Mabilis akong tumakbo palabas ng condo ni Jared na puno ng luha ang aking mga mata. Walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang nararamdaman kong sakit sa ginawa sa akin ng dalawang tao na malapit sa aking puso. Hindi ko lubos akalain na magagawa akong pagtaksilan ng aking nobyo at ng aking matalik na kaibigan.
Nakalabas ako ng building na lumuluha naglalakad ako ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Blanko ang aking isipan habang ako ay naglalakad hindi ko namalayan ang pagpatak ng ulan kasabay nito ang muling pag daloy ng aking mga luha. Lumakas ang buhos ng ulan gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na aking nararamdaman ibuhos ito katulad ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Nag umpisa akong tumakbo ng mabilis habang malakas na umiiyak sa gitna ng malakas na ulan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko maging manhid sa sakit na aking nararamdaman ngayon.Hindi ko na namalayan ang aking pagtakbo sa gitna ng kalsada at hindi ko alintana ang mabilis na sasakyan na patungo sa aking direksiyon. Naramdaman ko ang pagsalpok ng sasakyan sa aking katawan kasabay ng aking malakas na pagbagsak sa kalsada.
Sa aking kawalan ng malay at mahimbing na pagtulog ay bumalik ang masaya at matatamis na alaala namin ni Jared. Mga sandali kung saan mahal na mahal namin ang isa’t isa at puno ng kaligayahan ang bawat oras na kami ay magkasama. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng kanyang paglayo at naiwan akong nag iisa sa kawalan.
Naramdaman ko ang kirot sa aking ulo at sakit ng aking katawan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Isang puting kwarto ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang aking mga mata saka ko napagtanto na ako ay nasa ospital. Pilit kong inalala ang mga nangyari kasabay nito ang aking emosyon nag uunahan na pumatak ang aking mga luha. Bumalik ang sakit sa aking puso na saglit na nawala ng ako ay maaksidente at mawalan ng malay. Ang aking paghikbi ay napalitan ng pagtangis ang hirap pigilan at itago ang sakit na pilit na kumakawala sa aking dibdib.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng silid kung saan ako naroon. Nakita ko ang Doktor kasunod nito ang isang matangkad at gwapong lalaki. Kaagad na lumapit sa akin ang Doktor at kinamusta ang aking nararamdaman. Ipinaliwanag nito ang aking kalagayan. Nakatingin lamang sa akin ang lalaki na kasama nito at nakikinig sa sinasabi ng Doktor. Lumabas na ang Doktor at nagpaalam na sa amin.
"I'm sorry for what happened to you," sabi ng lalaki sa aking tabi.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ako yung nakabangga sayo."
Nakatitig lang ako sa kanya at unti-unti na naman na nagbalik sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha.
"I'm really sorry Miss, by the way I'm Dustin Ibarra and you are?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang magpakilala. Inabot ko ang kanyang kamay sa pagitan ng aking paghikbi.
"I'm Irish Rebana. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sayo alam kong kasalanan ko kung bakit ako naaksidente. I'm so sorry wala ako sa sarili ng mga sandaling iyon."
Tinitigan ako ni Dustin bakas sa kanyang mukha ang mga katanungan sa aking sinabi.
"Irish, can you tell me what happened that night?" Nakatingin siya sa aking mga mata at naghihintay ng aking kasagutan.
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari nung gabing iyon kung bakit ako tumatakbo sa ulan na wala sa sarili. Hindi ko mapigilan ang ang aking mga luha nag uunahan sila sa pagpatak sa aking bawat salita.
"I'm really sorry sa nangyari. Don't worry I will compensate you at sagot ko lahat ng gastusin at gamot mo. Magpagaling ka kaagad," sabi ni Dustin sa akin.
"Maraming salamat Dustin, and again I'm really sorry sa abala na dulot ko."
Kinuha niya ang kanyang calling card at inabot sa akin.
"Irish,Call me anytime if you need help." Nakangiti niyang sabi sa akin at nag paalam na.
