Share

Chapter 28

Author: jhoelleoalina
last update Last Updated: 2021-09-14 12:15:56

Nang magising si Caren kinabukasan, mabigat ang kanyang pakiramdam at tila wala siyang ganang bumangon sa kama. Ang akala niya ay mababawasan at mawawala ang mabigat sa dibdib at masakit na nararamdaman niya kahapon kapag naiiyak na niya iyon pero mali pala siya. Dahil nandoon pa rin iyon sa dibdib niya. At kahit nakatulog na siya ay iyon pa rin ang sumalubong sa kanya pagdating ng umaga. Masakit pa rin. Mabigat pa rin sa dibdib.

Matapos magkulong niya sa kwarto kahapon ay hindi na siya lumabas doon. Hinatiran lang siya ng kanyang mom ng dinner sa kwarto and her mom also told her na nasa labas pa rin ng kwarto si Jayvee, naghihintay na pagbuksan niya para mag-usap sila pero hindi niya pinansin ang kaalamang nandoon pa rin ito sa labas ng kwarto. She's not yet ready to face him dahil hindi pa niya kaya. Sariwa at masakit pa ang sugat na dinulot nito sa kanya. Hihintayin niya muna iyong maghilom bago niya harapin para kausapin ang binata.

Nanatili siyang nakahiga sa ibabaw n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 29

    Ang akala ni Caren ay magkakaroon na ng away sa pagitan ng dalawang lalaki na patuloy sa pagtatagisan nang matatalim na tingin. Nai-imagine na niyang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata ng dalawa na nagsasagupa sa gitna. Walang gustong magpatalo pero gusto parehong manalo. At halos ilang minuto na silang gano’n. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susuko."Breakfast is ready! Pumunta na kayo ditong tatlo! Dito ka na rin mag-breakfast, Justin!" sigaw ng mom niya buhat sa dining area dahilan para maputol ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. At doon lang siya tila nakahinga nang maluwag dahil hindi niya napansin na pigil pala niya ang paghinga habang nanonood sa staring contest ng dalawa."Let's go," wika ni Justin na unang pumutol sa titigan ng mga ito bago siya hinawakan sa kamay. Agad na dumapo doon ang mata ni Jayvee na mas lalong nagsalubong ang mga kilay at nagtiim ang bagang nito."She's mine kaya sa'kin siya sasabay," ma-awtoridad na wika nito at

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 30

    Ilang araw ng matamlay at parang walang gana si CJ sa lahat ng bagay. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga araw na nagdaan na hindi niya nakakasama si Caren. It's been three days buhat ng huli siyang nakalapit sa dalaga at 'yon ay noong nagtalo pa sila ni Justin.Masyado siyang naging abala sa school kaya nakuntento muna siya sa pasulyap-sulyap lang sa dalaga. Kahit na halos sumabog na ang puso niya sa inggit at selos kapag nakikita niya itong kasama si Justin.Parang sinasaksak ang dibdib niya at sobrang bigat sa pakiramdam habang nakikita at naririnig niya ang taong mahal niya na masayang tumatawa sa piling ng iba. Kulang na lang ay bawian siya ng buhay dahil sa sobrang sakit no’n sa pakiramdam.Pero wala sa isip niya ang sumuko. Masyado lang siyang abala sa school activities at mas inuuna niya iyon dahil para din naman 'yon sa future nila ni Caren. Hindi naman siguro ganoon kababaw ang nararamdamang pagmamahal ni Caren sa kanya kung sa

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 31

    Halos hindi na nakatulog si Caren ng gabing iyon habang binabantayan at inaalagaan si Jayvee. Maya't-maya niyang tinitingnan ang kalagayan ng binata dahil mas tumaas pa ang lagnat nito. Nanginginig na rin ang katawan ni Jayvee kung kaya't binalot na niya ito ng comforter.Awang-awa siya sa kalagayan ng binata, mabuti na lang at nagpunta si Jayvee sa bahay ng magulang niya. Dahil kung nagkataon ay mag-isa lang ito sa bahay habang may sakit at walang mag-aalaga dito. Ganito din kaya ito kapag nagkakasakit noon? Nag-iisa? Walang magulang o kapatid na nag-aalaga?"Kulot.. Caren," nanginginig na anas nito kaya mas lumapit siya sa katawan ng binata. Paulit-ulit nitong binibigkas ang pangalan niya na tila ayaw ng binata na lumayo siya sa tabi nito. Inilapat niya ang palad sa noo nito para damhin kung mataas pa ang lagnat ng binata at napahinga siya ng maluwag ng hindi na ganoon kainit si Jayvee. Umeepekto na ang gamot na pinainom niya dito. Bumababa na ang lagnat nito

