Daisy's POV"Ma, are you mad at me?" Thena asked.I smiled then I looked to her reaction on rear mirror, "Why would I be mad at you for doing the right thing?"Ngumiti rin si Thena sa repleksyon ko. Bumaba ang tingin niya sa harap ng sasakyan tapos ay tumaas ang mga kilay. "Ayon ata yung father ni Miri oh," aniya.Tinignan ko ang tinitignan niya. My broes shot up when I saw Eros hugging a crying girl, sa tingin ko nasa edad lang din ni Thena. "Yan po yung binully nila Jess, buti ho kasama niya na yung father niya." Nilapit ni Thena ang mukha niya seat ko, "And did you know Mom, they are cousins! How can you do that right?"Humigpit ang hawak ko sa manibela. Eros and Leizhe had a daughter with the same age of Thena, so does that mean magkasama palang kami ay nagloloko na siya? When was that, sa lamay? O bago ang lamay? Kapag ba nangingisda siya ay sumasaglit siya sa San Isidro para makapagkita sila? Yun ba ang kinakatakot niya kaya ayaw niya ako pabalikin? At yon ba ang dahilan kaya
EROS' POVNilagok ko ang alak na nasa loob ng bote. Nakasandal ang isang braso ko sa fence ng tulay habang nakatingin ako sa dulo ng natatanaw ko sa ilog. Rinig na rinig ko ang bawat pagdaan ng sasakyan sa kalsada at mayroon pang mga bumubusina dahil siguro sa bagal ng daloy ng trapiko.Hindi maalis sa isip ko ang boses ni Ryann, sobrang lambing ng bawat salitang lumalabas doon kahit kapag nagsusungit siya; kasing lambing ng kung paano ako kausapin ni Daisy. Hindi lang pagsasalita ang may pagkakapareho sakanila, pati yung kilos niya ngayon ay parang si Daisy na rin, yung paraan ng pagsasalita at pati na rin yung pag-irap.Natawa nalang ako sa naiisip ko tsaka ako muling uminom mula sa bote. Baka dala nalang ito ng lungkot na nararamdaman ko. Siguro kaya nakokompara ko na si Ryann kay Daisy ay dahil kahit labing-anim na taon na ang lumipas simula n’ong araw na iyon, hindi ko parin matanggap na wala na nga ang mag-ina ko.Dahil alam ko sa sarili kong qala akong nagawa para iligtas sila.
Thena’s POV“Ma!” bati ko kay Mama nang makapasok na ako sa bahay. Nasa hapagkainan na siya at nagpe-prepare na ng hapunan. Tumakbo ako papunta sakanya at hinalikan siya sa pisngi.“Hmm you’re late,” puna niya.“Si Papa kasi nasiraan ulit ng sasakyan,” reklamo ko. Hinila ko ang isang upuan at umupo na roon, “Now I agree with Mama na you should buy a new car na, ilang beses nang nasisira itong sasakyan mo, Papa.”“Wala sa budget ang bagong sasakyan, anak,” katwiran ni Papa habang nag-aayos. “Isa pa, kaya pa namang maayos.”Napangiwi nalang ako. Pinagkrus ko ang mga braso ko habang sumisipa sa hangin. Ilang beses na kasing nasisira yung sasakyan sa magda-dal’wang linggong pagpasok ko sa OHS. Natatakot lang kasi ako na baka isang araw eh maaksidente na si Papa sa kakamaneho ng lumang sasakyan, walong taon pa ata ako nang binili niya ‘to e.“How’s your day in school, baby?” Mama soothed.“Marami pong quizzes today, ugh, stressful!” I ranted.“Stressful?” Mama chirped. “Eh panigurado naman