Tinago ko ang calling card na binigay niya. Tinawagan ko si mama at sinabi ang nangyari kaagad naman siyang nagpunta sa ospital. Dalawang araw akong nanatili sa ospital at pagkatapos ay umuwi na rin kami ng bahay. Sinabi ko lahat kay mama ang mga nangyari tungkol sa amin ni Jared. Galit na galit si mama at gustong sugurin si Jared ngunit kinausap ko siya na hayaan na lang ang walang hiyang lalaki na yun. Ayoko na mag-alala pa sa akin si mama kaya naman hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa harapan niya pilit ko itong itinatago at iniiyak ko na lamang sa gabi sa aking pagtulog.
Ilang linggo ang lumipas balik na ako sa trabaho ngunit isang pagsubok na naman ang dumating sa akin nagkasakit si mama isinugod ko siya sa ospital at nalaman namin na may kidney problem si mama at kailangan ng agarang operasyon ngunit malaking halaga ang aming kakailanganin para dito. Hindi ko alam ang aking gagawin humingi na ako ng tulong sa aming mga kamag anak ngunit wala rin silang maiabot na tulong sa amin.
Isang hapon habang ako ay naglalakad patawid sa kalsada pagkatapos ng aking trabaho para dalawin si mama sa ospital ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Mabilis siyang naglalakad patungo sa akin
"Irish!" Malakas na tawag ni Dustin habang papalapit sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at bumati. "Hello Dustin."
"Hi Irish, how are you now?"
"I'm fine Dustin, naka recover na ako salamat sayo sa tulong mo," sincere kong sabi.
"Wala yun, it's my responsibility."
Inaya ako ni Dustin na magkape sa malapit na coffee shop. Malugod kong tinanggap ang kanyang imbitasyon. Nasa coffee shop na kami at masinsinang nag uusap.
"Irish, sabi mo ay papunta ka ng ospital?Bakit ano nangyari?" Tanong ni Dustin.
"Si Mama nasa ospital sabi ng Doktor may kidney problem siya at kailangan na maoperahan kaagad. Ngunit malaki ang kailangan kong halaga para sa operasyon kaya naman nag iisip ako ng paraan saan makakakuha ng ganyang kalaking pera." Naluluha kong kwento sa kanya.
Tahimik si Dustin na parang may malalim na iniisip habang nakatitig sa akin. Bigla akong nahiya sa kanyang mga tingin ang ganda kasi ng kanyang mga mata hazel brown ang kulay nito.
"Dustin!" Mahina kong tawag sa kanya.
"Irish, may problema din akong kinakaharap ngayon and I think ikaw ang makakatulong sa akin at ganun din ako sayo. Please hear me out," seryosong sabi ni Dustin.
Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon sa aking pakikinig.
"You know my GrandFather wants to marry me as soon as possible to inherit our company. Alam niyang wala akong seryosong relasyon kahit kanino man because I don't want to be tied up in marriage."
"So, how can I help you Dustin?" sabi ko sa kanya.
"Kung papayag ka Irish, to have a contract marriage with me for just two years until my GrandFather gave all the rights of the company to me. I promised to help you too sa lahat ng bagay sa lahat ng mga kailangan mo."
Seryoso si Dustin sa kanyang mga sinabi at umaasa na tanggapin ko ang kanyang inaalok.
"Dustin, what if malaman ng lolo mo na it's all just a contract between us?"
"He will never know Irish, it's just between you and me and our marriage is not fake, it's real but we will divorce in two years. Lahat ibibigay ko sayo magandang buhay ako rin ang bahala sa mama mo. I promise I will find the best Doctor for her para maoperahan kaagad siya."
Hindi pa ako handang magpakasal pero alam kong si Dustin lang ang makakatulong sa akin ngayon at lahat ay gagawin ko para kay mama ayoko siyang mawala katulad ni papa.