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 32

    Medyo mabigat pa ang pakiramdam ni CJ nang magising siya pagdating ng umaga. Medyo nahihilo rin siya nang subukan niyang umupo sa kama para sumandal sa headboard. Nanghihina pa ang kanyang katawan pero hindi na mataas ang lagnat niya.Medyo mababa na rin ang temperatura niya at doon niya lang napansin na hubad pala ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. At nang silipin niya ang sarili sa ilalim ng kumot ay tanging boxer short lang ang kanyang saplot. What the! Anong nangyari? May nang-rape ba sa kanya?inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto at napahinga siya ng maluwag nang mapagtanto na nasa kwarto siya ni Caren. Naalala niya din na umidlip siya kahapon sa tabi ng dalaga para magpahinga habang natutulog din ito. Aalis na lang sana siya paggising ng dalaga pero mukhang hindi na niya nagawa.May naalala din siya na inaalagaan siya ni Caren pero hindi iyon naging malinaw sa alaala niya. Baka panaginip lang niya iyon. Parte ng isang maganda at masarap na pa

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 33

    "Bakit sobrang bango mo ngayon? Nagpalit ka ba ng perfume? Ito na lang gamitin mo araw-araw. Gustong-gusto ko ang amoy mo these past few days," wika ni Caren dahilan nang pagkunot ng noo ni CJ.Nasa bahay niya si Caren ng mga oras na iyon at nagkataong wala siyang pasok sa school. Kadalasan ay pinupuntahan siya ng dalaga at kadalasan ay kasama nito ang bunsong kapatid pero mag-isa ito ngayon."Huh? Pero hindi pa ako nakakapag-shower, baby. At hindi ako gumagamit ng pabango kapag nandito lang ako sa bahay. It's just my natural scent," napa-pantastikuhang anas niya kay Caren. Nasa loob ng shirt na suot niya ang ulo nito at inaamoy ang katawan niya. At hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kiliti dahil sa ginagawa nito. Damn! He's having a fucking boner right now!"Talaga? Pero bakit ang bango mo? Nakakagigil ka. Pwede bang pakagat?" inosente at parang batang anas nito bago lumabas sa shirt na suot niya. Sumubsob ito sa kanyang leeg at iyon naman ang pinanggigilan

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 34

    Nagtatalo na ang liwanag at dilim nang maisipan nilang umuwi buhat sa mahaba at masayang pamamasyal. Sobra ang sayang naramdaman ni Caren habang kasama niya si Jayvee na kahit kailan ay hindi nabigong pangitiin at patawanin siya.Buhat sa kakulitan at kalokohan nito na hindi maiiwasang samahan ng kapilyohan dahil natural at normal na iyon kay Jayvee. Tanggap niya lahat ng 'yon dahil kasama iyon sa minahal niya sa binata. At walang pagsidlan ang kanyang tuwa sa halos maghapon nilang pamamasyal kasama ito. Sulit na sulit ang bawat oras na lumipas at muli niyang naramdaman kung paano maging normal. ‘Yong walang sakit na iniisip at pumipigil sa kanya.Dumiretso sila sa kanilang bahay at doon na rin tumuloy si Jayvee. Hindi ito humiwalay sa kanya dahil excited at gusto nitong makita ang magiging resulta ng binili nilang pregnancy test. Ten pieces agad ang binili nito para daw sigurado na ikina-iling na lang niya dahil sa ka-abnormalan ng kasintahan.Pwede

