Ginagawa na ang operasyon para kay Mama. Taimtim akong nagdarasal habnag naghihintay sa labas ng operating room ng ospital. Nawa’y maging maayos ang lahat. Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Dustin may dala siyang ice coffee at pagkain.
“Irish, kumain ka muna don’t worry everything will be alright. Magaling ang mga doktor na nag opera sa kanya kaya huwag ka mag-alala.” sabi ni Dustin.
“Salamat hindi ko lang talaga maiwasan ang mag-alala kay Mama.”
Kinuha ko ang binili niyang pagkain at kumain muna habang naghihintay na matapos ang operasyon ni mama. Hindi ko lubos akalain na pupunta si Dustin dito sa ospital para samahan ako pakiramdam ko ay hulog siya n g langit para sa amin ni mama.
Kahit na dahil sa kontrata namin kaya niya ako tinutulungan ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya. Tatlong oras ang lumipas maya-maya pa ay lumabas na ang Doktor na nag opera kay mama kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya.
“Dok, kamusta po si mama?” Nag-aalala kong tanong.
“Successful ang operation.” Nakangiting sagot ng Doktor.
Kaagad akong nagpasalamat sa Doktor at napayakap kay Dustin sa sobrang tuwa ko sa magandang balita. Ngumiti sa akin si Dustin at hinagod ang aking buhok ng yakapin ko siya.
“So-rry.. Hindi ko sinasadya natuwa lang ako ng sobra at maayos ang operasyon ni mama,” nahihiya kong sabi kay Dustin.
Ngumiti siya sa akin, “It’s okay Irish, masaya rin ako na maayos na ang lahat.”
Nagpunta kami kung saan naroon si mama. Inilipat siya ni Dustin sa isang private room. Mahimbing na natutulog si mama dala na rin ng gamot na ibinigay sa kanya.
“Irish, tomorrow I will introduce you to my grandfather as my girlfriend.Kinausap ko na si lolo kagabi gayun din ang aking mga magulang gusto kana nilang makilala. I will pick you up after you work,” sabi sa akin ni Dustin.
“I understand. May I know what I will need to prepare Dustin? Kinakabahan kasi ako baka hindi ko magawa yung dapat kong gawin bukas.”
Tinitigan ako ni Dustin, “No need to prepare you are beautiful and decent enough para magustuhan ni lolo at ng aking mga magulang. Don’t worry to much Irish, mabait si lolo at ang aking pamilya and act as natural as you can. Treat me like your real boyfriend.”
Nag aalala man ako ay kailangan kong gawin ang dapat kong gawin at tuparin ang usapan namin ni Dustin. Nag hired si Dustin ng mag-aalaga kay mama dahil simula ngayon ay magiging busy na ako sa aking trabaho at sa aming kontrata ni Dustin. Mas maganda raw na may nagbabantay kay mama kapag wala ako. Pumayag naman ako at hindi na tumanggi pa dahil alam kong iyon ang makakabuti para kay mama.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho katulad ng aking nakagawian at nagulat ako nang makita si Jared sa may entrance ng aming kumpanya na nag aabang. Ano nanaman kaya ang nais niyang sabihin sa pagpunta niya dito sa aking trabaho. Dumiretso ako ng lakad at hindi siya pansin ngunit kaagad siyang humabol at tinawag ang aking pangalan.
“Irish! Can I talk to you?Let me explain please!” Pangungulit sa akin ni Jared.
“Pwede ba Jared, leave me alone! Wala na tayong dapat na pag-usapan wala na akong paki alam sayo! Patahimikin mo na ako pwede!” Naiinis kong sabi kay Jared.
“Irish, alam kong nagkamali ako inakit lang ako ni Mariz maniwala ka sa akin please!”
“Layuan mo na ako Jared! Malatya na kayong magsama ni Mariz, huwag mo na akong kulitin pa dahil kahit kailan ay hindi kita mapapatawad kayong dalawa!” Sigaw ko kay Jared pakiramdam ko ay tutulo na ang aking luha.
Lumapit na ang guard sa amin at kinausap si Jared na umalis na sa lugar. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng entrance habang sinisigaw naman ni Jared ang aking pangalan. Ang pangit ng umaga ko pag akyat ko pa sa opisina ay agad akong ipinatawag ng aking manager at senermunan hindi niya nagustuhan ang ipinasa kong design sa kanya.
