ZOE POV
"AC ipagpatuloy nyo lang yung paglilinis babalik agad kami!" Sigaw ko sa classmate ko at tumakbo patungong cafeteria.Hindi nga sila nagkamali dahil may nagkukumpulan sa cantene agad akong nakisiksik at tumambad sakin si Zian na nakahandusay. Sisipain pa sana ito sa tyan ngunit agad kong nasipa ang paa ng sisipa sa kanya. Nakita ko ang mga pasa sa muka nya,sina carlo namn ay nasa gilid at iniinda rin ang sakit ng katawan nila. "TABI!!" Malakas na sigaw galing sa likod ng mga nagkukumpulan na istudyante. Agad na nahawi iyon at naglakad papalapit samin ang tatlong mokong na ngayon ay di maipinta ang mga muka nila. Bago pa sila makalapit ay hinarang ko na sila at hinarap ang naabutan kong lalaking nambubugbog kay Zian. Lahat ng section 11 ay nasa Cafeteria ngayon. "Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko dito samantalang sya nakatingin lang sakin. "Wala naman.Paharang harang lang kasi sya sa daan e..." Pabalang nitong sagot sabay sipa ng ng nasa paa nya.Ngayon ko lang napansin na mga pagkain yun,at yun siguro ang pinabili kong pagkain. "Ipunta nyo ang tatlo sa clinic---" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Jayden. "Sa room nyo ipunta" wika nito sa maawtoridad na tono.Hindi naman na ako nagreklamo dahil alam kong mas alam nya ang gagawin. "Zoe pumunta ka na sa room" tinig yun ni Chase,tinignan ko sya.Nakapamulsa sya at may kain kain na lollipop. "So...your name is Zoe?" Tanong ng lalaking kaharap ko, "My name Dyn" sabi pa nito ang kamay nya.Binaba nya rin ito matapos kong di abutin yun...mamaya may germs e. "Zoe tara na" aya sakin ni Dylan kasama si Kiara.Papaalis na sana kami kaso may nagsalita. "What are you doing here Dylan?" Galit na tanong ng isang lalaki.Kakarating nya lang,at kasama nya ang tatlong bruha---este sina Stella at Alipores nito. "Section 11 ako...remember?" Medj.inis na tanong ni Dylan dito.Inaya na kami nina Ivan na bumalik sa room. Ayoko na rin namang mag-stay dun at makita si Stella na nag-aapoy nanaman sa galit. "Kainis,kainis,kainisss!!" Maktol ko habang pumapadyak padyak pa at paikot ikot sa room. "Hoy Zoe tumigil ka nga! Kami nahihilo sayo e!" Sigaw ni Kiara sakin dahilan para pumunta ako sa pwesto nila. Kasalukuyang inaano yung mga pasa ng tatlo.Naawa ako bigla sa kanila,hindi naman ata makatarungan yung ginawa nung...nung...basta yung lalaking yun. "S-sorry ah...dahil sakin nasayang pa ang pera at pagkain dapat natin". Hingi ng tawad ni Zian,tiningnan ko naman ito. "Ano ba...wala yun,ako nga dapat ang magsorry e,nabugbog pa tuloy kayo" Sabi ko naman.Totoo naman kasi e,ako yung may kasalanan. Dumating sina Ivan dala ang pagkain.Pinabili ko kasi sila kaai unfair naman sa mga kaklase naming di nakakain. Wala pa namang teacher e kaya pwede pang kumain. Nagsimula kaming kumain at nagkanya-kanyang pwesto. Pabilog kami nina Kiara,Dylan,Zian,Carlo,Shan,Jayden,Ivan at Ethan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang pumasok si Chase. "Kain.." yaya ko sa kanya ngunit tiningnan nya lang ako.Iba ata tama neto e,minsan nakangiti tapos ngayon parang wala sa mood. Naupo sya sa tabi ni Jayden habang masama ang tingin sa sahig. "Bakit pala galit sayo si Stella?" Biglang tanong ni Ivan sa kalagitnaan ng pagkain.Natulala pa ako saglit bago nakarecover...di ko naman kasi inexpect na pag-uusapan yung babaeng yun e. "Step-sister ko sya..." Sagot ko at kumagat sa burger. "Pano mo naging step-sister yun?" Tanong nanaman nito. Lahat sila nakatingin sakin at parang hinihintay nila yung sagot ko,maging si Chase na kanina ay nasa sahig