Kourtney "Hala Ma'am hindi ko po alam. Para lang po kasi na nag uusap sila e. Wala naman akong narinig na sigawan sa mga ito." Todo hingi ng sorry nito sa akin. Pero ano pa ang magagawa ng sorry niya. wala na, natangay na nila si Faye at base sa pag uusap ng mga ito ay may balak na masama si Marco dito. Kung alam ko lang na mangyayari ang bagay na ito ay hindi ko na sana pina labas pa si Faye. Tiniis ko na lang sana ang cravings ko at umaga na lang sana ito bumili at least yun ay hindi basta basta makakalapit sila Marco dito dahil marami ang makakakita sa mga ito. Walang dapat talagang sisihin kung hindi ako. Kung hindi dahil sa kagagahan ko. Kaya naman mabilis na nilabas ko ang aking phone upang tawagan ang parents ni Faye. Ang mag ito lamang ang alam ko na makaka sagip kaagad kay Faye at makakahanap kaagad kung saan man dinala ng mga ito. Naka ilang ring muna bago ko nadinig mula sa kabilang linya si Alex ang Mama ni Faye. "Oh Kourtney napa tawag ka? dis oras na ng
Kourtney Pagkatapos ko tawagan si Dad ay kung sino sino pa ang aking mga tinawagan at hiningian ko ng tulong na mga kaibigan ko at mga kakilala. Nakarating na rin ako sa bahay nila Kourtney. Mabuti na nga lang at kilala ako dito ng mga guard nila na kahit alanganin ang oras ay pinapasok pa rin ako. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ng mga ito ay ang unang humarap sa akin ay ang kapatid nito na sumunod sa kanya. "Ninang Kourtney bakit po kayo napa sugod dito? Kasama nyo po ba si Ate Faye?" tanong naman nito kaagad sa akin. "Hindi ko kasama si Faye at kaya ako nandito upang hintayin na dito ang parents nyo kasi nawawala si Faye at tinangay siya ni Marco yung manliligaw ko. Natatandaan mo yung dinala ko noon dito nung wedding anniversary nila Mommy mo." paliwanag ko naman dito kaagad. Nakita ko ang biglang pag kunot ng noo nito at pag kuyom ng kanyang kamao." ilang oras ng nawawala si Ate Ninang?" tanong naman nitong muli sa akin . "Wala pang isang oras siyang nawawala.
Kourtney Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaction ko ng marinig ko ang sinabi ni Tito. My god pinag pustahan pa pala kami ng mga ito. Sila Alex at Agata kaya ano naman ang reaction ng mga ito kapag nalaman nila na kami na ng anak nila. Hayst bakit ba yun pa ang uunahin ko na isipin. Dapat ay kung paano mahahanap kaagad itong si Faye dahil dilikado talaga ito kay Marco.. Sa mga pinag gagawa nito at pinag sasabi niya ay malamang na wala na itong pakialam pa kung ano ang kahihinatnan ng kanyang mga gagawin. Parang handa na rin itong mamatay. Hindi pa lang ito mamatay kung gayun at e dadamay pa talaga niya kami ni Faye na ang gusto lang naman namin ay ang maging maayos na ang lahat at tahimik na mamuhay na mag kasama nito. Mahirap ba talaga na hilingin ang bagay na yun. Tsaka wala akong kasalanan dito kung tutuusin dahil unang una pa lang ay nilinaw ko na sa kanya na wala siyang aasahan sa akin. Pero siya itong mapilit na ipag pilitan ang kanyang sarili sa akin. Ma
Agata Faye Nagising na lang ako dahil sa lamig at sakit ng ulo na aking nararamdaman. Isang lumang kwarto na parang hindi na nagagamit ang aking naka mulatan at ako ngayon ay naka tali ang aking mga kamay at paa sa isang silya. Marumi rin ang kwarto na kinaroroonan ko at may mga napansin pa nga ako na mga ipis. Pero hindi yun ang inaalala ko. Inaalala ko ngayon ay si Kourtney. Sure ko na sobrang nag aalala na ito sa akin at tsaka natatakot din ako na baka balingan din ito ni Marco lalo pa nga at mag isa lang yun sa condo ngayon. Kailangan na maka isip ako ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na ito. Dahil hindi pwede na mag tagal ako dito at baka kung ano na lang bigla ang maisip nitong si Marco na gawin sa akin.. Hindi ko pa kayang iwan ang Mahal ko. Kaya hindi pa ako pwede na mamatay na lang dito. Alam ko din na ginagawa na ng parents ko ang lahat ng kanilang magagawa upang matuntun ako dito. Lintik lang talaga ang walang ganti. Maka alis lang talaga ako sa luga