Hindi maganda ang ugali ng aming manager na babae at lagi niya akong pinag iinitan dahil nagseselos siya dahil yung lalaking gusto niya na kasamahan namin ay sa akin may gusto ngunit matagal ko ng tinanggihan iyon dahil may nobyo na nga ako.
Lumipas ang aking maghapon at oras na aking pag uwi. Tumunog ang aking telepono at nakita ang mensahe ni Dustin.
“I’m here at the entrance.”
Nagmamadali akong nag out at nagtungo sa banyo para magpalit ng damit na aking dinala at para na rin makapag re-touch ng make up. Simple lang akong manamit at light make up lang ang aking ginagamit. Hindi rin ako mahilig sa mga sexy o hapit na kasuotan kaya siguro ako pinagpalit ni Jared dahil ang aking bestfriend na si Mariz ay ubod ng sexy kung manamit at masyadong liberated hindi katulad ko na boring.
Ilang minuto pa at naglalakad na ako palabas ng kumpanya kaagad kong natanaw si Dustin naka formal wear ito halatang galing sa trabaho. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan kahit ano yata ay babagay sa kanya dahil gwapo siya at matangkad pa.
“Hey,”bati ko kay Dustin.
Kaagad siyang lumingon at natulala sa akin nagtaka naman ako sa kanyang reaksyon, “Dustin, may dumi ba ako sa mukha?Do I look weird?” Tanong ko sa kanya.
“No! I..I mean you look beautiful, it's perfect.” Papuri niya sa akin.
Kaagad naman akong nahiya sa kanyang sinabi at nag blush, “Thank you. It’s my first time wearing this kind of mini dress. I just want to look pleasant and presentable sa family mo.”
Ngumiti si Dustin at hinawakan ang aking mga kamay, “Relax ka lang Irish, don’t feel pressure you are perfect okay.”
Ngumiti ako sa kanya at sumakay na kami sa kanyang sasakyan. Bago kami umalis ay inilabas niya ang isang dokumento ito ay ang aming kontrata para sa aming contract marriage.
“First sign this contract to legalize our agreement you can read it first,” sabi ni Dustin.
“I trust you Dustin.” Pinirmahan ko kaagad ang kontrata ng hindi ito binabasa.
“From now on we are lovers and soon to be married.” Nakangiting sabi ni Dustin. Ngumiti rin ako sa kanya at umalis na kami patungo sa bahay ng kanyang lolo.
Iniipon ko na ang lahat ng aking lakas ng loob para magawa ko ng tama ang aming pagpapanggap ni Dustin sa harap ng kanyang pamilya. Pag nagkamali ako siguradong malaki ang epekto nito kay Dustin at masisira ako sa kanya. Dumating na kami sa bahay ng kanyang lolo napakalaki ng kanilang bahay parang bahay bakasyunan at maraming halaman ang nakapaligid dito. Sobrang ganda ganito yung pinapangarap ko na bahay para kay mama sariwa ang hangin ng paligid at maganda ang tanawin.“Irish, let me hold your hand,” sabi ni Dustin.Alam kong kasama ito sa aming pagpapanggap bilang mag kasintahan pero ang bilis ng tibok ng aking puso at kinikilig ito sa mga munting gestures ni Dustin bilang isang nobyo. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay at bumungas sa amin ang mommy ni Dustin.“Dustin, anak!” Masayang bati ng kanyang mommy at niyakap siya nito ng mahigpit.Bumaling din sa akin ang kanyang ina binati ako at niyakap ng mahigpit, “Finally Iha, dinala ka na ng aking anak dito para ipakila
Napag usapan na namin ni Dustin ang aking pag re-resign sa trabaho dahil lilipat na ako sa kanilang kumpanya ayon sa aming kontrata. Mas malaking sahod at magandang benepisyo ang aking matatanggap. Maaga akong nagtungo sa aking pinagtatrabahuhan para asikasuhin ang aking resignation papers at iligpit ang aking mga gamit.“Irish!” Masayang tawag sa akin ni Janeth na kaibigan ko at kasama sa trabaho.“Oh Janeth, kamusta ka?”“Ayos naman ako. Ikaw kamusta na? Bakit kailangan mo mag resign?” Malungkot na tanong ni Janeth sa akin.“Gusto mo magkape?” Nakangiti kong tanong sa kanya.Kumuha kami ng kape sa pantry at nagtungo sa rooftop para makapag usap. Magaan ang loob ko kay Janeth halos bestfriend na ang turing ko sa kanya. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng naganap sa aking buhay sa mga nakalipas na linggo at hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi.“Walang hiyang Jared yun! Pagkatapos ka niyang pakinabangan ng husto lolokohin kalang pala niya! At ang walang hiya mong bestfriend nak
