Nakatingin ako sa malayo habang patuloy na iniisip kung bakit nga ba nangyayari ito sa akin. Malalim akong napabuntong hininga. "Saan tayo pupunta, Redenn?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at kasalukuyang nagmamaneho nitong sasakyan na lulan ko. "D'yan lang, magliliwaliw. At saka susunod sa utos pfft," sagot naman niya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi naman na ako kumibo matapos nang kanyang sinabi. "Renice," biglang pagtawag niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa daan habang nagsasalita. "Kumusta na pala kayo ni Michael? Nag-usap na ba kayong dalawa tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito bigla sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kahit hindi banggitin ni Redenn ang pangalan ng tinutukoy niya, alam ko sa sarili ko na 'yong babaeng 'yon ang tinutukoy niya. "Wala," simple at mabilis na sagot ko. "Wala?" tanong pabalik naman nito sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Na-da-drain ako. Feeling ko
Hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos, pero kahit ano man ang mangyari, gagawin ko ang lahat para maging maayos. Mabagal akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Masakit ang ulo ko at mahapdi ang aking mga mata. "Anong oras na ba?" untag ko bago ako napahinga ng malalim. Mag-a-ala-sais na pala ng umaga. Kailangan ko nang kumilos dahil alas-otso ang oras ng klase ko ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama bago ako naglakad papunta sa vanity table. Magang maga ang mga mata ko at pulang pula. Paano kaya ang gagawin ko nito? Hindi kasi ako nakatulog matapos kong umiyak ng umiyak kagabi. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Dahil hindi ko deserve ang ganito, akala ko maayos kami. Akala ko okay kami. Pero ito, buwan na ang nakaraan pero wala pa rin siyang paramdam. Malalim akong huminga bago ako naglakad na papunta sa pintuan nitong kuwarto. Wala na si Ranie rito sa kuwarto dahil alas-sais ang oras nang simula ng klase niya. Pareho sila ni Reev, at sa
I didn't know what happened. All I know is nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ni Michael. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto sa akin nang huling sinabi ni Michael. Si Michael ang unang pumasok sa loob ng kwarto rito sa loob ng opisina niya bago ako mabagal na sumunod. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko. Mabagal naman akong nilingon ni Michael bago niya binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto. Mabilis ko namang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust ang aking paningin sa biglang liwanag na siyang nagbigay ilaw sa amin. "I know you have loads of questions," panimula niya sa usapan naming dalawa. Mabagal ko namang idinilat ang aking mga mata at tinignan siya. Nakatayo si Michael ngayon sa tapat ng isang silver na box. Ito 'yong mga box na nakita ko no'ng nakaraan. Katabi rin ng mga box na 'yon ang isang mahabang silver na lamesa. "Oo, marami. Masasagot mo na ba ang mga bagay na 'yon
Hindi ko alam kung ano nga ba nangyayari sa akin. Basta akong ang hirap. Mahirap. Naging mahirap para sa akin ang mga nagdaang araw, pero ang makitang masaya ang pamilya ko ang isa sa mga bagay na nagpapagaan sa loob ko. "Anak, kain na!" nakangiting pag-aya sa akin ni Mommy. Napangiti na rin ako. Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Mommy. Magmula nang nangyari no'ng nakaraan ay mas pinili kong manatili rito sa bahay kaysa sa bahay ni Michael. Hindi na rin ako pumasok pa sa opisina ni Michael, pero dala-dala ko ang mga folder na naglalaman ng profile ng mga stockholder at investors ng Seth Corporation. "Opo, Mommy. Maya-maya po ako, sunod na lang po ako," sagot ko naman kay Mommy. Maayos na rito sa bahay. Hindi ko kasi alam na sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Michael ay napagawa na pala niya na pala ang bahay ni Mommy. "Sigurado ka ba? Baka naman malipasan ka ng gutom," sagot naman pabalik sa akin ni Mommy. Ngumiti naman ako bago ako umiling. "Okay lang po ako. May
Hanggang kailan ko kaya 'to titiisin? Sa loob ng mahigit isang buwan, napakarami ng nangyari. Marami rin akong nalaman hindi lang sa buhay ng iba, kung hindi sa sarili ko na rin. Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ko ang araw na dinala ako ni Michael sa hideout nila. Flashback "Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang
I was so confused sa kung ano nga ba ang dapat kong unahin. Nalilito ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Malalim akong napabuntong hininga. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman
Matagal ko na itong nararamdaman pero j hindi ako sigurado. Malalim akong napabuntong hininga. Tulala akong nakatingin ngayon sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood matapos nang mga narinig ko kanina. Ang maalala ang sinapit ni daddy ay patuloy na gugulo sa isipan ko hanggang sa makilala ko kung sino ang walang hiyang nakapatay sa kanya at tinakbuhan ang kanyang nagawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noong araw na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. "Are you okay?" mabilis akong napatingin sa aking likod matapos kong marinig ang boses ni Michael. Kaagad kong pinunasan ang luha kong kanina pa kusang tumutulo. "O-oo naman," sagot ko bago ako huminga ng malalim at nilingon siya. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. "What's the matter?" biglang tanong nito bago naglakad papalapit sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Ni-minsan kasi wala pa akong pinagsabihan sa
Sana alam ko kung ano ang dapat kong unahin. Nakaupo ako sa isang upuan. Nakapalibot kami sa isang malaking lamesa. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na ito, samantalang biglaan lang naman ang pagpunta namin ni Michael dito. "Maligayang kaarawan, anak!" pagbati ni mommy bago siya umupo sa aking tabi. "Salamat po, Mommy," nakangiting sabi ko bago ko siya mahigpit na niyakap. "Matapos ang nangyari dati sa daddy mo, at sa pamilya natin, 'di na natin na-ce-celebrate ang kahit kaninong birthday. Kaya masaya ako na nagkaroon ng pagkakataon na ma-celebrate natin ang araw na 'to," sabi niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahil totoo naman, ni-hindi ko na nga napapansin na tapos na pala ang kaarawan ko maliban na lang kung mabanggit ang araw na 'yon. Matagal ko na kasing kinalimutan ang araw ng kaarawan ko. Hindi naman dahil sa may kung anong 'di magandang nangyari no'ng araw na 'yon, ayaw ko lang din kasi bigla na lang maalala nila mommy ang pagkawala ni daddy,
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are
"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa."How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho."Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na."What was his job?" biglang tanong ni Michael.Natigilan
I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl
I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I