yung tingin nasa akin na rin. "Ampon kasi ako ni papa,anak ni papa si Stella kaya ayun...step-sister ko sya" "Huh? Diba dapat ang step-sister na tinatawag ay---" "Oh wag ka na magpaliwanag lalong gugulo" biglang pinutol ni Ethan ang sasabihin ni Ivan.Natawa nalang kami maliban kay Chase at Jayden na seryosong seryoso ang muka...daig pa yung maraming problema. "E ikaw Dylan...sino yung lalaki kanina?" Tanong ko naman,cuious kasi ako e...medj. may pagkahawig sila. "He's my brother..." Diretsong sagot nito at yumuko. "Brother? Ilan taon na yun?" Tanong ko nanaman...muka kasing antanda e,pero gwapo pa rin ah. "Bakit type mo?" Biglang tanong ni Zian kaya nabato ko sya ng water bottle na walang laman. "He's already 19 years old" sagot nanaman ni Dylan sa tanong ko... "19? Ikaw ilang taon ka na?" Tanong ko nanaman sa kanya...sana wag syang mainis sa kakatanong ko. Kinuha ko ang water bottle na may laman sabay inom... "15" nabuga ko ang iniinom kong tubig sa....sa......sa muka ni Jayden!! Masama akong tiningnan nito,nagpeace sign ako sa kanya habang sya ay nagpupunas ng sarili. Narinig ko pang bumungisngis si Ivan pero tumigil din ito matapos tingnan ni Jayden ng masama. "15? Tapos sya 19? Teka nalilito ako kasi.....ikaw pinakabata dito?!" Gulat na tanong ko... Alam ko kasing 16 and above na ang 4th year pero sya...15? Seryoso?...pero meron din atang ganun e,baka nauna lang talaga sya nag-aral. "Nag-ulit si kuya mo?" Si Kiara naman ang nagtanong. "Yeah...2 years maybe" sagot naman nito. "Actually,may kapatid kami...bale ate ko sya,pero nawala raw sya nung bata palang sina Kuya" Paliwanag nito..gusto ko pa sana magtanong kaso..hehe nakakahiya. (N/A;May hiya ka pala) Oo no,may hiya ako nuhba. Wala pa ring teacher na dumating maliban sa grupo ng bruha---este nina Stella. "ILABAS NYO NGA YANG ZOE NA YAN!" Malakas na sigaw ang bumulabog saming lahat. Kanina galing? Syempre kay Stella. "Ano bang problema mo?" Naiiritang tanong sa kanya ni Kiara.Pumunta pa talaga sila dito para sumugod?! "Hoy! Hindi ikaw ang kailangan ko ha.Si Zoe ang pinunta ko dito!" Sabi nito sabay duro kay Kiara na agad namang hinampas ng isa. "Wag mo nga akong duruin! Oh Zoe harapin mo na ang bruha" sabi ni Kiara at pumunta sa likod ko. "What do you call me---?" Hindi na nya natulog ang pagsugod kay Kiara bg hinarangan ko sya. Akala ko ako yung pupuntahan tas si Kiara yung susugurin. "Ako yung pinunta mo kaya ako harapin mo" bored kong sabi sa kanya.Andito nanaman po ang matatalim nyang titig kasama ng nga alipores nya.Andito na rin ang....ibang section? Kasalukuyan kaming nasa labas ng room ng Section 11. Bale hiwalay ang room namin sa mga room nila.Isang malakas na sampal ang nagbalik sakin sa ulirat.Malakas na sampal na galing ulit kay Stella. Humarap ulit ako sa kanya. "Ano nanaman bang problema mo?" Inis na tanong ko,aba sya na nga lang dumadayo tas sya pa nanampal. "Ang kapal kasi ng muka mo para tanggihan yung kamay ni Dyn kanina!" Sigaw nanaman nito.Nakalunok ata to ng microphone e. Nakita ko sa likod ni Stella na andun si Dyn at yung dalawa nyang kaibigan pati yung Kuya ni Dylan.Tiningnan ko sa likod ko...kumpleto ang section 11. "Kung nagrereklamo ka dahil di ko tinanggap yung maruming kamay ni Dyn...edi sana nalang kumuha!" Sabi ko sa kanya.Medj.Napatayo pa si Dyn na nakaupo sa bench dun sa tapat.Nakita ko rin ang pagpula ng muka ni Stella dahil sa galit. Malakas na 'Ohhhhh' ang narining ko galing sa Section 11.Tinaas ni Stella ang isa nyang kilay,syempre di ako magpapatalo kaya tinaas ko rin yung isang kilay