C H A P T E R 23 Humihit papaalis ang sasakyan ni Drear matapos na matitigan ni Catharine ang mukha ng binata. Parang bigla siyang nakahinga nang maluwag at nahawakan pa ang dibdib. Bakit nagtatago ang walang hiyang iyon sa hoody jacket at sunglass? Parang tanga.Ngumiti siya kay Brent kahit na hindi niya alam ang pinag-uusapan ng tatlo, pero sa pagkagimbal niya ay lumapit sina Badong at Keron saka siya walang paalam na hinawakan sa braso.“T-Teka…” takang sabi niya sa dalawa.“Wait – bitiwan niyo siya. Sino ba kayo?” parang ginuhitan ng galit ang mukha ng Professor niya at saka maanagas na tiningnan sina Badong at Keron.“Wala kaming dapat na ipaliwanag sa iyo Prof. Kasama kami ni Miss Catharine at oras na para umuwi.”“Ayoko pa!” Naiiyak na nagpumiglas siya.“Mamaya na manong pangit!” Niyakap siya ni Clarissa.“Pangit ka raw ‘Dong.” Tumatawang sabi naman ni Keron sa isang kasama na ang pangit ng tabas ng mukha at parang gustong humanap ng salamin para tingnan
C H A P T E R 24 "Nanay kong mahal ko!” Tanaw na tanaw ni Drear nang pumasok siya sa seafood café ang patakbong paglapit ni Niña Catharine sa ina na nakatalikod.The old woman immediately stood up ang looked behind. “Anak ko!” Nagkaiyakan kaagad ang dalawa saka nagyakap nang mahigpit. Nakiyakap din ang dalawang tiyahin ni Catharine.“Ang ganda mo anak, hindi ka mukhang atsay.” Anang ina ng dalaga na parang hindi makapaniwala sa nakikitang ayos ng anak, habang siya naman ay tahimik na naupo sa isang bakanteng silya malayo sa mga iyon.Sure she looks so pretty, kaya nga palagi akong nanggigigil.He’s not into socializing with other people especially those who aren’t like him. Ang tanging mga kausap lang niya ay sina Greg at ang mga associates niyang malapit sa kanya. At wala siya sa mood na makaharap ang pamilya ni Catharine dahil hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin naalis ang inis niya sa Professor pogi raw na iyon na tahasang lumab
C H A P T E R 25 Nakauwi na at lahat ay parang idinuduyan pa rin si Catharine sa alapaap. Para siyang baliw na sumasayaw mag-isa na parang karga pa rin niya ang nakababatang kapatid.Umikot siya habang yakap ang unan at kumakanta pang mag-isa pero laking gulat niya nang bigla na namang bumukas ang pintuang kahoy at humambalos sa pader.Susmaryosep!Napatingin siya kay Drear na nagngangalit ang mga mata na kulang na lang ay mamula at literal na tubuan ng apoy.Sumulyap lang ito sa kanya pero parang lumagpas din ang tingin at saka walang imik na naglakad papunta sa tabi ng mesa at kinuha ang baril sa drawer.Napalunok si Catharine. “Boss Light,” Mahinang tawag niya sa binata pero hindi siya nito pinansin.“Stay right here and don’t be such a brat.” Duro nito sa kanya pero lalo siyang kinabahan kahit na sa tono ng pananalita nito.Kanina nang umuwi sila galing sa café ay wala itong imik at parang may malalim na iniisip. Ngayon ay unang buka ng bibig makalipas an
C H A P T E R 26 Drear grabs his tie as he walks inside the hospital. Mabuti na lang at tapos na siya sa pagkausap sa mga pulis at pag-file ng kaso laban kay Fiona at kay Madonna nang tawagan siya ng yaya Lerma niya at sinabing isinugod si Catharine sa ospital matapos na mahimatay.It’s not his nature to panick but damn because his sanity is freaking out like hell! Sabi ng yaya niya ay palakad-lakad daw si Catharine sa salas at pasilip-silip sa pintuan kung dumating na siya.Parang natuliro na naman siya sa kalagitnaan ng pakikipag-usap sa kaisipan na hinahanap siya nito. Dumating ang Chinese kaya lang wala naman daw siya sa bahay kaya umalis na lang, hindi tuloy siya napausukan kaya yata nababaliw na naman siya kay Niña Catharine.“Anong nangyari?” lukot ang mukha na tanong niya kay Lerma na hindi mapalagay sa labas ng Emergency room.“Nahimatay nga. Bumulagta na lang sabi ni Amor at mabuti raw sa sofa natumba. Ang kulit kasi, hinihintay ka at may importante raw na
