Share

Chapter 11

Run and Hide

Hindi ako mapakali knowing na nasa kabilang kwarto lang si Styx. Hindi rin ako makalabas dahil alam kong nandoon siya. I don't know what to do! Parang ako pa ang nahihiya sa sarili kong bahay!

Nakakainis dahil sa aming dalawa ako dapat ang hindi naa-awkard-an, siya nga 'yung bigla na lang pumasok dito at basta na lang nagsabing dito siya mags-stay. Nakakainis pero hindi ko maiwasang tahimik na matuwa.

Inis kong sinabunutan ang buhok ko bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Sumilip pa uli ako sa salamin at ch-in-eck kung maayos na ang itsura ko. Nakasuot na lang ako ng white t-shirt at cotton short para sa pantulog. Hindi na 'ko nag-abalang maglagay pa ng makeup dahil gabi na rin naman.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at lumabas. Dahan-dahan akong sumilip sa pinto ng kwarto ni Styx, nakasara 'yon. I silently celebrated but I stopped when I heard footsteps. Ilang beses akong napalunok at tumingin sa likod ko. Styx was towering me with his broad shoulder and hard
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status