ko. "Napakakapal talaga ng pagmumuka mo e no---" "Nahiya naman sa muka mo" Biglang singit ko at di na nya natuloy ang sasabihin nya. Akmang sasampalin nya ulit ako ng bigla nanaman akong nagsalita... "Isang sampal pa Stella...baka nakakalimutan mong wala kayo sa teritoryo nyo.Teritoryo ng Section 11 ang kinatatayuan ninyong lahat.Pagbiglang ko ng lima at nandito pa rin kayo...sisiguraduhin kong---" di na natuloy ang sasabihin ko ng makita ang ilang section na kumaripas na ng takbo.Sina Dyn at ang mga tropa nya ay nagsimula na ring maglakad pero nahuli ng mata ko yung Kuya ni Dylan na nakatingin sa kapatid nito.Si Stella naman ay wala na ring nagawa kundi umalis. Malakas na hiyawan ang narinig ko matapos ng sagutan namin ni Stella. Tiningnan ko sila ng masama kaya ayun...tumahimik sila.ZOE POV "Akala ko papatalo ka nanaman sa bruhang yun e...ang galing mo talaga!" Puri sakin ni Kiara habang nakahiga sya sa kama ko. Binigyan rin kasi nya ako ng sariling kwarto.Buti andito sya para tumulong sakin. "Ano namang maganda sa pakikipag-away.." sabi ko naman at binalik ang tuon ko sa pagbabasa. "T-teka na-nahihilo...a-ano? Anong maganda sa pakikipag-away? E kung iharap ko kaya sayo lahat ng inaway mo!" Sabi nito sakin at pinandilatan ako ng mata. Agad akong pumunta sa kama ko at nahiga roon. "Iba naman yun..." Pagtatanggol ko sa sarili. "Iba mo muka mo!" Sabi nito sakin at nagtalubong ng kumot.Nagtaka pa ako sa ginawa nya kaya tinanong ko sya. "Dito ka matutulog?" Takang tanong ko,isang 'oo' lang ang natanggap ko.Wala akong nagawa kundi ang matulog na din lang. ______________ "Parang ansungit naman ng Kuya mo Dylan!" Sabi ni Kiara kay Dylan na kasalukuyang nagbabasa NANAMAN ng libro. "Ganun talaga yun" bored na sagot sa kanya ni Dylan na di man lang sya tinapunan
ZOE POV "Eh bat naman kasi tinakbo mo yung bag ko?!" Inis na tanong ko kay Jayden na ngayon ay kinakain ang biscuit na nasa bag ko. "Nagutom ako e" sagot nito habang ngumunguya,masamid ka sana... "T-tubig..." Nahihirapang sabi nito habang hinahampas ang dibdib,binigyan naman nila ng tubig ang loko na agad nakahinga ng maayos. "Malaman ko lang kung sinong nag wish na masamid ako lagot sakin!" Inis na sigaw ni at uminom nanaman ng tubig "muntikan na akong mamatay!" Dagdag pa nito na nagpatikom sakin.Katakawan mo yan dai. Lumipas nanaman ang maghapon.Syempre sa lecture ko na tinuon ang pansin ko,mamaya baka wala nanaman akong natutunan. _______ Ilang linggo na ang nagdaan. Ang pagpasok namin sa Academy ay naging madali nalang.Kaliwa't kanan lang naman ang parinigan nila. Humaharot daw kami sa section 11 kesyo ganto kesyo ganyan---inggit lang yan bi,wag masyadong mainggit baka masobrahan. "Hoy Jayden! Aba di ka maglilinis?!" Sarkastiko kong tanong sa kanya.Sitting pret
ZOE POV Tanghali na at heto pa rin kami sa room.Naghihintay sa kay Dylan at sa result ng Quiz Bee. "Ayan na si Dylan!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.Di naman sya nagkamali dahil nandyan na nga si Dylan. Nasa tapat sya ng pintuan dala ang bag nya at malungkot ang awra nito. "O-okey lang yan...may susunod pa naman e" sabi ni Kiara ng mapansing malungkot ang muka nito. "Oo nga!" "Atleast ginalingan mo!" "T-tama!" Pag-sang-ayon naman ng mga kaklase ko sa sinabi ni Kiara.Dahan dahan syang pumasok at pumunta sa harapan.Unti unting binuksan ni Dy ang bag nya at unti unti ring kumurba ang mga labi nito. "Sabi na e!" Sigaw ni Ivan at tumakbo papunta kay Dylan na ngayon ay hawak na ang....trophy! "Congrats!" Sabay sabay naming bati sa kanya.Sya lang ang nanalo ngunit pakiramdam namin ay buong section namin ang nanalo sa Quiz Bee. "Sabi ko na e! Matalino ka kaya nanalo ka!" Puri ko dito na nginitian lang ako. "Etong trophy na to...para sainyo,para satin..." Sabi nito at buong galak