Excited ako at kinakabahan para sa unang araw ko sa trabaho. Nagkita kami ni Dustin sa kumpanya at binigyan lang niya ako ng maikling briefing pagkatapos ay dinala na niya ako sa department kung saan ako ma-asign.“Good morning everyone! This is Miss Irish Rebana, your new Graphic Designer Manager.” Nagulat ako sa aking narinig mula kay Dustin at agad na napalingon sa kanya na may taning sa aking isipan. Ngunit ngumiti lang siya sa akin. Mamaya ko siya kakausapin tungkol sa kanyang mga sinabi. “Hello everyone! Nice meeting you all.” Nakangiti kong bati sa kanilang lahat sa kabila ng making pagkagulat. Nag palakpakan naman sila at isa-isang bumati sa akin. Mabait sila at mukhang friendly hindi ako mahihirapan na mag adjust sa bago kong trabaho. Kaagaad akong inilibot ng assistant manager ng team at binigyan ng information tungkol sa mga trabaho na aking kakaharapin. Bumalik na kaagad si Dustin sa kanyang opisina dahil may meeting pa ito.Lumipas ang ilang oras abalang-abala ako sa m
Pumasok kami sa isang sikat na mall at agad na nagtungo sa may department store dahil may nais bilhin si Dustin. Nagtataka ako dahil patungo kami sa women’s section sumunod na lamang ako sa kanya. Pinagtitinginan siya ng mga sales lady paano ba naman napaka gwapo ni Dustin matangkad at maganda ang pangangatawan idagdag mo pa kapag ngumingiti ito na tiyak na kikiligin ka. Kaya naman hindi na ako magtataka kung marami man siyang babae.“Dustin, ano ang bibilhin mo dito sa women's section baka matulungan kita?” Tanong ko sa kanya.“Pumili ka ng swimsuit mo Irish, wala kang dala di ba?”“Eh! Para sa akin? Naku wag na hindi naman ako maliligo sa pool,” pagtanggi ko kay Dustin.“Hindi pwede dahil sigurado akong pipilitin ka nila mama lalo na’t andyan ang mga pinsan kong babae sigurado ako kukulitin ka ng mga yon.”Wala na akong nagawa pa at pumili na lang ako ng swimsuit na babagay sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nag suot ako ng ganito. Masyado akong busy sa t
Masaya ang lahat ng biglang mag aya ang mga pinsan ni Dustin na babae na mag palit na kami ng pang swimming na damit. Nahihiya talaga ako kasi hindi ako confident sa figure ko lalo na nang makita ko ang mga pinsan ni Dustin sa kanilang mga suot na swimsuit. Ang sexy ng katawan ng mga ito.“Irish, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?” Tanong ng pinsan ni Dustin na babae.“Ah..E..Mauna na kayo sa akin lumabas susunod na lang ako,” nahihiya kong sagot sa kanya.“Okay, dalian mo ah hintayin ka namin sa pool.”Lumabas na ang mga ito at naiwan ako sa banyo na hindi malaman ang gagawin. Masyado akong kinakabahan at nahihiya. Pero alam kong hindi na ako makakaiwas pa sa ganitong pagkakataon. Samantalang hinanap naman ako ni Dustin sa kanyang mga pinsan ng hindi niya ako na kitang kasama nila.“Nasaan si Irish?”“Naiwan sa banyo nagbibihis pa at susunod na lang daw siya.”Lumangoy na sila Dustin at mga pinsan nito habang hinihintay ako. Masaya silang naglaro sa tubig na parang mga bata.“Dus
Pagkatapos namin magkakilala ng mga pinsan ni Dustin ay muli kaming kinausap ng kanyang lolo kasama ang kanyang mga magulang. Nagpapahinga na ang iba kami na lang ang nanatiling gising. Hinawakan ni Dustin ang aking kamay to tell me that everything will be okay.“Dustin, Irish, alam ko na bago lamang ang inyong relasyon at nasa get to know stage pa rin kayong dalawa pero alam mo naman Dustin, kung ano talaga ang gusto ko diba?” Sabi ng lolo ni Dustin habang kaming lahat ay nagkakape.“Opo Lolo, I know what you want. Gusto mo na magpakasal na ako kaagad sa lalong madaling panahon dahil iniisip nyo na anytime ay maaari kayong mawala.”Tinitigan ko ang kanyang lolo at ngumiti siya sa akin, “Irish, do you see Dustin to be your husband?”Hindi ako kaagad nakasagot. Tumingin ako kay Dustin at tinitigan ang kanyang mga mata. Alam ko na may kontrata kami ni Dustn ngunit iniisip ko na kung sakali na kami ay magpapakasal anong klaseng buhay ang aking kakaharapin kasama siya. Alam ko rin na play