Pag-uwi ko nang bahay ay pinag-isipan ko ng mabuti ang alok sa akin ni Dustin. Kailangan ko ng malaking halaga at handa siyang tumulong sa akin kapalit ng pagtulong ko rin sa kanya. Pero ano ang sasabihin ko kay mama tungkol sa kanya hindi ko pwedeng ilihim kay mama ang aking pagpapakasal kay Dustin kung sakali man. Sa tingin ko ay wala na akong ibang option pa kung hindi ang tanggapin ang alok ni Dustin. Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa ospital para puntahan si mama at sabihin sa kanya ang lahat ng aking plano at ang alok sa akin ni Dustin sana ay maintindihan ako ni mama at pumayag siya para maipagamot ko na siya.“Mama!” Nakangiti kong bati kay mama pagpasok ko sa kanyang silid.“Irish, Anak,” matipid na sagot ni mama.“Ma, kamusta na po ang pakiramdam ninyo?”“Ayos naman ako Anak, huwag kang mag alala sa akin. Kailan ba ako makakalabas Anak, pakiramdam ko ay lalo ako nanghihina dito sa ospital.”“Ma, kailangan mo muna maoperahan bago ka lumabas ng hospital naipaliwanag na
Ginagawa na ang operasyon para kay Mama. Taimtim akong nagdarasal habnag naghihintay sa labas ng operating room ng ospital. Nawa’y maging maayos ang lahat. Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Dustin may dala siyang ice coffee at pagkain.“Irish, kumain ka muna don’t worry everything will be alright. Magaling ang mga doktor na nag opera sa kanya kaya huwag ka mag-alala.” sabi ni Dustin.“Salamat hindi ko lang talaga maiwasan ang mag-alala kay Mama.”Kinuha ko ang binili niyang pagkain at kumain muna habang naghihintay na matapos ang operasyon ni mama. Hindi ko lubos akalain na pupunta si Dustin dito sa ospital para samahan ako pakiramdam ko ay hulog siya n g langit para sa amin ni mama.Kahit na dahil sa kontrata namin kaya niya ako tinutulungan ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya. Tatlong oras ang lumipas maya-maya pa ay lumabas na ang Doktor na nag opera kay mama kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya.“Dok, kamusta po si mama?” Nag-aalala kong tanong.“Successful ang
Iniipon ko na ang lahat ng aking lakas ng loob para magawa ko ng tama ang aming pagpapanggap ni Dustin sa harap ng kanyang pamilya. Pag nagkamali ako siguradong malaki ang epekto nito kay Dustin at masisira ako sa kanya. Dumating na kami sa bahay ng kanyang lolo napakalaki ng kanilang bahay parang bahay bakasyunan at maraming halaman ang nakapaligid dito. Sobrang ganda ganito yung pinapangarap ko na bahay para kay mama sariwa ang hangin ng paligid at maganda ang tanawin.“Irish, let me hold your hand,” sabi ni Dustin.Alam kong kasama ito sa aming pagpapanggap bilang mag kasintahan pero ang bilis ng tibok ng aking puso at kinikilig ito sa mga munting gestures ni Dustin bilang isang nobyo. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay at bumungas sa amin ang mommy ni Dustin.“Dustin, anak!” Masayang bati ng kanyang mommy at niyakap siya nito ng mahigpit.Bumaling din sa akin ang kanyang ina binati ako at niyakap ng mahigpit, “Finally Iha, dinala ka na ng aking anak dito para ipakila