ZOE POV Kahapon ko pa napapansing hindi malalim ang iniisip ni Kiara,at kahit nya sabihin...alam ko kung ano yun.Natatakot syang makita ulit akong lumala.Kahit ako naman e,ayoko ng ganun...ayokong ganun ang sarili ko. DYLAN POV "Kuya pakidala sa section 11 lahat ng yan" nakangiting sabi ko sa butler namin at ipinapadala ang kahon ng pagkain para sa section namin. Hindi ako nakadala kahapon dahil nabalitaan naming napaaway si Zoe dahil sakin... "What do you think you're doing?" Inis na tanong sakin ni Kuya ng makasulubong ko ito kasama sina Dyn at ang iba pa nilang tropa. "Giving food to my classmate maybe?" Pilosopong sagot ko dito.Noon pa man di na kami magkasundo.I hate all of them...maging ang kapatid kong nawawala 11 years ago. "Anong kala nila sayo? Hingian ng pagkain?" Tanong nanaman nito.Napairap nalang ako sa hangin.Eto nanaman kami...mag-aaway nanaman. "Ano bang problema mo? Its my promise to them...isa pa,i think you dont care right?" Iritang tanong ko dito,lahat nal
ZOE POV Lahat kaming Section 11 ay nasa labas.Hinahanap ng mga mata namin ang lalaking nanakit sakin. "Ayun!"sigaw ni Kiara at tiningnan kung saan ang tinutukoy nya. Nakita nga namin ang apat na lalaking nagtatawanan kasama ang tatlong chismosa---kasama na ang dalawang namamaga pa rin kunti ang muka. Agad kaming lumapit doon at agad ring bumilog ang mga istudyante na nasa lugar. "Oh nagsumbong ang---" di na natuloy ang sasabihin ng nanampal sakin nang bigla syang sinuntok ni Dylan. "WALANG AAWAT!" Sigaw ni Chase at nakacross-arm lang sya habang nanonood. Naging mabilis ang pangyayari,nailagan ni Dylan ang mga suntok ng APAT na lalaki ngunit nasusuntok nya naman ang mga kalaban nya. Aaminin kong ang cool ni Dylan pag tiningnan mo sya ngayon---ibang iba talaga sya sa Dylan na nakilala ko. Ang Dylan na akala ml ay inosente ay isa rin palang demonyo pag nakikipag-away. Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang daing ng isa sa kanila.Sinipa pala ito ni Dy sa tyan dahilan para mamilipi
DANIEL(DEYN-NYEL) POV Tumakbo paalis si Dylan kasama ang ibang kaklase nya---even that girl. Ang naiwan nalang ay ako si Dyn,si Lexus,si Stella kasama yung dalawa pa naming kaklase na laging nakasulpot kay Stella.Naiwan rin dito ang apat na lalaki mula sa section 11. "Go! Susunod nalang ako!" Utos kina Dyn na agad naman nilang sinunod.Nang makaalis sila ay tsaka ko hinarap ang apat. "Pinunta ko sya sa Section nyo dahil alam kong mapprotektahan nyo sya...pero bakit mas lalo pa syang lumalala?" Panimula ko.May bakas ng inis sa toni ng aking pananalita.Nakapamulsa si Jayden maging sina Ivan at Ethan.Si Chase naman ay may kain kaing lollipop,di pa rin sya nagbabago...lollipop pa rin ang hilig nya,buti at hindi nasisira ang ngipin netong lalaking to. "Narinig mo ang sinabi nya kanina Daniel...may problema sa pamilya nyo kaya sya nagkaganun!" Depensa ni Ivan.Hinarap ko ito... "Ganun lang yun...pero hindi namin papabayaan yun tulad ng sinabi mo." Cold na wika ni Jayden at umalis sya ka
