is “Living in an island” So it's sexy, I made a unique dress na color green, and also topless ang sa guy then medyo jungle style yung bottom na ginawa ko para sa partner ko. Backless naman ang sa akin, then medyo kita ang cleavage. In short, sexy ang theme.“Okay naba yung sa inyo?” Tanong ni Zades na halata na ang stress sa mukha.“Konti nalang, then hanap ng partner.” Hindi ko alam kung sinong yayayain ko.“Hahanap kapa may Kael kana diba?” Sabi naman ni Naih na nag

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 8

    “Kanino galing 'to?”I asked my classmates kasi nauna ako sa tatlo, so walang nakakita sa mga friends ko kung sino ang nag-iwan ng tulips at coffee sa desk ko.“Hindi namin napansin eh.” Sagot ng isa sa mga kaklase ko. I just read the note na nakita ko sa ilalim ng tulips.Goodmorning, Did you sleep well? Since I'm courting you now, I will always put a flowers in your desk, so that you can start your day with a smile.-K. VSiya pala ang nag-iwan nito dito. Mainit pa yung kape kaya malamang kakalagay niya lang nito. Kinilig naman ako sa ginawa niya, muling nagsink-in sa akin na nililigawan na niya ako. Yung crush ko nanliligaw na sa akin? Paki-putol nga yung hair ko masyadong mahaba eh.“Wow sana all? May pa-tulips ano meron?” Pag-usisa naman sa akin ng tatlo, lalo na si Cas.“He's courting me.” Pag-amin ko na hindi mapigil ang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 9

    "Sigurado ba kayo ng anak ko Iha? Kasi alam mo naman ang estado ng pamumuhay namin at ng sa inyo. Maaring hindi pumayag ang mga magulang mo." Napaisip ako sa mga salitang binitawan ng Mama ni Kael, I know this is the risk that I need to take. Our relationship is a risk. Naisip ko din na hindi magugustuhan ng parents ko kapag nalaman nila na may relasyon kami ni Kael, knowing na mas mahalaga sa kanila ang status ng isang tao."Gagawin ko po ang lahat para matanggap kami ng parents ko." Pagkatapos ko sabihin yun, hinawakan ako sa kamay ng Mama ni Kael at bumuntong hininga. "Hindi ako tutol sa relasyon nyo pero ayokong masaktan at tapak-tapakan ang pagkatao ng anak ko, napaka-bait na anak ni Kael." Napangiti ako ng pilit sa sinabi nya, alam kong nag-alala siya sa anak niya kaya nag-alala din ako kay Kael.Sobrang buting tao ni Kael, at isa yun sa minahal ko sa kanya. Wait, minahal?Andit

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13
  • Trace to Remember   Chapter 10

    “Kumusta ang vacation mo dito anak, mukhang nage-enjoy ka daw?”Nagulat ako sa biglaang pagdating nila Mom and Dad dito sa Quezon. And also last day na ngayon then aalis na kami mamayang gabi pauwi, kasi next day balik na sa class.“Yes Mom, actually I really love the ambiance here.” I told her.“Yeah, buti na-appreciate mo ang farm natin, before you can't really stay here for a week, you prefer Manila than here.” That's true, I don't know kung bakit I plan to spend my vacation here, siguro dahil ramdam ko na andito si Kael?“Let's visit our farmers.” My dad told us. Pumunta kami sa mga bahay ng mga farmers, and kinamusta nila Dad ang mga tauhan nila.Nang malapit na kami sa bahay nila Kael, todo ang kaba sa aking dibdib. I received a text from him.From : BabyYour parents are here.Yes, yan na ang name niya sa contacts k