Thena's POVKakalabas ko palang ng pinto ay niyakap na ako ng malamig na hangin, tinatangay pa ng hangin ang buhok ko sa direksyon kung san papunta ito, kung hindi lang nakakabit sa ulo ko ay baka nilipad na iyon. Mula sa rooftop ng commercial building na kasalukuyang inuupahan ni Mama ay tanaw ang mga kabilang building at mga kabahayan.Pinatayo ko yung easel stand at yung fordable chair ko. Inilabas ko na rin ang canvas pati ang mga gamit ko sa pagp-paint. Pabalik-balik ang tingin sa tanawin tapos lipat sa pinepaint ko. Palubog ang araw kaya naman sa tingin ko ay magandang subject ang view rito.“Hmm, you’re talented.”“I know,” sagot ko nang hindi nililingon ang lalaking nagsalita.Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang isang lalaking nag-Indian-sit sa tabi ng upuan ko. Hindi ko parin pinansin ang presensya niya dahil abala nga ako sa pag-painting. Kahit hindi ko balingan ay parang nakikila ko parin ang boses niya, sigurado kasi akong narinig ko na ang boses niya sa kung saan.“W
Daisy's POV“Kami na ho oorder, Ma,” pagboboluntaryo ni Athena nang nasa loob na kami ng D.A’s desserts.“Here, bring this.” Inabot ko sakanya ang credit card ko, nang makuha niya na ay agad siyang umalis kasama si Miri at Rogel para umorder.Pinagmasdan ko lang sila habang nakapila. Ngayon ko lang din nakita si Athena na nakikipagtawanan sa ibang tao, I can see how happy she is with her friends. Why the fuck is the world doing this to me?“Anak ni Mang Gregor si Rogel, nakwento ba ni Axel si Mang Gregor?” biglang pagsasalita ni Eros.“Huh?” tugon ko. Si Mang Gregor, kaya siguro ako kilala ni Rogel dahil kay Mang Gregor. Now I wonder how is he, ni wala akong balitang naririnig tungkol sakanya. “Sinong Mang Gregor?” pagmamaang-maangan ko.“Our driver back in college.”“Ahh, Axel never told me anything,” I lied.Tinitigan lang ako ni Eros at alam kong may iniisip siyang teorya sa utak niya dahil sa titig niya. I feel uncomfortable... I don't know if I will ever be comfortable around him
Athena's POV"Miri, may naghahanap sa'yo," pamamalita ng isa sa mga kaklase namin.Mula sa binabasa kong libro ay napaangat din ang tingin ko nang marinig ang sinabi ng kaklase ko. Napalingon ako sa bintana ng classroom, nakita ko si Ica kasama si Cairo. Nagtatawanan pang nag-uusap.Iniwan ko ang libro na hawak ko para sumunod kay Miri. Pinulupot ko ang mga braso ko sa braso niya at tatalon-talong pa akong naglakad.“Kailan mo gustong mag-umpisang magreview?” Ica asked.“Huh?” nagtatakang usal ni Miri. Napakamot pa siya sa noo niya nang siguro ay maalala na pair sila sa quiz bee, “Ah, Sunday lang ako free eh.”“Great, then magreview kayo sa Sunday!” pagsali ko naman sa usapan. "Aw!"Napabitaw ako kay Miri nang bigla akong hilain palayo ni Rogel sa braso ko. Napasandal pa ako sa braso niya.“Kung makisali ka naman sa usapan akala mo kasali ka sa quiz bee.”“What’s your pake ba?” Tinignan ko si Miri, I showed her my puppy-dog eye then I slightly made my cheeks bigger, “Pwede naman ako s
Miri’s POVPinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng plain white off-shoulder top at itim na palda na abot hanggang tuhod ko, sa laylayan niyon ay may mga roses na pula. Nagsuot ako ng itim na flat shoes para pantapal sa paa ko, ang maiksing wavy hair ko naman ay nakatali ng round pig-tail.Hindi na ako naglagay kahit na anong make-up dahil pakiramdam ko ay hindi na naman kailangan, makapal naman ang mga kilay at pilik-mata ko. Medyo mapula rin ang labi ko, hindi rin naman masiyadong marami ang tigyawat na nasa mukha ko para takpan pa iyon.Nang bumaba ako galing sa second-floor ng bahay naabutan ko si Mom na abala manood ng tv, patawa-tawa pa.“Aalis na ho ako, Mom,” paalam ko.“Yeah, yeah, go,” tanging tugon ni Mommy. “Just make sure you do good, baka ipahiya mo naman ang pangalan ko sa school kapag natalo ka sa competition.”Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili kong maluha. Umatras nalang ako nang isa tapos ay tumalikod na para umalis. Nag-init ang mga ma
