Share

Chapter 46

Author: iamsimple
last update Last Updated: 2023-04-23 09:29:24

Zeph Pov

Napakunot ang aking noo habang pinapanuod sina Ashley at Ruyi na masayang nag-uusap. Para bang wala silang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ilang araw ko nang napapansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. At sa katunayan nga ay mas malapit na si Ashley kaysa kay Alpha Hunter. Sobrang close ang dalawa at kahit nasa harapan sila ni Alpha Hunter ay hindi pa rin mapagkit ang malagkit nilang tinginan sa isa't isa. Nag-aalala ako na baka maging sanhi ito para mag-away sina Alpha Hunter at Ruyi. Malapit pa naman ang kaarawan ni Alpha Hunter at sa araw na iyon niya ibabalita sa lahat kung sino ang kanyang magiging Luna. At ini-expect ng lahat na si Ashley nga ang magiging Luna niya ngunit paano mangyayari iyon kung ganitong tila nagkakamabutihan na sila ni Ruyi? Tila may special something sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o pati ang mga kaibigan ni Alpha Hunter ay napapansin din ang kakaibang kilos ng dalawa ngunit hindi lamang nila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 47

    Zeph PovNagpadesisyunan kong sundin ang payo sa akin ni Ashley. Tatapangan ko ang aking loob at tatanungin ko ng deretso si Alpha Hunter kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Kapag sinabi niya na wala siyang pagtingin sa akin ay aalis na ako sa bahay niya at hindi na ako magpapakita pang muli sa kanya. Mas mabuting ngayon pa lang ay malaman ko na ang kasagutan para naman makapag-move on na ako ng tuluyan sa kanya.Hinanap ko sa buong kabahayan si Alpha Hunter ngunit hindi ko siya makita kaya lumabas ako ng bahay. Nakita ko siya sa labas ng bahay niya at kausap si Hillary. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit tila ba seryoso ang topic nila kung ang pagbabasehan ko ay ang ekspresyon ng kanilang mukha. Nakita kong tinanguan ni Alpha Hunter si Hillary pagkatapos ay bigla siyang niyakap ng babae. Nakaramdam ako ng paninibugho sa aking nakita. Pagkatapos ay iniwan na niya si Hillary. Agad naman akong nakita ng babae pagkaalis ni Alpha Hunter. May kakaibang

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 48

    Hillary PovPagdating ko sa bahay ay agad kong hinanap ang aking ama. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung may kinalaman ba ang aking ama sa paglabas ng moon tattoo sa aking noo. Gusto kong malaman kung ako ba talaga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil baka umaasa lamang ako sa wala. Mahal ko Alpha Hunter at wala akong ibang ninanais kundi ang maging asawa niya. At kapag naging asawa ko na siya at gustong agawin ng aking ama ang pagiging alpha niya ay tutulungan ko siyang labanan ang ama ko. Dahil hindi ko hahayaan na mayroon mananakit sa kanya. Ngunit paano kung hindi naman pala ako ang babaeng tinutukoy ng propesiya? Hindi ko matatanggap sakaling ibabang babae ang nakatadhana na maging luna niya.Sa nalalapit na kaarawan ni Alpha Hunter ay ibabalita na niya sa lahat kung sino ang kanyang magiging luna. Inaasahan ng lahat na si Ashley ang mapipili niya para maging luna dahil bukod-tanging siya lamang ang pinagtuunan niya ng pansin sa lahat ng mga babaeng

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 49

    Zeph PovNakarating sa akin ang balita na ikinulong daw ni Beta Keiver sa kanyang silid si Hillary matapos magkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Hindi alam ng karamihan kung bakit sila nagtalo kaya naisip nilang may nagawa sigurong pagkakamali si Hillary na hindi nagustuhan ng kanyang ama kaya siya ikinulong sa kanyang silid bilang parusa. Ngunit sa tingin ko ang dahilan ng pagtatalo nila ay dahil kinompronta ni Hillary ang kanyang ama tungkol sa sinabi ko sa kanya. Siguro ay inamin ni Beta Keiver na may kinalaman ito kung bakit napunta kay Hillary ang moon tattoo na dapat ay nasa akin. Kailangan kong makausap si Hillary para malaman ko kung anong paraan ang ginamit ng kanyang ama at nagawang mailipat nito ang aking moon tattoo papunta sa kanyang katawan?Tatlong araw ang lumipas matapos kong mabalitaan ang nangyari kay Hillary ay hindi sinasadyang nagkita kami sa daan habang naglalakad kami ni Duffy pabalik sa bahay ni Alpha Hunter. Namitas kasi kami ng mga bulaklak para maging dekorasy