C H A P T E R 27 Catharine slowly opens her eyes and grimaced when she felt giddiness. Pumikit lang siya saglit at kinalma ang sarili tapos ay bumangon na siya at naupo sa hospital bed.Nangunot pa ang noo niya nang tumingin sa paligid dahil bakit nasa ospital na siya?Pinilit niya na maalala ang nangyari at ang huling bumalik sa isip niya ay nginitian niya si Amor habang bumaba iyon sa hagdan mag-aalas dose ng hatinggabi. Tapos ay umikot ang pakiramdam niya at nandilim ang paningin.Napuyat yata siya sa kahihintay kay Drear kaya parang bumigay ang katawan niya dahil pagod siya buong maghapon.Bumaba siya sa kama at isinuot ang tsinelas saka siya lumabas sa kwarto na inuukupa niya.“Hesus patawarin!” Bulalas ni Lerma babang inilalapat niya ang pinto papasara kaya natutop niya ang dibdib.“Hesus mo patatawarin ka rin yaya Lerma!” Gulat na sambit naman niya sa matanda kaya nagkatawanan sila.“Doon ka sa loob. Saan ka ba pupunta? Baka matumba ka na naman.” Bitbit ni
C H A P T E R 28 Pabagsak na inilapag ni Drear ang baso sa bar counter at sinenyasan ang bar tender ng isa pa. Dumudoble na ang tingin niya pero ayaw niyang tumigil, katulad ng sakit ng kalooban niya na hindi rin tumitigil sa pagbayo sa loob ng dibdib niya.Jesus.That was the first time a woman made him cry. Why the heck did he cry? Sa sobrang sama ng loob niya nang makita niyang tumulo ang luha ni Niña Catharine matapos na marinig na buntis iyon ay para siyang dinagukan ng isandaang beses. Nasaktan siya nang sobra.She was disgusted and he was badly hurt.Suddenly, all his pain came back at once, colliding inside his chest that’s why he chose to leave than to smash everything inside his house. Nakontrol niya ang sarili na dati ay wala siya at mas naisip niya ang kalagayan ni Catharine na buntis.He never wanted her to freak out when she starts to see him crushing his own knuckles by punching the cemented walls or kicking all the porcelain jars.Drear shook his hea
C H A P T E R 29 Dahil sa puyat kahit katanghaliang tapat na ay nakahilata pa rin si Catharine at pati na pwet niya ay humihilik pa rin. Nangangaligkig siya sa sobrang lamig ng air con pero tamad siyang bumangon kaya bumaluktot siya hanggang sa maramdaman niya na may humalik sa pigi niya tapos ay hinila pababa ang nakalilis niya yatang damit.She smiled when a warm blanket was placed on top of her. Salamat nanay…Maya-maya pa ay nabulabog na ang masarap niyang tulog nang padabog na namang sumara ang pintuan.Agad siyang napaupo hawak ang dibdib at marahas na napakamot sa ulo sa sobrang pagkadismaya.Diyos ko. Naitirik ni Catharine ang mga mata. Sinumpong na naman ang bossing Light niya. Hindi pala nanay niya ang humalik at naglagay ng kumot sa kanya kung hindi ang lalaking lasenggo. Parang tanga na talaga, pahalik-halik pa tapos ay ibabagsak ang pintuan na baka mga limang araw pa ay hindi lang kawawang bisagra ang mabungal kung hindi pati na hamba.Napatakbo siya pap
C H A P T E R 30 Walang imik na pumasok si Drear sa loob ng bahay matapos na makabalik galing sa airport kaya lang ay parang nahipnotismo siya nang makita si Catharine na nakatalikod, suot ang isang puting bestida kung saan labas ang mga balikat ng dalaga at ang walang kasing puti at kinis na mga hita.The truth is, he never wanted to look at her whenever he gets mad and jealous. Naaawa siya sa mukha nitong ang bata-bata, pero anong gagawin niya? Literal na para siyang sinasapian ng demonyo kapag nagwawala ang inggit at selos niya. And she just never knew how much it had hurt him when she said that she’d soon leave his place because that Professor is waiting for her.Drear’s still battling with his pride. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganoon na parang trap na trap siya sa isang babae at wala ni butas ng karayom para lusutan niya papalabas. It’s been decades and he had been always a winner of his own league that’s why it’s not easy for him to accept that this tim
“I am always proud to let the whole world know that my wife once became a traded maiden. She had traded herself for the life of her mother and that made me fall for her, knowing how kind her heart was and knowing how kind her heart would always be.” sinundan ang mga salitang iyon ng matiim na titig kaya parang nalaglag ang panty ni Catharine.Kahit na narinig na ni Catharine ang mga salitang iyon ni Drear noong gabi na ibandera siya nito sa madla ay napaiyak pa rin siya. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang mag-propose ito at ngayon ay kasal na sila, may instant dalawang anak na babae at lalaki, ang kambal na maliit na Drear at isang babaeng maliit na Kat-Kat – their fraternal twins.Masaya na siya at graduate na rin sa wakas. Isa na siyang Senior flight attendant, Mommy at asawa.At kaya may speech ang asawa niya ay sa charity workshop niya para sa mga kabataang babae at lalaki na kamuntik na ibenta ang sarili sa mga clubs at gay bars. Karamihan sa mga iyon ay pinondohan ng
