WALA pa man limang minuto ay mayroon na naman lumapit kay Simon na kaklase niya. Pero sa oras na ito ay tatlong babae, sila 'yong tatlong babae ang nagdikit ng papel sa kanyang likuran nang makasalubong niya ang mga ito papasok sa gate ng eskuwelahan."Hi, Simon," maarteng pagbati sa kanya ni Cathy. Nakangiti pa ito na halatang nang-aasar. "Sawa ka na ba sa boses ni Mrs. Ana kaya ka nandito sa library, tama?""Girl, nagtanong ka pa, alam mo naman isa siyang mandarayang loser!" Natatawang komento ni Reyna."Alam niyo, ang suwerte niya. Lahat tayo sinermunan samantalang siya nagfefeeling matalino!" Pagpaparinig naman ni Alyssa, sabay tawa nito.Napaangat ang tingin niya sa tatlo niyang kaklase saka siya tumayo para harapin ang mga ito. Ningitian pa muna niya ang mga ito bago magsalita."Ituloy niyo lang." Makahulugan sambit niya.Kumunot ang noo ni Cathy, habang sina Reyna at Alyssa naman ay pareho pang nagtaka at nagkatinginan sa isa't isa. Mga walang ideya sa kung anuman ang sinasabi
NANATILI pa rin si Simon sa library nang lapitan siya ng isang lalaking bantay sa library na si Mr. Willie Mariano. Hindi siya manhid para 'di niya ito mapansin kung kaya't umangat ang kanyang tingin rito."Bakit ka pa nandito? Umuwi na ang mga estudiyante at ikaw na lang ang naiwan, wala ka naman ginagawa dito kundi ang tumunganga!" Sita ni Mr. Willie sa kanya.Hindi siya umimik, nanatiling blanko ang kanyang tingin."Hindi mo mababayaran ang over time ko kaya umuwi ka na sa inyo!" Pagtataboy ni Mr. Willie, dinuro pa nito ang pintuan ng libray kung saan napatingin siya roon.Tumayo siya't hinarap niya ang matanda na ngayon ay nanggagalaiti sa inis."May importante lang akong ginagawa." Simpleng sagot niya."Ginagawa?" Ismid na sambit ni Mr. Willie, "Hindi ka nagbabasa o maski mag-aral. Importante ba sa 'yo ang tumunganga?" Sumbat nito sa kanya. Umiling pa ito na halatang nangungunsume sa kanya."Gusto ko lang mag-isip." Tugon niya."Mag-iisip ka lang bakit dito pa sa library? Puwede
TAHIMIK lang sa isang sulok si Simon, habang ang kanyang mga kaklase naman ay may kanya-kanyang mundo at mga maiingay. Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pasimple siyang ngumiti nang pumasok sa classroom ang taong kanina pa niya hinihintay. Dumiretso ito sa desk na nasa harapan saka nito ipinatong ang dala nitong mga libro."Good morning, class!" Panimula ni Mrs. Ana. Filipino ang subject na tinuturo nito."Good morning too, Ma'am Delos Reyes!" Bati ng mga kaklase niya.Nagsimula nang magturo si Mrs. Ana, habang siya naman ay nakatuon sa bawat kilos ng gurong nasa harapan. Maya-maya'y napapahinto ito saglit pero ibinabalik din nito ang atensyon sa pagtuturo. Humugot siya ng hininga nang maisip niyang tila apektado ang guro sa kaniyang iginuhit dahil putol-putol ang pagdidiscuss nito na para bang may dinaramdam itong problema. Pagkatapos magturo ni Mrs. Ana ay mabilis itong lumabas ng classroom na siyang ipinagtaka ng kanyang mga kaklase kung bakit kakaiba ang ikiniki
"SIMON!"Natigilan siya nang mabosesan ang tumawag sa kanyang pangalan kung kaya't dahan-dahan niyang nilingon ito. Mga nag-aalalang mukha ang bumungad sa kanya. Ang anim na taong mahalaga sa kanya. Sina Samuel, Trist, Clement, George, Fackly at Chris.Sunod-sunod ang kanyang pag-iling na para bang nagmamaang-maangan na wala siyang kinalaman sa pagkahulog ni Mrs. Ana sa rooftop. Napatingin siya sa bagong dating na sina Bashie at Raymond."Anong nangyari!?" Kuryos na tanong sa kanya ni Raymond."Simon, anong ginagawa mo rito?" Ani Bashie saka nito tinignan ang mga kaibigan niya."H-Hindi ko alam, bigla na lang ako sinaraduhan ni Ma'am Ana nang sinubukan ko siyang kausapin!" Paliwanag niya. Mukhang nakumbinsido naman niya ang dalawa niyang kaklase maliban sa mga kaibigan niyang tikom ang bibig habang nakatingin sa kanya. "A-Ano bang nangyari kay Ma'am Ana?" Kunwari'y 'di niya alam."Simon, hindi mo ba alam nagpakamatay si Ma'am Ana!" Pahayag ni Raymond na siyang ikinaatras niya.Nanghin