Napag usapan na namin ni Dustin ang aking pag re-resign sa trabaho dahil lilipat na ako sa kanilang kumpanya ayon sa aming kontrata. Mas malaking sahod at magandang benepisyo ang aking matatanggap. Maaga akong nagtungo sa aking pinagtatrabahuhan para asikasuhin ang aking resignation papers at iligpit ang aking mga gamit.“Irish!” Masayang tawag sa akin ni Janeth na kaibigan ko at kasama sa trabaho.“Oh Janeth, kamusta ka?”“Ayos naman ako. Ikaw kamusta na? Bakit kailangan mo mag resign?” Malungkot na tanong ni Janeth sa akin.“Gusto mo magkape?” Nakangiti kong tanong sa kanya.Kumuha kami ng kape sa pantry at nagtungo sa rooftop para makapag usap. Magaan ang loob ko kay Janeth halos bestfriend na ang turing ko sa kanya. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng naganap sa aking buhay sa mga nakalipas na linggo at hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi.“Walang hiyang Jared yun! Pagkatapos ka niyang pakinabangan ng husto lolokohin kalang pala niya! At ang walang hiya mong bestfriend nak
Excited ako at kinakabahan para sa unang araw ko sa trabaho. Nagkita kami ni Dustin sa kumpanya at binigyan lang niya ako ng maikling briefing pagkatapos ay dinala na niya ako sa department kung saan ako ma-asign.“Good morning everyone! This is Miss Irish Rebana, your new Graphic Designer Manager.” Nagulat ako sa aking narinig mula kay Dustin at agad na napalingon sa kanya na may taning sa aking isipan. Ngunit ngumiti lang siya sa akin. Mamaya ko siya kakausapin tungkol sa kanyang mga sinabi. “Hello everyone! Nice meeting you all.” Nakangiti kong bati sa kanilang lahat sa kabila ng making pagkagulat. Nag palakpakan naman sila at isa-isang bumati sa akin. Mabait sila at mukhang friendly hindi ako mahihirapan na mag adjust sa bago kong trabaho. Kaagaad akong inilibot ng assistant manager ng team at binigyan ng information tungkol sa mga trabaho na aking kakaharapin. Bumalik na kaagad si Dustin sa kanyang opisina dahil may meeting pa ito.Lumipas ang ilang oras abalang-abala ako sa m
Pumasok kami sa isang sikat na mall at agad na nagtungo sa may department store dahil may nais bilhin si Dustin. Nagtataka ako dahil patungo kami sa women’s section sumunod na lamang ako sa kanya. Pinagtitinginan siya ng mga sales lady paano ba naman napaka gwapo ni Dustin matangkad at maganda ang pangangatawan idagdag mo pa kapag ngumingiti ito na tiyak na kikiligin ka. Kaya naman hindi na ako magtataka kung marami man siyang babae.“Dustin, ano ang bibilhin mo dito sa women's section baka matulungan kita?” Tanong ko sa kanya.“Pumili ka ng swimsuit mo Irish, wala kang dala di ba?”“Eh! Para sa akin? Naku wag na hindi naman ako maliligo sa pool,” pagtanggi ko kay Dustin.“Hindi pwede dahil sigurado akong pipilitin ka nila mama lalo na’t andyan ang mga pinsan kong babae sigurado ako kukulitin ka ng mga yon.”Wala na akong nagawa pa at pumili na lang ako ng swimsuit na babagay sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nag suot ako ng ganito. Masyado akong busy sa t
Masaya ang lahat ng biglang mag aya ang mga pinsan ni Dustin na babae na mag palit na kami ng pang swimming na damit. Nahihiya talaga ako kasi hindi ako confident sa figure ko lalo na nang makita ko ang mga pinsan ni Dustin sa kanilang mga suot na swimsuit. Ang sexy ng katawan ng mga ito.“Irish, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?” Tanong ng pinsan ni Dustin na babae.“Ah..E..Mauna na kayo sa akin lumabas susunod na lang ako,” nahihiya kong sagot sa kanya.“Okay, dalian mo ah hintayin ka namin sa pool.”Lumabas na ang mga ito at naiwan ako sa banyo na hindi malaman ang gagawin. Masyado akong kinakabahan at nahihiya. Pero alam kong hindi na ako makakaiwas pa sa ganitong pagkakataon. Samantalang hinanap naman ako ni Dustin sa kanyang mga pinsan ng hindi niya ako na kitang kasama nila.“Nasaan si Irish?”“Naiwan sa banyo nagbibihis pa at susunod na lang daw siya.”Lumangoy na sila Dustin at mga pinsan nito habang hinihintay ako. Masaya silang naglaro sa tubig na parang mga bata.“Dus
