Share

Chapter 50

Agata Faye

"Hindi pwede ang ganun Ninang. Kailangan ko ng kasiguraduhan. Ayaw ko na paulit ulit na lang masaktan. Kung hindi mo ako kayang mahalin ay pakawalan mo na lang ako. Kung di mo kayang ibalik ang pag mamahal na binibigay ko ay hayaan mo na ang iba ang mag balik nun sa akin. Hindi ang ganito na ikukulong mo ako sa iyo. Tapos pag napagtanto mo na nasanay ka lang sa attention ko at wala ka naman talaga nararamdaman sa akin ay basta mo na lang akong paaalisin at itatapon na parang basura na lang. Tao din ako Ninang at gusto ko din na mahalin ako." umiiyak na sagot ko sa kanya.

Ayaw ko na mag stay at sumunod sa gusto nito. Para ano? Para maging tau tauhan na naman nito na susunod sa lahat ng gusto niya hindi na pwede ang ganun.

"Hindi ko kaya na wala ka sa akin Faye. Hindi ko kaya na makita ka na nasa bisig ng iba. Ayaw ko na umalis ka. Dito ka lang sa akin." pag pipilit pa rin nito.

"Saka mo na lang ako angkinin kung sigurado ka na sa nararamdaman mo para sa akin. Pero sa nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status