Daisy’s POVMay kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako r'on. Bumukas iyon, nakita ko ang kamay ni Angel na binubuksan ang pinto kaya binigay ko sakanya ang buong atensyon ko."May meeting po kayo at 2:30 pm, Ms. Red," pagpapaalala niya.Tumango ako nalang ako at tinignan na ang screen ng laptop ko, "Sige salamat.""Tsaka, si Architect Vidal po nasa lobby, gusto raw po kayong makausap.""Paakyatin mo rito," utos ko habang nakatingin sa folder.Ilang minuto lang ay pumasok na ng opisina ko si Architect Asuncion. He closed the door then he sat down on the chair that is standing in front of my desk. May inilapag siyang portfolio."May I talk to you regarding the building?"Kumunot ang noo ko sa pagiging kaswal niya. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagch-check ng designs na napasa ng mga empleyado ko."It is important that you report to me everything about my buildung but not in this way.”"Pero…”Suminghap ako at pagod siyang tinignan, "How's Miri, by the way?"“Ah, s
Athena’s POV[W: Contains minors drinking liquor, please, wag gagayahin.]“Well, it is partially your fault though, kung hindi ka gan’on umatake edi sana hindi ka naiwan mag–isa ng mga kaibigan mo,” pasigaw na sabi ni Ica habang umiindak pa.Sinasabayan niya ang tugtog sa loob ng club. Angsakit ng tainga ko sa lakas ng tugtog. Sobrang dilim ng paligid at may mga ilaw pa na iniikot ang buong club. Masikip dahil maraming tao kaya naman nakatayo lang kami nila Ica. So this is what a club looks like in person.Umirap ako kay Ica saka ako humigop sa orange juice ko, “Hindi ko ginusto yung epekto sakanya n’on pero bagay lang sakanya, masiyado na siyang umeepal sa buhay ko.”Nakita ko ang pagngisi ni Jess at nung isa pa nilang kasamang babae na kanina pa tahimik. May nakayakap kay Jess na lalaking mas matangkad sakanya habang pareho silang gumigiling. Naalala ko tuloy bigla si Rogel. Naghihintay kaya siya ngayon sa tree house?Speaking of Rogel, umilaw ang phone ko dahil sa notification na
Athena’s POVIlang araw gumugulo sa isip ko ang mga sinabi ni Papa sa video. How come our life gets tangled? Hindi ko parin maintindihan… bakit niya nagawang ilayo ako sa tatay ko? Alam kong mahal niya kami at ramdam ko iyon pero that’s too evil! Hindi ko naman kayang magalit dahil anong sense? Wala na rin naman siya."Athena, tawag ka ni Ma'am!"Bumalik ako sa katinuan nang hinawakN ako ni Miri sa balikat. Napalingon ako sa harap kung nasaan si Mrs. Liezhe na nag–aabot na ng papers. Tumayo nalang ako at kinuha na ang exam results ko. "Congrats, Athena, you did a great job in your exam," nakangiting papuri ni Mrs. Liezhe.Napatingin ako sa exam results ko. All twelve subjects are passed... not just passed, they are all A+ kung ikukumpara sa ibang bansa ang grAthenang system. I didn’t know I can achieve this kind of grades.“Kailangan mo lang palang magluksa para tumalino eh,” pangangantyaw nung isang kaklase kong lalaki na sinundan naman ng tawanan ng mga kaklase ko.“Nakakatuwa yon?
