Selena is quite worried about Elmhurst. Simula nang makarating sila ng Sierra Salvada, sa villa nina Arjoe ay kanina pa ito tahimik at magkasalubong ang kilay. Pero nang mabasa niya ang nasa isip nito ay may nakita pala itong isang pamilyar na bagay. At nakatago ito sa bulsa ng jacket nito pagkatapos nitong pulutin iyon. Gusto niyang sabihin dito na ilabas iyon para tignan nila pero dahil may mga police pa rin na nag-iimbistiga ay minabuti niyang itikom ang bibig at mamaya na niya ito kakausapin.Walang mahanap na lead ang mga police sapagkat malinis ang ginawa ng mga pumatay sa kasambahay. At para na rin hindi pa sila magkalkal ng impormasyon ay iginiit ng mga magulang ni Arjoe na baka mga terrorist ang napadaan. Dahil kapag lumalim pa ang imbistigasyon ay malalaman nilang hindi normal na tao ang lumusob sa villa kundi mga bampira. Pero gustuhin man nilang isara na ang kaso ay hindi puwede sapagkat involve pa rin ang pamilya ng tatlong namatay na kasambahay at gusto nila ng hustisya.
Pagpasok nila ng kuwarto ay agad na isinara ni Elmhurst ang pinto at idiniin siya rito bago sinabasib ng halik ang labi niya. Animo hayok na hayok na sinisipsip nito ang labi at dila niya. At ang mga laway niya na nasipsip nito ay nilunok nito na parang tubig. Para itong uhaw na uhaw at kagagaling lamang sa disyerto. At ngayong nakatagpo ng tubig ay hindi nito gustong tantanan sapagkat hindi pa ito kontento. Hindi pa sapat ang nainom nito at gusto pa nito ng ilang toneladang drim ng laway niya.Subalit alam niyang hindi pa rin ito titigil kahit pa marami itong nalunok na laway niya. Hindi ito sapat para pawiin ang kaniyang pagka-uhaw. Dahil hindi lang ito ang hinahanap ni Elmhurst. Ang hinahanap nito ay ang kayang pawiin ang pagkahayok nito sa laman. Kaya agad na naglumikot ang kamay nito at dahan-dahan hinubad ang suot niyang sweater. Itinaas nito ang laylayan ‘nun at tinulungan pa itong hubarin ito.Naningkit ang mga mata nito nang makita ang dalawang mansanas niyang tinatakpan ng k
Nakahiga si Elmhurst sa kama habang nakadapa naman si Selena at nakapatong ang baba sa dibdib ng kasintahan. Tanging puting na kumot ang nakatakip sa ibabang katawan nilang dalawa. Mahimbing na natutulog ang binata pero dilat na dilat naman ang mga mata niya. Dapat ay bumangon na siya at bumaba para sumali sa meeting ng pamilya niya at kaniyang Tito Diego ngunit ayaw niyang iwan si Elmhurst dito sa kuwarto. She's enjoying the warmth coming from his body.Hindi inakala ni Selena na sa pagpunta pa nila rito saka may mangyari sa kanila ng kaniyang kasintahan. Akala rin niya ay hindi niya mararanasan ang ganitong contentment ‘pag nakita na niya ang kaniyang Thiramin ngunit nagkamali siya. Nagawa ng binata na iparamdam sa kaniya na isa pa rin siyang normal na babae. Nakaramdam din ng saya sa piling ng taong kaniyang minamahal. Since then she's stubborn and refuses in everything she doesn't want to do. Katulad na lang noong pinipilit nilang pakasalan niya noon si Yuan dahil kahit hindi amin
Madaling araw na nang bumalik si Clark at Arjoe habang hila-hila ng una ang magulong buhok ni Max. Umaangil ito at pilit na pumapalag ngunit hindi man lang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng kambal niya rito. Nang itulak nito ang babae sa may paanan niya ay rinig niya ang pagtama ng tuhod at noo nito sa sahig. Sabi na nga ba niya na sa dalawa ay ito ang unang mahuhuli nila. Hindi ito magaling magtago para protektahan ang sarili.She icily looked down at the woman who was still growling. She narrowed her eyes and watch her crawled. At bago pa itong mag-angat ng mukha ay malakas na sinipa niya ang mukha nito dahilan para bumulugta na naman ito sa sahig.“Nakita namin siya na nagtatago sa ibaba ng falls,” wika ni Clark at naupo sa armrest ng sofa, “hiding there like a rat!” dugtong nito.“Gusto niyang tumakbo para takasan kami pero sino ba kami? Ah… right! We treated her like a hopping rabbit before we catch her,” nakangising pagkukuwento ni Arjoe. “But she's not fun to play with. A
