Share

CHAPTER 3

Author: DIDINXX
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Naririnig mo 'yon?" tanong ko kay Dakota na halos 'di na mapakali.

"Tulong, tulungan niyo kami!" Agad akong napatingin sa buong paligid ngunit wala akong nakikita kahit na isda man lang at tanging mga boses lang talaga ang aming naririnig.

"Oo at humihingi sila ng tulong." kaya inilibot ko agad sa buong paligid ang aking paningiPar

"Parang awa niyo na, tulungan niyo kami!" sigaw pa nilang sabi pero wala talaga akong nakikita o isang isda man lang.

"S-sino kayo? H-hindi namin kayo nakikita," sagot ko do’n sa mga boses.

"Nandito kami!" Agad akong napatingin sa isang malaking bato.

"Bato?!" Nang dahil sa gulat ko ay nabitiwan ko si Dakota.

"Aray ko naman." Kaya kinuha ko siya agad.

"N-naririnig mo kami?" nabubuhayan nilang sabi ngunit hindi ko parin napigilan ang aking sarili na 

magulat.

"Oo at hindi lang ako, kaming lahat dito." Kaya bigla na namang umingay ang paligid. "Nakakalimutan 

mo na bang lahat tayo dito sa dagat ay mababasa natin ang mga isip?" Kaya bigla ko namang naala-ala.

"Eh bakit kayo humihingi ng tulong sa amin?" tanong sa kanila ni Dakota.

"Dahil nanganganib na ang ating dagat," nalulungkot niyang sabi kaya naguguluhannaman ako sa sinasabi niya.

"Sandali, hindi ko kasi naiintindihan eh, maaari ba ikwento niyo na lang?" Sumang ayon naman sila.

"Nanganganib na ang ating dagat dahil may kumuha na sa Secret Tail."

"Manganganib ba talaga kapag makuha ito?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na mag tanong dahil 

plano pa nga namin ni ate na kunin ito.

"Mapanganib siya kapag nasa kamay ito ng masama."

"Hala, kaya pala wala na dito 'yong kwintas?" sabi ko saka sila tumango. "Paano niyo naman nalalaman na ang kumuha no’n ay may masamang balak?" tanong ko sa kanila.

"Dahil nararamdaman namin, kaya nga masaya kami na nandito kayo dahil nararamdaman namin na mabubuti kayo." Napangiti naman ako sa sinasabi niya.

"Kung ganon, paano naman namin kayo matutulungan?" agad kong tanong sa kaniya.

"Hanapin mo ang sirenang iyon na nasa lupa na dahil nasa kaniya ang kwintas." Dahilan ng aking pagka bigla.

"Paano kung may makakakita sa akin doon at papatayin ako tulad ng ginawa nila sa kapatid ko dahil isa akong sirena?" nag alala kong sabi.

"Hindi ka pupunta doon bilang isang sirena, pupunta ka doon bilang isang tao." 

"I-ibig mo bang sabihin ay magkakaroon na ako ng mga paa saka ako ay makakalakad?" tanong ko kaya tumango naman sila. 

"Sa pamamagitan ng mga bato na ito," sabi niya. Bumukas naman ang kaniyang bibig at lumabas ang dalawang bato.

"Paano ko ba 'yan gagamitin?" nalilito kong tanong.

"Madali lang dahil kuskusin mo lang ito ng pangatlong beses kapag kailan mo gusto magkakaroon ng mga paa," seryoso nitong sabi.

"Eh, hindi ko naman pala kailangan ang kwintas ng Secret Tail para ako ay maging isang tao," masaya 

kong sabi.

"Kailangan mo parin dahil may limitasyon ang batong ito at pansamantala lang. Maging isang sirena ka rin sa hindi mo inaasahan."

"Eh ‘di kuskusin ko ulit," sagot ko naman.

"Hindi na maaari dahil kapag nakuskus mo na ang batong ito ay hindi mo na magagamit pa ito sa 

susunod."

"Isang beses lang pala?" malungkot kong tanong kaya tumango naman siya.

"Kunin mo na ito at huwag ka ng mag aksaya pa ng panahon dahil nanganganib na ang ating dagat."

kaya agad ko kinuha 'yong bato at saka kami lumabas doon ni Dakota.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Brianna?" nag alala niyang tanong sa akin habang lumalangoy kami pauwi.