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 50

    Zeph PovHabang hinihintay ko na magpaliwanag sa akin ang matandang babae na tinulungan ko ngayon ay halos hindi na ako makahinga sobrang tindi ng antisipasyong nararamdaman ko. Sa wakas ay may taong nakakakilala sa akin ng tunay at makakasagot sa lahat ng aking mgs katanungan."Dahil tinulungan mo ako ay sasabihin ko sa'yo ang lahat, Zeph. Sasagutin ko ang iyong mga katanungan," sabi sa akin ng matanda."Kung ganoon ay umpisahan mo nang sagutin ang aking mga katanungan," hindi makapahintay na sagot ko sa kanya.Huminga muna ng malalim ang matanda bago muling magsalita. "Una sa lahat ay gusto kong ipakilala sa'yo ang aking sarili, Zeph. Ako si Urusula, ang natitirang lahi ng mga mangkukulam sa mundo. Nag-iisa na lamang ako dahil nilipol na ng mga naunang alpha ang aking angkan. At kaya mo ako nakitang sugatan at nanghihina ay dahil pinagbabato ako ng taong-bayan nang lumabas ako sa gubat na pinagtaguan ko ng napakaraming mga taon," pagpapakilala niya sa akin ng kanyang sarili. "Anyway

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 51

    Zeph PovAbala ang lahat sa pag-aayos ng mga pagkain sa napakahabang mesa na inilagay sa malawak na bakuran ni Alpha Hunter. Ang isang mahabang mesa naman ay bumabaha ng mga nakalalasing na inumin ngunit mayroon namang katamtaman lamang ang tama na inumin para sa mga kababaihang dadalo sa piging ng aming alpha. Excited ang lahat na matikman ang mga masasarap na pagkaing nasa mahabang mesa. Ngunit ang higit na nagpapa-excite sa mangyayaring piging ay ang pagbabalita ni Alpha Hunter kung sino ang kanyang napili para maging luna niya. Lahat ay umaasang ang maririnig na pangalan mula sa mga labi ni Alpha Hunter ay ang pangalan ng ini-expect nilang babae na siyang magiging luna ng aming pack.Kung ang lahat ay excited sa magaganap na piging mamaya ay para namang ang bigat-bigat ng pasanin na dinadala ko sa aking dibdib. Nalulungkot ako ngunit hindi dahil hindi ako ang magiging luna ni Alpha Hunter kundi dahil minahal ko ang anak ng taong dapat kong kamuhian at paghigantihan. Ngunit patay n

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 52

    Zeph PovHabang nakatingin ako kay Alpha Hunter na naglalakad patungo sa gitna ng para makita siya ng lahat at marinig ng maayos ng mga bisita ang kanyang ibabalita ay halos lumabas naman sa aking dibdib ang aking puso. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sakaling marinig ko ang pangalang napili niya para maging luna niya."Ini-expect mo bang ang pangalan mo ang babanggitin ni Alpha Hunter na babaeng pinipili niya para maging luna niya?" kausap sa akin ni Hillary na biglang lumapit sa akin. Tiningnan ko lamang siya ngunit hindi ko siya sinagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kung iniisip mo na ikaw ang pipiliin niya dahil ikaw ang totoong babae na tinutukoy sa propesiya ay nagkakamali. Dahil kahit ikaw man ang babaeng iyon ay wala pa ring maniniwala sa'yo dahil ang iyong moon tattoo."Wala sana akong balak na kausapin siya ngunit nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko napigilan ang aking sarili na kausapin siya. "So, alam mo na pala na ako ang babaeng tinutukoy sa pr

