Share

CHAPTER 3

Author: Jonay_inks
last update Last Updated: 2024-02-04 00:38:24

HABANG nakahiga ako ngayon sa kama ko naisipan kong e message yung number na binigay sa'kin ni Frederick, his name is familiar but I don't know. I'm staring at the small scented card with his name.

“Hi, this is Freya” message ko sa kanya. Kinakabahan ako ng ma send ang message ko sa kanya.

Walang minuto ay biglang may nag pop-up sa screen ko, abot ang kabang nararamdaman ng makita kung sino ang nag reply.

“Hey, Freya young lady. What's up?” reply n'ya sakin na agad ko ring ikinangiti dumapa ako sa kama ko habang itina-type ang erereply sa kanya.

“I'm fine, how about you” gumuhit ang ngiti ko sa labi sa hindi alam na dahilan. Baliw ka na naman Eya! Ani ng utak ko.

“I'm doing good, I'm here in my cousins house for a dinner” reply n'ya sa'kin. Kaya agad naman akong nag type kung ano ang erereply sa kanya.

“Ah okay, take your time Fred." Tangin tugon ko lamang. Baka kasi busy ito eh.

“No, it's okay. We can chat anytime naman hehe” ngumiti ako saglit sa reply nya sakin. Hoy Eya! Hindi pa nga kayo nagkakilala eh pana'y na iyang ngiti mo. Pag suway naman ng utak ko.

“Asusss, haha. Baka nakakaisturbo ako ah sabihin mo lang” tugon ko ulit.

“As what I said, you're not disturbing me baby”

Napanganga ako sa reply nya. Like, whuttt? B-baby?

“Ano daw? Baby? Luh gague to ah” sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen. Pero I felt kilig din naman shyttt harot mo ghurl.

“What did you call me?” Kunyari, tinanong ko ulit para sabihin n'ya ulit. May pilyo ang ngiti ko sa isiping iyon.

“Freya my baby hehe, I know na pala kung saan kita na meet that's why you looks so familiar and I have felt something for you no'ng nag shake hands tayo”

Luh? Totoo? Saan? Kumunot ang noo ko at agad na nag-tipa upang mag reply.

“Huh? Saan? Di ko maalala eh” curious kong tanong sa kanya.

“Sa bar, remember? Dun sa club ng kaibigan ko. Ikaw yung babaeng nakilala ko and you know na HAHA”

Di ako makagalaw sa nireply n'ya sa'kin at do'n ko lang napagtanto na s'ya pala yung taong may malaking ahas na wumasak at nagpasakit sa birhen kong perlas.

“Shyttt, don't tell me.... s'ya yung..yung ...urghhhh s'ya yung naka one night stand ko? huhu punyawaaaa s'ya nga” nataob ko ang selpon ko at inilublub ang namumulang mukha sa unan.

Napabangon ako bigla at parang kinakabahan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko like what the heck ano to? Parang may mga kabayong nagkakarerahan sa dibdib ko.

Juiceko nakakahiya umayyyy di ako mapakali sa sarili habang iniisip ko iyon, hindi na ako nakapag reply sa text n'ya sa'kin at dalidaling bumalikwas ng tayo at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Baka sa hilamos ay magising ako at panaginip lang ang lahat ng ito.

“Shyt, ano ng gagawin ko? Putik s'ya pala yun? Ang gwapo n'ya yuwoo, at ang mas malala pa dun sya yung naka una sa'kin! Tssss” pana'y ang muni-muni ko sa sarili.

Sinapo ko ang mukha ko habang nakatingin sa isang salamin. Ano na'ng gagawin mo Eya!? Ano?!.

Napahilot ako sa sentido ko dahil sa balisa di talaga ako mapakali kaya nag inhale - exhale muna ako bago lumabas, tapos naman din akong kumain kaya napunta nako sa higaan ko at inaantay nalang ang dalaw ng antok habang iniisip ang mga kakaibang mga bagay.

Deads tayo nito Eya!