Agata Faye “Subukan mo lang gawan ng masama si Kourtney at sinasabi ko na kahit sa ka apo apohan mo ay pag babayarin ko ng malaki!!” Galit na sigaw ko dito. Wala na ubos na ang pasensya ko sa kanya. Lalo pa nga at may balak pa itong masama kay Kourtney na hinding hindi ko mapapayagan na mangyari.. “Siguro masarap yang si Kourtney no. Bakit? Natikman mo na ba? Hayaan mo at ti tikman ko din para naman malaman ko kung gaano nga ba siya kasarap. Hindi ko naman kaagad agad papatayin e. Da dalhin ko muna sa langit at ng matikman naman niya ang romansa ng isang tunay na lalaki na katulad ko na may bayag at hindi ang katulad mo na daliri lang ang meron. Na kahit kailan ay hindi ng hindi mo siya mabibigyan ng anak na hindi kaya ko na kahit ilan pa ang gustuhin nito” Natatawa pa na dagdag na pang iinis nito sa akin . Dahil sa narinig ko na yun ay tuluyan na akong nawala sa aking sarili. Panay na ang mura ko dito at sigaw sa kanya. Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang pwede nitong gawi
Agata Faye Napa kuyom na lang ako ng kamao dahil doon. Pumikit na lang ako at inalala na lang ang masasayang alala namin ni Kourtney at ng pamilya ko. Mukhang kailangan ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang ako. Na hanggang dito na lang ang buhay ko at pina lasap lang sa akin ang kaligayahan sa piling ni Kourtney kahit sa napaka iksing panahon lang. At least naranasan ko na kahit paano ay mahalin ng pinangarap kong babae. “Oy nanahimik ka na dyan ah. Hindi pa nag si simula ang pag torture namin sa iyo e namutla ka na dyan. Hayaan mo at da dahan dahanin natin para naman lasap na lasap mo ang sakit, kirot at nanaisin mo na lang ang mamatay kaysa ang mabuhay ka pa” Pang iinis pa nito sa akin pero tinignan ko lang naman ito. Mas lalo lang itong matutuwa kapag pinatulan ko pa siya. Kaya mas maganda na tumahimik na lang ako kasi wala na rin naman magagawa pa kahit na sabihan ko pa ito ng kung ano ano. Mapapagod lang ako tapos mas matutuwa lang ito lalo na kapag nakita nito
Agata Faye Nag tawanan na naman ang mga kasama ni Marco at maging ito na halos mamatay na sa kakatawa. Pero napa tiim bagang na lang ako dahil doon. “Oy nag ta tapang tapangan na naman. Gusto yata na masampulan na talaga ito e.” Sabi pa nito kapag daka. Naka pikit na lang ako at hinintay ko na lang ang gagawin ni lang pag torture sa akin. Tanggap ko na ang kahihinatnan ko kaya naman hinintay ko na lang ang aking magiging kapalaran. Napa hiyaw na lang ako sa sakit ng maramdaman ko na lang ang biglang pag manhid ng kamay ko dahil sa pag martilyo nito sa aking kamay. “Ahhhhhh!!!!!” Hindi ko napigilan na sigaw ko at kusa na lang na tumulo na naman ang lintik na luha ko na ito. Nanunuot naman sa himaymay ko ang sakit ng ginawa nilang pag hataw sa kamay ko. “Boss umiyak na naman. Wala. Mahinang nilalang pala boss yang karibal mo e. Para yan lang umiyak na.” Sabi ng isang tauhan nito at nag tawanan na naman sila. Ako naman ay walang magawa kung hindi ang tanggapin lahat ng pa
Agata Faye "Pag laruan muna natin boss. Sayang din yan at batang bata pa. Baka naman pwede na pa tikim muna kami bago. Nang maka tikim naman kami ng sariwa at hindi yung nakukuha namin sa mga club na mga matatanda na at kulubot na." Sabi naman dito ng isang tauhan niya. Halos tumaas naman ang aking mga balahibo dahil sa narinig ko na sinabi nito. "Hahaha sige ba. At ng maranasan din ng bata na ito na madiligan ng lalaki at baka matauhan na hindi pala babae ang gusto niya kung Hindi ang lalaki. Pero malas niya kasi kahit matauhan pa siya ay wala pa rin siyang ligts." sagot naman dito ni Marco sa mga ito. "Mga walang hiya talaga kayo. Mga halang ang kaluluwa. Dapat ang mga katulad nyo ay hindi na binubuhay pa dito sa mundo. Bagay kayo sa impyerno." sigaw ko sa aking isipan. Maya lang ay bigla na lang may naramdaman ako na lumapit sa akin at halos masuka naman ako sa baho ng hininga nito. As in ang baho talaga. Parang naka amoy ako ng isang imburnal dahil dito e. Hindi