"Kailangan ko itong gawin maliban sa gusto kong magkakaroon ng paa, para narin mailigtas ko ang 

ating tahanan."

Hindi na siya sumasagot pa at nag papatuloy na lang ako sa pag langoy habang hawak ko parin siya. Bigla kaming napatigil nang hinaharangan kami ni Dauphine.

Si Dauphine ay pinsan ko na isa rin sirena. Kahit na pinsan ko siya ay hindi kami nagkakaintindihan nito at siya rin ang kontra bida ng buhay ko. Mahilig siyang pumupunta sa maraming tao at mabuti na lang na hindi siya nakikita sa mga ito. Malapit na rin siya ikasal sa isang prinsipe dito sa dagat na isa rin sireno at balang araw ay siya na ang maging isang reyna dito sa karagatan para mamuno. Ako naman talaga sana ang dapat pakasalan ng prinsipe para maging isa akong reyna dahil reyna at hari ang aking mga 

magulang ngunit ipinasa ko ito kay Dauphine dahil hindi pa ako handa at isa pa hindi ko minahal ang 

prinsipeng iyon. Sa dinadaming dami sirena dito karagatan ay si Dauphine ang pinili ko dahil matagal na ito nagkakagusto sa prinsipe.

"Ano na naman ba ang problema mo? huwag ka nga humarang." Nang dahil sa sinabi sa isipan ni 

Dakota ay itinago ko siya agad sa aking likuran.

"Hi kamusta!" sabi niya habang kumakaway. 

Anong Hi? Siguro pumunta na naman ito doon sa maraming tao.

"Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong sa kaniya at parang wala siyang balak padadaanin 

kami.

"Gusto ko lang mag tanong kung saan kayo galing dahil parang nagmamadali kasi kayo," maarte niyang sabi sa amin.

"Hindi ko maaaring sasabihin sa iyo ang lahat." Kaya nagtataka naman siya sa aking sinasabi.

"Hindi ka dapat ganiyan makipag usap sa isang prinsesa!" bakas sa kaniyang boses ang nawalan na ng pasensya.

"Bakit? Nasa iyo na ba ang corona? Hindi ba’t wala pa?" pang iinis na sabi naman sa kaniya ni Dakota

kaya hindi nito napigilan ang sariling magalit.

"Tumahimik ka isdambituin!"

Aalis na sana kami pero agad na naman niya kaming hinaharangan. May napapansin naman ako sa kaniyang leeg kaya agad akong napatingin do’n.

"N-nasayo ang secret tail?" nagugulat kong tanong.

"Oo, bagay ba?" nakangiti niya ring tanong.

"Isauli mo na 'yan dahil nanganganib na ang ating karagatan," sabi ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kwintas.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Sabihin mo na nga na naiinggit ka lang dahil nasa akin ang kwintas na 'to at alam kung matagal ka ng na iingit sa akin kaya nga ikaw ang inggitera sa buhay ko!"

"Hindi ako naiinggit at kailanman ay hindi ako maiinggit dahil batid ko lang na mailigtas ang 

karagatan," matapang kong sagot habang siya naman ay nanatili lang nakakunot ang kaniyang noo.

Bigla niyang pinitik ang kaniyang daliri saka may biglang dumating na mga shokoy.

"Ikulong niyo sila!" sigaw niya doon sa mga shokoy.

"Patawad, hindi namin iyan magagawa dahil hindi ka pa isang prinsesa para utusan kami." Pagpapaaumanhin isa sa mga shokoy.

"Ganon? Kung kayo na lang kaya ang ikukulong ko?!" Bigla niya naman ito ginamitan ng kapangyarihan para sundin ang kaniyang inuutos.

"Bitiwan niyo kami!" sigaw ko dahil bigla kaming kinaladkad ng mga shokoy.

Nang ipinasok na kami sa isang kulungan ay agad naman nila itong ni-lock para hindi kami makakalabas. Pagkatapos nilang gawin iyon sa amin ay saka sila umalis. Napatingin naman ako kay Dakota na nahimatay na.

"Dakota, gumigising ka." Nakakailang tawag pa ako sa kaniya bago siya nagising.

"N-nasaan tayo?" tanong niya at saka siya napatingin sa buong paligid. "Ayos ka lang ba, Brianna?" nag alala niyang tanong sa akin.

"Paano na natin siya mapipigilan? Nasa kaniya na ang kwintas at maaari na niyang gawin ang mga 

masasama niyang balak."

