Agata Faye Kaya naman kahit na todo na ang kaba na aking nararamdaman ay lakas loob na nag tanong na ako dito. Kahit ako ay sobrang naguguluhan na talaga sa nangyayari na ito at gusto ko na rin malaman kung bakit siya nag kaka ganyan ngayon. "Ninang Kourtney bakit ka po ba nagagalit? Ano po ba ang nagawa ko na hindi mo nagustuhan?" kinakabahan na tanong ko kaagad dito. Kita ko naman na mas lalo lang yata itong nagalit dahil sa tanong ko na yun sa kanya. "Hindi mo ba talaga alam kung bakit galit na galit ako sa iyo ngayon na bwisit ka ha!!!?? Sino ang Love na yun Faye??? Kayo na ba ng malandi na mukhang paa na yun at Love na ang tawagmo sa kanya!!!?Ganun na lang ba ako kabilis kalimutan at palitan? Dahil halos wala pang isang buwan na tumigil kang man ligaw sa akin tapos ngayon ay napalitan mo na ako kaagad ha!!!? Ako ba talaga ay pinag luluko mong bwisit ka!!!!? Sumagot ka!!!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Habang mas lalo lang humigpit ang pagkaka hawak nito sa kwely
Agata Faye Nakita ko naman na kahit paano ay kumalma ito ng kunti dahil sa sinagot ko sa kanya. Kaya naman medyo lumuwag na rin ang pagkaka hawak nito sa kwelyo ng damit ko. Kaya naman doon pa lang ako naka hinga ng maayos. "At kailangan ka pa natuto na makipag kaibigan ha? At saka may kaibigan ba na ganun ka sweet ha? Ako wag mong pinag luluko Faye. Tatamaan ka talaga sa akin." hindi pa rin na niniwala na tanong nito sa akin. Kaya naman di ko maiwasan na hindi mapa isip dahil doon. Bakit ganito siya ngayon? Huwag niyang sabihin sa akin na nag se selos siya dahil kung aking susumahin lahat ng pinag gagawa nito mula kanina sa party hanggang ngayon dito sa room ko ay lumilitaw talaga na nag se selos siya e. Pero hindi e. Bakit naman siya mag se selos diba? E ayaw nga nito sa akin. Ilang taon na akongnag ha hayag ng damdamin ko sa kanya pero never man lang ako nakakita o naka ramdam na may gusto din ito sa akin. Puro na lang pag tanggi at hamak nito sa aking nararamdaman sa
Agata Faye Hindi naman maka paniwala na naka tingin na lang ako ngayon sa kanya ng marinig ko ang sinabi nito sa akin. Habang ito naman ay naka taas ang kilay sa akin at mukhang nag hahamon pa na kung hindi ko siya su sundin ay may gagawin itong hindi ko magugustuhan. Pero hindi naman ako basta basta na lang su sunod sa gusto nito no. Lalo pa nga at alam ko na wala naman akong ginagawang masama. "Parang hindi naman yata makatarungan yang pinapagawa nyo sa akin na yan Ninang. Mabait naman po si Love at tsaka walang dahilan para layuan ko siya. Kaibigan ko yung tao at masasabi ko na mabuti siyang tao kasi ako ang nakaka sama nito at hindi po kayo." sagot ko pa sa kanya. Balak ko pa naman na after ng anniversary nila Mommy na ito ay sa sama ako sa kanya sa kanilang resort sa Bataan. Balak ko na mag vacation muna doon kahit isang linggo man lang upang kahit paano ay malayo ako sa magulong buhay dito sa Manila. Balak ko nga din na hindi muna ga gamit ng phone at mag o open ng soc
Agata Faye Natapos na ang party at lahat ay hindi ko na nakuha pang bumabang muli. Paano naman kasi ay baka kung ano na naman ang gawin nito kapag nakita ako at hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na hindi na ito mapa tulan pa. Nanood na lang ako ng mga video sa reels at tinawagan ko na rin tuloy si Love at tinanong ito kung okay na ba talaga siya. At nalaman ko nga na tinakot pala ito ni Ninang Kourtney kaya napilitan na lang itong umuwe na paano ay balak daw na tahiin nito ang paa niya at saka alcohol daw ang gagamitin nito sa kanya Kaya naman yun nag madali na daw na umalis ito at kahit na ang sakit sakit pa daw ng paa nito. Kaya nga todo ang aking hingi ng paumanhin sa kanya lalo pa nga at iniwan ko pa ito kay Ninang. Hayst kung alam ko lang na ganun ang kanyang gagawin dito kay Love ay hindi ko na sana iniwan ito mag isa doon. Nakakahiya talaga ang nangyari. Tapos may gana pa itong sabihan ako na layuan ko daw si Love. Hayst iba na talaga ang takbo ng utak ng ba
Agata Faye Bigla naman na nag salubong ang kilay nito dahil sa tanong ko sa kanya na yun. At hindi ko napag handaan ang ginawa nito ng bigla na lang niyang kabigin ang aking batok at bigyan ako ng isang mariin na halik. Dahil sa pagka bigla ko ay hindi na ako naka kilos pa at napa pikit na lang ako ng aking mga mata. Kahit na lasa ko sa labi nito ang alak ay may matimbang pa rin doon ang sensation na dala nito sa akin. Ang tibok ng puso ko ay halos hindi ko na marinig dahil sa sobrang lakas nito. Pati na rin ang aking pag hinga ay hindi ko na rin nagawa kaya naka tulala na lang ako ngayon sa kanya. Maya lang ay binitiwan na rin nito ang labi ko at halos habulin ko pa ang kanyang labi upang pag dikitin itong muli. Magka dikit na ngayon ang aming mga noo habang naka pikit ito kaya naman malaya kong napag ma masdan ang napaka ganda nitong mukha na kahit na may edad na siya ay hindi mo aakalin na matanda na ito dahil napaka baby face niya. Maya lang ay nag salita na ito.
