"Mommy, mommy dede." Nagising si Leah dahil sa tawag sa kanya ng kanyang anak. Pag dilat niya ng kanyang mata ay nakita niyang nakangiti ang bata sa kanya at hawak hawak ang bote ng dede na walang laman. "Mommy dede." Ulit nito at ibinibigay sa kanya ang bote ng gatas."Yeah, sorry." Bumangon naman siya at hinalikan muna ang anak sa nuo bago bumaba ng kama. Hindi paman niya naalala ang anak ay masaya siya na may batang malambing na palaging nagpapa alala sa kanya na siya ang ina nito. Nang matapos siyang magtimpla ng gatas para sa anak ay inabot niya ito sa bata at tinabihan niya sa kama. "Nak, mabait ba akong mommy sayo?" Tanong niya sa bata at tiningala naman siya ni Laica habang naka salpak ang bote sa bibig at panay ang sipsip nito."Yes mommy, bait po ikaw akin mommy." Sambit nito sa ina na bulol mag salita."Kilala mo ba si Noel nak?" Tanong niya ulit sa anak."Dada Noel. Miss ko po siya akin dada." Sagot naman nito at biglang lumungkot ang mukha.Mabuti nalang niyakap agad
Hindi malaman ni Leah ang kanyang gagawin mula pagkauwi nila ni Lucas sa mansyon. Pagbaba ng motorsiklo ay walang lingon-lingon na naglakad diridiritso sa loob ng mansyon at sabay akyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ni Laica na kanina ay naglalaro lang, nang nakita nito na pumasok sa kwarto ang ina ay binitawan ang laruan at patakbo ng lumapit sa kanya saka niyakap siya nito."Mommy, I miss you mommy. Saan po ikaw galing mommy?" Sambit ni Laica ng makalapit sa ina."Duon, may pinuntahan lang. Kumain ka na ba anak?" Tanong niya sa anak na parang tuko na naka kapit sa kanyang katawan."Done na po mommy." Hinalikan niya ang anak at inilapag niya ito sa kama, saka nagtungo siya sa banyo upang maghilamos.Ilang minuto siyang nakaharap sa salamin, tinititigan niya ang kanyang pisngi kung namumula paba ito. Nang matapos makapag hilamos ay lumabas na siya ng banyo para balikan ang anak na naglalaro. Samantalang si Lucas ay matapos makapag linis ng katawan at maka
"Good morning." Bati ni Lucas ng makitang magising ang kanyang kasintahan. Nasapo naman ang ulo ng dalaga dahil naka ramdam ito ng pananakit ng ulo sanhi ng matinding paglalasing kagabi."Anong oras na?" Sambit nito na parang nahihilo pa at hinihilot ang sintido."It's already nine o'clock in the morning." Ani ni Lucas. " Ito inumin mo. " Isang hangover drink ang ibinigay ni Lucas sa dalaga, binuksan pa niya ito bago ibinigay sa dalaga."Thank you." Tinungga niya naman ang maliit bote ng hangover drink. "What happened last night?" Sambit nito na hindi matandaan kung ano ang nangyari kagabi katapos niya mag lasing."Nothing happened. Magpahinga ka muna, magpapahanda ako ng almusal mo." Saad niya at hinalikan muna sa noo ang nobya bago lumabas ng kwarto.Hindi na niya ikweninto sa dalaga ang nangyari para hindi na muli ito magtanong.Pagkatapos niya magpa handa ng almusal para sa dalaga ay pinababa na niya ito sa dining room. Saka bumalik siya sa kwarto para mag handa at ng maka pasok
Lumipas na ang ilang buwan ngunit hindi pa rin bumabalik ang alaala ni Leah, may mga nakikita siyang familiar sa kanyang paningin at naaalala, ngunit suma sakit lang ang kanyang ulo kapag pinipilit niya ang kanyang sarili na maalala ang mga iyon."Ma' pwede po ba na duon mun tayo sa bahay kahit ilang araw lang. Baka may maalala na ako pag andun ako." Sambit niya sa kanyang ina habang sinusuklayan ang anak na bagong paligo." Sige anak magpapaalam muna tayo kay Lucas, gusto ko rin kasi dalawin ang bahay. Saka ang papa mo baka nangungulila na iyon sa atin." Sagot nito sa anak."Sige po ma' salamat." Ani niya. Nalulungkot man siya dahil ayaw niyang mawalay sa lalaking lihim na niyang mina mahal ay kailangan na niyang gumawa ng paraan para nang sa gayon ay may maalala na siya at malaman kung sino ngaba si Lucas sa kanyang pagkatao.Ilang beses na sila pumasyal ni Lucas sa mga dati nilang pinupuntahan ani pa ng binata pero imbis na maka alala siya ay mas lalo lang yata siya nagka amnesia