"Gagawa ako ng paraan." Kaya pinilit niyang makalabas at dahil nga manipis lang siya ay nakalabas naman siya kaagad.

"Bilis Dakota, hanapin mo na ang susi." Agad niya naman hinahanap sa ilalim.

"Nakita ko na!" masaya niyang sabi kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Pero parang may napapansin ako sa malayo. Para bang lumulubog 'yong tubig papunta sa amin? At hindi nga ako nag kakamali dahil papalapit na nga sa amin.

Bigla akong nagising kaya napatingin ako sa buong paligid. Nandito ako nakahiga sa likod ng bato. Napansin ko namang umilaw ang aking singsing kaya agad akong nataranta. 

Nasaan ang dala kong bato?!

Agad ko naman itong hinahanap at mabuti na lang ay nasa gilid lang pala ito ng buntot ko. Kinuha ko ito agad at saka kinuskuskinus ko ito ng pangatlong beses at hiniling na sana ay magkaroon na ako ng mga paa.

Mga ilang segundo ay napalitan na nga ang buntot ko ng dalawang paa kaya gusto ko na sanang tumayo ngunit ang pakiramdam ko ay sobrang bigat ng aking katawan kaya hindi ko magawang tumayo.

"May tao!" Habang papalapit sa akin ang dalawang matandang babae.

"Hija, ayos ka lang ba? Isa ka rin ba sa mga na lulunod?" nag alalang tanong sa akin ng matandang babae.

"May na lunod ba? Anong grupo ng isda?" tanong ko pero mukhang hindi naman nila naririnig o 

mababasa ang aking isipan kaya nahihirapan talaga ako ngayon kung paano ko sila sasagutin.

"Grabe 'yong nangyari sa eroplano noh? Kawawa naman 'yong ibang pasahero," sabi no’ng isang 

matanda saka sumang ayon naman 'yong kasama niya.

"Teka, bakit naka hubad ka ija? Wala ka bang damit?" tanong nila sa akin.

"Ano ba 'yong damit?" pabalik ko namang tanong sa kanila at mukhang hindi nga sila katulad naming mga sirena o sino mang nilalang sa dagat ay may kakayahang mabasa o marinig ang nasa isipan ngunit hindi kami marunong mag salita gamit ang bibig gaya ng mga tao.

"Teka lang hija ha?" sabi niya at saka sila nag mamadaling umalis.

Ilang minuto ang nakalilipas ay bumalik sila saka nila ako binigyan ng ‘damit’ daw.

"Gamitin mo ito hija." Lumapit sila sa akin at saka ibinigay ang damit pero hindi ako marunong gumamit nito kaya tinulungan na lang nila ako na masuot ito.

"Tara na hija." Habang tinutulungan nila akong makatayo at mabuti na lang dahil nagawa ko ng tumayo.

Pinagmasdan ko na lang sila kung paano ba gamitin ang mga paa kaya sinabayan ko rin sila. Bigla kaming may na pansin sa ‘di kalayuan na para bang nagkaka gulo ang mga tao kaya nagmamadali namang pumunta doon ang dalawang matanda.Hindi na lang ako sumunod sa kanila dahil sobrang bilis na nilang mag lakad.

Siguro sanay na sila noh?

Kaya sa ibang direksyon na lang ako nag lalakad. Paminsan minsan nga ay madapa pa ako pero pilit ko itong sanayin.

Related chapters

  • The Secret Tail   CHAPTER 4

    Halley's P.O.V"Anong nangyari? At bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Dexter."Oo nga at isa pa hindi ka naman namin nakakasama kanina." pag sang ayon naman ni Elaine.Pati ako ay hindi ko maalala kung bakit ako nandito. Bumalik na lang ako sa aking kotse saka sumakay at naisipan ko ng umuwi na lang dahil padilim na naman. Binuksan ko na 'yong music dahil ito na 'yong nakakasanayan ko na sa tuwing magmamaneho. Medyo traffic kaya magabihan na akong makarating sa bahay.Bigla akong napatigil sa pagmamaneho nang may biglang tumawid na hindi man lang tumitingin sa daan at muntik ko na siyang masagasaan."Hoy, magpapakamatay ka ba?!" sigaw ko sa kaniya nang na iparada ko na ang aking kotse kaya napatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka.Lumabas ako sa kotse at h

