Trinity's POV
Today is Monday, wala kaming pansinan ni Jun. Sa ginawa niya sa akin kahapon ay hindi ko pa siya mapapatawad at pinigilan ko si Jaden sa balak niyang pambubugbog kay Jun. Ayoko nang palalain pa ang sitwasyon, mabuti na lang at sinunod niya ako. Walang alam ang TREASURE guys sa nangyari sa amin kahapon kaya tinatrato pa rin nila ako ng normal na pakikitungo. Hindi rin kami nagpapansinan ni Travis pero naiirita ako sa tuwing tinititigan niya ako nginingisian. Kung pwede ko lang tusukin ang mga mata niya ay matagal ko nang ginawa para hindi na niya ako matitigan!Nakabihis na ako't lahat-lahat papuntang university. Papalabas na ako ng gate at pasakay na rin sa kotse nang may humawak sa braso ko."Ako na lang ang maghahatid sayo." Jaden said.Dug.. dug.. dug.. Yung puso ay tumitibok na naman. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Kapag nakikita ko siya e, nagiging abnormal na ang sistema ko.I compose myself to smile. "A-ah e, sige..David's POVNag aassist ako ngayon ng mga pasyente dito sa ospital, actually ay ospital ito ni Papa. Nagtatrabaho ako bilang isang nurse. Simula kasi nung nagkasakit ang mama ko mula noong bata pa lang ako ay gusto ko nang maging nurse paglaki ko para naman maalagaan ko siya. Dapat doctor di'ba? Pero may phobia kasi noon si mama sa mga doctor kaya nurse na lang ang napili ko. Now, she's already deceased. She had a liver cancer that time at kumalat na ang cancer sa buong katawan niya kaya hindi na niya nakaya pang mabuhay. I was seven that time at natatandaan ko pa ang huling sinabi niya sa akin bago siya namatay,"Kapag nakita mo na ang babaeng para sayo, bisitahin niyo ako sa puntod ko. I want to meet my future daughter-in-law."I hope that she is, Ma.Pagkatapos kong mag-assists ay umupo muna ako sa bench ng ospital malapit sa E.R. Ininom ko ang hawak kong soda. Habang iniinom ko ito ay kitang-kita ko ang kumpulan nang mahigit anim na babaeng nu
Trinity's POVSobrang sama ng pakiramdam ko at sa tingin ko ay hindi na ako makakapasok. May kung anong mabigat sa katawan ko at sumasakit rin ang ulo ko. Nagkasakit na siguro ako dahil naulanan ako kahapon sa school. Bakit ba naman kasi kung kailan umulan ay saka pa ako hindi nagdala ng payong?Pinilit kong bumangon mula sa kama ko at nagtungo sa baba para uminom ng tubig dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko. Nang nasa kusina na ako ay umiikot na ang paningin ko at anytime ay babagsak na ako. Nang pabagsak na ako ay naramdaman ko na may sumalo sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay si Travis iyon na sobrang lapit ng mukha sa akin. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko nagawa dahil sa nanghihina ako. Medyo naiinis pa rin kasi ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin noon sa bar."Are you okay?" Itinayo niya ako at inalalayang maupo. Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman ito. Kinapa niya ang noo ko at nakita ko na napamura siya."You hav
Trinity's POVDahil magaling mag-alaga si Travis ay magaling na ako sa aking lagnat. Laking pasasalamat ko sa kanya at nakakakilos na ako ng maayos hindi tulad ng kahapon. Araw-araw ay tumatawag sa akin sina kuya Troy at mommy, tinatanong nila ako kung ayos lang ba ang lagay ko dito. Minabuti ko nalang na hindi sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Jun dahil kung sasabihin ko pa iyon ay lalo lang mas magiging komplikado kaya sinabi ko nalang na maayos ang lagay ko dito.May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napabangon ako mula sa kama at tumayo upang mapagbuksan ng pinto ang kumakatok. Nang binuksan ko ang pintuan ay si Daniel ang bumungad sa akin."Daniel, ikaw pala."Napakamot siya sa ulo niya at tila nahihiya. "Ah.. ano kasi.. y-yayain lang sana kitang mamasyal para naman malibang ka at hindi laging nakakulong dito sa kwarto mo. Yun ay kung okay lang sayo."Gusto ko sanang matawa sa itsura ni Daniel or should I say 'Kuya Daniel'
