“Dad, I’m sorry if I didn’t call you–” Hindi ko natapos ang sasabihin nang itaas ni Daddy ang kanang kamay. Nasa paborito nitong single couch dito sa salas siya nakaupo at nagbabasa ng morning news paper niya. Kakabalik ko lang at pass 8am na akong dumating dito sa bahay. Hindi na ako sumama sa condo ni Wregan at baka harangin na naman ako ng pagkakataong umuwi sa amin. Bumaba na lang ako sa SM North at sumakay ng taxi.“You don’t have to explain. Your brother already told me na magkasama kayo sa Bulacan. How was your trip? Did you enjoy Bulacan?” Dumako ang tingin ko sa entrance ng kitchen. Lumabas kasi doon ang ulo ng damuho kong kapatid at ngumisi ng napakalaki sabay thumbs up.“Y-yes. Bulacan is great. Nag-enjoy ako sa mga water activities nila,” pagsisinungaling ko. F*ck! Ni hindi nga ako nanood ng water activities ng mga kasama ko dahil inuna ko ang matulog.“Good. Mabuti naman at nagkakasundo kayo ni Venom. I like it better kesa nag-aaway kayo na parang aso’t-pusa.” Tumango lang
“What was that? Hindi niyo man lang ako kinunsulta? Basta na lang kayong nag-decide para sa future ko?" himutok ko at hindi makapaniwala na tiningnan ang magulang kong nakaupo sa kabilang bahagi ng lounge. Tapos na ang dinner kasama ng pamilyang Honovy, at agad na kinompronta ko sina; mommy at daddy dito sa study room ng mansion nang makauwi kami."I've already made my decision.""Pero dad! Buhay ko ang pinag-uusapan natin dito. Hindi niyo mapasunod si Hyacinth sa kasal na ito kaya ngayon, ako ang gagawin niyong sacrificial lamb?" Nagpupuyos ako sa galit. Hindi ko nagawa na makapag-reklamo kanina dahil nasa harap namin ang pamilyang Honovy. Kung 'di lang dahil sa katiting na respeto ko sa kanila bilang magulang, baka nagwala na ako kanina at tinalikuran sila."Tilaine, huminahon ka anak—""No, mom. Paano ako hihinahun kung ganito ang ginagawa niyo sa 'kin?" Gusto kong umiyak. Gusto ko silang pagsalitaan ng masasakit na salita pero kahit ganun, may respeto pa rin ako sa kanila, magulang
"Are you insane? Paano kung mabuntis ka na naman ng damuho na iyon?" kastigo ni Kara sa akin. Narito ako ngayon sa bahay niya kasama si Wred. Wala naman kasi akong ibang lugar ba pwedeng puntahan nang hindi inaalala ang tungkol kay Wred. May photoshoot si Wregan sa La Union kaya ako ngayon ang nakatoka kay Wred, mabuti na lang din na kakampi ko si Kara at Venom. May matatakbuhan ako kahit paano kung wala si Wregan na first option ko."Aware ka naman siguro na mali ang ginagawa niyo, right? May fiance kang tao, pero nakikipag-s*x ka sa ibang lalake? The f*ck, Tilane?" Kitang-kita ko ang pagkadisgusto sa mukha ni Kara habang hinihele si Wred."Pero hindi ko naman boyfriend si Enver.""Kahit na, mali pa rin na pinapaasa mo ang bestfriend ko. Hindi sa kinakampihan ko siya o ano, pero Tilaine… kapatid na ang turing ko kay Wregan, at ayaw ko na masaktan na naman siya dahil sa babae. Ang malala kadugo ko pa sa pagkakataon na ito." Nagbuntonghininga siya. "Piece of advice lang, ah? Kung wala k
"Hey, you’re here!" Nagulat si Wregan nang mabungaran ako pagbukas niya ng pinto. He gave me a peck on the lips before inviting me inside his condominium. “I’m sorry. Hindi ka nagsabing dadalaw ka today. Wala rito si Wred, he’s with my mom again. Kung alam ko lang na pupunta ka hindi ko na sana pinayagan si mom na hiramin si Wred.”"Ikaw talaga ang pinunta ko dito,” malakas ang loob na sabi ko dahilan para huminto siya at hinarap akong muli."Me? Bakit? Is there something wrong?" Malalim akong nagbuntonghininga upang kalmahin ang sarili at tanggalin ang bara sa aking lalamunan. Lumakad ako palapit sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “I know it’s so sudden, but I want to spend time with you. Are you busy today? May work ka ba?""W-wala naman.” Halatang nagulat siya, hindi inaasahan ang sinabi ko. “Pupunta lang dapat ako mamaya sa Casa de Lujuria para makipag-inuman sa mga kaibigan ko."“Ohh! My bad. Wrong timing pala ang pagpunta ko dito.” Mabilis na bumaba sa zero level ang