ZOE POV "Witwiw" sipol ng mga boys sa labas.Tiningnan ko sila ng masama kaya umiwas sila ng tingin. "Okey readyyy...1,2,3 and Go!" Rumampa ako sa room,nung nasa dulo na ay umikot ako at muling hinarap sa blackboard ang tingin. "I am Zoe Faye, seventeen, and I am the representative of Section 11!" Panimula ko kunwari,wala talaga akong ginamit na apelyido dahil baka mag-alburuto nanaman si Stella pag ginamit ko apelyido na binigay ni Papa. Nagtuloy-tuloy kami sa pagpapractice dahil bukas na ang rampa rampa na yan. Meron na rin akong kasabihan,at ready na rin ako sa mga sagot although wala talagang nakakaalam sa itatanong. "Galingan mo dun Zoe!" Sabi ni Zian kasama sina Carlo at James.Nginitian ko sila,nakakatuwang lahat sila suportado sakin. "Go!!! Ate ko yan!!" Sigaw ni Dylan ng magsimula ulit akong magpractice na rumampa.Napangiti nalang ako dahil sa tinawag nya akong ate nya.Siguro kahit medyo galit sya sa ate nya gusto na nya itong makita. Alam kong sabik si Dylan sa ate. "
ZOE POV Madami pang che-che-bureche ang ginawa namin.Rinampa namin ang iba't ibang category tulad nalang sports outfit. Ngayon ay question and answer na...eto na ang last na gagawin para matapos na tong Ms.Jade stone na to. Kanina pa ako napapagod pero dahil nandyan ang Section 11 sakin...tuloy lang ang rampa ng ate nyo. "And now...lets called No.16 for Q&A portion" rinig kong wika ng host dahilan para rumampa ako papunta sa harap.Nakita ko ang lahat na seryosong seryoso. "So...this is the question for you no.16, Ipagpalagay nating ampon ka...hahanapin mo ba ang totoo mong magulang at bakit?" Tanong ng host.Tumahimik ang lahat maging ako ay walang naging imik...sa kadahilanang ampon naman talaga ako.Mukang nananadya ang panahon at tadhana.Nakita ko si Kiara at tumango ito,wala akong magagawa kundi ang sagutin ang lintik na tanong na yan. "T-thank you for the question sir..." Panimula ko at tumango naman ang host... "Para sakin...hindi...hindi ko hahanapin ang mga totoong magula
//REVENGE//JAYDEN POVHindi ako natutuwa sa ginawa nila.Nakakalimutan ata nilang may makapangyarihang istudyante sa loob ng section 11. "Ganto karaminh basura yung nilagay nila sa room?!" Gulat na tanong ni Dylan habang tinitingnan ang gabundok na basura. Hindi rin maganda ang amoy nito... Nagpahanga lang ako ni Zoe dahil kasama sya sa gumagawa ng plano ngayon."So...what's the exact plan?" Seryosong tanong ni Ivan. Isa isang tiningnan ni Zoe ang mga kamao namin, at parang may kutyenteng dumaloy sa kamay ko ng hawakan nya ito."Kaya nyo pa bang sumuntok?" Seryosong tanong ni Zoe, tumango naman kaming lahat."Kinse lang tayo, kailangang hatiin sa apat na grupo." Dagdag nya pa at tiningnan kami isa isa."But why?" Nagtatakang tanong ni Zian. "Apat na grupo para sa apat na section." Si Chase na ang sumagot sa katanungan ni Zian.Sinabi ni Zoe ang plano, hinati namin ang basura at hinati rin kami sa apat."Kagrupo ko si Zoe"...si Chase."Ako." Sabi ko naman."Ako.""Ako sabi e!""Ako
//THE POWER OF SECTION 11//THIRD PERSON POVAng Section 11 nalang ang hinihintay sa field. Nagtatawanan ang karamihan sa istudyante at ang mga professor na ayaw sa Section 11 sa pag-aakalang nalito na nila ang Section 11. Ngunit hindi nila alam na si Brian, isa sa mga istudyante ng Section 11 ay matinik makasagap ng balita...hindi sya naloloko."Okey...kung wala na taying hinihintay pwede na tayong nag proceed sa---"Naputol ang sasabihin ng isang guro ng biglang may sumigaw sa likod ng malawak na field. Napatingin ang mga istudyante dun maging ang mga guro at visitors.Napanganga ang iba matapos makita ang section 11.Lima ang section ng 4th year.Section 1---Section 2---Section 5---Section 9 at pinakahuli ang section 11.Kung hindi pa kayo nalilinawan sa mga section ay ipaliliwanag ko sainyo.Section 1: Ang section na ito ay purong mayayamang tao(although may mayaman din sa mababang section). Makapangyarihan, at ang hari...ang nag-iisang Daniel Teralva.Section 2: Etong section na