"AKALA mo makakaligtas ka?" Maangas na sabi nito."Xavier, kapag ipinagpatuloy mo 'yan pareho tayong male-late." Sagot niya nang hindi makatingin ng deretso kay Xavier."Wala akong pakialam, Simon!" Usal ni Xavier. "Akala mo hindi ko nakita ang ngiti mo, kung paano mo napasadahan ng tingin si Bashie." May himig na pagkaselos na turan nito."W-Walang malisya 'yon!" Pagtanggi niya kasabay ng kanyang pag-iling."Xavier, ano 'yang ginagawa mo kay Simon?" Biglang singit ni Kirk sa pagitan nilang dalawa ni Xavier.Pinanliksihan muna siya ng mga mata ni Xavier bago nito binalinggan ng tingin ang kaibigan. "Kirk, itong taong 'to pinupormahan niya si Bashie!" Mariin sambit nito saka siya sinuntok sa kanyang tiyan dahilan para agad siyang mapahawak sa parteng katawan na sinuntok ng kanyang kaklase.Tila tumagos sa kanyang kalamnan ang pagsuntok ni Xavier, kung kaya't 'di niya maiwasan mamilipit kasabay ng paghabol niya ng hininga habang dinadaing ang idinulot na sakit na ipinaramdam sa kanya."
SA 'di kalayuan napangisi si Simon nang makita ang dating maangas na si Xavier, ngayon ay takot na takot. Napahigpit ang kanyang hawak sa kahoy na kanina lang niya napulot nang magtago siya sa halamanan. Mahaba, may parteng mataba at patulis sa dulo ang kahoy. Ilan saglit pa napagpasyahan niyang magpakita kung kaya't natigilan si Xavier nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat at tagaktak ang pawis nito."Walang makakarinig sa 'yo dito!" Panimulang sabi niya. "Mga ganitong hapon ay walang masyadong tao." Dugtong niya.Pinaningkitan siya ng mga mata ni Xavier dahilan para lumawak lalo ang pagkakangisi niya rito. "Ikaw, Simon!" Gigil na banggit nito sa pangalan niya. "Anong ginawa mo sa 'kin at bakit nakatali ako!" Matapang nitong dugtong.Sa ikalawang pagkakataon ay pinilit nitong pumiglas ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong napapagod sa ginagawa nito."Simple, dahil dito." Tugon niya, sabay pakita niya ng papel kung saan doon nakaguhit si Xavier. Natigilan nam
TAHIMIK silang naglalakad na dalawa ni Bashie nang basagin iyon ng dalaga. Napansin niyang medyo madaldal ang dalaga dahil panay tanong nito tungkol sa personal niyang buhay. Pero syempre, maingat niyang sinasagot ang tanong nito para hindi siya pagdudahan ng dalaga.Ngunit tila susubukin siya ng tadhana, akala niya nakaligtas siya sa tinatago niyang sekreto. Halos gusto niyang huminto sa paglalakad at manigas na lang sa kanyang kinatatayuan pero 'di niya magawa at nagpatuloy pa rin siyang sabayan sa paglalakad si Bashie nang magtanong ito."Nakita kitang may isinuksok ka sa bulsa ng pants ni Kirk. Ano 'yon?" Kuryosidad na tanong nito."Ah, iyon ba, papel lang naman 'yon," maang-maangan niyang sagot. "Huwag mong seryosohin prank ko lang naman sa kanya iyon." Palusot na dagdag niya. Saka pilit na ngumiti.Hindi siya nabigo dahil mukhang nakumbinsido niya ang dalaga at natawa pa ito sa sagot niya. "Ang isang nerd, matalino at tangang tulad mo ay marunong palang mangprank!" Komento nito.
