Home / Romance / The Wife / CHAPTER 62 (Goodbye)

Share

CHAPTER 62 (Goodbye)

Author: Heitcleff
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ASH

Bumalik ako sa lugar kung saan akala ko ay maayos na ang lahat. Na akala ko sa dalawang taon at ilang buwan na ang nakalipas ay wala na ang sakit at tuluyan na siyang nakalimot ngunit napakatanga ko para isipin yun. Ang dalawang taon ay katumabas lamang ng parang dalawang buwan. Kung sana hind nalang kami tumuloy sa event na iyon ay maayos pa siguro ang lahat. Ako lang kasi ang pumilit sa kanya na magpakita na sa mga tao at isa narin sa rason ay ang makita ko ang kanyang reaksyonkapag nakita na niya uli si Knight. Napakatanga kko ngunit tila yun namna talaga ang nagagawa ng pag-ibig, ginagawa ka nitong tanga.

Dito niya ako unang hinalikan sa pisngi at hanggan ngayon ay tila ramdam ko parin ang maiinit niyang mga labi na para bang kailan lang.

Hindi ko din alam kung bakit pa ako bumalik dito sa bahay na ito basta nalang akong dinala ng mga paa ko dito. Tapos na akong mag-empake ng aking mga gamit at napagdesisyunan kong lumabas ng bansa. Dahil hindi rin makakatulong sa akin kapagka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Wife   CHAPTER 63 (Decisions)

    ALANAUmaga na nang makarating ako sa hospital. Hanggang sa ngayong mga oras na ito ay hindi ko parin malimutan ang kanyang mga mata at tila ba naririnig ko parin ang kanyang boses.Bumili narin ako ng prutas at nagsadya sa isang malapit na foodstuff upang bilhan si Knight ng kanyang paborito na baked spag. Huminga ako ng malalim nang abot tanaw ko na ang kwarto niya.Napahawak ako sa aking dala-dalang bag na para bang andito ang buhay ko. Nang malapit na ako sa kwarto niya ay sandali akong natigilan. Nakakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa loob at sa tingin ko ay nag-uusap usap sila.I gripped the doorknob and let myself in. At nang makapasok at maisara ko na uli ang pinto ay dahan-dahan akong lumingon kung saan naroroon si Knight. Sandali akong natigilan nang magtama ang aking mga mata sa kung sino man ang mga tao sa loob.Mga magulang niya."Uh," yun lamang ang lumabas sa aking bibig at tila nablangko na ako. Ngumiti naman silang dalawa at sinenyasan na lumapit ako."Mukhang n

  • The Wife   CHAPTER 64 (Simple Favor)

    THADDEUSSa wakas ay nakapagdesisyon na si Knight na ituloy ang kanyang operasyon kaya agad kong pinaprepara ang operating room at inayos ang lahat. Tinawagan ko narin ang mga dapat tawagan gusto kong maging successful ang operasyon, ayokong pumalya dahil kaibigan ko ang tinutukoy natin dito. Gagawin ko ang lahat maging successful lamang ang lahat.Sandali akong natigilan nang makapag-isip isip ako ng mabuti. Bakit nakapag desisyon na siya agad? Ano ang nakapag-udyok sa kanya sa sandaliang agad agad na desisyon? Marahil ba ay may kinalaman si Alana dito? Imposible namang wala siyang kinalaman. Kailangan ko siyang makausap.Agad akong pumanhik sa kwarto ni Knight at nagulat naman ako nang matagpuan siyang nag-iisa lamang. Ang buong akala ko ay kasama niya ngayon si Alana."Hey," tawag ko sa kanya at tumango naman siya na may mga ngiti sa labi ngunit hindi ako kayang lokohin ng mokong na ito. Kitang-kita mismo sa kanyang mga mata ang lungkot at paghihirap."Hey," mahinang sagot niya at

  • The Wife   CHAPTER 65 (11:11)

    ALANANgayon din mismo gagawin ang operasyon niya. Di ko mapigilang hindi mangamba at matakot kahit na kilala ang hospital na ito at alam kong magagaling ang mga doktor dito ay hindi ko parin mapigilang hindi mapakali. Ilang beses narin akong kinausap ni Thaddeus na magiging maayos ang lahat.Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hindi siya tanungin kung ano ang mga posibleng magiging resulta ng operasyon. Ngunit hindi naman iyon ang inaasahan kong mga sagot. "Iha calm down gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya," saad ng mommy ni Knight habang papalapit siya sa akin at hinagod ang aking likod."Anak makakaya yan lahat ni Knight. Malakas si Knight," wika naman ni mommy at agad akong nilapitan.Kasalukuyan na kaming nasa labas ng operating room at mula dito ay kita namin si Knight na nakahiga at mukha ng tulog at marami ng aparatus na nakakabit sa kanya. Bawal ang ganitong sitwasyon para sa mga kamag-anak ng isang pasyente na malayang makikita kung ano man ang nangyayari sa loo