Agata Faye Nang maayos ko na ang pag kakahiga nito ay lumabas na muna ako ng kwarto ko upang kumuha ng palanggana at ng bimpo na rin. Tsaka gusto ko na kausapin din sila Mom at ipa alam sa mga ito na nasa room ko si Ninang. Baka kasi hanapin nila e. At least alam nila at hindi na mag alala pa ang mga ito. Pag labas ko ng room ko ay bumaba na ako kaagad at papunta na sana ako sa may labas ng bahay ng mamataan ko sila Mama sa may kusina. Naka talikod kasi ito sa akin kaya naman agad ko na nilapitan ito. Pero bigla na lang akong napa hinto ng makita ko na may ginagawa silang kaba balaghan ni Mommy. Hayst ano ba naman ang dalawa na ito at hindi man lang nila naiabot sa room nila ang pag loving nilang dalawa. Tumikhim na lang ako upang malaman ng mga ito na may audience na silang dalawa. Although sanay na sanay na ako na nakikita sila na ganyan pero syempre may ibang tao at hindi lang kami ang nandito sa bahay. Mabilis naman na nag hiwalay ang mga magulang ko. "Oh Faye gising ka p
Agata Faye Nang mabihisan ko na si Ninang ay tumabi na rin ako ng higa dito. Medyo lumayo na lang ako sa kanya at nag lagay na lang ng unan sa pagitan namin na dalawa. Malaki naman ang kama ko kaya sure naman ako na malayo kami nito ng higaan. Tsaka hindi naman siguro ito mag iisip ng hindi maganda kasi nag lagay naman ako ng unan sa pagitan namin e. At isa pa ay wala naman akong intention na masama sa kanya. Siya kaya ang kusang pumunta dito sa kwarto ko at hindi naman ako yung namilit sa kanya no. . Ayaw ko din naman na humiga sa may lapag at masakit sa likod yun tsaka kung sa couch naman ako hihiga ay hindi din naman ako mag ka kasya doon. Ah bahala na bukas kung anuman ang maging reaction niton Basta ako matutulog na kasi may lakad pa ako bukas dahil pupuntahan ko nga sa kanila si Love. Naka pangako na ako dito nakakahiya naman kung hindi ko tutuparin yun no. Pagka lapat pa lang ng likod ko ay agad na akong napunta sa dream land at hindi ko na namalayan pa ang biglang pagk
Agata Faye Maingat at dahan dahan na inalis ko ito sa aking ibabaw. Baka kasi magising na lang ito bigla at mamulatan pa ako nito ay malagot na naman ako sa kanya. Lalo pa nga at galit pa naman ito sa akin kagabi pa sa Hindi talaga malinaw na dahilan at ayaw ko ng dagdagan pa ang bagay na yun. At isa pa ay gusto ko ng bumangon dahil nga diba sabi ko may lakad pa ako. Kailangan na makapag luto muna ako ng e dadala ko kay Love. Doon pa lang ako naka hinga ng maluwag ng maalis ko na ito sa aking ibabaw na hindi ito nagigising. Balak ko na sana na tuluyan ng tumayo pero bago ko pa magawa yun ay bigla na lang pumulupot ang braso nito sa aking katawan at pati na rin ang kanyang hita ay iniyakap din sa akin kaya naman ngayon ay halos hindi na ako maka galaw pa. Putek naman oh. Ano bang torture itong ginagawa mo sa akin. I mean oo masarap na torture. Pero ang kapalit ay masakit din. Paano ko maalis ito ngayon sa akin kung oarang koala itong naka yakap na sa akin. Halos di ko na nga m