PAGKA UMAGA ay kinuha ko ang invitation card na binigay sa'kin ni Alfred no'ng nagkita kami. Nakalimotan ko sana ito nang makita ko ito sa bag ko at napagtanto na ngayon pala ang kasal n'ya.

Wala sana akong interest at ganang pumunta, kaso lang yung pag o-overthink ko na baka isiping hindi ako maka get over,  kaya naman ay dali-dali akong naligo at nag ayos ng sarili bago pumunta sa destination nang kasal.

            ||The Wedding Day||

NAG-AALANGAN akong pumasok sa loob ng simbahan, ang dami ng tao at halatang ang so-social ng mga tao dito.

“This wedding is so special, ito yung pangarap naming dalawa nung kami pa, ngayon sa iba na n'ya natupad” sa isip ko.

Bigla akong nakaramdam ng sakit na hindi ko man lang sinasadyang damhin, nabalik lang ako sa ulirat ng may tumawag sa pangalan ko.

“Hey Freya, you're here” bati sa akin ni Frederick.

“what si Frederick? Ginagawa nya dto? Invited din ba sya? Ano to? Tadhana? Char” sa isip ko habang kinakabahan.

Nagulat ako dahil nakita ko na naman s'ya, nahihiya akong tumingin sa kanya kaya dali-dali akong naglakad papuntang loob ng simbahan, ng nasa paanan na sana ako ng simbahan ay may biglang humablot sa kamay ko at agad  naman akong napatigil at lumingon sa kanya, si Fred pala iyon.

“Ba't kaba umiiwas, did I do something wrong?” tanong nito sa akin.

“No, a-ahm, what are you doing here? Are you invited?” tanong ko pabalik sa kanya.

“Haha, ofcourse ako ba mawawala sa kasal ng pinsan ko?” nakatawang tugon nya sa akin.

And speaking of pinsan?

“What? Sinong pinsan mo ba?” takang tanong ko dito.

“Si Alfred, Alfred Santiago he's my cousin, my childhood best friend anyway” pagpapaliwanag pa n'ya sa'kin na s'ya ring ikinagulat ko.

“cousin? So magpinsan sila? Nako! What's a coincidence. Pinsan nya pala yung manlolokong yun, tsk” sa isip ko. Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita ulit ito.

“Why? Is there something wrong again?” tanong nya.

“Ahh wala-wala pinsan mo pala sya” hilaw akong ngumit sa kanya.

“Bakit? Magkakilala ba kayo?” seryusong tanong nya sakin.

“H-huh? A-ah oo, magkakilala kami, and s'ya din ang nag invite sa'kin dito sa kasal n'ya” pagmaang maangan ko sa kanya.

“Ahh okay, let's go inside?” pag anyaya n'ya sa akin, he is so gentle same sila ni Alfred nung kami pa napaka gentle nito sa akin, I don't know if same attitude din sila siguro gano'n na din yun.

Related chapters

  • The One Night Stand    CHAPTER 4

    WE'RE here in reception area kung saan dinadaos ang masayang pagsalo-salo. Hindi na rin kami nagkausap ni Alfred at sa naging asawa n'ya simula kanina sa simbahan.Pinasuyo ko nalang kay Frederick ang mga regalo ko para sa kanya, 'syempre nakakahiya din pag wala akong ibigay'. Andito ako ngayon sa mini garden nila at kausap ko sa cellphone ang Manager ko about business ko sa US. After kong makausap ang manager ko ay babalik na sana ako sa loob ng makita ko si Alfred na papunta sa kinaroroonan ko, I don't know kung anong meron sa lalaking iyon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. He still brings strange feelings towards me. He even made my heart beat so fast na parang bang may mga nagkakararehang mga kabayo rito. Pero hindi pa rin mawala ang inis at galit sa puso ko.He brings a glass of wine at ibinigay n'ya iyon sa akin. “Wanna drink?” Abot n'ya sa'kin sa isang glass ng wine.Tinanggap ko naman ito. Iiwan ko na sana s'ya ng magsalita ito.“I just wanna say sorry Freya, and thank you