"You should meet Enver tomorrow," ani Daddy sa gitna ng tahimik na hapunan ng pamilya namin. Nagkatinginan kami ni Hyacinth, ngunit nauna itong nag-iwas ng tingin. Hindi pa nga pala kami nagkausap ng maayos mula nang nalaman ko ang tungkol sa engagement. Palagi kasi akong wala sa bahay at nasa condo ni Wregan para makasama ang mag-ama ko. Sa tuwing narito naman ako sa bahay ay wala siya. Ngayon na lang ulit kami nagkasama ng matagal. Gusto ko rin sana siyang kausapin tungkol sa ex-fiance niya na fiance ko na. I need her help to cancel the wedding."I don't want to, dad. May lakad ako bukas." Sinubukan kong salubungin ang tingin ni Daddy pero nabigo ako. Nakakaintimida siya kung tumingin at sobrang nakakatakot salubungin ng mata niya kaya tumiklop ako at nagbaba ng tingin sa aking pagkain. D*amn it! Kung balak ko siyang suwayin dapat ay maging matapang ako, pero tingin pa lang ng ama ko, takot na ako. Paano ko siya lalabanan ng ganito? I’m hopeless!“Cancel your plans tomorrow and meet
Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng aking dress pagkatapos ipagtapat kay Enver ang tungkol kay Wred. Gaya ng pinangako ko kay dad, nakipagkita ako sa kanya sa isang fine dining restaurant para kumain ng lunch. Dala ang pag-asa na magiging successful ang plano ko, naglakas loob akong banggitin sa kanya si Wred at ang sitwasyon ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat maliban na lang sa isang bagay, hindi ko pinaalam sa kanyang si Wregan Leath na isang kilalang model ang ama ng anak ko. "Sana hindi sumama ang loob mo dahil 'di ko ito pinaalam sayo noong dinner kasama ang family natin." Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. "Sa totoo lang nagdadalawang isip akong sabihin sayo noong una, pero naisip ko na mas makabubuti na malaman mo, at kung balak mong umatras sa arrange marriage na ito, naiintindihan kita." Pinalungkot ko ang mukha at nag-angat ng tingin sa kanya, ngunit nagulat ako nang makitang chill lang itong kumakain. Napakurap ako ng ilang beses. Narinig naman niya ang lahat
"Saan ba talaga tayo pupunta?" inis kong tanong kay Enver pag-upo sa backseat ng kanyang sasakyan. Katatapos lang naming mamili ng mga gamit, na hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming gawin kung pwede naman na mag-impake na lang kami ng mga gamit namin. Although I’m not saying na willing akong sumama. "I already told you..." "Don't lie to me, Enver." "May daraanan lang tayong party. Pagkatapos ay lilipad na tayong Davao." Nakasimangot na hinarap ko siya. Tignan mo nga ang isang ito, paladesisyon talaga sa buhay. Unti na lang iisipin kong siya ang anak ng daddy ko, at sampid lang ako. Magkaugali talaga sila eh. "Hindi ka nagsabi sa akin na may party tayong pupuntahan. Ni hindi mo nga tinanong kung papayag ba akong dumalo sa party na iyon," giit ko. "It doesn't matter. I’ve already decided." "Anong, you’ve already decided? Hello? This is kidnapping. May sarili dapat akong lakad ngayon, but you just dragged me with you and went to places I didn't agree to go to." Dahil
The party was fantastic. Bawat pagkain na nakahanda ay niluto ng pinakamagaling at pinakasikat na cook sa bansa. Ang mga alak ay talaga namang mamahalin at mataas ang mga kalidad. Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi ko nagawang ma-enjoy, gayon din ang mga bisita na gusto akong makahalubilo, nais nilang makilala ang fiancee ng nag-iisang tagapagmana ng mga Honovy.“What’s the matter? Worn out from the party?” mabining tanong ni Enver sa akin nang makabalik sa aking tabi matapos kausapin ang ilan sa kanyang mga bisita.“Hindi mo binanggit sa akin na kasapi ka ng underground society.” Sa totoo lang ay gusto ko siyang sigawan, ngunit napaka-unfair sa kanya kapag ginawa ko iyon. Alam ko naman kasing si daddy ang dapat na nagsabi sa akin ng tungkol dito. Hindi kasalanan ni Enver na kasapi siya ng samahan na iyon, dahil sa simula pa lang, pareho naming alam na arriange marriage lang ang lahat ng ito.“I guess… I forgot to mention it. Isn't it obvious that I'm part of the underground society be