Masaya ang naging weekend ko kasama si Dustin at ang kanyang buong pamilya at ibang kamag anak. Hindi ko ito naranasan noong kami pa ni Jared dahil ang dinadahilan niya sa tuwing gusto kong makilala ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya ang mga ito at malayo sa amin next time na lang daw niya ako ipapakilala sa kanila. Kaya naman pala ganun siya ay dahil hindi naman talaga ako ang kanyang minamahal ginamit lamang niya ako sa kanyang pansariling kapakanan.“Anak, kamusta ang pag uusap ninyo ng mga magulang ni Dustin at ng kanyang lolo?” Tanong ni mama sa akin habang kami ay nag-aagahan.“Sa totoo lang po Ma, nais na po ng lolo ni Dustin na kami ay magpakasal. Gusto na niyang magkaroon ng apo bago raw po siya mawala.”“Naku! E paano yan Anak, ano ang gagawin nyo?”“Ma, katulad ng alam nyo eh nasa kontrata namin ni Dustin ang magpakasal. Sa lahat ng ginawa ni Dustin para gumaling kayo this time ako naman po ang babawi na tulungan siya sa kanyang problema.”Tinitigan ako ni mama at n
So far ay maayos ang aking kalagayan sa aking trabaho at wala akong problema sa aking mga kasama. Maayos din ang samahan namin ni Dustin ngunit hindi ko akalain na muli akong guguluhin ng aking ex-boyfriend. Abala ako sa aking ginagawa na graphic designs para sa aming proyekto ng nagpatawag ng meeting ang aming Executive Project Manager para sa isang importanteng announcement.Nasa loob na kami ng meeting room at hinihintay ang Pm ng kumpanya. Sari-saring usapan ang bawat empleyado ng biglang pumasok ang Pm nagsitahimik ang lahat. Laking gulat ko ng pumasok ang isang pamilyar na lalaki nanlaki ang aking mga mata ng pumasok sa may pintuan ang aking ex- boyfriend.“Jared..” Mahina kong bulong.“Good afternoon everyone. I want to introduce our new Project Engineer Mr. Jared Santos, please give him a warm welcome,” pagpapakilala ng aming Pm kay Jared.Nag Palakpakan ang lahat ng mga empleyado tanging ako lamang ang hindi makakilos at nakatulala. Hindi ko lubos akalain na magkakasama at ma
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natuwa ako ng makita si Dustin. Ayaw ko man aminin pero na miss ko siya ng sobra. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nagtatrabaho."Irish!" Tawag sa akin ni Janeth."Ha? Ano yun?""Tsk! Naku tulala ka kasi habang ngiting-ngiti! Bakit ang saya mo ah? Dahil ba kay Sir Dustin?" Pang aasar ni Janeth."Janeth! Shhh! 'Wag ka ngang maingay dyan! Baka marinig ka ng mga kasama natin!""Bakit ba? Iisipin lang naman nila na inaasar kita eh!""Haist! Basta ayaw ko ma chismis ako. Alam mo naman.""Oo na. So..ano nga dahil nga ba kay Sir?"Ngumiti ako, "Secret!""Hmpp! Fishy!" Nakangiting sabi ni Janeth.Dumating ang lunchtime. Inaya ako Janeth na kumain. Ngunit natigilan siya dahil nakita niya si Dustin na papalapit sa amin."Uhm..Irish, una na ako ah bye!" Lumakad si Janeth papalayo."Janeth, teka lang!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin.Paglingon ko ay laking gulat ko dahil nasa harapan ko na si Dustin."Hey beautiful, can I invite you to lunc