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 5

    MAKULIMLIM ang lugar at kahit na tanghali ay marami pading mga tao sa loob. Iba't iba ang makikita mo sa iba't ibang sulok ng bar. May mga naglalampungan 'Ang o-oa' umirap-irap nalang ako sa mga nakikita ko.Pagkatingin ko naman sa may mahahabang pulang sofa ay mga nagtatalik. At tila bang parang walang pakialam sa mga nakakakita. 'Like, What!? Are they insane? Hindi ba sila nahihiya at sa labas nagtatalik? Disgusting.' ani ko sa isip ko.Sa stage naman ay may mga pole dancers din na halos hubo't hubad na. Sa ibaba naman ay may maraming parang mga asong uhaw na uhaw sa mga babaeng nakasayaw sa stage. 'Kawawa ang mga asawa't nobya ng mga ito' Inirapan ko nalang ang mga nakikita kong pangyayari sa loob ng bar na'to. At bumaling kay Frederick na nakatingin din pala sa akin ng matiim. “Anong klaseng lugar ba ito Fred? Hindi ito yung bar na napuntahan ko eh kakaiba ang lugar na 'to” ipinalibot ko ang mga mata ko sa buong silid. “It looks like pornhub.” dagdag ko pa.Nang hindi ito sumago

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 6

    ISANG linggo ang makalipas ay gano'n pa rin ang sistema naming dalawa ni Frederick at subrang gaan sa pakiramdam kapag kasama ko s'ya.We always meet and do bondings and Hangouts, travel everywhere and do datings. Mabilis lang ang mga pangyayari and I'm so happy if he's with me. He is very gentle maliban sa kama. And he has a sense of humor. Hindi pa naman naging kami at hindi ko din naman narinig na mangliligaw s'ya sa akin. I don't know pero hindi ko nalang s'ya tinanong tungkol sa status naming dalawa, ayuko namang pangunahan si Fred at ayuko din namang umasa na gusto n'ya din ako. Inaamin ko na nahulog na ang loob ko sa kanya, he already owns my heart, body, mind, and soul. Ayukong humantong sa dulo na masasaktan lang ako. Days after ay dumating na yung time na babalik na ako ng U.S dahil may trabahong naghihintay sa akin roon. Hindi ko naman pwedeng pabayaan iyon dahil pamana pa iyon ng mga magulang ko.“Yes, okay² I'll be back tomorrow. Oo ako nang bahala sa mga clients, an

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 7

    FINALLY nakauwi na din ako sa mahabang byahe. Nababagot ako at naiinip. Kaya pala hindi na'ko nag teacher dahil ang baba ng pasensya ko."I'm hooomeeeee!! hayysss" I sigh in happiness. Nakangiti ako habang sinasalubong ako ng mga maids ko sa loob ng bahay ko. I met my maids bowing down their heads for me, nakasanayan na siguro nila iyon. Kasama ko naman ngayon si Sheena na ngayon ay dala-dala din ang isa kong bagahe.Shenna is my old friend here in USA she is younger than me she is my loyal bestfriend since we met. Magka sosyo ang ama ko at ama n'ya sa business kaya kami nagkakilala at naging matalik na magkaibigan. She's half Filipino and half American. Ang ina n'ya lang ang Filipina at sanay itong magtagalog.“Huy Bes, ang bigat naman nitong bagahe mo! Ano bang laman nito?” reklamo ng kaibigan ko.“Just hold it. May pasalubong ka naman riyan eh.” ani ko na ikinaliwanag ng kanyang mukha.“Talaga ba? Really? What kind of pasalubong is that bes? Is it yummy?” maarteng tanong nito sa'k