The Traded Maiden…is the dark billionaire’s rumored girlfriend, a slut, a whore, a woman from a brothel, and was impregnated by a billionaire, Dark Villaraigosa. The question is – is he the father of the slut’s baby or he doesn’t know, either?We learned that the said woman did not come from a decent family. The trading of their own flesh runs in their blood streams, from her Aunts who had been long term…Hindi niya tinapos. Umigkas ang panga niya sa nabasang mga kataga na iyon na direktang humahamak sa pagkatao ng babaeng kaisa-isa niyang minahal.His heart got badly painful and his eyes welled up too fast in tears.My poor woman.“Drear, calm down, son.” Mahinahon na awat sa kanya ng tiyuhin pero kaagad ang mga iyon na napatalon papalayo nang walang habas niyang balikwasin ang mesa na may lamang mga kape at pagkain.Ang insulto ay di hamak na triple ang sakit para sa kanya kaysa sa babaeng hinahamak ng mga iho de putang pilato na nagti-tsismis sa buhay nila.“Hahanapin ko ang
S P E C I A L C H A P T E RStronger Than EverCatharine has never been so happy in her entire life, seeing her only family intact. Kinuha na ni Drear ang pamilya niya ilang araw matapos silang makapag-usap at ang pinaninindigan ng ina niyang ayaw na sumama ay nalusaw nang umiyak siya at nakiusap na sumama na sa mansyon.At ngayon ay nakangiti siya habang nakikita ang ina na nag-aasikaso ng mga halaman habang ang baby bunso naman niya ay nasa stroller.Nang bumukas ang pintuan ay kaagad siyang naglakad papalapit kay Drear at syempre pinupog ng halik ang mukha ng bossing niya at naglambitin pa. And she got a warm smile in return, a very loving gaze.“Let’s go. I have an important golfing session to attend with some of my business partners. Baka hindi ako makasundo, babe. Will you be fine?” He asked plainly but she pursed her lips and starts to march.“Ei naman kasi.” Marahas niyang kinamot ang ulo at tinatamad na inilaylay ang mga balikat at mag-isang naglakad papunta sa hagdan.
C H A P T E R 46 Umiiyak na napasugod si Catharine sa mansiyon pero wala roon si Drear. Kahit na gusto niyang magpaliwanag sa yaya Lerma niya ay umalis na lang ulit siya kaagad at sa building ng mga Villaraigosa siya tumuloy.Nalulula siya sa tayog ng building habang tinitingala niya sa labas at saka siya tumingin sa mga gwardiyang hindi mabilang sa napakalaking entrance. Kapag wala si Drear sa opisina, nasaan? Baka nga naroon sa bahay ni Shae Miranda at natutulog kagaya ng sabi niyon.Namumugto ang mga matang nilakasan niya ang loob na lumapit at nagtangkang pumasok.“Ma’am bawal po ang bisita na walang appointment. Saang opisina po kayo?” Tanong ng isa sa mga gwardiya na magalang naman.“Office of the CEO/CFOO.” Matatas na sambit niya kahit na nagkatinginan ang mga gwardiya at mukhang hindi pinaniniwalaan na doon ang punta niya.Such a fool Niña Catharine. Ganoon ba talaga siya hindi kilala ng mga tao bilang babaeng inilalabas ni Drear at nililigawan na maging girlfr
C H A P T E R 45 Drear faces Brent for the second time inside his building. Hindi niya alam kung anong sadya ng lalaki pero hindi na siya interesado. Matyaga siya sa pangliligaw kay Catharine at napapanindigan niya ang salitang walang galawan na magaganap hangga’t hindi inaamin sa kanya ng dalaga ang totoong nararamdaman niyon para sa kanya. They’re intimate almost every minute while they’re spending their time together, but he had learned to control himself and be contented for a passionate kiss and warm hugs. And that girl is as sweet as hell. Palagi na lang siyang inaasar tapos maya’t maya ay panghalik nang panghalik. At kilikilig naman siya. They’re merely like best of friends and he enjoys every moment he spends with her and with her family. She has a great family. Mga lahi ng kalog pero masarap kasama at kahit na minsan ay hindi niya naramdaman na etsapwera siya. Pakiramdam niya ay totoong parte na siya ng pamilya at nabubuo ang kulang sa pagkatao niya. Para nga sa kanya ay
