Nangalumbaba si Elmhurst at itinutok ang mata niya kay Selena na nagsusulat ng calligraphy sa isang bond paper. At sa halip na ang sinusulat nito ang tignan niya ay ang maamong mukha nito ang kaniyang pinag-aaralan. Sa tuwing kukurap ito ay kumikislot ang mahahaba at makakapal na pilik mata nito. Ang sarap din na panoorin na ang buong atensyon nito ay nasa ginagawa nito. Staring at her like this gives him a very cool feeling inside.Nang bigla itong mag-angat ng mukha at nilinga siya ay bahagya lang siyang natigilan bago matamis na ngumiti. Inilapag nito ang papel sa mesa niya at kinatok iyon bago tumaas ang kilay. Bumaba ang tingin niya sa papel at naningkit ang mata niya nang makita kung ano ang sinulat nito roon.It was his name that she wrote in calligraphy, very beautiful and elegant. Puwedeng ilagay sa isang frame at i-display niya sa kaniyang study table."Wow!" usal niya at hinaplos iyon. Kahit na ballpen lamang ang gamit ng dalaga ay nagawa pa rin nitong pagandahin ang callig
"They were right after all," ani Elmhurst nang pumasok sila ni Selena sa penthouse ng dorm. Noong nakaraan ay may naghihinala na baka isa sa mga Madrid ang ngayon ay nakatira rito. Iyon nga lamang ay walang kasiguruhan kaya namatay rin ang usap-usapan tungkol sa bagay na ito.Ngayon na dinala mismo ng dalaga si Elmhurst dito ay napatunayan niyang may katotohanan nga ito. Ngunit may naramdaman gulat ang binata nang makita ang buong penthouse. Para kasing walang nakatira rito kahit na dito naman natutulog ang dalaga. It was really plain and simple. Ang pintura ng mga dingding ay puti at ang mga sofa at iba pang kagamitan ay dark colors. Parang hindi ito tahanan ng isang babae dahil maski bulaklak ay wala kang makikitang nakalagay sa vase. Ang nakita lamang niya ay ang pana na maayos na nakalapag sa mesa.Hindi niya inaasahan kanina nang ayain siya nito rito. Tinanong niya kung bakit hindi nito inimbatahan si Miles. Pero ang rason nito ay kalat sa buong Alta Tiero na ang penthouse na ito
"May cliff pala rito?" namamanghang bulalas ni Elmhurst nang dinala siya nina Selena sa likod ng menowa. Siguro ay sampung minuto na lakaran din bago nila marating ito. Tumingin siya sa may paligid at may napansin siyang malaking lubid na nakatali sa isang matandang puno ng balete. Nagtatakang nilapitan niya iyon at pagkatapos ay sinundan ng tingin kung saan tumungo ang lubid. At iyon ay sa may cliff."Mahilig sa mountain climbing ang mga kuya ko at sa mismong cliff na ito sa pinakagitna ay may kuweba. Doon sila pumupunta kaya may lubid silang tinali," paliwanag niya kahit na hindi nagtatanong ang binata..“Really?” Lumapit ito sa may gilid ng cliff at sumilip doon. “Woah! Kapag may nahulog dito ay paniguradong gutay-gutay lahat ng katawan niya,” komento ni Elmhurst at nilinga ang magpinsan. Eksaktong kararating lang din ng mga kambal na kapatid ni Selena at may dalang safety harness. Agad na kinutuban siya. “W-Wait don’t tell me na kaya mo ako inaya ay dahil–”Tumango si Arjoe kahit
Maaga pa lamang ay gumising na si Elmhurst at gumawa ng mga paper rose. Bawal ang pumitas ng mga bulaklak sa vermilion falls kaya ito at gumawa na lamang siya. Ayaw naman niyang dahil dito ay mapalayas siya ng Alta Tiero. Paano niya maliligawan si Selena kung sakaling nangyari 'yun, hindi ba?At pagkalipas ng isang oras ay hawak na niya ang malaking bouquet ng green paper rose habang naglalakad siya sa hallway ng dahlia building. Ito kasi ang kulay na available kaya ito ang ginawa niya. Nakangisi ang ibang nadadaanan niya at binibiro pa siya. May mga nagtanong rin kung sino ang maswerteng babae na kaniyang aalayan ng bulaklak. Ngunit lahat ng ito ay hindi niya binigyan ng sagot. Bagkos ay ngumiti lang siya at sinabing malalaman din nila.Nang makarating siya sa room ay nagsipulan ang mga lalaking naroon nang makita siya. Ang mga kaklase niyang babae ay suminghap at agad napatingin sa kanilang katabi.Inilibot niya ang tingin sa bawat sulok ng room at nang makita niya ang kaniyang hina
Selena laid down in her bed as she shuffled all the things in her head. Halos tatlong araw na siyang hindi pumapasok at kung hindi siya nakahiga sa kama ay nasa ibaba siya ng cliff at nakikipaghabulan sa mga wild rabbits doon. At kung hindi ay mga may kalakihang daga para gawing pagkain ang dugo nila. Gusto kasi niyang may pagkakaabalahan at hindi na isipin ang tungkol sa nakaraang pag-uusap nila ng kaniyang mga kapatid ukol kay Elmhurst.Ngunit ngayong araw ay wala siya sa mood na lumabas. Tinakot na niya lahat ng mga wild animals sa ibaba ng cliff at paniguradong nagtatago na sila sa kanilang lungga. At ayaw niyang hanapin pa kung saan nagtago ang mga ito. Besides, she already had her fill for these past three days.Pero kahit pa ganun ang ginawa niya ay lumilipad pa rin ang utak niya sa binata. Ngayon lamang siya naguluhan ng ganito. Kung paano tatanggihan si Elmhurst at sabihin na huwag na nitong ituloy ang panliligaw sa kaniya. Pagkatapos na isampal ng mga kapatid niya kung sino