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 8

    I WAS awakened by the light of florescent, dahan-dahan kong minulat ang mga talukap ng aking mga mata hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili sa isang silid na halos puti lahat. Tinignan ko ang aking paligid at may mga machines akong nakikita na sa isip ko ay nasa hospital ako. Tinignan ko ang aking mga kamay at may mga nakakabit din dito na hindi ko alam, siguro ay isa itong dextrose.Napa hawak ako sa aking ulo ng matantong may nakabalot dito at ito ay isang bandage kaya napaisip ako kung ano ang nangyari.FLASHBACKS“Ledia please let me explain, hindi ko sinasadyang saktan ka” pagmamakaawa sa akin ni Alvin.He is my boyfriend we got 2 years in relationship, he's cheated on me with my best friend, and hindi ko akalain na sa tagal-tagal na naming mag kaibigan ay nakuha n'yang ahasin ang boyfriend ko.“No, Alvin. Break na tayo! At h'wag na h'wag kayong magpapakita sa'kin mga hayop kayo! Mga walang hiya! Ahas!” sigaw ko ki'la Shiela(my ex-bestfriend) at Alvin. Hinawakan ni Alvin an

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 9

    ALAS-SYETE na'ko nakarating sa bahay ni lolo at nakita ko na ando'n na lahat ng kamag anak namin. “Ano kayang meron at pinatawag lahat ni lolo ang lahat” takang tanong ko sa isip ko. Habang papunta na'ko at aakyat na sana sa hagdanan ay nakasalubong ko si Arrianna na nakangiti sa akin.“Oh, Mrs. Santiago. Where's Alfred? Nakita mo ba?” bungad ko kay Arrianna na s'yang nakatayo ngayon malapit sa may pinto.“Ah, si Alfred? Hindi ko nga rin alam eh hinahanap ko nga s'ya pero hindi ko makita, baka and'yan lang 'yun sa tabi-tabi” sagot naman sa'kin sa asawa ni Alfred.“Gano'n ba. S'ya nga pala alam mo ba kung bakit pinapatawag ang lahat dito ni lolo?” tanong ko ulit kay Arrianna na ngayon ay kasabay ko ng maglakad papunta sa loob.Medyo malaki na din ang t'yan n'ya kumpara no'ng pinakilala s'ya ni Alfred sa amin. At dahil nasa anim na buwan na ito sa kanyang pagbubuntis ay inaalalayan ko itong maglakad dahil baka madulas ito. “Hindi ko nga rin masyado alam eh, sa pagkakarinig ko kay Al

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 10

    SUBRANG dami kong pinermahan at inayos na mga papeles after no'ng tawagan ko si Frederick. Sa dami-dami kong ginawa hindi ko na namalayan ang oras, it's been 1 pm na pala, at dahil medyo gutom narin ako ay napagpasyahan ko na kakain muna. Tinawagan ko muna si Sheena kung hindi ba s'ya busy dahil lalabas muna kami.“Oh s'ya sige, hihintayin kita do'n sa food park bhe ah” tugon ko kay Sheena na ngayon ay nasa kabilang linya, hindi naman pala s'ya busy kaya on the way agad s'ya.“Sige bhe ingat sa pag d-drive” sagot n'ya sa kabilang linya. Tanging oo lang ang naging tugon ko at binaba ang telepono.“Lex, aalis muna ako ah total tapos ko na din permahan 'yung mga documents na kailangan, ikaw ng bahalang mag ayos no'n ah” utos ko sa assistant ko na si Lexie he is a gay by the way. “Yes, ma'am” tanging sagot n'ya lamang sa'kin at umalis na'ko.Nag drive ako patungong food park na napag usapan namin na tagpuan and after ko ma i-park ang car ko ay bumaba na agad ako.“Ngayon lang ulit ako n