  • The Wife   CHAPTER 66 (Unknown)

    ALANAFive years laterFebruary 14, 2025Bevravely Hills Heaven's Path CemeteryLimang taon narin ang lumipas simula nung nagbago ang lahat. Limang taon narin akong hindi makapaniwala ngunit tanggap ko na ang lahat. Nung una ay hindi ko tanggap ang kanyang pagkawala dahil ang buong akala ko ay biro o masamang panaginip lang ang lahat at sandali lang ay bubulaga na lang si Knight sa isang sulok ngunit hindi, walang Knight na bubulaga sa aming lahat.Bahagya akong yumuko at inilapag ang dala-dala kong bulaklak ang bleeding hearts. Kinuha ko ito sa flower shop ko at pina-preserve hanggang sa makauwi ako at makadalaw sa kanya.Birthdate: November 1, 1992Died: September 26, 2020Mahigpit akong napahawak sa aking dala-dalang payong. Parang kahapon lang nangyari ang lahat at sa kagustuhan ng mga Alcantara na ipa-cremate na lamang ang katawan ni Knight ay pumayag narin lang ako. Magulang sila at ako naman ay isang pangkaraniwang tao lang dahil hindi na kami kasal ni Knight. Nalaman din nila

  • The Wife   EPILOGUE

    ALANA6 years laterAugust 18, 2031Isang magandang umaga ang bumati sa akin agad ko namang kinusot ang aking mga mata at napahikab. Napasarap ng husto ang aking tulog at nang uminat ako ay agad ko namang tinignan ang aking katabi. Marahil ay maaga siyang nagising at baka nasa kusina o banyo na siya at naghahanda. Napatingin naman ako sa kalendaryo at orasan sandali akong natigilan at dahan-dahang napaupo. August 17 ngayon at parang may nakalimutan ako. Sandali akong napapikit at pilit na inaalala ang lahat nang may narinig akong boses na tila sumisigaw agad naman akong napamulat at naalala ang lahat."Shoot! Papaanong nakakalimutan ko ang mga importanteng araw nila anong oras na ba?" Dali-dali akong tumayo at hinanap ang orasan ng aking mga mata. Malapit ng mag-alas syete at alas otso ang kanilang pasok sa skwelahan.Dali-dali ko namang hinanap ang roba ko at ibinalot sa aking sarili. Pagkalabas ng pagkalabas ko ng kwarto ay dali-dali akong bumaba ng hagdan dahil hanggang dito ay abo

  • The Wife   EPILOGUE 1.1

    ASHThe Wedding (Vreen Hills Weast Village Church)I asked her to marry me again and she said yes at kahit ikinasal na kami sa simabahan gusto ko parin siyang pakasalan ulit. Ikinasal kami ng simple nung una and the only people witnessed us are our parents. I want the world to witness the love of my life. Hindi maipaliwanag ng mga salita ang nararamdaman ko ang buong pakiramdam ko lang ay ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Nanlalamig ang aking mga kamay habang nakatayo at naghihintay sa kanyang pagpasok sa simbahan. Napakaraming tao sa labas na panay kuha ng mga litarato na naimoy mga celebreties ang kanilang mga kinukuhanan. Naririto din sa loob ang ilan sa mga kasamahan kong mga kilalang artista, direktor at mga malalapit na mga kaibigan. Sa harap naman ay ang mag magulang namin na abot langit ang ngiti at tila hindi na makapaghintay. Hinihintay ko rin ang pagramapa ng aking mga kambal na sina Prince at Celestine dahil halos araw-araw ay nagpapractice sila sa bahay. Kita

  • The Wife   EPILOGUE 1.2

    ASHGrand Fuego Resort Recepcion Area8:00 pmKasiyahan at tulakan ang natanggap ko sa mga kaibigan ko nang makita na nila ako sa recepcion area. Kasalukuyan kasing nagbibihis muna ngayon si Alana at ang hindi niya alam ay may nakahanda akong sayaw para sa kanya. Hindi ko din aakalain na sasayaw ako ngayong gabi.Nasa harapan naman ang mga magulang namin at inaasikaso ang kambal at si Constantine naman ay tumabi sa dalawa. KItang-kita sa kanilang mga mata ang saya na nakapagpagaan sa akin. Kung sana ay nakikita itong lahat ni Knight."Bro! pag-igihan mo mamayang gabi ha," saad ni Christian na tawang tawa habang hawak hawak ang kanyang shot glass. Kanina pa ata to umiinom."May kambal na ako bro," saad ko at umiling-iling naman siya."Eh ano ngayon kung may kambal ka na dapat madami kang lahing ilalabas marami ka namang pera ah so kaya mo yan," saad niya at lahat naman kami ay napatawa."Hoy Christian lasing ka na naman paano ka niyan makakasayaw mamaya kung ganyan ka mamaya ikaw pa an