Dinala si Laica sa mansyon ni Lucas ng hindi nalalaman ni Leah. Habang abala si Leah sa pag aasikaso ng passport ng kanyang anak na si Laica para maisama niya ang bata sa pag alis niya patungong canada kaya hindi nito namalayan na hiniram ni Lucas ang anak nila na si Leah sa magulang ng dalaga. Napag alaman din ng binata na nagbalik na ang alaala ng dalaga dahil narin nae kwento ito ng magulang ng dalaga.Pagka uwi ni Leah sa bahay nila ay agad na hinanap nito ang kanyang anak."Ma' asan si Laica. Tapos na po ba siya kumain?" Tanong niya sa kanyang ina ng nakita niyang humahagalpak ito ng tawa habang nanunuod ng nakakatawang palabas sa tv."Wala siya dito 'nak. Hiniram ni Lucas." Ani ng kanyang ina ng lumingon sa kanya habang tuma tawa pa rin sa pinapanood nito. Dahil sa narinig niya ay agad naman nagpanting ang dalawa niyang taenga sa nasambit ng kanyang ina."Ma'! Diba nag usap na tayo? Hindi mo ba ako naiintindihan na wala siyang karapatan sa anak ko?!" Singhal niya sa kanyang in
"Wag mo ako hinahamon Leah, magagawa ko kahit anong gustuhin ko!" Sambit ng binata."Bitawan mo ako Lucas! Kahit baliktarin mo pa ang mundo hindi mo makukuha ang anak ko!" Sambit nito sa mahinang boses ngunit madiin. Habang hawak ni Lucas ang kaliwang braso ng dalaga ng bigla na lang siya siniil ng halik ng binata. Tumagal ang halik na iyon ng ilang minuto bago binitawan ang labi ni Leah ng binata, pakiramdam ng dalaga ay maga na ang kanyang labi sa paraan ng paghalik ng binata na dalawang beses na naulit.Nag pumiglas ang dalaga dahil mahigpit parin hinahawakan ang kanyang braso ni Lucas. Gusto ng umalis ni Leah dahil naging agrisibo na ang binata, sa inaasta ng nit ay parang hindi na niya ito kilala. Habang titig na titig ang mga mata ng binata sa mukha ng dalaga at parang nanlilisik ay bigla nalang itinulak ng binata si Leah sa kama at mabilis pumatong ang binata sa ibabaw ng dalaga. Sa gulat ng dalaga ay pinag hahampas niya ang magkabilang balikat ng binata, ngunit dahil malakas
"I'm sorry may importanti lang akong ginawa." Pagsisinungaling ni Lucas sa kanyang kasintahan na dalawang oras na siguro naghihintay sa kanya sa restaurant. "Where is your daughter? Ang sabi mo ipapakilala mo siya sakin.." Sambit nito sa kanya na sinilip pa ang likuran niya kung may ibang kasama ba ito. "Hindi na makakapunta ang bata, napag isip isip ko na hindi pa ito ang tamang panahon upang makilala ka niya." Saad niya sa nobya.Plano sana na ipa kilala ni Lucas ang kanyang anak na babae sa kasintahan nito ayon narin sa kahilingan ng nobya at ipapasyal nilang magkasama ang bata. Ngunit sa nangyari ay malabo na mangyari iyon dahil kay Leah, kahit papano ay may respeto pa rin siya sa ina ng bata."Huh..!" Tikhim nito at tumayo na parang hindi naniniwala sa nasambit ng binata."Will.. Wala din pala saysay ang araw na ito, pinaghintay mo lang ako ng ilang oras sa wala." Dugtong pa nito na tumaas pa ang kanang kilay. Isang linggo na napapansin ni Lucas ang pag iiba ng ugali ng kasint
"There you are." Sambit ni Monica ng makita siya na naglalakad pababa ng hagdan."Kaya pala.." Dugtong pa nito at pinagsalikop ang dalawang braso at taas baba na tinitigan si Leah at naka taas pa ang isang kilay sa kanan."Lucas? Nasaan si Laica?" Tanong na sambit ni Leah kay Lucas na nasa likuran ng babae at hawak pa ang dalawang braso ng babae."She and her nanny went for a walk first. Don't worry, our daughter is in a safe place." Ani ni Lucas."Nasaan sila at pupuntahan ko, uuwi na kami." Tanong niya muli kay Lucas."Hindi kaba magpapakilala sa akin?" Singit na sambit ni Monica sa dalagang si Leah."Teka.. Sino kaba? Bakit hinahanap mo ang anak ko?!" Tanong nito kay Monica ng sarkastiko na tono at tiningnan din mula ulo hanggang paa ang babae."Me? Huh, hindi paba ako ipinapa kilala sa iyo ni Lucas?" Sambit nito kay Leah at lumapit ng bahagya, pilit na kinalas ang kanyang braso mula sa pagkaka hawak ni Lucas. "I'm Monica ang girlfriend ni Lucas at ako lang naman ang papalit na in