Athena’s POVI couldn’t hear anything properly anymore. All I could hear are my loud heartbeats, my breath, and the sound of my shoes every step that I take. I don’t cry but it’s heavy inside my chest.“Where’s Papa?” I asked as soon as I saw Miri.Miri was crying outside the emergency room. Her uniform was full of blood, so are her arms and hands. She refused to speak; she stayed whining while hugging herself.“Miri, what happened,” Mama asked Miri.Lalong hindi na nakasagot si Miri nang lumabas na ang doctor mula sa emergency room. Lumingon ang lalaking doctor kay Miri bago nito tinanggal ang face mask niya saka siya bumuntong hininga, I even saw him licking his lips.“Who is patient’s guardian?” the doctor asked.“I’m the wife.” Mama pulled me towards her back by holding my hand, “How’s my husband?”Judging Mama’s shaky hands, I knew she’s also scared. Kitang kita ko ang malalaking patak ng pawis sa noo niya at ang luha na pabagsak na mula sa mga mata niya. Kahit naman may galit si
Athena’s POVI woke up inside my old room. Ang alam ko ay sa sofa ako nakatulog, inilipat ata ako ni Papa. Binuksan ko ang cabinet ko, mabuti nalang at may naiwan akong mga uniform dito. Ano naman kung isipin ng mga tao na nagcheat ako? At least I have Papa who believes in me. Papatunayan ko sakanilang lahat na hindi ako nagcheat. I won’t let my hard to be mistaken as cheating.Nang makapag-asikaso na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko sa kusina ay nakita ko si Papa na naghahanda ng almusal. Pagkakita niya palang sakin ay ngumiti na siya nang malaki na para bang hinihintay niya talaga ang pagbaba.“Good morning,” bati niya. Naglalagay na siya ng tapa sa pinggan kong may fried rice na at itlog, “Special almusal para sa bunso ko.”“Bunso talaga?” I chuckled as I sat down on my chair. “Hindi naman po kami magkapatid ni Miri.”“Magkapatid kayo, iisa nga ang Papa niyo eh!”Ngumuso nalang ako. Though I always wanted Miri to be my sister, naiinis parin ako sakanya. Point 4 lang ang
Daisy’s POVNakayuko lang si Athena habang nasa loob kami ng guidance office, nakakrus pa ang mga braso niya at nakataas ang kilay.“Mrs. Guerrero, we both know that cheating is ground of suspension,” paalala ng Principal. “I’m sorry but we can’t do anything about this.”“Wala ho bang cctv sa locker’s area?” tanong ko sa Principal.“Wala hong gumagana na cctv sa banda roon,” sagot ng Principal.“Then why are you putting broken cctv’s inside the locker’s area?” inis na sabi ni Athena.“Athena, tinanong na kita kanina kung may pinagbigyan ka ba ng susi ng locker mo at ang sagot mo naman ay wala,” mahinahong paliwanag ni Athena.“Yes but it doesn’t mean that no one is capable of stealing it!” pagtatanggol pa ni Athena sa sarili niya.“Pero nasa iyo ang parehong copy ng susi mo,” sagot pa ng Principal. The Principal gasped for an air, “Hindi ko rin sinabi na hindi tayo gagawa ng imbestigasyon tungkol dito, pinapaalala ko lang na kapag napatunayan na nagcheat ka, you could be suspended.”N