  • The Wife   EPILOGUE 1.3

    Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t

Latest chapter

  • The Wife   SPECIAL CHAPTER

    KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 7

    THADDEUSWhat is love?Nakakatawang isipin na may nagtatanong sa akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig. Para sa akin walang kahulugan ang pag-ibig kundi puro katangahan at kagaguhan lang. Maraming naging tanga at nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Maraming naging miserable dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Maraming ng niloko at higit sa lahat nasaktan. Kamasa na ako doon. Yan ang kahulugan ng pag-ibig para sa akin noon pero iba na ngayon. Ang pag-ibig ang umiba ng pananaw ko sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay masaya ako at may sigla sa pagsalubong ng bawat araw. Siya ang dahilan kung bakit laging may mga ngiti sa aking labi. Sa kanya na umikot ang buhay ko."Hello my name is Heitcleff thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr. Alcantara." "Tawagin mo na lamang akong kuya Thaddeus or kuya Thad that's okay. Mas maganda pag hindi tayo masyadong pormal para mas maganda ang daloy ng interview right?" saad ko at ngumiti naman

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 6

    ASHWhat is love?Noon ay hirap na hirap akong sagutin ang isang pinaka simpleng tanong na ito. At ngayon tila alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa akin.Nakaupo ang isang babae sa aking harapan na may hawak hawak na notebook at ballpen habang naka de kwatro. Sa tingin ko din ay isa siyang estudyante at bata pa. Nandirito siya para sa kanyang research tungkol sa kanyang librong isusulat and I find it amusing and cute."Hello my name is Heitcleff. Thank you sa pagpapaunlak sa akin na mainterview ka malaking tulong ito para sa akin Mr.?""Call me Ash or kuya Ash. Well I'm honored din kasi isa ako sa mga napili mong interviewhin so ibig sabihin niyan kasali ako sa isusulat mong libro. Pag pumatok yan dapat ilibre mo ako o magpaparty ka at iinvite mo ako ha," saad ko at natawa naman siya at tumango tango."Oo naman kuya Ash iinvite kita pag pumatok ang libro ko ano ka ba. So para hindi na ako magtagal pa kasi may pupuntahan pa ako eh kaya simulan na natin ha. Okay first questio

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 5

    ALANAWhat is love?Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at tumingin sa babaeng nasa aking harapan. Sa kanyang edad ang tantiya ko ay isa pa siyang estudyante at sa kanyang itsura at postura tiyak ko din na galing siya sa isang mayamang pamilya. "Hello my name is Heitcleff at nandito po ako para sa aking research at kayo po ang nakita ko agad. Kasi parang may sinasabi po ang mga mata niyo eh kaya bigla akong nahatak papunta dito...ngayon sa harapan niyo. Is that okay with you Miss?" "Alana, please call me Alana at kasal na ako at may dalawang anak," saad ko na may mga ngiti sa aking labi. Nagulat naman siya at napahawak sa kanyang bibig at hindi ko mapigilang hindi makyutan sa kanya. "Ow hindi po halata ate Alana, can I call you ate Alana nalang? Para naman may respeto alam mo na student lang ako at mas matanda ka kaysa sa akin. Kasal na po pala kayo at may dalawang anak and you are blooming with love kaya siguro madali lang sa inyo itong mga katanungan ko. Huwag po kayong mag-alala

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 4

    KNIGHTWhat is love?The ocean breeze whispers like a lover. Naririto ako ngayon sa labas at may isang estudyante na may ginagawang research about love. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit yun pa ang gusto niyang iresearch. Kita ko din sa suot niyang uniporme na mula siya sa sang elite school. Nag-iisa lang siya at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa bahay ko. I think I need to hire securities kung ganoon. I need my private life ngunit wala na akong magagawa dahil nandirito na siya."Hi Mr?" tanong niya na komportableng nakaupo sa upuan na para bang hindi siya bisita. "Call me Knight," tipid kong sagot gusto ko sana siyang singhalan dahil sa napaka presko niyang dating ngunit babae parin siya. Sasagutin ko na agad ang kanyang mga tanong para tuluyan na siyang makaalis."Okay Knight, my name is Heictleff sounds weird right? Isa akong estudyante and kasalukuyan akong nagsusulat ng libro so I have to do my research and dahil nakita kita kaya ikaw agad ang natarget ko.