Wala pa ring bumabalik sa magulang ni Arjoe at sa mga kuya niya kahit nang lumiwanag na sa labas. Ngunit hindi man lang sila nakaramdam ng pangamba na baka may nangyari na sa kanila. Hindi sila naging prinsipe ng Havilland kung agad silang mapapatumba ni Dante. Their bloodline cannot be underestimated. Their father was the King and their mother was an elves who's protecting the Havilland. Katulad ng Alta Tiero na nasa mundo ng mga tao ngunit dahil sa spell ng kaniyang ina ay hindi agad ito makikita ng iba. Isa rin ito sa dahilan kung bakit malamig at hindi nasisikatan ng araw ang isla.Kaya nga kahit na lumipas na ang libong taon ay hindi pa rin nagagawang talunin ng mga Colle ang pamilya nila. The Colle clan has been their family's rival. From the beginning they wanted to covet Havilland. They sought to be the ruler, not only of the mystical world of Havilland but also the world of mortals. Matagal na nila itong inaasam at pinagpaplanuhan pero hindi sila nagtatagumpay. Namuhay noon n
“Sino ang mag-aakalang siya pa ang susugod dito sa villa,” ani Diego pagkatapos na i-seal ang ulo ni Dante sa box. Ang katawan ng lalaki ay kanina pa nila sinunog at naging abo. Ang ulo naman nito ay iuuwi nila ng pilipinas bago nila ito ipapadala kay Fenrir. “Maybe he wants to prove something to his father but he's powerless.”“He's not even my match,” naka-cross arms na sabi ni Selena. “Pero magaling din siyang magtago. Ni hindi niyo siya nahanap sa palibot ng buong bundok na ‘to.”“Sa pagtago lang naman pero sa actual combat ay wala siyang binatbat.” Ngumisi si Arjoe pagkatapos at binitbit na ang box. Ngayon ang balik nila ng pilipinas dahil hindi sila puwedeng magtagal dito. Isa pa ay halos tatlong araw din na absent sila sa school. Hindi naman ibig sabihin na dahil sila ang may-ari ng unibersidad ay aabusuhin na nila ang ito. Hindi naman yata ito tama at baka sabihin nilang masyado silang mayabang.“Babalik kami ng Havilland at gigisingin ang inyong magulang. Ibabalita namin na h
Nakatanaw si Selena sa bintana at malalim ang iniisip. Pinapakiramdaman niya ang koneksyon nila ni Elmhurst. Dalawang araw na niya itong ginagawa at so far naman ay kalmado pa rin ang lahat. Wala siyang maramdaman na mali kaya palagay ang kaniyang loob. Pero magkaganun pa man ay hindi pa rin siya naging panatag. Gusto niyang puntahan ito para makita kung maayos ba ang kalagayan ng pamilya nito. Miss pa niya ang binata at ito talaga ang gusto niyang puntahan para makasama.Nasanay siya na palaging magkasama sila kaya nababahala siya na malayo ito sa kaniya. Lalo pa at hindi man lang ito tumawag simula noong umuwi ito. Kung wala ang koneksyon nilang dalawa ay hindi na talaga siya mapapakali. She will worry to death.Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng katok sa labas ng gate. Umarko ang kilay niya dahil sa amoy ng taong kumakatok ang alam na niyang bagong salta ito ng isla. Tumalon siya mula sa bintana bago naglakad palapit sa gate at binuksan iyon. Umarko agad ang kil
Pagkadala nila kay Elmhurst sa hospital ay dumating ang mga kapatid niya. Sinabi rin nila na ibinalita nila sa magulang nito ang nangyari sa binata at parating na rin ang ama nito. Hindi raw kasi makapunta ang ina nito dahil naka-cast pa ang paa nito na nakuha nito sa aksidente.Hindi siya kinabahan o natakot na maghaharap sila ama nito. Mas gusto pa nga niya dahil gusto niyang marinig ang sasabihin nito. Her brother can't see her future but Arlon saw some parts of his past. Masyadong strikto ang ama nito at sa isang mali lamang ng binata ay nagagalit ito. At dahil pa sa isang babae kaya pinaaral nito ang binata sa Alta Tiero. At kung maghaharap man sila ngayon at magpapakita ito ng hindi maganda ay hindi siya nangingiming ilayo si Elmhurst sa pamilya nito.Tinignan niya ang binata na nakahiga sa kama. Pagkadating nila rito kanina ay inasikaso agad ito ng doctor. Maganda lahat ang vital signs nito at wala silang makitang mali sa katawan nito. Nang tanungin sila kung bakit nawalan ito