    ปรับปรุงล่าสุด : 2020-10-13

บทล่าสุด

  • Trace to Remember   Epilogue

    “Damn.”Mahinang bulong ko, may babaeng biglang nagmamadaling bumangga sa akin. Some of my books fell down on the floor, and she didn't even bother to look at me. Samantalang ako, nakakatitig sa kanya.“I'm sorry! I didn't notice you. Sorry, Bye.” And she immediately left.I was tired with my part time job today, lahat ata ng upuan sa bus ay bakante, maliban sa isang babaeng nakatingin sa bintana. I know her, she's the one who bumped to me earlier. My instinct says, I should sit beside her, so I did.She's listening to her earphones, she looks so beautiful.“Hey, earlier—” I cut her off, I immediately borrowed her right earphone, I don't know what to say when she's near.“But you don't need me like I need youPray that I won't be alone” Pagkanta ko sa lyrics, I just want to impress her. I don't kn

  • Trace to Remember   Chapter 30

    “Kinikilig ako for you guys.”Nandito kami ngayon sa boutique, pinuntahan ako ng girls at sakto naman dumating si Kael na may dalang flowers.“Sana all may jowa. Ako nalang talaga ang wala sa ating apat grabe ka, Cose. Iniwan mo ako.”Napatawa kami sa sinabi ni Cassy, pumunta sa gilid ko si Kael at inakbayan ako.“Shit, sana all may Daddy Kael.”Humagalpak kami ng tawa dahil sa sinabi ni Cassy with matching kagat labi pa 'yan ng sinabi niya.“Magbalikan na kasi kayo ni Zico.”Suhestyon naman ni Zades pero kumunot lang ang noo ni Cassy.“Ha? Sino yun?” Inirapan namin siya at hinayaan nalang sa pag-acting niya.“Let's go?” Pagyaya sa akin ni Kael.“Hoy saan kayo?” Sabi naman ni Naih.“Date.” Pagma

  • Trace to Remember   Chapter 29

    “Please give me a chance to prove myself, I will court you again.”He looks so dashing under the moonlight. Gustong gusto 'kong hawakan ang mukha niya. But this is not the right time to show him how I want him back so much. We should take it slow.Tumango ako, at ngumiti siya sa akin. Bumalik na kami sa mga kaibigan namin, napunta sa amin ang atensyon nila.Bago umupo si Kael, tumingin muna siya kay Nick. Ngumisi siya dito kaya kunot noong tinignan siya ni Nick.“May the best man win.”Pagkatapos niya sabihin 'yun ay umupo na siya sa dating pwesto at kumindat sa akin. Agad na namula ang aking mga pisngi, Kael what the hell are you doing?“I'm also courting Sette, from now on.”Nagsimula na kami ulit bumyahe pabalik ng Manila. Nakasakay pa din ako sa kotse ni Nick. Nag-vibrate ang phone ko, senyales na may may

  • Trace to Remember   Chapter 28

    “Sunday naman bukas, sarado ang boutique mo so punta tayong beach for the celebration of my birthday?”Tumango nalang ako sa sinabi ni Zades, habang naga-asikaso ng papers sa table ko. I have tons of papers today, dahil ilang weeks akong wala. Minor works lang naman ang binibigay 'kong tasks kay Shane kaya pagbalik ko naipon lahat ng mga importante. I have to sketch for the upcoming designs, andaming nagpapa-reserve ngayon.“Yes! I will invite the boys. Is it okay? Including Kael? Kasi friend ko din siya and sila Zico, Darrel, Lander invited din.”Napahinto ako sa ginagawa at tinignan siya.“You can bring Nick with you, isama kamo si Grey para may kasama din si Cassy.” Sabi naman ni Naih kaya hinampas siya ni Cassy.“Para sayo 'yun girl, baka maakit ka na naman ng ex mo.” Tinawanan namin ang sinabi ni Naih, at walang nagawa si Cassy kun

  • Trace to Remember   Chapter 27

    “Are you really sure about this?”I'm busy packing some clothes and arranging my luggage. Cassy, doing her everyday routine, para mangulit.“May sarili 'kang company Cas, bakit dito ka palagi sakin nanggugulo?”“Wala kasi akong jowa.” Naka-nguso nitong sabi. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-iimpake ng damit ko.“Gaano katagal ka dun?”“Two weeks?”“Ang tagal nun!” Ngitian ko lang siya bilang tugo