Trinity's POVPagkatapos ng mga nangyari ngayong araw na ito ay umuwi na kami ni Daniel. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na date ang ginawa namin. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Tama ba talaga ang desisyon kong bigyan siya ng chance? Kahit sa tingin ko ay wala naman siyang pag-asa sa akin? Oo! Tama lang ang naging desisyon mo Trinity, mabait si Daniel at maaalalahanin kaya hindi imposible na magkagusto ka sa kanya."Salamat talaga at binigyan mo ako ng chance, Trinity." Sambit niya sa gitna ng paglalakad namin papasok ng bahay.Ngumiti na lang ako ng pilit, nagdadalawang-isip kasi ako sa desisyon na ginawa ko pero alam ko naman na there's no turning back na dito. Nasabi ko na sa kanya at ayon na. Bakit kasi kay 'You know' ko pa ineexpect na siya ang unang manliligaw sa akin? Nababaliw na talaga ako!Nang nasa loob na kami ay nakita namin ang TREASURE guys na nasa living room at halata na k
Trinity's POVPagkatapos ng klase namin ay nagyaya sila Bonnie na dumalaw ulit sa TREASURE House. Wala naman akong nagawa dahil pinipilit nila ako. Alam ko naman na gusto lang niyang makita ulit si David at si Micca naman ay gustong makita si John."Kayong dalawa, gusto niyo lang makita sina David at John e," Pang-aasar ni Chae."O-oy! Hindi ah? Gusto lang namin malaman kung okay lang ba ang lagay ni Trinity don!" Pagpapalusot ni Bonnie."Oo nga, kayo talaga mapanghinala!" Defensive na sagot ni Micca.Natawa nalang kami nila Chae, Leo at Jerome. Halata naman sa kanilang dalawa na iyon ang pakay nila.Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa sala. Nilapag nila Chae at Bonnie ang mga hawak nilang plastic na may lamang mga junk foods at softdrinks sa lamesa."Swerte mo talaga friend! Nililigawan ka na pala ng gwapong si Daniel!" Kinikilig na sabi ni Bonnie.Naikwento ko na pala sa kanila ang tungkol sa panl
Kevin's POV12:00am na nang makarating ako sa mansyon namin. Ayoko munang makita si Trinity dahil nakikita ko na ang saya-saya niya kasama ang mga kaibigan ko. Ang unfair nga e, kasi kami ang unang nagmeet, nag-usap at nagdinner pero kami pa palagi ang hindi madalas magkasama. Ngayon, mag-isa na naman ako sa mansyon na 'to. Malungkot na naman ako. Sa kabila ng mga ngiti ko ay may lungkot akong nadarama. Siguro nga ay creepy ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil may kakaiba sa akin pero ang totoo, gusto ko lang naman maghanap ng kalinga at pagmamahal na hindi naibigay ng mga magulang ko dahil inabandona nila ako sa lola kong namayapa na at may mga sarili na din silang pamilya. Simula nung bata palang ako ay nasanay na akong mag-isa hanggang sa makilala ko si Arthur at ipinakilala niya ako sa TREASURE. Nang namatay ang lola ko ay sa akin niya ipinamana ang mga ari-arian niya at nakuha ko na iyon dahil 21 years old na ako. Katulong ko si kuya Francis na assistant ni lola
Trinity's POVAng bilis ng panahon, weekend na naman at mabobored ako dito sa bahay. Tuloy pa rin ang panliligaw sa akin si Daniel, nakikita kong ginagawa niya ang lahat para sa akin at nakakakonsensya nga lang dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin siya magustuhan. Sasabihin ko ba na huwag na niya kong ligawan? Ayoko naman kasi na paasahin ko siya sa wala. Sige, pag-iisipan ko.Kasama ko yung siyam na lalake dito sa may sala. Wala sila Kevin, Jun, Ben at Daniel dahil may kanya-kanya silang pinuntahan. Medyo naaawkwardan nga ako dahil katabi ko sa sofa sina Jaden at Travis. Napapagitnaan ako ng dalawang lalakeng nagagawang patibukin ang puso ko. Focus lang sila sa panonood habang ako naman ay ilang na ilang sa kanilang dalawa."Hayy.. ang boring." Sabi ni John at humiga sa sahig."Sinabi mo pa, nakakaboring sa bahay na 'to. Ano ba ang magandang pwedeng gawin?" Tanong ni Arthur."Pumunta na lang kaya tayo sa resthouse nila Kyle?"