“Anong resulta?” tanong agad ni Wregan nang makalabas ako mula sa bathroom ng aming ginagait na silid. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang ipakita sa kanya ang sink kung saan nakahilera ang limang pregnancy test. Kabadong pumasok si Wregan at lumapit sa sink, ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakahawak sa door frame."I'm not pregnant," basag ko bigla sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi na kasi nagsalita si Wregan matapos isa-isang tignan ang mga PT, nakatutok lang ang tingin niya sa mga nakalatag na pregnancy test. “It’s a good thing that I am not pregnant, right?”"I won't deny it, I hope you are pregnant. But it's alright, we have plenty of time for the second baby." Isa-isa niyang pinulot ang mga Pt at itinapon iyon sa malapit na trash bin."Wash your hands please," paalala ko sa kanya na agad namang ginawa ni Wregan bago lumapit sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo ng second baby?" tanong kong yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ng yakap si Wregan
Tanghali akong nagising kinabukasan, wala na sa tabi ko ang mag-ama kaya bumaba agad ako ng kusina para hanapin sila. Sa kusina, isang middle-aged woman ang aking naabutan, nagkagulatan pa kami nang aksidenteng magkasalubong; ako papasok ng kusina, siya na palabas at may dalang tray ng breakfast.“Maayong buntag, Ma’am. Gising na pala kayo. Ako si Tesa, ang katiwala ni Madam Hyacinth sa beach house na ito. Saan niyo po gustong kumain ng agahan?"“M-magandang umaga, Manang.” Nahihiya kong tugon. Ang bilis niyang magsalita, mabuti na lang at Tagalog ang kanyang lenggwaheng ginagamit, kung hindi ay hindi ko talaga siya maintindihan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang pagkain. “Sa akin po ba ang mga iyan?”“Oo, ma’am. Ang sabi kasi ng asawa niyo’y maghatid ako sa inyo ng pagkain sa kwarto."“A-asawa?”“Oo, nasa dagat sila ng anak ninyo.” Napalingon ako sa glass wall kung saan makikita ang malawak na dagat, ngunit puro sanga at dahon ng malalaking kahoy ang aking nakita roon. “Hindi mo
Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama."We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?""Magbabakasyon lang tayong tatlo.""Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Tumikhim si Venom kaya napahiwalay ako ng yakap kay Wregan. Nginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo si daddy. Gumaan ang loob ko at napanatag nang makita ang maamo na niyang mukha, pinanunood niya kami ni Wregan.“Since the misunderstanding has resolved. You’ll let them leave, right?” pagkausap ni Hyacinth kay daddy, tumango naman ito. Hinawakan ni Venom ang mga balikat ko at itinulak ako layo sa harap ng plaform. Naguguluhan na nilingon ko si Wregan, tumango lang siya sa akin, sinasabing sumakay nalang ako sa gimik ng kapatid ko. Sumunod naman agad sila ni Helian sa amin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo kay daddy.“What will happen to him?” tanong ko kay Hyacinth nang makarating kami sa harap nila ni Enver. Worried na nagbaba ako ng tingin sa kanya na nakangiwi pa rin sa kirot ng tinamong tama.“May sasakyan na nag-aabang sa inyo sa labasan, naroon si Areum naghihintay sa inyo, kasama niya si Wred. Ihahatid kayo ng driver sa Subic Bay Yacht Club, naghihintay doo
“Stop this nonsense, Hyaci—”*bang!*Lahat kami ay labis na nagulat. Ang ilan ay napatili nang barilin ni Hyacinth si Enver sa hita, napa-igik ang lalaki at napaluhod sa isang paa. Nagulantang ako nang maging visible sa suot nitong white pants ang pulang stain ng dugo.“Should I shoot this nonsense' head then?” poker face na tugon ni Hyacinth kay daddy, itinutok nito ang baril sa ulo ni Enver at hinila sa buhok ang lalaki na nakangiwi dahil kirot ng tinamong tama.“F*ck! She really shot him!” angil ni Venom. Tinulungan niyang tumayo si Wregan Leath, habang si Helian naman ay inalalayan rin akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa nanghihinangtuhod. Hindi ko alam kung paano nakarating ang dalawang ito sa tabi namin ni Wregan.Hinarap ko si Venom. “Akala ko ba walang masasaktan?”“Akala ko rin!” Nawindang na tugon niya, hindi inasahan ang nangyari.“Sa tingin niyo ba nagbibiro ako?” Bumalik ang atensyon namin ni Venom sa aming nakatatandang kapatid. "I want you to let them leave i