  • The Secret Tail   CHAPTER 5

    Nagising ako dahil sa sikat ng araw kaya bumangon na ako saka pumasok sa banyo para mag hilamos. Pagkatapos kong mag hilamos ay lumabas na ako sa aking kwarto para bumaba na.Sa nakakasanayan ay nag babasa lang ng diyaro si dad at si kuya naman ay naglilinis na naman sa kaniyang kotse. Napatingin ako sa kusina kaya pumunta ako doon."Magandang umaga ijo." Bati ni nanay Sam sa akin habang ang paningin ay nasa niluluto niya."Si mom po?""Maaga siyang umalis ijo dahil may aasikasuhin pa daw siya sa kaniyang opisina at mukhang nag mamadali nga 'yun." Kaya tumango na lang ako dahil sanay na naman ako.Umupo na ako saka siya nag hain. Pumasok na rin sila dad at kuya dito at umupo na sila. Nag umpisa na kaming kumain at pinasabay na lang namin kumain ang mga kasambahay namin.Pagkatapos kong kumain ay pumasok muna ako sa kwarto ko saka kinuha ko 'yung bagong gitara na regalo sa akin ni kuya at pinatogtog ko ito.Biglang

  • The Secret Tail   CHAPTER 6

    Brianna's P.O.VHindi ko maiwasang maiyak dahil sa isda na nasa lamesa. Bakit hindi na gumagalaw 'yung isda? Siguro pinatay na nila ito huhuhu."Ayaw mo ba kumain niyan?" Tanong niya sa akin na nasa tapat ko lang."Kawawa naman 'yung isda kung kakainin ko." Bakit ba hindi niya na babasa ang nasa isip ko o maririnig man lang? Bingi ba siya?"Waiter please." Saka lumapit 'yung lalaki sa kaniya.May sinasabi siya doon pero hindi ko maiintindihan. Nang umalis na 'yung lalaki ay nag simula na siyang kumain. Naawa naman ako sa isda habang kinakain niya ang balat nito.Siguro kinain din nila si ate nung hinuli siya nung mga tao, ang sama talaga nila!"Weird, kumain ka na nga diyan." Kaya napatingin naman ako sa kaniya. Anong weird? Hindi naman weird ang pangalan ko.

  • The Secret Tail   CHAPTER 7

    Halley's P.O.V(10:50 PM)Hindi pa ako makakatulog kaya pumunta muna ako sa veranda. Hindi kaya na konsensya lang ako sa ginagawa ko kanina kay weird? Hindi pwede! At bakit naman ako ma konsensya? Eh siya pa nga 'yung pipi.Napatingin naman ako sa taas, ang ganda talaga tingnan ng mga bituin. Nang may narinig akong nag sasalita ay agad naman akong napatingin sa baba. Nakita ko si mom na may kausap sa phone niya."Sisiguraduhin niyo lang na hindi 'yan makakatakas... Maaga ako pupunta diyan, basta bantayan niyo lang 'yan ng mabuti... Okay bye." Nagulat naman ako nang tumingin siya dito sa direksyon ko kaya agad naman akong tumingin sa mga bituin.Mga ilang minuto pa ako nanatili sa ganitong position ko at nang biglang may kumatok sa pintuan kaya agad naman akong kinakabahan. Paano na lang kung papagalitan ako ni mom ngayon dahil sa mg

  • The Secret Tail   CHAPTER 8

    "Bro, diba siya 'yung babaeng kasama mo kahapon?" Sabay turo niya doon sa may tulay.Kaya napatingin naman ako doon. Nilapitan siya ng mga lalaki na mukhang adik habang siya naman ay umaatras."Kuya, ihinto mo." Saka niya naman ito hininto.Sabay kami lumabas ni kuya sa kotse at lumapit kami sa kanila."Ilang araw ka na dito?" At dahil pipi nga si weird ay hindi siya sumasagot. "Lumayas ka dito dahil teritoryo namin ito." Sabay nilang itinulak si weird."Hoy!" Kaya bigla naman silang napatingin sa amin ni kuya. "Alam niyo ba ang papangit ninyo?" Baliw talaga ito si kuya kaya nang dahil sa sinabi niya ay agad naman nila kaming nilapitan."Bakit? Sino ba kayo ha?" Tanong sa mukhang leader nila."Oo nga at ang kapal naman ng mga mukha niyong pagsasabihan niyo kaming pangit."Patago ko namang nilapitan si we