    Last Updated : 2024-02-04
  • The One Night Stand    CHAPTER 11

    NAGISING ako sa sinag ng araw na dumapo sa pisnge ko, pag lingon ko sa katabi ko ay patay parin sa tulog si Sheena kaya bumangon na'ko at ginawa ang routine. Pagkatapos ay bumaba na'ko upang mag prepared ng almusal. “Ako na d'yan ma'am ” sabi ng isa sa mga kasambahay ko.“Naku, ako na yaya kaya ko na to hehe” sagot ko rito at nagpatuloy lang sa ginagawa.“sigurado po kayo ma'am?” ani nito.“Yes po” tumingin muna ako sa kanya at ngumiti.“Sige po ma'am” pagpaubaya nito sa akin. Tinanguan ko lang ito bilang pag tugon.Iniwan ako ng kasambahay ko habang nagluluto pagkatapos no'n ay may narinig akong boses na nagsalita.“Hmmm bangooooo” sambit ni Sheena.“Oh gising ka na pala, hali kana kumain ka muna” pag anyaya ko sa kan'ya.“Asusss sweet mo naman bhe haha” panunudyo nito sa'kin. Kaya napa ngisi nalang ako sa kanya.“Tsk, kumain na tayo” kunyari inirapan ko ito. “Oumss” umupo ito sa hapag kainan at hinihintay ang mga hinahain ko.Kumakain kaming dalawa habang nag uusap pa din hanggang

    Last Updated : 2024-02-04

Latest chapter

  • The One Night Stand    EPILOGUE

    NATUTUWA akong makita ang mga kaibigan ko na nagtatalo kung saan ba daw nga ba nagmana ang anak ko."Manang mana kay tita Sheena si baby oh" ani nito habang ngiting-ngiti na nakatingin sa anak ko.2 weeks after no'ng pag-uwi namin dito sa bahay namin. Sabay-sabay naman ang mga ito sa pagdalaw dito sa amin. Halos nga araw-araw eh."Anong sa'yo? Sa'kin kaya manang mana sa kagwapohan ng tito Ivan n'ya" pag tutul naman ni Ivan kay Sheena."H'wag nga kayong mag bangayan. wala nga ni isa sa inyo eh" sabat naman ni Shan. Na ikinatawa namin ni Frederick."Duhhhh panira ka din ke't kailan eh" tutol naman ni Sheena at inirapan si Shan.Napangiti nalang ako sa kanila habang nagtatalo, si Fred naman ay abalang abala sa pag aalaga kay baby Frellie."Eh ako kaya kailan din magkaka baby" biglang sabat naman ni Ivan."Kung jinowa mo lang si Bea noon eh may baby na din kayo ngayon" sagot ko rito na ikinatawa naman nila Sheena."Eh alam mo namang torpe ako noon eh t'yaka may asawa na din 'yun ngayon" t

  • The One Night Stand    CHAPTER 20

    ONE MONTH LATER nandito kami ngayon sa isang restaurant, kasama namin sina Sheena at Shan at si Fred.Hindi namin kasama si Ivan dahil may kailangan daw s'yang gagawin kaya kaming apat nalang ang nandito."What do you want baby?" Sabi sa'kin ni Fred. Kaya sinabi ko nalang sa kan'ya na 'yung favorite food naming dalawa. Nag order na rin sila Sheena at Shan. Nang malapag na nang waiter ang pagkain namin ay agad kong naamoy ang hindi kaaya-ayang amoy na s'yang nagpapaduwal sa akin.Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa cr ng restaurant. Narinig ko pa ang pag tawag sa'kin ni Sheena at Fred ngunit hindi ko na pinansin. Pana'y ang suka ko sa anedoro at nang matapos ako ay agad akong nagmumog at bumalik sa pwesto namin."Are you okay baby?" Tanong sa'kin ni Fred na may pag-alala sa kan'yang mukha."Okay ka lang bhe ba't ang putla mo yata" tanong din sa'kin ni Sheena na halata din ang pag-alala."I'm fine don't worry. Hindi ko lang alam kung ba't ako nasuka" ani ko habang tinitignan sila."M