Pagkatapos namin magkakilala ng mga pinsan ni Dustin ay muli kaming kinausap ng kanyang lolo kasama ang kanyang mga magulang. Nagpapahinga na ang iba kami na lang ang nanatiling gising. Hinawakan ni Dustin ang aking kamay to tell me that everything will be okay.“Dustin, Irish, alam ko na bago lamang ang inyong relasyon at nasa get to know stage pa rin kayong dalawa pero alam mo naman Dustin, kung ano talaga ang gusto ko diba?” Sabi ng lolo ni Dustin habang kaming lahat ay nagkakape.“Opo Lolo, I know what you want. Gusto mo na magpakasal na ako kaagad sa lalong madaling panahon dahil iniisip nyo na anytime ay maaari kayong mawala.”Tinitigan ko ang kanyang lolo at ngumiti siya sa akin, “Irish, do you see Dustin to be your husband?”Hindi ako kaagad nakasagot. Tumingin ako kay Dustin at tinitigan ang kanyang mga mata. Alam ko na may kontrata kami ni Dustn ngunit iniisip ko na kung sakali na kami ay magpapakasal anong klaseng buhay ang aking kakaharapin kasama siya. Alam ko rin na play
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natuwa ako ng makita si Dustin. Ayaw ko man aminin pero na miss ko siya ng sobra. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nagtatrabaho."Irish!" Tawag sa akin ni Janeth."Ha? Ano yun?""Tsk! Naku tulala ka kasi habang ngiting-ngiti! Bakit ang saya mo ah? Dahil ba kay Sir Dustin?" Pang aasar ni Janeth."Janeth! Shhh! 'Wag ka ngang maingay dyan! Baka marinig ka ng mga kasama natin!""Bakit ba? Iisipin lang naman nila na inaasar kita eh!""Haist! Basta ayaw ko ma chismis ako. Alam mo naman.""Oo na. So..ano nga dahil nga ba kay Sir?"Ngumiti ako, "Secret!""Hmpp! Fishy!" Nakangiting sabi ni Janeth.Dumating ang lunchtime. Inaya ako Janeth na kumain. Ngunit natigilan siya dahil nakita niya si Dustin na papalapit sa amin."Uhm..Irish, una na ako ah bye!" Lumakad si Janeth papalayo."Janeth, teka lang!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin.Paglingon ko ay laking gulat ko dahil nasa harapan ko na si Dustin."Hey beautiful, can I invite you to lunc
Isang linggo kaming hindi nagkita ni Dustin mula ng siya ay magtapat sa akin dahil na rin sa kanyang biglaang business trip sa ibang bansa. Wala naman akong lakas ng loob para mag send ng message sa kanya o tawagan siya para kamustahin. Pero inaamin ko na na mi-miss ko ang kanyang presensya.“Irish..Irish,” mahinang tawag sa akin ni Janeth, ang aking kaibigan.Si Janeth ay nagsimula na rin mag trabaho dito sa kumpanya nila Dustin. Masaya ako dahil magkasama na kaming muli. Nawala man si Mariz sa aking buhay bilang kaibigan ay pinalitan naman ito ni Janeth na tunay na nag aalala sa akin bilang kaibigan.“Janeth…I’m sorry ano ulit yun?”“Bakit ba parang wala ka sa sarili nitong nakalipas na isang linggo? May problema ka ba?”“Wala akong problema don’t worry.”“Okay. Oo nga pala birthday ko na sa friday ah punta ka.” Nakangiting sabi ni Janeth.“Syempre pupunta ako. Darating ba ang boyfriend mo?”“Oo naman darating yun. Humanda siya sa akin kapag wala siya!”Mahina kaming nagtawanan sa k