  • Trace to Remember   Chapter 26

    "Day dreaming?"Nagulat ako sa presensya ni Grey sa boutique. Naka-cap ito at shades. Mukhang nag-disguise para hindi pagka-guluhan ng fans niya."Anong ginagawa mo dito?""Grabe. Hindi mo man lang ba ako na-miss?""Seriously? Anong trip mo ngayon?"Ngumiti siya sa akin showing his perfect teeth, endorser ba 'to ng toothpaste?"Actually, may party tonight sa bahay. I want to invite you since friends na tayo diba?""Kailan pa?" Napatawa ako nang sinamaan niya ako ng tingin."Birthday ko nga ngayon hindi mo ako binati, wala ka 'ding gift. Tapos ako pa mismo pumunta dito para i-invite ka. I'm broke.""Happy Birthday Baby boy!" Tinawanan niya ako at he open his arms widely, inviting me to hug him. So I did."Thank you baby girl." Hinampas ko siya at tinawanan lang ako."Joke

  • Trace to Remember   Chapter 25

    “Let's go home Cose!”I can't forget what I heard earlier. Sinabi niya sa lahat na si Danna ang girlfriend niya, how funny. Siya yung sumira sa relasyon namin dati, bakit niya hinayaan na mapalapit siya kay Danna?“You're wasted! 'Wag ka na maghabol kay Kael. He clearly stated earlier na girlfriend niya na si Danna!”Sigaw sa akin ni Naih, pero I remained silent. Uminom lang ako hanggang sa umaasang mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Akala ko okay na kami? What just happened?“I thought he's slowly falling for me again.”Napaiyak ako sa sinabi, palaging nagre-replay sa utak ko kung paano niya sinabi 'yun, at kung paano siya umakto around Danna.“I can't just lose him that easily.”Tumayo ako at kahit na nahihilo sa alak na ininom, I tried to walk para lang makalabas ng b

  • Trace to Remember   Chapter 24

    “Maganda din pala ang result ng pagpunta mo sa Quezon.”Hindi ko din akalain na ganoon nga ang mangyayari kahapon, I can't still believe na okay naman ang pakikitungo sa akin ni Kael. I thought he will blew me away, pero siguro naisip niya na we are matured enough to move on from the past.“So tuloy ka pa din sa operation win him back?”“Oo naman, kahit wala na siyang feelings sa akin. Gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik yung feelings niya sa akin.”Napatingin si Cassy sa akin at tumango. Alam kong naiintindihan niya ako. Madalas na kami ang magkasama dahil kami pareho ang single, at yung dalawa busy sa modelling at boyfriend nila.“Omg.”Napatingin ako kay Cassy na busy sa pag-scroll sa phone niya. May nabasa ata siya na kakaiba at ganyan ang reaction niya. Kunot noo ko siyang tinignan.

  • Trace to Remember   Chapter 23

    “Maybe, he's slowly melting. Nawawala na 'yung binuild niyang boundaries between you and him.”Nai-kwento ko sa kanila na marami nga ang nangyari nitong mga nakaraan. Mukhang tama si Zades sa sinabi niya pero mahirap umasa. Maybe, he's just being nice to me.“Wag nyo nga paasahin si Cose, baka mamaya gumaganti si Kael sa kanya.”Kinabahan ako sa sinabi ni Cassy, hindi ko naisip ang bagay na yun. Paano nga kung hinahayaan lang ako ni Kael lumapit sa kanya dahil may pina-plano siya?“Hindi naman siguro ganoon si Kael.”Depensa ko pa din kahit iba ang sinasabi ng utak ko.“We got your back.”Nginitian ko si Naih bilang response. Umalis na din sila dahil may kanya kanya din silang gagawin ngayon. Naiwan akong occupied ang utak, pero dumating si Nick para yayain ako mag-lunch.“I

DMCA.com Protection Status