Isang linggo kaming hindi nagkita ni Dustin mula ng siya ay magtapat sa akin dahil na rin sa kanyang biglaang business trip sa ibang bansa. Wala naman akong lakas ng loob para mag send ng message sa kanya o tawagan siya para kamustahin. Pero inaamin ko na na mi-miss ko ang kanyang presensya.“Irish..Irish,” mahinang tawag sa akin ni Janeth, ang aking kaibigan.Si Janeth ay nagsimula na rin mag trabaho dito sa kumpanya nila Dustin. Masaya ako dahil magkasama na kaming muli. Nawala man si Mariz sa aking buhay bilang kaibigan ay pinalitan naman ito ni Janeth na tunay na nag aalala sa akin bilang kaibigan.“Janeth…I’m sorry ano ulit yun?”“Bakit ba parang wala ka sa sarili nitong nakalipas na isang linggo? May problema ka ba?”“Wala akong problema don’t worry.”“Okay. Oo nga pala birthday ko na sa friday ah punta ka.” Nakangiting sabi ni Janeth.“Syempre pupunta ako. Darating ba ang boyfriend mo?”“Oo naman darating yun. Humanda siya sa akin kapag wala siya!”Mahina kaming nagtawanan sa k
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at isang lalaki ang agad na sumuntok kay Jared. Sa totoo lang ay takot na takot ako sa ginawa ni Jared sa akin. Buti na lang at dumating si Dustin.“Dus-tin…” Tawag ko sa kanya sa nanginginig na boses.Kaagad na nawalan ng lakas ang aking mga binti at napaupo ako sa sahig. Lumapit si Dustin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Irish, are you okay? Don’t worry nandito na ako ‘wag ka ng matakot,” sabi ni Dustin habang yakap-yakap ako.Samantalang nakahandusay naman si Jared sa sahig at iniinda ang masakit na suntok ni Dustin sa kanyang mukha. Niyakap ko si Dustin ng mahigpit habang umiiyak sa takot. Dustin comforted me until I stopped crying.“I-rish..It’s not what you think. Hindi ko balak na saktan ka maniwala ka. Nandito lang ako para makipag usap sayo,” Sabi ni Jared na nakatayo na pala.Biglang tumayo si Dustin at hinawakan si Jared sa kanyang kwelyo galit na galit ito, “Wala kang balak saktan? Pero sa naabutan ko ay nasasaktan na si Irish
Lihim na kinausap ng tito ni Dustin ang kanyang lolo tungkol sa kanyang kumpanya at negosyo na nais ipamana nito kay Dustin na labis niyang tinututulan.“Dad, bakit kailangan kay Dustin mo ipapamana ang kumpanya he’s still young to inherit the company,” sabi ng kanyang anak na si Rey.Nasa garden sila nag uusap habang umiinom ng kape, “Rey, kahit bata pa ang edad ni Dustin ay hindi naman mapagkakaila ang kanyang kakayahan sa paghawak sa ating kumpanya. Magaling siya at may kredibilidad sa trabaho.”“Dad, you know your grandson hindi pa siya stable sa buhay ni wala sa hinagap niya ang magkaroon ng sariling pamilya. He played around with different woman sabihin na natin na nakuha niya sa akin yan and I’m sorry about that. But this is a serious matter Dad. I think Dustin is not capable enough to handle the company.”“That’s enough Rey! My decision is final. Dustin is capable enough to inherit the company!” Galit na sabi ni lolo Enrico.“Dad. am I not enough? Lahat ginawa ko para sa kumpa
Lahat ng plano namin ni Dustin ay gumugulong ng naaayon sa aming kagustuhan. Wala pa kaming problema so far. Pero isang delubyo pala ang darating sa mga susunod na araw. Sa pagdating ng kanyang Tito. Ang pangalawang kapatid ng kanyang ama siya si Rey Ibarra.Nasa ibang bansa siya upang asikasuhin ang iba pa nilang proyekto doon. Siya ang Presidente ng kumpanya. Ngunit siya ang tipo ng taong hindi kuntento sa buhay. Nais niyang siya ang nakakaangat sa lahat kasama dun ang maangkin ang kumpanya ng kanyang ama na nais ipamana nito sa kanyang unang apo na si Dustin.“Hello Anak, umuwi ka ng maaga mamayang gabi mag dinner tayo at isama mo si Irish,” sabi ng mommy ni Dustin mula sa kabilang linya ng telepono.Papalabas na si Dustin ng kanyang opisina ng tumawag ang kanyang ina. Kaya naman pagkababa ng telepono ay kaagad siyang nagtungo sa aming department.“Irish, I have something to tell you. Can we have lunch together?” Sabi ni Dustin sa akin na walang pakialam kung may nakakarinig man sa