  • The Secret Tail   CHAPTER 9

    Brianna's P.O.VWala naman sinabi 'yung nakaka usap kong bato na maaari ko rin pala itong gamitin ang ibinigay niyang bato na maaari pala ako humiling dito na kung ano ano.Hindi ako makakapaniwala na nakakapagsalita na ako. Ginamit ko kasi 'yung dalawang bato at saka ko hiniling na sana ay makakapag salita na ako dahil naiinis na ako sa mga taong ito na palagi akong tinatawag na pipi."Ijo?" Pero hindi siya sumasagot at saka siya kumuha ng tubig.Nagulat naman ako nang pagka tapos niyang uminom ay bigla siyang tumingin sa akin."At kelan ka pa natutong mag salita?" Tanong niya habang masama 'yung tingin niya sa akin."K-kanina p-pa h-habang k-kumakain a-ako.""Siguro nagugustuhan niya 'yung pancit ijo.""P-parang ganon n-na nga." Sagot ko na lang dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na isa akon

  • The Secret Tail   CHAPTER 10

    Halley's P.O.VPagkatapos kong kumain ay pumunta na kami ni Brianna sa garden para mag usap. Ang dami kasing tanong na sa aking isipan kung sino ba siya sa akin? Magkakilala na ba kami o nagkikita na ba kami? Sa dinami daming tanong ay mas lalo akong naguguluhan kung sino ba siya talaga.Umupo ako kaya umupo rin siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa paligid habang dinadama ko ang simoy ng hangin."Sino ka ba talaga at saan ka nakatira?" Sa dinami daming tanong na gusto kong itatanong sa kaniya ay 'yun ang unang lumabas sa aking bibig."Ang pangalan ko ay si Brianna at nakatira ako sa dag--" Kaya napatingin naman ako sa kaniya dahil bigla siyang tumigil sa pag sasalita na para bang may nasabi siyang mali."Saan ka nakatira?" Pag uulit kong tanong sa kaniya."W-wala na akong tirahan." Kaya nag tataka naman ako kung bakit wala siyang

  • The Secret Tail   CHAPTER 11

    Brianna's P.O.V(11:23 PM)Hindi pa ako makakatulog dahil sobra akong naninibago sa kwartong ipinapagamit sa akin ni Halley. Nakahiga lang ako sa kama habang inilibot ko ang paningin dito sa buong kwarto.Biglang may kumatok sa pintuan kaya bumangon naman ako at pinag buksan ko ito."Bakit gising ka pa?" tanong niya."Hindi pa kasi ako makakatulog eh." sagot ko naman sa kaniya."Dapat maaga kang gumising bukas ah?" Kaya nagtataka naman ako."Bakit naman?" agad kong tanong sa kaniya."Ayaw mo bang sumama sa amin bukas?" natatawa niyang tanong."Ay, Oo nga pala, muntik ko nang nakalimutan." sabi ko habang napakamot sa aking ulo."Sige matulog ka na, maaga ka pang gumising bukas." Saka siya umalis kaya isinara ko na lang ang pinto.Pum

Latest chapter

  • The Secret Tail   SPECIAL CHAPTER

    Five Years Later...Brianna's P.O.VKaarawan ngayon ng nag iisa kong anak na si Scarlett. Limang taong gulang na si Scarlett kaya nandito kami sa dagat dahil dito magaganap ang kaniyang kaarawan."Mommy, nasaan na po sila Chloe? I want to play them na." nakasimangot nitong sabi nang lumapit sa akin."Don't worry anak, paparating na sila dito." sabi ng daddy niya sa kaniya.Si Chloe ang panganay na anak ni ate Tatiana at malapit na din siya manganganak sa pangalawang anak nila ni Calum.Nagkakaroon na din ng isang anak na babae sila Dauphine at Jax. Masaya naman ako para sa kanilang dalawa dahil mahal talaga nila ang isa't isa. Hindi na sila tulad ng dati na palaging nag aaway. Malaki na din ang pinagbago ni Dauphine at sobra din niyang mapagmahal na asawa para kay Jax.Samantala sila Harley at Diana naman ay mayroon na ding dalawang anak na lalaki. Hindi ko naman maiwasang mainggit sa kanila dahil matagal