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 35

    Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Halos perpekto ang naging relasyon ni Caren at CJ. Halos walang araw na hindi magkasama ang dalawa at lagi ang mga itong nakadikit sa isa't-isa. Naghihiwalay lang sila kapag pumupunta ng school ang binata pero pagkarating nito sa bahay ay magkasama na ulit sila. Maging sa bahay man iyon ng magulang ng dalaga o bahay ng magulang ni CJ. Malaya silang nagsasama sa iisang kwarto at sa iisang kama. S'yempre may permiso rin ng magulang nila.Iisa na lang ang kulang para matawag silang isang masaya at buong pamilya. At iyon ay ang kasal. Pero malapit na ring mangyari iyon dahil nakaplano na ang lahat ng dapat gawin ni CJ pagbalik niya sa Isla Montellano para ayusin ang lahat. Isang taon na rin lang ang bubunuin niya para siya ay makapagtapos at pagkatapos no'n ay yayayain na niyang magpakasal si Caren.Nakumpirma na rin nila sa doctor na totoong buntis nga ang kasintahan. At kasalukuyang nasa tatlong buwan na ang d

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Unforgettable Mistake   Chapter 36

    Kinabukasan, wala na si Caren sa tabi ni CJ nang magising siya. Umupo siya sa kama habang kinukusot ang mga mata bago inilibot ang paningin sa buong kwarto pero hindi niya nasilayan doon ang kasintahan. Kaya napasimangot siya bago umalis ng kama at nagtungo sa banyo to do his morning rituals.Sayang lang at naunang gumising si Caren. Plano pa naman niyang ito ang gawing breakfast in bed na kadalasan nilang ginagawa. Pero mukhang wala silang mangyayaring breakfast in bed ngayon. Zero point na naman sila ng 'best buddy' niya. Better luck next time, buddy...Lumabas agad siya ng kwarto pagkatapos niyang mag-shower. He's just wearing his boxer shorts at wala siyang suot na pang-itaas. Huhubarin din naman niya iyon mamaya dahil plano niyang ibang breakfast ang gawin nila ni Caren. Natakasan nga siya nito sa kanilang breakfast in bed pero pwede din naman na breakfast in the kitchen o kahit sa living room, di'ba? Ready naman siya anytime and anywhere. He smirked.Pabor

    Last Updated : 2021-09-14

Latest chapter

  • The Unforgettable Mistake   Epilogue

    Malayo ang tanaw ni Caren buhat sa balkonahe ng bahay nila ni Jayvee sa Isla Montellano. Binabalikan niya ang mga taong mabilis na lumipas buhat nang bumalik sila doon para magsimula ng kanilang binuong pamilya kasama ang anak nila. Naiwan sa lungsod ang magulang niya kasama ang kapatid pero bumibisita ang mga ito sa kanila at kadalasan ay doon nagbabakasyon.Dalawang taon na ang mabilis na lumipas buhat ng ikasal sila ni Jayvee at tatlong taon naman buhat ng maayos ang lahat sa pagitan nilang tatlo— siya, si Jayvee at si Laila. Nagpatuloy ang pagkakaibigan na mayroon sila ng dalaga at nagkaroon sila ng magandang samahan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa asawa nitong si Darwin. At lahat sila ay hindi nawawalan ng pag-asa na babalik ito lalo pa at may anak na ang mga itong triplets.Dalawang taong gulang na ang anak nilang si Carla Jane at matanda lang ito sa buwan sa triplets na anak nila Darwin at Laila. Hindi na muna nila sinundan ang kanilang p

  • The Unforgettable Mistake   The End

    Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging mga buwan. Naging payapa at matiwasay ang lahat at walang ng nanggulo sa pamilya Aldover. Wala na rin silang naging balita tungkol kay Mark Clemenso pero pinaghigpit at pinaghusay ang seguridad sa loob at maging sa labas ng bahay. Hindi pa rin sila kampante kahit na hindi na nagpaparamdam ang baliw na lalaki. Dahil malaya pa rin ito at ano mang oras ay pwede itong magpakita sa kanila at gumawa na naman ng kabaliwang naiisip nito.Nakapagsimula na rin sa Isla Montellano ang ginoo at ginang na ngayon ay masaya na rin bilang isang pamilya. Dumalo pa sila sa naging kasal ng mga ito pero mula noon ay wala na ulit silang naging balita sa mga ito. Tiyak naman silang nasa mabuting kalagayan ang mga ito dahil nasa seguridad ito ng kaibigan nilang si Christian. At agad na makakarating sa kanila kung ginugulo na naman ito ng baliw na lalaki.Bumalik na ang lahat sa dati at nakabalik na rin si Jayvee sa school. Ilang buwan na lang ang hi