  • The One Night Stand    CHAPTER 19

    HABANG abala kami sa pag-aayos ng venue ay nakita kong perpekto na ito. Kompirmasyon nalang ang kulang."Haysss okay na siguro 'to pre?" Tanong ko kay Ivan na ngayon ay tinitignan ang kabuoan ng venue na inayos namin."Oumsss eleganting eleganti" manghang mangha naman ito sa sinasabi n'ya."Syempre, favorite place 'to ni Eya kaya dapat dito magaganap ang pinaka importanting bagay na dapat kong gawin" ani ko habang may ngiti sa aking mga labi. Masaya lang ako dahil maganda ang resulta ng pinaghirapan namin."Suss, matured ka na pre!" Panunudyo naman ni Ivan."Haha, nga pala pre ikaw na ang sumundo kay Eya ah, tapos kami naman ay dito na maghihintay" sabi ko kay Ivan at agad naman itong sumang-ayon."Oum no problem, it's my pleasure" tango-tango nitong sagot."Thanks pre" at tinapik ang balikat nito."Nga pala Sheena, alam ba ni Eya na nakauwi kana?" Tanong naman ni Ivan kay Sheena."Hindi eh. Alam mo namang sinabutahi lang ako nitong Fred na'to. So, ba't ko pa ipapaalam sa kanya? Kaga

  • The One Night Stand     CHAPTER 18

    NASA penthouse kami ngayon ni Eya, simula kagabi ay dito na kami natulog. Nakita Ko'ng tulog pa din si Eya kaya dinahan- dahan ko'ng hinawi ang hibla ng buhok n'ya at inipit sa kanyang t'enga.“You're so gorgeous my love. I can't help falling in love with you. You're little eyes, and your pointed nose is my favorite but I like the most your soft and sweet pinkish lips. From now on, I won't let anyone ruined our relation." mahinang usal ko sa kan'ya. Mahimbing padin ang tulog n'ya kaya kinuha ko na muna ang cellphone ko at tinawagan ko ang kaibigan ko'ng nag asikaso sa kaso nila Ledia at Alvin.On call“Hello bro kamusta 'yung kaso?" Tanong ko ng sagotin nito ang tawag ko.“No problem bro, ayos na ayos na. Wala nang takas si Ledia at pati na din 'tong si Alvin. May mga complainants din ang dumating at nag sampa din sa kanila ng kaso, sa kaso na Stappa. Patong-patong na din ang naging kaso nila bro kaya wala ka ng dapat pang ikakabahala. Siguradong mabubulok na sila sa kulongan" mahab

  • The One Night Stand    CHAPTER 17

    IT'S about 6 pm na and ready na'ko lumabas kasama si Frederick. Hinihintay ko na lamang s'ya na sundoin ako. A while ago, may narinig na akong bosina ng sasakyan kaya dali-dali na akong bumaba. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad sa akin ang napaka gwapong nilalang na nakilala ko. he's so handsome tonight, he's eyes, he's messy hair, his style are fit on him, a white polo na nakalukot hanggang siko, a black slacks and a black shoes. Napaka gwapo n'ya tignan.'God! I want to eat him' ano daw?“Done checking me baby?” may panunudyong ngiti sa mga labi nito.Napakurap nalang ako ng magsalita s'ya. Hindi ko alam na halos titig na titig na pala ako sa kan'ya kaya napatawa nalang ako.“You're so handsome tonight” ani ko na ikinangiti n'ya. Ang gwapo n'ya talaga pag ngumiti.“Well, thank you” a smirk form on his face.“My pleasure” ngiting sabi ko.“You're also very hot and sext baby. You become more gorgeous, who still caught my attention, my heart, and all over my gorgeous and h

  • The One Night Stand    CHAPTER 16

    ANDITO kami ngayon ni Ivan sa isang arcade kung saan madalas kami noon dito no'ng mga bata pa kami. Habang naglalaro kami ni Ivan ay biglang may babaeng nagsalita sa likoran namin kaya naman ay nilingon namin ito.“Ang sweet n'yo naman Eya, parang kailan lang ng maghiwalay kayo ni Fred ay may bago kana agad” bungad sa amin ni Ledia habang nakahalukipkip ito at may ngising aso sa mga labi.“L-Ledia? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kan'ya ngunit ngumisi lang ito.“Wala lang, namamasyal lang. Di ko akalain na ang childhood best friend mo pala ang pinalit mo kay Fred” tugon n'ya sa amin kaya naman ay napag taasan ko ito ng kilay.“Excuse me? Are you still interested with Ivan? Pagkatapos mo'ng landiin si Fred? Ano pa bang kailangan mo ah?” sumbat ko sa mataas na boses.“owss? HAHA. Hanggang ngayon ba naman Eya? Bakit? Simula no'ng una sino na ba ang unang umagaw sa lahat hindi ba't ikaw?! Inagaw mo lahat sa'kin! Pati si Ivan inagaw mo!” singhal nito sa amin.“Excuse me? Inagaw? Hin