  • The Secret Tail   EPILOGUE

    Calum's P.O.VHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapaniwala na ikakasal na ako sa babaeng pinakamahal ko. Masaya ako dahil ang babaeng pakasalan ko ngayon ay siya ang babaeng pinapangarap ko noon pa man.Mas lalo siyang gumaganda ngayon na habang suot niya ang gown. Hindi ko naman maiiwasang maging emosyonal nang nag lalakad siya papalapit sa akin ngayon dito sa altar.Nang nakalapit na siya sa akin ay hindi pa rin mawala ang aking pag tingin sa kaniya. Siya pa din ang Tatiana na nakikilala ko noon.Tatiana's P.O.V"Tatiana, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Calum na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" Tanong sa akin no'ng pari."Yes, father." Agad ko namang sagot."Calum, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Tatiana na iyong pakamahalin at paglingkuran habambuhay?" tanong naman sa kaniya no'ng pari kaya napatingin na

  • The Secret Tail   CHAPTER 50

    Brianna's P.O.VAlas onse na ng gabi kami nakauwi dito sa condo. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din si Halley dahil hindi niya talaga matanggap ang pagkamatay ng kaniyang mommy.Kaming dalawa lang ang nandito sa condo dahil nasa bahay ni Calum si ate Tatiana habang si Dauphine naman ay nando'n din sa bahay ni Jax.Napansin ko namang nag tulala lang siya sa may bintana kaya naisipan kong pag lutuan ko siya ng pagkain dahil kanina pa siyang hindi kumakain.Pumasok ako sa kusina para pag lutuan ko siya. Naisipan ko namang lutuan siya ng Honey Garlic Chicken Breast. Isa isa ko naman kinuha 'yong mga ingredients para sa lulutuin ko.Higit isang oras na bago ako tapos mag luto. Agad ko naman ito hinain at saka pumunta kay Halley."Love?" tawag ko sa kaniya at agad naman siyang napatingin sa akin. "Kumain ka muna, ipinagluluto kita." m

  • The Secret Tail   CHAPTER 49

    Harley's P.O.VNandito kaming lahat sa hospital habang binabantayan namin si mom. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang malay kaya hindi ko naman maiwasang mag alala sa kaniya. Sabi ng doctor ay kailangan pa daw siyang operahan dahil nasa utak pa rin ito ang bala.Hanggang ngayon ay nagdadasal pa din ako na sana ay mag tagumpay 'yong operation niya. Sabi kasi ng doctor kapag hindi daw ito mag tagumpay ay pwede siyang mamatay.--Flashback--Biglang tumunog 'yong cellphone ko kaya agad ko itong dinukot at saka sinagot. Nagtataka naman ako kung bakit tumawag sa akin ang isang pulis at nang sinabi niya sa akin ang kaniyang balita ay bigla naman akong na bubuhayan.Nakikita na daw nila si mom kaya agad ko namang pina alam ni Halley para malaman niya rin. Katulad ko ay na bubuhayan rin siya, hindi kasi namin akalain na sa kabila ng kaniyang pag kawala ay may makakakita pa pala sa kaniya.Agad naming pinuntahan ang lugar

  • The Secret Tail   CHAPTER 48

    Gorgia's P.O.VTulad ng pinapangako ko ay gaganti ako ngayon kay Victoria. Tanga nga si Axel dahil nahuli na nga nila ako pero pinakawalan niya pa rin ako."Ma'am, tapos na po naming lagyan ng dinamita ang buong dagat." Kaya napangiti naman ako sa sinasabi ng aking tauhan.Isa siya sa mangingisda na inuutusan ko na gawin iyon. Nahihiripan pa nga akong paki usapan siya kaya binigyan ko sila ng tig isang milyon taga mangingisda para ma papayag ko lang sila."Sisiguraduhin niyo lang na mahuhuli niyo ang lahat ng sirena at lalong lalo na si Victoria." sabi ko."Pero ma'am, mukhang imposible naman po na mahuhuli namin silang lahat at sino po si Victoria? Isa rin ho ba siyang sirena?""Tumahimik ka hangal!" Kaya nabigla naman siya. "Baka nalilimutan niyo 'yong pinag uusapan natin, dapat niyo silang makuha.""Masusunod po." At saka siya umalis.Hindi na kasi ako makakapag hintay pa na makikita ko silang lahat