PAGKAALIS ng grupo nina Gray ay buntonghiningang sinundan ng tingin ni Simon ang rebulto ni Kirk. Ilan saglit pa, binalingan niya si Raymond na kakaupo lang matapos nito ayusin ang nagusot na kuwelyong uniporme."Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.Pikit-matang bahagyang umiling si Raymond. "Walang problema sa 'kin ang mga iyon. Kahit abangan pa nila ako sa labas ay gagantihan ko sila." Matapang na banta nito."Raymond!" Nanunuway na sambit ni Bashie."Huwag mo na lang sila pansinin." Komento niya."Tama si Simon, Raymond. Ikaw ang kawawa kapag pinatulan mo pa sila." Advice na sabi ni Bashie. Tanging pagtango lang ang itinugon ni Raymond nito sa dalaga.Pagkatapos nila kumain ng lunch ay bumalik na sila sa classroom. Muling nagsimula ang klase, ngunit pa-simpleng tanging kay Kirk at Alyssa lang siya nakatingin habang naglelecture ang guro sa pisara. Alam niyang nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng sulat. Pareho pang nakangiti ang dalawa kung kaya't 'di niya maiw
MALALIM humugot ng hininga si Yrannie, at napatingin kay Mark na tila nagpapahiwatig na ito ang unang magtanong kay Heavery. Matapos sabihin agad ni Heavery ang salitang 'Truth' "Okay, puwedeng ako ang magtanong?" Prisinta ng isa nilang kasamang lalaki. "Sige!" Nakangiting sagot ni Heavery. "Hmm... bakit ka nga pala lumipat ng university kung gayon malapit na magtapos sa taong ito ang kinuha mong course?" "Sabihin na lang natin may nangyaring hindi maganda sa pinasukan kong school dati." "Ako naman ang magtatanong!" Ani naman ng isa pa nilang kasamang babae, "Dahil ba naging heart broken ka sa dati mong kasintahan kaya ka ba lumipat?" Bahagyang natawa't umiling si Heavery sa tanong ng kasama nila. "Ang totoo niyan never ako nagkaroon ng girlfriend. Iba kasi ang priority at mahalaga para sa 'kin ang samahan namin ng mga kaibigan ko, iyon ang promise namin isa't isa." Pahayag na sagot ni Heavery. "Ano naman ang promise niyo ng mga kaibigan mo at ilan kayo?" Pang-uusisa niya kay
"NAGSESELOS ka ba kay Heavery?" Turan ni Yrannie sa nobyo. "Imposible! Iniisip ko lang 'yong plano natin. At malakas ang kutob ko sa bagong estudyante na 'yon!" Nagdududang sambit ni Mark. "Teka, pinagsususpetsyahan mo ba si Heavery? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari satin!" Angil niya. Bahagya pa siyang umiling. "Hindi mo ba napapansin mga kinikilos niya simula noong dumating siya sa school natin? Palagi niya tayong tinitignan na parang minamanmanan niya tayo. Tulad ng ginagawa niya ngayon!" Durong ani Mark kay Heavery na kalalabas lang ng 7/11 at tila naniningkit pa ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nila. Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Mark, kapagkuwan nilingon niya si Heavery na sa tingin niya ay minamasid sila nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo mas mabuting umalis na tayo rito!" Pag-aaya niya sa nobyo. "Sabi ko sa 'yo e, sa likod ng mukhang 'yan panigurado ko si Fackly ang taong 'yon." Koment
KINABUKASAN maagang nagising si Yrannie, mabuti na lamang sabado at walang pasok. Hindi rin alam ng Ate Ynaria niya kung anong nangyayari sa buhay niya, at ayaw naman niya iyon malaman ng Ate Ynaria niya baka madamay pa ito sa gulong kinakaharap nila ni Mark. Kasalukuyan kumakain siya ng agahan nang maalala niya si Aries, naalala niyang hindi alam ng mga magulang nito kung nangyari sa anak. Wala sa sariling napapikit siya't humugot ng malalim na hinihinga. Kapagkuwan gulat napabaling ang tingin niya sa pinto nang may kumatok. Sa mga sandaling 'yon hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Iniisip niyang baka si Fackly 'yon at balak siyang dukutin. Ngunit napawi ang agam-agam niya nang marinig ang pamilyar ng boses matapos kumatok ng taong nasa labas ng bahay. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya si Mark na maaga siyang pinuntahan. "Ang aga mo ah!" Biglang turan niya. "Hindi ako mapalagay Yrannie, gusto ko nakikita kitang ligtas sa paningin ko lalo na't h
HINDI nagkamali si Mark ng hula, nasa loob nga ng drawer ang susi para sa kadena. Hindi naging madali ang pagkuha niya ng susi dahil kinailangan niya pang isentro ang nakatali niyang kamay sa kanyang likod para kunin ang susi. At nang matapos ay inuna niyang tanggalan ng kadena si Aries. Napadaing naman ang kaibigan niya dahil sa tama ng mga bala. Kapagkuwan ay siya naman ang sinunod nito tanggalan ng kadena. Ang panghuli si Yrannie na ngayon ay nagkamalay na. "Anong nangyari at nasaan ako?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya. "Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan na natin umalis dito!" Pahayag niya sa dalaga. "Tama si Mark, Yrannie, mas lalo tayong mapapahamak dito!" Komento ni Aries, sapo-sapo ang tiyan at puwet nito na tinamaan ng bala. Pikit-matang humugot ng hininga si Yrannie, "Hindi ko alam kung paano nakarating dito, pero sige, para sa kaligtasan natin lahat." Sagot ni Yrannie. Tinulungan niya munang makatayo si Yrannie habang si Aries naman ay nasa pintuan pa lamang na