Daisy’s POV“So what’s your catch?” I asked Axel as soon as Athena entered her school. “Bakit bigla mong sinusuyo si Miri ngayon?” pagtatanong ko pa.“Gusto ko lang magkalapit kami ng bata.”“Sa labing-anim na taon, ngayon mo lang gustong mapalapit sakanya?” pagtataas ko ng kilay sakanya. Ngumisi nalang ako saka ko tinignan ang huling rosas na hawak niya, “Masiyadong mo nang nasaktan yung bata, hindi pa ba sapat ‘yon para sa’yo?”He sighed deeply as I saw how he tightened his grip to his rose. “I know,” nanghihina ang boses niya nang sabihin niya iyon. “That’s exactly the reason why I want to make things up for her, I feel like I’m a horrible person.”Sumandal ako sa sasakyan ko at pinagkrus ko ang mga braso ko. “Buti alam mo,” pasaring ko. “Sinira mo yung buhay ni Miri, yung buhay ko, at yung pamilya namin ni Eros; you’re the worst…”“Look, makapal na ang mukha ko kung hihingiin ko ito sa’yo but please help me to have my daughters’ trust again.”“And what is it for me?” I smirked.“I
Athena’s POV “I know the quiz bee just ended and our school wasn’t successfully achieved the grand prize but our students Maica and Mirabella did their best so let’s give them a round of applause!” anunsyo ni Ma’am Leizhe. Nagpalakpakan ang buong classroom para kay Miri habang si Miri naman ay nananatili lang na tahimik sa tabi ko. Siguro disappointed parin siya tungkol sa pagkatalo nila, simula rin kasi n’on ay halos hindi niya kami pansinin ni Rogel. “You did great, Miri,” I whispered in between the sound of our claps. “But sometimes, our greatest is not enough,” tugon ni Miri saka naglabas nalang ng papel niya. Nagkatinginan kami ni Rogel na kasalukuyang nakaupo sa tapat kong upuan, narinig niya ata kami ni Miri. “Another announcement, my dear class,” ani Ma’am Leizhe. Lumakad siya patungo sa harap ng table niya, “Next week will be our exam week so I want you to prepare for that and I wish you the best.” Pagtapos ng lahat ng klase at mag-uwian na ay bigla nalang tumayo si Mir
.Athena’s POV“Salamat ha,” sabi ko habang naglalakad kami ni Rogel sa side walk ng kalsada. Nilakad lang namin mula roon sa bahay ng Strauss patungo sa condominium building na inuupahan namin ngayon dahil malapit lang naman. “You know what you made me feel better.”“Eh hindi nga ako nagsalita e,” he laughed.“Well sometimes people just need someone to listen not someone to talk to.” Tinapik ko ang likod niya saka ako ngumiti sakanya, “You’re such a good listener, Rogel.”He showed me a warm smile. Huminto na ako sa harap ng building kaya naman huminto na rin siya. Tiningala niya ang building, para bang kusa pang bumagsak ang labi niya dahil sa pagkamangha.“Angas, dito kayo tumitira?” he gasps then he looked at me. “Pangarap ko lang dati dito eh.”I playfully hit his shoulders, “You can always sleepover.”“Talaga?” he excitedly uttered.“Yes!” I answered. “With Miri, Ica, and ohh, I would love it if Cairo’s there.”“Ah…” bigla ang pagbagsak ng energy niya, may binulong pa siya na hin
Inilapag ko yung belt bag ko sa de kahoy na upuan. Dumeretso ako sa kusina para tignan ang mga nakatakip na pagkain. Tuyo at tortang talong ang nasa plato. Kumuha nalang ako ng plato para kumuha ng kanin tapos ay naglagay ako ng ulam sa plato ko.Habang kumakain ako nakatingin lang ako sa cellphone ko. Natatawa lang ako sa pinag–uusapan ni Ica at ni Miri tungkol sa math subject namin sa gc. Hindi naman ako natatawa dahil nakakatawa yung pinag–uusapan nila, natatawa ako kasi wala akong maintindihan.“Rogel,” narinig kong tawag ni Tatay. Pagtingin ko sakanya ay palabas na siya ng kwarto.“Tay.” Tumayo ako para magmano sakanya na pinagbigyan niya naman, “Si Nanay?”“Nagb–bingo kesa Pasing,” sagot ni Tatay. Napakamot siya sa ulo niya tsaka siya tumingin sa belt bag kong nasa upuan, “May pera kaba diyan, penge naman pang–isang gin lang?”Kinuha ko agad ang belt bag ko para hindi na makakuha si Tatay roon, “Eh tay, pangbaon ‘to ni Randy eh.”Kumunot ang noo niya sabay hila sa bag, “Magkano