  • The Secret Tail   CHAPTER 47

    Brianna's P.O.VNang nakalabas na kaming tatlo sa condo ay agad naman naming nakikita sina, Halley, Calum at Jax habang naka sandal sa kanilang mga sasakyan.Isa isa naman kaming lumapit sa kanila. Nang nakalapit na ako kay Halley na habang nakapamulsa lang ay pinag buksan niya naman ako ng pinto saka ako pumasok. Habang nakikita ko naman sila ate sa side mirror.Umuna na kami habang sila ay naka sunod lang sa amin. Higit isang oras kami nasa biyahe at hanggang sa hininto na ni Halley ang kotse.Napatingin naman ako sa labas at hindi ko naman maiwasang maninibago sa lugar na ito dahil first time pa ako dinala ni Halley dito.Pinag buksan niya na naman ako ng pinto at saka ako lumabas habang naka hawak sa kaniyang kamay.Nakita naman namin na ipinarada rin ang sinasakyang kotse nina ate at Calum, kasunod naman ang kotse ni Jax na siya rin ang sinasakyan ni Dauphine.Nang lumabas na sila sa kotse nila ay sabay naman kaming

  • The Secret Tail   CHAPTER 46

    Dauphine's P.O.VNang naka labas na ako sa condo ay nag mamadali naman akong nag lalakad papunta sa bahay ni Jax. Wala akong pakialam kung gaano pa ito kalayo dahil ang importante lang ay ang makakausap ko siya.Habang nag lalakad ako ay wala akong ibang iniisip kun'di ay si Jax lang. Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon, na para bang sobrang bigat kapag hindi ko siya makaka usap.Napagtanto ko na rin na naging harsh din ako sa kaniya noon. Hindi ko man lang iniisip ang naging nararamdaman niya.Oo galit ako sa sarili ko dahil sa ka artehan ko, 'yan tuloy nakakapanakit na ako ng damdamin. Kaya gusto kong humingi sa kaniya ng patawad dahil sa nagawa ko sa kaniya.Nang narating ko na ang kaniyang bahay ay hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod sa kakalakad dahil mas nangingibabaw pa sa akin ngayon ang konsensya kong nararamdaman.Pinindot ko na 'ying doorbell, mga ilang minuto pa bago niya ito binuksan. Medyo naiilang naman

  • The Secret Tail   CHAPTER 45

    Dauphine's P.O.VTulad ng nakakasanayan ay tulog mantika pa rin itong si Brianna habang kami naman ni Tatiana ay masayang sinusubukan ang lahat na mga damit na ibinigay sa amin nina Diana at Elaine.Noong una ay akala ko mga maldita 'yong sina Elaine at Diana pero nagkakamali lang pala ako. Binigyan pa nga kami ng maraming damit kaya sobrang saya ko talaga dahil mas gumaganda pa ako kapag suot ko ang mga damit na ito."Bagay ba sakin?" tanong sa akin Tatiana habang nasa harapan ng salamin."Syempre naman dahil 'yan ang pinili nila Elaine para sa 'yo." sagot ko sa kaniya habang inaayos ko rin ang suot kong damit. "Ako ba? Bagay rin ba sa akin?" At saka naman siya tumango.Kailangan ko talagang mag papaganda ng maayos dahil concert ngayon ni Jax at gusto kong mag mukha akong maganda doon.Nagulat naman kami ng biglang nag sasalita si Brianna sa likuran namin."Aga aga naman." sabi niya habang nakapikit pa ang mga mata.

  • The Secret Tail   CHAPTER 44

    Tatiana's P.O.V(1:00 AM)Sobra akong namangha na nag kakaroon na ako ng mga paa. Hindi ako makakapaniwala na magkaka totoo nga pala ang pinapangarap pa lang namin noon ng kapatid ko. Nang dahil sa kwintas ng secret tail ay natupad ang aming mga pangarap.Napatingin naman ako kay Brianna na natutulog na sa kama. Hindi ko inaasahan na natuto na rin pala siya kagaya ng mga tao na makakaramdam na din ng pagod, parang ganap na talaga siya na tao."Grabe naman itong maka hilik si Brianna." Angal ni Dauphine habang nakahiga rin sa sarili niyang kama."Hayaan mo na nga." natatawa kong sabi sa kaniya.Hindi pa rin mapawi ang sobrang saya ko sa araw na ito dahil unang una ay nang ligaw ulit sa akin si Calum kaya sobra ko talagang saya. Ang pangalawa naman ay naging tao na ako, hindi lang ako dahil pati na rin sina Brianna at Dauphine.Brianna's P.O.V(5:00 AM)Nagising ako tulad ng aking nakakasa

DMCA.com Protection Status