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 43

    Ilang beses pang sinubukan ng ginoo na ayusin ang sasakyan subalit katulad ng mga naunang subok ay bigo pa rin ito. Halos ilang minuto na silang nakahinto sa tabi ng kalsada at kahit isang bahay ay walang siyang matanaw buhat sa kanilang pwesto. Walang silang mahingian ng tulong at hindi mawala ang takot at pangamba sa dibdib niya dahil malaki ang posibilidad na maabutan sila ng baliw na lalaki kung magtatagal pa sila doon.Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan habang hindi sumusukong ayusin ng ginoo ang sira ng makina nito. Naghihintay sila na magkaroon ng milagrong maayos nito iyon kahit na mababa lang ang posibilidad na magawa ‘yon ng ginoo. Lalo pa at wala itong tools na magagamit.Lumipas pa ang ilang minuto at mas lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Habang tumatagal ay mas nadadagdagan iyon na halos marinig na niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.Maya't-maya rin ang pagtingin niya sa likod ng sasakyan para

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 42

    Lumipas ang ilang araw at hindi tumitigil si CJ at ang magulang ni Caren sa paghahanap sa dalaga. Hindi sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap sa kasintahan pero sa bawat paglipas ng araw ay laging bigo silang matagpuan kung nasaan si Caren.Walang araw na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan lalo na sa anak nilang dinadala nito. Kung nakakakain ba ito ng tama, kung umiiyak ba ito dahil sa sobrang takot at kung kumportable ba ito kapag natutulog. Sana naman ay hindi ito sinasaktan ng Mark Clemenso na iyon.Napabayaan na ni CJ ang sarili dahil sa paghahanap kay Caren. Hindi siya masyadong makakain nang maayos dahil tila nawalan siya ng gana at walang gabi ang hindi siya umiinom ng alak para dalawin siya ng antok. Dahil kahit ang pagtulog sa gabi ay hindi niya magawa sa sobrang pag-aalala sa dalaga. Tanging ang alak lang ang karamay at kasama niya hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Kaunti lang naman ang naiinom niya dahil mahina ang toleranc

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 41

    Nagising si Caren sa hindi pamilyar na kwarto. Medyo may kaliitan lang iyon at sa maliit lang na papag siya nakahiga. Wala siyang ibang bagay na makita doon at gawa lang sa kahoy ang buong silid. At kahit sahig ng kwarto ay gawa sa tabla maging ang dingding nito. Makaluma iyon kung titingnan pero matibay at maganda naman ang kabuuan ng silid. Kulang lang sa mga kasangkapan na tila wala sadyang tao ang nakatira doon. Medyo maalikabok din ang silid na tila matagal ng walang umuukupa sa kwarto.Nanghihina at medyo nahihilo siya nang pilitin niyang bumangon sa papag na mayroong manipis na mattress. Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil tila umiikot ang kanyang paningin at pasalamat siya ng agad din iyong nawala nang muling buksan niya ang kanyang mga mata. Unti-unting ding naging maaayos ang kanyang pakiramdam kasabay nang malinaw na pagpasok ng eksena sa kanyang isipan kung bakit siya napunta sa lugar na iyon. Oh God...Agad na binalot ng kaba at takot ang buong pagkatao