Umawang ang labi ko sa labis na pagkagulat sa aking nakikita. Hinaharana ni Wregan Leath ang aking ama. No, he is not serenading my father. It's more like he is sarcastically singing him a song and declaring war! What is wrong with this man? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba siya nakontento sa ginawang pambubugbog sa kanya at gusto na naman niyang ipahamak ang sarili niya?“You say I'll never get your blessing till the day I die~”Stressed akong hinilot ang aking sintido. Yes, he is clearly declaring war against my father. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na sira ulo ang lalaking ito? Napalingon ako sa aking mga kasama. Isa pang sira ulo ang nasa tabi, Venom is cheerfully cheering for Wregan leath, biglang naging fanboy ang baliw kong kapatid. May pa-banner pa ito’t iwinawagayway habang sumasabay sa pagkanta ni Wregan Leath.“I hate to do this, you leave no choice, can't live without her~”Napaka-ingay ng buong venue. Hindi na lang si Venom ang nagchi-cheer kay Wregan, kahit ang relative
“Wala ba talagang magsabi sa akin kung ano ang nangyayari?” deadpan look kong tanong kay Poppy, Alistar at Areum na kasama ko sa aking silid. Inaayusan nila ako. “Ang akala ko ba’y tutol kayo sa kasal ko kay Enver?”“Oo, nga!" tugon ni Poppy at hinatak ang buhok ko. Napaigik ako't tinampal siya sa braso. "Ouch, huh? Kung kalbuhin kaya kita?""Maldita ka talaga, ikaw kaya ang unang nanakit!" asik ko naman."Ang ingay mo kasi. Bakit hindi ka na lang maupo r'yan at hayaan kami sa ginagawa namin? 'Di kami matatapos sa pag-aayos sa 'yo kung panay ang paglikot mo d'yan."Napasimangot ako. Bakit ang mean sa akin ng mga babaeng ito? Gusto ko lang naman malaman ang binabalak nila. Bakit parang ang lumalabas pa na masama ay ako?"Hindi niyo naman kailangan gawin ito. Pwede naman na hindi ako dumalo sa kasal at tumakas na lang. Bakit kailangan niyo pa akong ayusan—""Ate, pwede ba? Manahimik ka? Nakaplano na ang lahat, okay? Ang gagawin mo lang ay sundin ang mga ipapagawa namin sa iyo. Ngayon, w
Pagkatapos akong kausapin ni Kara tungkol sa kasal, hinanap ko si daddy upang kausapin ito. Natagpuan ko siya sa study room ni Lolo Klimt. Ngunit kahit anong sabihin ko’y hindi niya ako pinakikinggan, kahit lumuhod na ako sa harap niya ay wala pa rin nagawa ang aking pagsusumamo."There's nothing you can do. Whether you like it or not, your wedding with Enver Honovy will push through," konkretong pahayag ni daddy at tinalikuran ako.Nanghina ako sa aking mga narinig. Ayukong makasal sa lalaking hindi ko mahal, pero takot naman akong suwayin ang aking ama. Malaki ang kasalanan ko sa kanila ni mommy; nilihim ko ang tungkol sa kay Wred. Pero sapat bang kabayaran ang kalayaan kong pumili ng lalaki na makakasama ko sa buhay dahil sa ginawa kong pagkakamali?"Ate," malungkot na tawag sa akin ni Venom. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo. Hindi ko napansin na pumasok siya ng study room nang iwanan ako ni daddy sa silid."I don't want to marry him,
"Hindi ko alam na may ikakasal ngayon." Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat. Wait, ako lang ba ang hindi aware na may kasalan? "Sino ang ikakasal?" tanong kong muli."Sino pa ba? Edi,—" Tinakpan ni Areum ang bibig ni Venom at pinanlakihan ng mata ang nakababata naming kapatid."Walang ikakasal," singit ni Hyacinth. "H'wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Venom. Alam mo naman ang isang 'yan lakas ng trip," dagdag pa niya.Tinitigan ko sa mukha si Hyacinth. Hindi ko alam kong totoo ba ang mga sinabi niya, masyadong magaling ang nakatatanda naming kapatid pagdating sa pagtatago ng emosyon niya."Narinig mo si Hyacinth, tara na sa loob," ani Kuya Peter at hinatak ako papasok sa loob ng bahay.Sa loob ng mansion nag-agawan ang mga tita ko sa pagkarga kay Wred, ngunit sa huli ay si mommy pa rin ang nakakuha sa anak ko. Paano kasi ay umiiyak ito sa kanila at tumigil lang nang si mommy na ang kumarga. Nakilala marahil ni Wred ang kanyang lola, panay ang tawa nito kay mommy at aliw