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at isang lalaki ang agad na sumuntok kay Jared. Sa totoo lang ay takot na takot ako sa ginawa ni Jared sa akin. Buti na lang at dumating si Dustin.“Dus-tin…” Tawag ko sa kanya sa nanginginig na boses.Kaagad na nawalan ng lakas ang aking mga binti at napaupo ako sa sahig. Lumapit si Dustin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Irish, are you okay? Don’t worry nandito na ako ‘wag ka ng matakot,” sabi ni Dustin habang yakap-yakap ako.Samantalang nakahandusay naman si Jared sa sahig at iniinda ang masakit na suntok ni Dustin sa kanyang mukha. Niyakap ko si Dustin ng mahigpit habang umiiyak sa takot. Dustin comforted me until I stopped crying.“I-rish..It’s not what you think. Hindi ko balak na saktan ka maniwala ka. Nandito lang ako para makipag usap sayo,” Sabi ni Jared na nakatayo na pala.Biglang tumayo si Dustin at hinawakan si Jared sa kanyang kwelyo galit na galit ito, “Wala kang balak saktan? Pero sa naabutan ko ay nasasaktan na si Irish
Lihim na kinausap ng tito ni Dustin ang kanyang lolo tungkol sa kanyang kumpanya at negosyo na nais ipamana nito kay Dustin na labis niyang tinututulan.“Dad, bakit kailangan kay Dustin mo ipapamana ang kumpanya he’s still young to inherit the company,” sabi ng kanyang anak na si Rey.Nasa garden sila nag uusap habang umiinom ng kape, “Rey, kahit bata pa ang edad ni Dustin ay hindi naman mapagkakaila ang kanyang kakayahan sa paghawak sa ating kumpanya. Magaling siya at may kredibilidad sa trabaho.”“Dad, you know your grandson hindi pa siya stable sa buhay ni wala sa hinagap niya ang magkaroon ng sariling pamilya. He played around with different woman sabihin na natin na nakuha niya sa akin yan and I’m sorry about that. But this is a serious matter Dad. I think Dustin is not capable enough to handle the company.”“That’s enough Rey! My decision is final. Dustin is capable enough to inherit the company!” Galit na sabi ni lolo Enrico.“Dad. am I not enough? Lahat ginawa ko para sa kumpa
Lahat ng plano namin ni Dustin ay gumugulong ng naaayon sa aming kagustuhan. Wala pa kaming problema so far. Pero isang delubyo pala ang darating sa mga susunod na araw. Sa pagdating ng kanyang Tito. Ang pangalawang kapatid ng kanyang ama siya si Rey Ibarra.Nasa ibang bansa siya upang asikasuhin ang iba pa nilang proyekto doon. Siya ang Presidente ng kumpanya. Ngunit siya ang tipo ng taong hindi kuntento sa buhay. Nais niyang siya ang nakakaangat sa lahat kasama dun ang maangkin ang kumpanya ng kanyang ama na nais ipamana nito sa kanyang unang apo na si Dustin.“Hello Anak, umuwi ka ng maaga mamayang gabi mag dinner tayo at isama mo si Irish,” sabi ng mommy ni Dustin mula sa kabilang linya ng telepono.Papalabas na si Dustin ng kanyang opisina ng tumawag ang kanyang ina. Kaya naman pagkababa ng telepono ay kaagad siyang nagtungo sa aming department.“Irish, I have something to tell you. Can we have lunch together?” Sabi ni Dustin sa akin na walang pakialam kung may nakakarinig man sa
Bumalik na ako sa aking silid na may dalang dalawang baso ng kape. Naabutan ko si Dustin na nakasubsob ang mukha sa aking unan. Nagulat pa nga ito pagbukas ko ng pintuan.“Ano ginagawa mo?” Natatawa kong tanong sa kanya.Napabalikwas siya ng bangon at nataranta, “Ah..Eh..Wala ang lambot kasi ng unan mo.”Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. Umupo kami sa aking kama at nagsimula na ang aming pag-uusap.“Irish, I wanted to know your relationship with that guy. Can you tell me your story?”Seryoso si Dustin habang nagsasalita at nakatitig sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay binabasa niya kung ano man ang aking nasa puso at isipan.“He’s my ex-boyfriend,” sabi ko at umiwas sa kanyang mga mata.“Tell me more Irish.”“Naaalala mo ba nung gabing muntik mo na akong mabangga sa gitna ng kalsada habang malakas ang ulan noon?”Nakikinig lang si Dustin at tumango sa aking mga sinasabi, “That night nahuli ko siya kasama ang bestfriend ko sa kanyang condo. They are making out on that day of our