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 53

    Zeph Pov"Hindi kami papayag na isang aliping omega ang maging luna ng Golden Wolf Pack! Ano na lang ang sasabihin sa atin ng ibang pack? Na wala tayong matinong babae para maging luna kung kaya't isang aliping omega na lamang ang ating luna?" galit na tutol ng Landro, ang pinuno ng nort council. Sinuportahan naman ng iba ang sinabi ng lalaki samantalang ang mga taga-south council ay nagbulungan lamang."Ako ang Alpha ng Golden Wolf Pack kaya ako ang masusunod kung sino ang gagawin kong luna. Kaya kapag sinabi kong si Zeph ang magiging luna ko ay walang makakapigil sa akin. Dahil tanging ang babaeng mahal ko ang karapat-dapat lamang sa posisyong ito at wala nang iba pa. At saka bakit kayo nakikialam? Kayo ba ang makikisama sa magiging luna?" mariing wika ni Alpha Hunter. Nakalarawan sa kanyang mukha ang katatagan kaya walang sinuman ang maaaring magdikta sa kanyang desisyon.Kung hindi ko pa alam ang tunay kong pagkatao ay magtatatalon sana ako sa tuwa at tatakbo palapit kay Alpha Hun

    Last Updated : 2023-04-23
  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 54

    Hunter PovNagmamadali akong pumasok sa loob ng aking silid nang makaramdam ako ng matinding sakit ng katawan habang kausap ko ang aking mga kapanalig. Hinihingan nila ako ng paliwanag sa lahat ng mga paratang ni Zeph tungkol sa ginawa ng aking ama sa kanyang mga magulang. Ngunit ano ang ipapaluwanag ko sa kanila? Wala akong alam tungkol sa mga pinagsasasabi ni Zeph lalo pa at bata pa ako nang mga panahong iyon. Wala rin naman nabanggit sa akin ang ama ko tungkol sa mga magulang ni Zeph kung totoong ang dating alpha bago ang aking ama ay ang ama naman ni Zeph.Kaliwa't kanan ang bumatikos sa akin kanina lalo na ang mga taga-north council na biglang nakahanap ng pagkakataon para mapatalsik ako bilang alpha ng Golden Wolf Pack. At kahit ang ilang miyembro ng mga taga-south council ay tinalikuran ako. Lahat ng mga pinaghirapan ko para mapanatiling matatag ang aking posisyon bilang isang alpha ay nanganganib na gumuho dahil lamang sa ilang mga pangungusap ni Zeph na hindi ko alam kung saa

    Last Updated : 2023-04-23

Latest chapter

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 65 - WAKAS

    Zeph PovPagkatapos naming mapatay si Urusula ay agad kaming nagtungo sa dating bahay kung saan nakatira si Hunter. Pagdating namin ay kasalukuyang nakikipaglaban na ang dalawang magkalabang panig. Sa nakita ko ay malapit nang matalo ang aming mga kapanalig at tila nawawalan na sila ng pag-asang manalo ngunit nang makita nila ang pagdating namin ni Hunter ay bigla silang nabuhayan ng loob. Malaking bagay ang pagdating ng presensiya namin ni Hunter para manumbalik ang tapang sa kanilang mga puso.Sa unang pagkakataon ay ipinakita ko sa buong pack members ng Golden Wolf Pack ang aking kapangyarihan. At dahil mga ordinaryong taong-lobo lamang ang mga kalaban kaya mabilis namin silang natalo. Ngunit ang mga kawal lamang ni Keiver ang nahuli namin dahil wala siya roon. Alam ko na may binabalak siyang plano laban sa amin kaya wala siya rito. Dahil doon ay inutusan ko ang aming mga kapanalig na maging alerto. Pagkatapos ng madugong laban ng dalawang magkaibang panig ay nagawa naming pasukui