C H A P T E R 44 Nakaupo si Catharine sa ilalim ng pine tree at naghihintay kay Drear na puntahan siya dahil schedule ng prenatal check-up niya. Ilang linggo na rin ang lumipas at dalawang buwan na ang tiyan niya, may umbok na at halata na. Hindi pa siya kinakausap ng mother counselor nila pero handa naman siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay matyaga pa rin si Drear na pabalik-balik para ihatid at sundo siya, kapag wala ay si Greg ang sumusulpot. Nag-umpisa na rin kasi ang trial ni Fiona at ang unang beses na tindig ni Drear sa korte ay naroon siya. Grabe ang paghanga niya sa binata lalo kapag nagsasalita ay napapanganga siya. Nganga siya sa English na may British accent. Lalo na lang tuloy na napaglilihihan niya at minamahal. Patingin-tingin siya sa suot na relo pero wala pa rin si Drear. “Wala ka pa bang sundo? Tanghali na, baka gutom na si baby.” Ani Clarissa na naiwan dahil umuwi na si Psyche. As usual may inaasikaso na naman ang kaibigan niya sa mga kapatid na naiwan. “Wa
C H A P T E R 43 "Ayiiii!” kilig na kilig si Catharine nang makatanggap siya ng pabulaklak at pa-chocolate nang buksan niya ang pintuan ng condo. Hindi man sabihin ay iisang lalaki lang ang gusto niyang panggalingan niyon at doon na nga galing – kay Drear. “Ano ‘yan, Katarina anak?” usisa ng t’yang Bebeng niya nang masilip siya na halos tumalon pa. Naalala niya lang ang baby niya kaya tumigil siya. “Pabulaklak t’yang galing kay boss Light.” Ngumisi siya at sabay sila ng tiyahin na nagtaas-baba ng kilay tapos maya-maya ay sumimangot ito. “Hmp! Hindi naman makakain iyan.” Anito na umirap pa. “Ma’am, pinabababa po kayo ni Sir Dark.” Nanlaki ang mga mata niya. “He’s here?” Tumango iyon. “Isama niyo raw po ang mga nanay niyo. Nasa dining po siya at ang Tito niya.” Anang lalaki kaya nanlaki na naman ay ang bibig niya. “Ayan ang kainan. Diyos mo Katarina huwag ng magpatumpik-tumpik pa, boomkara-raka. Tara na!” mabilis na nagsuot ng tsinelas ang t’ya Bebeng niya. “Hoy nga kapatid
C H A P T E R 42 Catharine flinched while she was standing under the shed of the pine tree, when she felt a big and warm arm wrapped around her tummy. Agad siyang tumingin sa kaliwa pero ang isang kamay ng estranghero ay humawi sa mahabang buhok niya at may humalik na sa kabila naman niyang balikat.She smiled with the familiar scent of a man, no other than Drear.Ibinaling niya pakabila ang mukha at sumalubong ang mukha nito sa kanya. She missed him so bad and she felt like bursting into tears.Tinitigan niya muna ito saglit kahit na naririnig niya ang hagikhikan ng dalawa niyang kaibigan sa may kabila ng sementadong mesang bilog.Hindi niya maipaliwanag kung bakit naiyak siya nang maka-receive ng text message nito kahapon matapos na iabot sa kanya ni Greg ang cellphone habang naglalakad siya sa lilim ng mga puno, kasabay si Brent.It’s me, how are you my lady? Iyon lang ang text ni Drear pero baldeng luha ang iniiyak niya at kulang ang salitang gusto niyang magtatalon s
C H A P T E R 41 Drear lights up another cigarette as he steps inside the house. It’s been days since the last time he saw Catharine, no more Porsche car to fetch her, no more bodyguards to keep her unscratched, no more brain wrecking sex at night. And what’s with him? Silence – total silence. Walang madaldal, walang maingay. Parang walang tao sa loob ng mansyon niya, sa loob ng kwarto. Walang magandang babae na bumababa sa hagdan at humahagikhik, walang babaeng nakikisawsaw sa pagluluto sa kusina at walang nangungulit ng pagkain na gustong kainin ng buntis. Walang naglalaba, walang nagdidilig ng halaman, walang kumokontra sa lahat ng mga sinasabi niya. “Kakamiss si Ma’am Chinita, ano pareng Greg? Noong nandito parang buhay ang bahay kahit mag-isa lang siya na nagbibigay ng kulay. Ang lambing pa naman no’n at nauuna pa tayong pakainin kapag may niluto. Ngayon wala na. May Rebecca naman nga tayo, ubod naman ng tahimik.” Ani ng isa sa mga tauhan niya na parang nasa dining hall yata.