Bumalik na ako sa aking silid na may dalang dalawang baso ng kape. Naabutan ko si Dustin na nakasubsob ang mukha sa aking unan. Nagulat pa nga ito pagbukas ko ng pintuan.“Ano ginagawa mo?” Natatawa kong tanong sa kanya.Napabalikwas siya ng bangon at nataranta, “Ah..Eh..Wala ang lambot kasi ng unan mo.”Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. Umupo kami sa aking kama at nagsimula na ang aming pag-uusap.“Irish, I wanted to know your relationship with that guy. Can you tell me your story?”Seryoso si Dustin habang nagsasalita at nakatitig sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay binabasa niya kung ano man ang aking nasa puso at isipan.“He’s my ex-boyfriend,” sabi ko at umiwas sa kanyang mga mata.“Tell me more Irish.”“Naaalala mo ba nung gabing muntik mo na akong mabangga sa gitna ng kalsada habang malakas ang ulan noon?”Nakikinig lang si Dustin at tumango sa aking mga sinasabi, “That night nahuli ko siya kasama ang bestfriend ko sa kanyang condo. They are making out on that day of our
Dumating na kami sa isang private restaurant. Una ay nagsagawa muna kami ng pagpupulong tungkol sa aming bagong proyekto. Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang ambag at ideya tungkol sa ikagaganda ng aming proyekto at para rin maging matagumpay ang pagbuo namin nito.Ibinahagi ko sa lahat ang aking own designs regarding to the towers that will supply signals to our new telecoms project. Ibinahagi ko rin ang aking ideas on how to improved our communication signal using our own internet connection.Nakita ko naman ang approval sa kanilang mga mukha. Isa-isa ng nagbahagi ang aking mga ka team. Lahat ng ito ay mabuting pinakinggan ni Dustin at pinag aralan. Magaling siyang boss sinasabi niya ang kakulangan ng isang ideya sa maayos na paraan kung saan hindi mapapahiya ang empleyado at hindi mawawalan ng gana sa kanyang gawa. Kaya naman gustong-gusto siya ng lahat ng empleyado lalo na nag mga kababaihan.“Alright, let’s end our meeting here. Alam kong gutom na ang lahat sa next meeting na
So far ay maayos ang aking kalagayan sa aking trabaho at wala akong problema sa aking mga kasama. Maayos din ang samahan namin ni Dustin ngunit hindi ko akalain na muli akong guguluhin ng aking ex-boyfriend. Abala ako sa aking ginagawa na graphic designs para sa aming proyekto ng nagpatawag ng meeting ang aming Executive Project Manager para sa isang importanteng announcement.Nasa loob na kami ng meeting room at hinihintay ang Pm ng kumpanya. Sari-saring usapan ang bawat empleyado ng biglang pumasok ang Pm nagsitahimik ang lahat. Laking gulat ko ng pumasok ang isang pamilyar na lalaki nanlaki ang aking mga mata ng pumasok sa may pintuan ang aking ex- boyfriend.“Jared..” Mahina kong bulong.“Good afternoon everyone. I want to introduce our new Project Engineer Mr. Jared Santos, please give him a warm welcome,” pagpapakilala ng aming Pm kay Jared.Nag Palakpakan ang lahat ng mga empleyado tanging ako lamang ang hindi makakilos at nakatulala. Hindi ko lubos akalain na magkakasama at ma
Masaya ang naging weekend ko kasama si Dustin at ang kanyang buong pamilya at ibang kamag anak. Hindi ko ito naranasan noong kami pa ni Jared dahil ang dinadahilan niya sa tuwing gusto kong makilala ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya ang mga ito at malayo sa amin next time na lang daw niya ako ipapakilala sa kanila. Kaya naman pala ganun siya ay dahil hindi naman talaga ako ang kanyang minamahal ginamit lamang niya ako sa kanyang pansariling kapakanan.“Anak, kamusta ang pag uusap ninyo ng mga magulang ni Dustin at ng kanyang lolo?” Tanong ni mama sa akin habang kami ay nag-aagahan.“Sa totoo lang po Ma, nais na po ng lolo ni Dustin na kami ay magpakasal. Gusto na niyang magkaroon ng apo bago raw po siya mawala.”“Naku! E paano yan Anak, ano ang gagawin nyo?”“Ma, katulad ng alam nyo eh nasa kontrata namin ni Dustin ang magpakasal. Sa lahat ng ginawa ni Dustin para gumaling kayo this time ako naman po ang babawi na tulungan siya sa kanyang problema.”Tinitigan ako ni mama at n