JAYDEN POV"So kailan sya babalik dito?" Biglang tanong ni ate na nagpatigil samin sa kanya-kanyang gawain.Nanditong kaming anim sa sala."Sinong sya?" Seryosong tanong ni Dylan habang hawak hawak ang isang libro.Napatingin ang apat na ugok sakin at nilipat ulit ang tingin kay ate."Sino na nga ba yun? Ahmm si...""Ate!" Tawag ko ng may pagbabanta sa kanga.Sinamaan naman ako nito ng tingin at inirapan ako."Abaaa, may tinatago ka ba samin?" Tanong naman ni Ethan.Sinandal ko ang likod ko sa sofa at pinikit ang mata."Sino ngang sya?" Rinig kong tanong nanaman ni Dylan kaya napamulat ako ng mata."Tama! Si Zoe!" Biglang sabi ni Ate kaya nasampal ko nalang yung sarili kong noo at tiningnan ng masama tong madaldal na babaeng to."Oh...I to go hehe." Wika nito ng mapansing masama ang tingin ko sa kanya."Zoe?....anong ginagawa nya dito?" Nagtatakang tanong ni Dy at lahat sila nakatingin sakin.Aba kasalanan ko bang mahilig maglakad lakad yung babaeng yun kaya napunta rito sa tapat ng mansy
"Okey class! Sa lunes hanggang huwebes next week ay busy lahat---its because gaganapin sa friday hanggang sunday ang JADE STONE ACADEMY SPECIAL DAY 20**." Announce ni Brian habang nasa unahan sya. Ang Jade Stone Academy Special keme keme na yan ay ginagawa lang isa sa isang taon.Matutulog ang mga istudyante dito sa acads for 2 night at nag stay sila dito ng 3 days. Pagkatapos ng ilan pang chikahan tungkol sa Jade Ston Acads special keme keme na yan umuwi na kamu ni Kiara....YAHHHH ITS WEEKEND NANAMAN!!!//KINABUKASAN//Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Walang pasok, sadyang napagdesisyunan ko lang na maglakad lakad dito sa village.Oo, nasa village ang bahay nina Kiara---pero mansyon yun wag ka.Nag-iwan ako ng sulat kay Kiara at nagpaalam na ako sa mga maids na maglalakad lakad muna ako.Medj. Memorize ko na tong village, lumiko ako sa kanan at may nakita akong bulaklak.Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato yun.May nakita pa akong malaking bahay, tumapat ako
SAMANTHA POVI look at him secretly...hindi pa rin sya nagbabago, lollipop pa rin ang paborito nya at mahilig pa rin syang tumambay dito sa Lake-Garden. Im sorry...thats the word I wanted to say to him.I know naman na hindi mo ako mapapatawad agad...Im sorry if I needed to hurt you, I loved you---But Im sorry coz that love fade away."Sinusundan mo ba ako?" Tanong ng kung sino mula sa likuran ko,dahan dahan akong lumingon dun at tumambad sakin ang muka ni Chase."N-No...I-Im sorry..." Napayuko ako dahil sa kahihiyan---bakit nga ba ako bumalik? Bakit kailangan ulit kitang saktan.Tumakbo ako paalis, may naririnig akong bulungan pero di ko pinansin.Hanggang sa may nabunggo ako---its Daniel, kasama sina Dyn,Lexus,si Stella at dalawa nitong alipores, tapos may dalawa pang lalaki--hindi ko matandaan pangalan nila."Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Maarteng wika ni Stella na naging dahilan upang mapatayo ako at tingnan sya ng matalim."You dont have rights para mag-inarte sa harap ko." S