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 3

    THADDEUSAng nakaraan...Madilim, maingay, mainit, mausok at masakit sa mga mata ang paiba-iba ng mga ilaw sa loob ng bar. Pinagmasadan ko si Knight na ngayon ay walang tigil sa pagbuga ng usok ng kanyang sigarilyo. Walang tigil din sa paglagok nga lak ang kanyang lalamunan at napapasuklay ng buhok.Yan ang mukha ng isang miserableng lalaki ngunit kung para sa aking pananaw ay hindi naman siya miserable sa mga kamay ni Alana na ilang taon na niyang asawa. Maganda, maasikasuhin, mabait at halos package na si Alana kung sino mang lalaki ang tatanungin. Kung siguro ay hindi naging duwag si ash sa kanyang nararamdaman para sa kanya ay siguro sila ang ikinasal ni Alana at hindi si Knight.Hindi ko rin masisisi si Alana dahil marami ng nahulog na mga babae sa kanya at isa na siya doon ang pinagkaiba lang ay nagawa ni Alana na maikasal sa kanya kahit labag sa loob ni Knight. Isang malaking pagkakamali dahil alam ko kung ano ang magiging buhay ni Alana sa mga kamay n Knight, buhay na hindi a

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 2

    SAMANTHAChains to Good Jail Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong naririto? Napangiti ako habang nakaupong mag-isa sa sementong upuan. Papalubog na naman ang araw at madaragdagan na naman ang araw ng nilalagi ko dito. Ngunit hindi naman ako nagsisisi at mas maigi narin ito dahil sa malaking kasalanang nagawa ko na hindi nararapat bigyan ng kapatawaran.At kahit ilang taon pa akong manatili sa bilangguang ito ay hindi maibabalik ang buhay na aking kinuha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa pagkawala ni Knight. Dalawang tao na ang napatay ko at hindi pa sapat ang mga taong inilagi ko dito dapat ay mas matagal pa.Bahagya akong napangiti nang biglang maalala si Constantine. Kahit hindi ko siya kadugo at kahit hindi ko siya anak ay minahal ko nadin siya nung sandaling nahawakan ko siya at nayakap. Napalapit agad siya sa puso ko. Binata na siguro siya ngayon at ni isang beses ay hindi ko na siya nakita simula nung araw na iyon. Ganito pala ang napapala ng

  • The Wife   UNTOLD CHAPTER 1

    KNIGHT"Anong pabor na naman yan ha?" tanong ni Thaddeus habang naka krus ang kanyang mga kamay."Palabasin mong patay ako," diritsang saad ko at natigilan naman siya at napatitig lang sa akin ng halos ilang segundo.Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan."Knight nasisiraan ka na ng ulo o mali lang ako ng narinig sayo?" Tila nababaliw siyang napasuklay sa kanyang buhok.Alam kong napakalaking pabor, isang katangahan at alam kong pagsisisihan ko din ito sa bandang huli ngunit ito lang ang naiisip kong paraan para maging masaya siya. Paraan upang maging malaya kaming dalawa. Isang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa. Alam kong pagsisisihan ko din ito sa huli ngunit alam ko din na magiging maganda din ang kalabasan nito. Ang hindi ko lang ay alam ay kung magiging successful ba ang operasyon ko at mapagpapatuloy ba ang aking pabor. "I'm serious Thaddeus," seryosong saad ko at napaface palm naman siya ng wala sa oras."So sa tingi

  • The Wife   EPILOGUE 1.3

    Somewhere in MalaysiaTHADDEUSLumilipas ang panahon na tumatagal ay nagiging taon. Lumilipas ang segundo na tumatagal ay nagiging oras. Maraming maaaring mangyayari sa mga segundong tumatakbo sa orasan. At sa mga mangyayari maaari itong makalimutan at maging sekreto na lamang. Nagulat ako nang may pumulupot sa aking bewang at nang tingnan ko ay napangiti na lamang ako. The love of my life."Astrid," mahinang saad ko at sinakop ang kanyang mga labi dahilan upang mapaungol siya.Habol hiningang pinakawalan ko ang kanyang mga labi. Sabihin na nating naaadik na ako at masyado ng baliw sa kanya. She's my life.She's my antidote.She is my happiness."Sweetheart, okay ka lang ba dito? May pupuntahan sana ako," saad ko at tila alam niya kung saan ako tutungo."Kikitain at kakausapin mo na naman ba siya?" tanong niya at tumango naman ako."Okay I guess you should. Mag-ingat ka sa pagmamaneho okay? Alam kong kaskasero kang ugok ka at pag may nangyari sayo wala ka talagang mahihita sa akin t

DMCA.com Protection Status