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 64

    Zeph PovAng simpleng halikan namin ni Alpha Hunter ay nauwi sa mas mainit na eksena. Hinayaan ko siyang alisin ang lahat ng saplot sa aking katawan at tuklasin ang bawat bahagi ng katawan ko na nais marating ng kanyang mga kamah. At bawat bahagi ng katawan ko na madaan ng kanyang mga palad ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat. Apoy na hindi nakakasunog sa halip ay nagbibigayng ng ibayong sarap at kiliti na hindi ko maipaliwanag. Bago sa akin ang pakiramdam na ito ngunit inaamin ko na ito ang pakiramdam na gusto kong paulit-ulit na maramdaman.Nang tuluyan na niyang pag-isahin ang aming mga katawan ay nakaramdam ako ng sakit na tila ba may napunit sa kaloob-looban ng aking katawan. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang sakit. Hindi ko akalain na makakarmdam din ako ng sakit dahil akala ko ay puro sarap lamang ang mararamdaman ko. Ngunit saglit lamang ang sakit na aking naramdaman dahil agad na pumalit ang pakiramdam na hindi ko kayang mapangalanan. At ito ang pakiramdam

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 63

    Zeph PovLumitaw kami ni Alpha Hunter sa harapan ng kuwebang binanggit ni Hillary. Lahat ng mga taga-suporta ni Alpha Hunter ay nagsaya nang makita nilang magkasama kaming dumating ni Alpha Hunter sa kanilang safe place. Naroon na rin sina Duffy na matagumpay na nailigtas ang mga kaibigan ni Alpha Hunter."Ligtas na tayo! Nandito na ang ating alpha at luna!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong-lobo. Napansin ko na maliban sa south council ay mga taga-north council din na kasamang nagtatago. Siguro sila ang mga taga oposisyon na ayaw sa malupit na pamamalakad ni Alpha Hunter kaya mas pinili nilang magtago. Binibihag kasi ni Keiver ang kahit sino na kontra sa kanyang pamamalakad o worst ay pinapatay."Natutuwa kami at ligtas kang nakatakas sa pagkakulong, Alpha Hunter," masayang salubong ni Ashley sa amin. Kasama niya sina Duffy at Hillary pati na rin ang mga kaibigan ni Alpha Hunter na bagama't puno ng sugat sng mga katawan at nanghihina ay ginusto pa ring salubungin ang aming pagd

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 62

    Zeph PovNang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley."Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso."Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya."Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 61

    Zeph PovHindi ko napigilang sisihin ang aking sarili matapos kong malaman kay Duffy at Ashley ang naging kalagayan ni Alpha Hunter nang umalis ako sa pack namin. Kung alam ko lang na makakaranas pala siya ng matinding backlash dahil sa ginawang pagtanggi sa kanya bilang mate ko ay hindi na sana ako nagliwaliw sa iba't ibang werewolf pack. Kung sana ay hindi ko na pinaabot pa ng mahigit anim na buwan bago ko naisipang magbalik sa pack namin ay hindi sana nararanasan ngayon ni Alpha Hunter ang kalupitan sa mga kamay ni Keiver."Patawarin niyo ako. Naging makasarili ako. Kahit nalaman kong na wala talagang kasalanan ang ama ni Alpha Hunter ay mas ginusto ko na huwag bumalik. Naduwag kasi akong harapin ang galit niya sa akin," umiiyak na paumanhin ko sa dalawa kong kaibigan. Halos madurog ang aking puso nang malaman ko kung paano pinahihirapan ni Keiver si Alpha Hunter."Wala kang kasalanan, Zeph. Biktima ka lamang din ng pagmamanipula ni Keiver. At hindi pa huli ang lahat. Buhay ka pa k

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 60

    Zeph PovNakangiting kinawayan ko ang huling pasyente ko sa araw na ito. Nagpatayo ako ng isang maliit na clinic sa Ash Pack kung saan ay nagustuhan kong pansamantalang manirahan. Mahigit tatlong buwan na ako rito dahil ginugol ko ang ibang mga buwan sa pag-iikot kaya maraming pack akong napuntahan. Lahat sila ay tinanggap ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya bilang kapalit ng mainit nilang pagtanggap sa akin ay pinagaling ko ang lahat ng mga may karamdaman sa bawat pack kung saan ako nanatili ng mga ilang araw. Hanggang sa nakarating ako sa Ash Pack. Isang pack na nasa paanan ng bundok at naninirahan ng tahimik. Nagustuhan kong manatili rito dahil ang mga taong-lobo na nakatira rito ay mababait. Wala silang discrimination kahit anong rank ka man nagmula. Lahat ay masaya. Nalilibang ako kaya hindi pumapasok sa aking isip ng iniwan kong pack kung saan ako nagmula. At kapag hindi talaga naiiwasang sumagi sa aking isipan lalo na kapag nag-iisa ako ay agad kong ipinipilig ang akin