KASALUKUYAN nakikipag-agawan si Aries sa Pala na hawak ni Fackly. Gigil na gigil niyang pilit kinukuha kay Fackly ang Pala ngunit sadyang malakas ang kalaban niya kung kaya't sinipa niya ang binti nito dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong magtagumpay na kunin mula kay Fackly ang Pala. Nang akmang bubuwelo si Fackly, agad niyang hinampas ang tagiliran nito gamit ang likod ng Pala. Ngingisi-ngising hinarap niya si Fackly na ngayon ay nakahandusay sa lupa. Tila hinang-hina at halatang 'di kayang makatayo. "Ano ka ngayon ha! Nanalo ako sa laban natin." Pagyayabang niya. Inangasan niya si Fackly habang nanatiling nakatagilid ang higa nito. "Sa tingin mo nagtagumpay ka sa plano mo?" Kalmadong ani Fackly. Ngumiti pa ito dahilan para makaramdam siya ng inis. "Puwede kitang patakasin ngayon, tumakbo ka na bago pa huliin ng mga bala ko ang parte ng katawan mo." Bantang ani Fackly. May hinugot itong baril sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ni Fackly ang
MULING tinignan ni Yrannie ang wala ng buhay na si Fackly sa hukay, kasama ang mga iba nilang kaibigan. Halos 'di siya makapaniwalang binalingan niya ang taong nagsasabi na ito raw si Fackly. Sa mga sandaling iyon napaisip siya ng ideya. Gusto niyang testingin ang lalaking nasa harapan nila pero hindi niya alam kung paano. Ilan saglit pa'y bahagyang napapatango siya dahil may mga katanungan siyang naiisip na siguradong hindi masasagot ng taong nagpapanggap na si Fackly. "Kapatid ka ba ni Fackly?" Biglang turan ni Mark na ikinahalakhak naman nito sa huli. "Mukha ba kong may kapatid?" Sarkastikong tugon ni Fackly. Nakangisi pang hinarap nito si Mark. "Kung ganoon, sino ka nga ba talaga!?" Dagdag na tanong ni Mark. "Oo nga, at bakit hulmang-hulma mo ang itsura ni Fackly?" Sambit naman ni Aries. "Kung ikaw si Fackly, saan tayo unang nagkakilala?" Singit na tanong niya na ikinatigil ni Fackly, kasabay nang pagkawala ng ngiti nito sa labi at sali't salitan ang pagtingin nito sa kanilan
MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room. Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries. "Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong. "Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
GABI na nang makauwi si Wilma galing sa bahay nila Yrannie. Matapos nila puntahan ang Seven Victim Cemetery ay tumambay pa sila sa bahay ni Yrannie. Walang tigil ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga nakalibing at sa mga bangkay na naroon. Kuryos silang lahat dahil bilang lang ang mga nakalibing na patay roon. At isa pa, parang tago ang sementeryong 'yon kahit mayroon naman nakasulat na article at makikita sa mapa.Kasalukuyan nasa banyo siya naglilinis ng katawan. Pagkatapos niya magpalit ng damit ay bagsak napahiga siya sa kanyang kama, kapagkuwan ay bigla siyang napaisip habang nakatingin sa kisame. Mga ilang segundong pag-iisip ay nakatulog siya. Lumipas ang tatlong oras ay bigla siyang naalimpungatan nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumalatay sa kanyang pakiramdam ang pagkakuryos dahil sa mabibigat na hakbang ng yapak ng mga paa. Sa mga sandaling 'yon bumangon siya ng upo kasunod niyon ay hindi niya maiwasan kabahan at matakot. Napalunok siya ng laway
KINABUKASAN may natanggap na tawag si Yrannie, binalita nang nasa kabilang linya ang umanong pagpakamatay ni Edgar. Kung kaya't bumalatay sa kanyang mukha ang 'di makapaniwala sa kanyang narinig. Dali-dali niyang tinungo ang morgue kung saan naroon ang bangkay ni Edgar. Lakas loob niyang pinasok ang morgue, sa mga sandaling 'yon nakaramdam siya ng panlalamig, takot at panginginig sa kanyang kalamnan. Kahit natatabunan ng puting mahabang kumot si Edgar ay matapang niya itong nilapitan. Kapagkuwan ay natigilan siya nang tanggalin niya ang kumot. Kasabay nang paglandas ng kanyang luha habang parehong nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig.Ayon sa natanggap niyang tawag mula sa pulis kanina, ang kanyang kaibigan ay may hiwa sa leeg habang nito ang isang patalim na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dagdag pa roon, palaisipan sa mga pulis kung saan nakuha ni Edgar ang patalim gayon naman ay bawal iyon sa paitan. Matapos niya makita ang bangkay ni Edgar, mabilis siyang lumabas ng m