Ilang linggo nanaman ang lumipas.Ang bilis ng panahon dati kayo pa pero ngayon may kasama na syang iba, charot..."Hoy Shan! Oh..." Tawag ni Dy kay Shan na busy-ing magbasa, inabot ni Dylan ang tatlong makakapal na libro---sya ata ang pumalit kay Dy. Iba na ngayon si Dylan, hindi na sya nakasalamin, balita ko nga binigay ni Dylan kay Shan ang salamin nya. Si Shan ang pumalit sa kanya.Inayos muna ni Shan ang salamin bago kunin yun,"Salamat." Sabi nito at nakangiting tinanggap ang bigay na libro ni Dylan."WAAAA-HA-HA-HA." parang batang umiiyak kunwari si Chase na kapapasok palang.Umupo sya sa silya nya ng nakapout---muka syang pato."Het Im just joking, okey? Haha" tumatawang bungad ni Jayden, kasama sina Ivan at Ethan na tumatawa sa likod ni Jayden.Napatingin ako kay Chase at muntikan akong humagalpak sa tawa ng makitang mangiyak-ngiyak sya! Oo mga bii! HAHAHAH ang isang Chase Villanueva, kinababaliwan ng mga babae, ex ni Samantha at President ng section 11 malapit ng umiyak."Any
DANIEL POVNaglalakad lang ako pero hindi ko talaga alam kung san ako pupunta.May naririnig akong bulungan---tungkol sa kung anong nangyari sa kamay ko."Daniel!!" May bahid ng pag-aalalang tawag sakin ng kung sino, tinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Zoe na tumatakbo papalapit sakin.I look at her, may pag-aalala sa muka nya.Tiningnan nya ang kamay ko at hahawakan na yun ng ilayo ko sa kanya."A-Anong nangyari dyan?" Nag-aalang tanong nito sakin.Bored ko lang syang tiningnan at nilagpasan.Nabigla nalang ako ng may kumuha sa kaliwang kamay ko at hilain ako sa kung saan.Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko nung hawakan nya ako.Bakit parang ambilis ng tibok ng puso ko, bakit parang pamilyar sakin ang eksenang to.'π΄ππ ππ π¦ππ ππ’π¦π! πππππππ-ππ€ππ¦ ππ πππππππ?!' Tanong sakin ng batang babae na sa tingin ko ay nasa 6 years old. Im 8 and my youngest brother is 4. Kapatid ko ang nanenermon sakin."ππππ π‘π.""πππππ π€πππ βπππππ πππ! π
CHASE POVI look at the blue sky, nandito ako sa Lake-Garden.Mag-isa at tanging huni ng mga ibon at sipol ng hangin ang maririnig.Pinikit ko ang mga mata ko, gusto kong magpahinga, na kahit kunting minuto makalimutan ko ang problema ko.May naramdaman akong presensya ng tao sa harap ko.Minulat ko ang dalawa kong mata,bumungad sakin si Zoe na seryosong nakatingin sakin.Naupo sya sa tabi ko habang nakaharap sa lawang nasa harapan namin.Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakatingin sya sakin."Stop staring at me." Seryosong saad ko ng hindi man lang sya tinapunan ng tingin.Ayaw ko sanang makipag-usap, ang gulo ng isip ko ngayon."Alam kong ayaw mo ng kausap, pero nandito lang ako." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.I look at her eyes, puno ng pag-aalala ang nababasa ko sa mga mata nya. "Thank you." Ang tanging nasabi ko nalang, tumayo sya na ipinagtaka ko."Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya,hindi sya nagsalita at inabot sakin ang palad nya.Inabot ko yun at hinila nya ako
CHASE POV Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang bumalik.Kung bakit kailangan nya pang ipamuka sakin na at sa lahat niloko nya ako. "Its was 2 years ago Chase!" Sigaw sakin ni Samantha.Nagpeke ako ng tawa at masama ang tingin na hinarap silang dalawa.Puno ako ng galit, galit dahil niloko ang ng taong mahal ko...ang ng kaibigan ko. Yes.Samantha Clara Smith is my ex 2 years ago.It was out anniversary that time when I caught her...When I caught them, cheating on me. //FLASHBACK// Bumili ako ng tatlong tangkay ng roses,inamoy ko muna ito bago bayaran.Bumili rin ako ng chocolates for my favorite girl.Im happy because for the first time, makakaranas ako ng anniversary. 1st Anniversary namin ngayon ni Samantha---but I call her Sam. She's so pretty, a beautiful I've ever met.She's so perfect, she's so kind...she's an Angel. Gabi na ngunit wala pa sya dito sa restaurant kaya balak ko syang puntahan sa tagpuan namin. Habang naglalakad sa isang madilim na daan, at hakbang k