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 59

    Hunter Pov"Hunter!" tawag ni Ruyi sa aking pangalan mula sa labas ng kulungang kinaroroonan ko. "I'm sorry kung natagalan kami bago ka namin napuntahan para maitakas. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay na kawal kaya hindi kami makapasok. Ngunit ngayon ay nabawasan ang mga bantay na kawal dahil pinasama ni Keiver sa paghahanap sa mga tagasuporta mo na nakatakas," paliwanag sa akin niya sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti. "Makita ko lang na ligtas kayo ay okay na ako. At saka hindi niyo ako magagawang maitakas dito dahil naglagay ng spell si Urusula para hindi ako makatakas sakaling makakawala man ako sa pagkakatali nila sa akin," paliwanag ko sa kanila."Mga walang hiya sila!" galit na bulalas ni Sami habang nakakuyom ang mga kamao. "Paano ka namin magagawang maitakas dito, Hunter?""Si Zeph lamang ang tanging makakaalis ng spell dahil isa siyang goddess. Ang anumang kapangyarihang itim na ginamit ni Urusula ay walang bisa sa kanya at kaya niyang kontrahin," sagot ko haban

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 58

    Hunter PovSa apat na sulok ng kulungang kinaroroonan ko ay maririnig ang aking mahihinang pagdaing at ang malakas na hagupit ng latigo na tumatama sa aking katawan habang ang aking dalawang kamay ay nakatali ng padipa. Sa tindi ng nararamdaman kong sakit ay halos nakaluhod na ako sa malamig na sahig ng kulungan. Ngunit walang awa pa rin akong hinahagupit ng latigo ni Beta Keiver na ngayon ay siya nang bagong alpha ng Golden Wolf Pack.Halos anim na buwan na ang nakalilipas magmula nang lusubin ng mga kawal ni Keiver ang aking bahay at dinakip ako. Wala akong lakas para makipaglaban sa kanila kaya walang kahirap-hirap na nakuha niya ang aking bahay at ang pagiging alpha ng aming pack. Magmula kasi nang umalis si Zeph ay hindi na bumalik ang aking lakas. Tuwing gabi, pagsapit ng alasais ay umaatake ang matinding sakit ng katawan na una kong naramdaman nang gabi ng aking kaarawan kung kailan naman ako iniwan ni Zeph matapos niyang tanggihan ang aking pag-ibig sa harapan ng aking mga bi

  • The Omega's Destiny (English)   Chapter 57

    Zeph PovParang dinaklot ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Sa wakas, pagkatapos ng labinwalong taon ay nalaman ko rin ang pangalan ng aking mga magulang. Lumaki kasi ako na ni pangalan ng aking mga magulang ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang tungkol sa kanila ay pareho silang omega at traydor sa aming pack. Kaya naman nang marinig ko ang kanilang pangalan ay parang may dumaklot sa aking puso. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. "Alpha Amaro at Luna Quinee ang pangalan ng dating alpha ng Golden Wolf Pack at nang kanyang luna?" tanong ko kay Alpha Trio kahit na kababanggit pa lamang niya sa pangalan ng aking mga magulang. Gusto ko lang talagang siguraduhin na hindi ako nagkamali ng dinig sa kanilang mga pangalan."Tama ang narinig mo, Zeph. Alpha Amaro at Luna Quinee ang kanilang pangalan. May koneksiyon ka ba sa kanila?" curious na tanong sa akin ni Alpha Trio.Tumango ako bago ko siya sinagot. "Ako ang nag-iisa nilang anak na babae," sagot ko

DMCA.com Protection Status