  • The One Night Stand    CHAPTER 15

    SUBRANG sakit ng ulo ko ng magising ako mula sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko na tumagos sa glass window ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at napahilot sa aking sintedo.“ Fuck! ang sakit ng ulo ko.” usal ko sa sarili ko. After a while tumunog ang selpon ko, kinuha ko ito at tinignan kung sino, nakita kong tumatawag si Ledia sa'kin kaya hindi ko ito sinagot, ngunit tumawag na naman ito kaya pinatay ko nalang ang selpon ko.“What a desperate bitch. tsk” bulong ko sa sarili at tumayo mula sa aking kama.Napagtanto ko kung sino ang nagdala sa'kin kaya lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa unang palapag ng bahay namin. Una ko kong nalanghap ang napaka bangong halimuyak ng paborito kong ulam kaya agad kong sinundan kung saan ito galing.Napadpad ako sa kusina namin at nakita ko ang ina ko na abala sa pagluluto kaya naman ay lumapit ako sa kinaroroonan n'ya.“Good morning mom” pagbati ko sa ina ko. Bahagya itong nagulat ng magsalita ako pero agad naman itong ngumiti sa akin.“G

  • The One Night Stand    CHAPTER 14

    HINDI ko lubos maisip na ang bilis lang n'yang makahanap agad ng iba. Simula kanina no'ng pumunta ako sa bahay nila Eya ay nadatnan ko itong may kausap na lalaki ngunit hindi ko ito pinansin.Ang sakit-sakit lang isipin na hinintay ko s'ya ng almost 2 years ngunit sa isang iglap lang ay mawawala lang ang lahat. Hindi man lang n'ya pinakinggan ang paliwanag ko. Mas pinaniniwalaan n'ya pa ang mga nakikita n'ya kaysa sa'kin. Ang mas masakit pa do'n ay nag hintay ako sa kanya habang s'ya naman ay may bago na agad.Nilagok ko lahat ng alak na nasa bote at nag order ulit. Habang iniinom ulit ang alak na bagong order ko ay biglang tumunog ang selpon ko. Pagka tingin ko rito ay si Alfred pala ang tumatawag.“bro asa'n ka ngayon? Kanina kapa hinahanap nila tita wala ka daw sa inyo” bungad ng kausap ko sa cellphone.“Oh bro, don't worry I'm good, I'm doing great yeah hehe hmm shotss” ani ko.“Hey asa'n ka ba ngayon? Pupuntahan kita” tanong nito sa'kin.“Nandito sa bar ng kaibigan natin bro, pa

  • The One Night Stand    CHAPTER 13

    LIMANG BUWAN na ang lumipas at hindi pa rin ako maka get over sa pangyayari. Palagi akong lutang at palaging wala sa katinuan ang utak ko.Habang nasa malayo ang isip ko. Nabalik lang ako sa reyalidad ng tapikin ni Alfred ang balikat ko."Bro, nakauwi na pala si Freya" usal nito habang panay scroll sa selpon n'ya.Pagkabanggit ni Alfred no'n ay bigla akong kinabahan at atat na makita ulit ito. 'God! I'm really-really fucking miss her!'"H-huh? T-totoo? Saan patingin nga" hinablot ko ang selpon ni Alfred at tinignan ang mga litrato na napost ni Eya sa Instagram nya.@Freya_Fuen3 hours ago.:Hello Philippines” sabi ni Alfred habang matiim na nakatitig sa akin."Haystt, gustong-gusto ko'

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status