"Uy! Saan ka pupunta?" gilalas na tanong ni Miles kay Elmhurst. May backpack na nakasukbit sa balikat niya habang naglalakad siya papunta sa pantalan. Though dalawang barko lang at tatlong speedboat ang naroon ay may saeili pa ring pantalan ang buong isla. Kanina pagkababa niya galing sa menowa ay dumeretso siya sa faculty at nagpaalam sa professor nila na uuwi muna siya sa kanila.At dahil weekdays ngayon ay kailangan ng valid reason upang payagan siyang umuwi. Kapag kasi weekends naman ay puwede silang umuwi basta wala silang klase ng sabado. Kaya naman kahit na walang katotohanan ay nagdahilan siyang tumawag ang magulang niya sa kaniya at may emergency sa kanilang bahay. Kaya binigyan siya ng permisong makalabas muna ng Alta Tiero.Iisa lang naman ang rason kung bakit gusto niyang umalis muna rito. At walang iba kundi ang pag-reject ni Selena sa kaniya. It was as if he was repeatedly stabbed in his chest because of the pain he's feeling right now. Na parang may parte sa kaniya ang
Selena narrowed her eyes as she stared intently at the man who was being tied up by his brother's vindya runya. His long hair was disheveled, even his clothes. His cold and razor-like eyes were staring back at her. It was full of murderous intent. The corner of her lips perk up before straightening herself.Nilinga niya ang kaniyang mga kapatid na nakamasid lang din sa lalaki. Kanina habang nasa cliff siya ay bigla siyang tinawag ng kuya Ralphf nila dahil may emergency. At pagdating niya rito sa menowa ay ito ang naabutan niya. Kararating lang din daw ng lalaking ito ng isla at umaaktong isang estyudante rin. Mabuti na lamang at naroon si Arjoe kaya agad itong nahuli. Hindi pumalag ang lalaki at agad sumama sa pinsan nila pero hanggang ngayon ay hindi pa bumukas ang bibig nito para magsalita."Kahit minsan ay wala pang nabanggit na anak na lalaki si Fenrir Colle. Kaya sino ka?" tanong niya sa lalaki. "Tinago ka nila para papuntahin dito at maging spy? They underestimated the security
Kagagaling lamang ni Elmhurst sa canteen at bumili ng kaniyang dinner na fish fillet, afritada at dalawang serve ng rice. At pagkatapos ay agad siyang bumalik ng dorm dahil wala siya sa mood na manatili rito sa labas. Isa pa ay ayaw niyang makasalubong ang isa sa mga Madrid brothers o si Selena. Dahil hindi niya alam kung paano haharapin sila. Mas okay kasi si Arjoe sapagkat ito lang ang nararamdaman niyang mas madaling maka-close. And since they know each other, the other man was the one who let him feel welcomed to their family.Aktong sasara ang elevator nang may kamay na humawak 'nun at muli iyong bumukas. Nang makita niya kung sino ang taong iyon ay pinatigas niya ang ekspresyon ng kaniyang mukha at deretso lang ang tingin. Hindi niya inaasahan na magsasalubong sila ng landas dahil pagabi na at akala niya ay sa menowa matutulog ang dalaga. Kaya nagulat siya na umuwi ito ng dorm.Akala niya ay hindi tutuloy na sasakay si Selena dahil ilang segundo rin itong nakatayo roon subalit p
Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba
Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton
“Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi
“Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb
Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Laganap na ang gabi nang bumalik si Selena sa menowa. Sa kuweba lang naman siya nanatili habang kinakalma ang sarili. Dahil sa totoo lang nahihiya siya kay Elmhurst. Lalo pa at nasaktan na naman niya ito. Kung sana lang ay kaya niyang kontrolin ang abilidad niya ay wala siyang masasaktan na mga kapatid niya.Dahil isa ito sa pinag-aalala ng magulang nila noon. Ang darating ang ganitong senaryo na mawawalan siya ng kontrol at masasaktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.Nangyari na kasi ito minsan noon. She was still young that time. They were having fun. Nagpapalakasan sila ng kanilang sariling kakayahan. She was proud and unbeatable. Tapos isama pa na siya lamang ang nag-iisang babae at palaging pinuputi ng karamihan. Lumaki ang ulo niya at naging mayabang. Ayaw niya ang natatalo at nauungusan. At kapag may nanghahamon noon sa kanya ay pakiramdam niya'y tinapakan nila ang buntot niya. Kaya kapag ganun ay hindi siya mangingiming pumayag na mapakitang gilas.Kaya nang araw na iyon ay
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s