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 40

    Ilang araw ang mabilis na lumipas buhat nang makabalik si Caren at Jayvee sa lungsod. Simula na rin ang klase ni Jayvee at isang taon na lang ang bubunuin nito para makapagtapos. Iyon na lang ang hinihintay nila para makapagsimula na sila sa bubuuin nilang sariling pamilya. At sa Isla Montellano nga nila napiling magsimula.Muling naiiwan si Caren sa bahay kasama ang kapatid nitong si Carl Angelo. Minsan ay hinihintay niya si Jayvee sa bahay nito pero kadalasan ay nasa bahay lang siya ng magulang dahil nahihirapan siyang gumalaw. Hindi niya rin maiwan na mag-isa ang kapatid dahil madalas nasa labas ng bansa ang magulang kaya kung nasaan siya dapat ay laging kasama niya ito.Limitado na rin ang mga galaw niya at iilan na lang ang gawaing-bahay ang pwede niyang gawin. Dapat magaan lang at madalas kapag kasama niya sa bahay ang binata ay hindi siya nito hinahayaang tumayo para tumulong sa gawaing-bahay. Nakaalalay din lagi ito sa bawat galaw niya at kulang na lang ay buhatin

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 39

    "Wala ka na bang ibang lugar na gustong puntahan? Aalis na tayo bukas," wika ni Jayvee na nakakuha ng atensyon ni Caren buhat sa panonood ng tv. Kasalukuyan silang nasa living room at inuubos ang kanilang oras dahil wala silang planong puntahan ng araw na 'yon.Mabilis na lumipas ang mga araw at tulad ng sinabi nito ay bukas na ang alis nila sa isla. Walang araw na hindi nila sinulit habang nandoon sila pero kahit ganoon ay tila kulang pa rin dahil madami pa siyang lugar na gustong puntahan. Pero wala na silang natitira pang oras dahil mabilis na naubos ang dalawang buwang bakasyon nila doon. Gusto niyang manatili pa sila sa isla pero hindi na pwede dahil one week na lang ay magsisimula na ulit ang klase ni Jayvee."Madami pa akong gustong puntahan dito sa isla pero wala na tayong oras. Bakit kasi ang bilis lumipas ng mga araw?" nakangusong anas niya na mahina nitong tinawanan.Naramdaman niya ang paghalik ng kasintahan sa ulo niya bago hinaplos ang kanyang lima

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 38

    Malawak ang ngiti ni Caren habang inaalala ang naganap sa mga nakaraang araw habang nananatili sila sa Isla Montellano. Mahigit isang buwan na ang mabilis na lumipas buhat ng nangyari ang lahat at marami na ang nagbago mula noon. May nawala, pero may pumalit. May umalis pero nangakong babalik. At naayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo ni Jayvee at Laila.Nagkapatawaran at nagkasundo sila ng dalaga na ngayon ay naging kaibigan na rin niya. She's really kind and beautiful katulad ng sinasabi ni Jayvee sa kanya. And she's also brave lalo na ngayong hinaharap nitong mag-isa ang lahat dahil pansamantalang umalis si Darwin para hanapin nito ang sarili at para paghilumin ang sugat na tinamo nito sa pagkawala ng anak. At alam nilang bukod doon ay may iba pang rason ang binata.Kaya naiintindihan nila iyong lahat because it's really hard and painful for him— for them. Kaya sila ngayon ang karamay at kasama ni Laila. Pati na rin ang mga magulang at ang kaibigan nito

  • The Unforgettable Mistake   Chapter 37

    Hindi mapakali at pabalik-balik si CJ sa tapat ng pinto ng emergency room kung nasaan si Laila. Agad niyang dinala ito sa hospital lalo na nang makita niya ang dugo sa mga hita nito. She's bleeding at labis ang takot at pag-aalala niya para sa dalaga. Lalo na at paulit-ulit na sinasambit nito ang salitang 'my baby' bago ito tuluyang mawalan ng malay.She's pregnant kaya doble ang nararamdaman niyang takot at pangamba. Sobra ang pag-aalala niya para kay Laila at sa batang nasa sinapupunan nito. Please, God.. Sana po parehong ligtas ang mag-ina.He keeps on pacing back and forth habang hinihintay na may lumabas sa emergency room. Gustong-gusto niyang malaman ang kundisyon ng dalaga and he's hoping na sana ay parehong ligtas ang mga ito. Halos isang oras na siya doon at habang tumatagal ay lalo siyang hindi mapalagay. Kinakain ng guilt ang buong pagkatao niya dahil kasalanan na naman niya. May panibagong kasalanan na naman siyang nagawa kay Laila samantalang hindi pa ni

DMCA.com Protection Status