Dumating na kami sa isang private restaurant. Una ay nagsagawa muna kami ng pagpupulong tungkol sa aming bagong proyekto. Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang ambag at ideya tungkol sa ikagaganda ng aming proyekto at para rin maging matagumpay ang pagbuo namin nito.Ibinahagi ko sa lahat ang aking own designs regarding to the towers that will supply signals to our new telecoms project. Ibinahagi ko rin ang aking ideas on how to improved our communication signal using our own internet connection.Nakita ko naman ang approval sa kanilang mga mukha. Isa-isa ng nagbahagi ang aking mga ka team. Lahat ng ito ay mabuting pinakinggan ni Dustin at pinag aralan. Magaling siyang boss sinasabi niya ang kakulangan ng isang ideya sa maayos na paraan kung saan hindi mapapahiya ang empleyado at hindi mawawalan ng gana sa kanyang gawa. Kaya naman gustong-gusto siya ng lahat ng empleyado lalo na nag mga kababaihan.“Alright, let’s end our meeting here. Alam kong gutom na ang lahat sa next meeting na
So far ay maayos ang aking kalagayan sa aking trabaho at wala akong problema sa aking mga kasama. Maayos din ang samahan namin ni Dustin ngunit hindi ko akalain na muli akong guguluhin ng aking ex-boyfriend. Abala ako sa aking ginagawa na graphic designs para sa aming proyekto ng nagpatawag ng meeting ang aming Executive Project Manager para sa isang importanteng announcement.Nasa loob na kami ng meeting room at hinihintay ang Pm ng kumpanya. Sari-saring usapan ang bawat empleyado ng biglang pumasok ang Pm nagsitahimik ang lahat. Laking gulat ko ng pumasok ang isang pamilyar na lalaki nanlaki ang aking mga mata ng pumasok sa may pintuan ang aking ex- boyfriend.“Jared..” Mahina kong bulong.“Good afternoon everyone. I want to introduce our new Project Engineer Mr. Jared Santos, please give him a warm welcome,” pagpapakilala ng aming Pm kay Jared.Nag Palakpakan ang lahat ng mga empleyado tanging ako lamang ang hindi makakilos at nakatulala. Hindi ko lubos akalain na magkakasama at ma
Masaya ang naging weekend ko kasama si Dustin at ang kanyang buong pamilya at ibang kamag anak. Hindi ko ito naranasan noong kami pa ni Jared dahil ang dinadahilan niya sa tuwing gusto kong makilala ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya ang mga ito at malayo sa amin next time na lang daw niya ako ipapakilala sa kanila. Kaya naman pala ganun siya ay dahil hindi naman talaga ako ang kanyang minamahal ginamit lamang niya ako sa kanyang pansariling kapakanan.“Anak, kamusta ang pag uusap ninyo ng mga magulang ni Dustin at ng kanyang lolo?” Tanong ni mama sa akin habang kami ay nag-aagahan.“Sa totoo lang po Ma, nais na po ng lolo ni Dustin na kami ay magpakasal. Gusto na niyang magkaroon ng apo bago raw po siya mawala.”“Naku! E paano yan Anak, ano ang gagawin nyo?”“Ma, katulad ng alam nyo eh nasa kontrata namin ni Dustin ang magpakasal. Sa lahat ng ginawa ni Dustin para gumaling kayo this time ako naman po ang babawi na tulungan siya sa kanyang problema.”Tinitigan ako ni mama at n