Jaden's POVNapanganga silang lahat, I mean kaming lahat nang makita namin sila Trinity wearing a bikini. Lumaki siyang napakagandang babae at may maganda ring pangangatawan kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na titigan siya. Biglang binuhat ni Travis si Trinity at lumusong sila sa dagat. Nakaramdam ako ng pagseselos nang makita silang masaya."Sakit no?" Pang-aasar sa akin ni Sam.Hindi ko nalang siya pinansin."Ang bilis rin ni Travis makadamoves, kung sa bagay ay expert na siya sa ganyan." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay."Sam, pwede bang manahimik kana lang?" Napatango naman ito pero alam ko na pinipigilan lang niya ang pagngisi niya.Tumayo na ako at iniwan siya, ayoko lang na mas lalo niya akong asarin dahil selos na selos na ako kila Trinity at Travis lalo na kanina sa van na magkatabi pa sila. Dapat ay tatabihan ko si Trinity pero naunahan lang ako ni Travis.Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay
Trinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una
Jaden's POVLumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands
Trinity's POVNasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys."Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila."Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys."Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.Umili
Jaden's POVNapa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation."Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John."Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi."Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them."Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw l
Trinity's POVNagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin."You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.
Trinity's POVNapag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga
Jaden's POVIt's been one month since unexpected things happened. Masasabi ko na masaya at mapayapa na ang lahat. We are now at TREASURE house celebrating Trinity and her friends graduation party. Kami ni Trinity ay going strong pa rin. I want our relationship won't last dahil sa mga pinagdaanan namin pero sa huli ay kami pa rin ang magkasama."Congrats sa mga bagong graduate!" Sigaw ni John."Kailangan talagang sumigaw?" Naiirita namang sabi ni Justin at tinakpan ang tenga nito gamit ang dalawang palad niya.Kahit kailan talaga ay palagi silang nagbabangayan. Wala yatang araw na hindi sila nagtatalo pero sa maniwala man kayo o hindi ay magbestfriend talaga sila.Tumawa naman si Bonnie. "Ang cute niyo kapag nag-aaway kayo." Napangiti naman kaming lahat dahil sa sinabi niya."Seriously? Cute sila kapag nag-aaway? Are you blind?" Sarkastikong sabi ni Ben na siniko naman ni Jun."Ano bang pakialam mo eh 'yon ang tingin sa k
Daniel's POVKanina pa ako pinapakalma ng TREASURE Guys dahil sa mga nalaman naming kagaguhan ni Travis kay Trinity. Hindi ko maiwasang magwala at magalit sa hayop na iyon. How can he do such thing to an innocent girl? Nababaliw na ba siya? Hindi na niya nirespeto si Trinity and I can't imagine na nagawa niya ang bagay na iyon sa tagal na naming magkaibigan."Just calm down, Daniel." Sabi ni Mason.I glared at him. "Calm down? Do you think I can do that?" Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko."You act as if your Trinity's boyfriend? Why? Hindi ka pa rin ba nakakamove-on?"Lahat kami ay halos nagulat sa inaasta ngayon ni Mason. Mason is the calmest person in TREASURE Guys at hindi siya nagsasalita ng mga ganitong klaseng bagay. Ngayon lang.I was about to punch him nang napigilan ako nila Kyle at Kevin."Huwag na kayong mag-away, please?" Pakiusap ni Kyle.Naibaba ko ang kamay ko at tinignan muli ng masama s
Trinity's POV"She's not going to marry you because she's mine."Tell me, nananaginip lang ba ako dahil ang nakikita ko sa harapan ko ay si Jaden? Matagal na rin simula nung huli ko siyang nakita at masasabi ko na mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa blonde niyang buhok. Nagpadye na naman siya ng buhok pero bumagay iyon sa kanya. Nakatingala lang ako sa kanya dahil matangkad siya. Halos maglaway naman ang mga estudyanteng babae ng YGA pagkakita nila kay Jaden. Sa gwapo ba naman nito ay sinong hindi mapapatingin sa kanya?"Jaden," Mahinang sambit ko na hindi naman niya narinig."And who are you to ruin my proposal?" Tumayo si Jay na may masamang titig kay Jaden.Jaden look at me na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kaagad rin bumaling ang tingin niya kay Jay at nginitian ito."Ang gwapo naman ni blonde guy!" Tiling sabi nung isang babaeng estudyante."Makalaglag panty 'te! Ang cool pa niyang tignan." Sabi pa nung isa.