Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a
Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya
Zeph PovMaingat akong inilapag ni Alpha Hunter sa ibabaw ng kama sa loob ng aking silid. Walang imik na lumabas siya ng aking silid at iniwan ako. Akala ko ay talagang iniwan na niya ako ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya sa aking silid at may dalang first aid. Wala pa rin siyang imik nang hinawakan niya ang aking baba at bahagyang itinaas. Nang akmang dadampian niya ng bulak na may kung anong gamot na nakalagay ang aking pisngi ay mabilis kong inawat ang kanyang kamay."Ako na lang ang gagamot sa sarili ko, Alpha Hunter. Naabala na kita kanina nang ipagtanggol mo ako laban kay Hillary kaya hindi ko na iyon dadagdagan pa," sabi ko sa kanya. Akmang kukuhanin ko sa kamay niya ang bulak ngunit mabilis niyang naiiwas ang kanyang kamay. Kinuha niya ang bulak at nilagyan ng ointment tapos marahang idinampi sa 5"Naabala mo na ako kaya ituloy-tuloy muna. At saka, sa tingin mo ba ay hindi na madadagdagan ang pang-aabala mo sa akin? Nagkakamali ka. Natitiyak ko na hindi ka nila
Zeph PovHalos lumabas sa aking dibdib ang aking puso sa sobrang lakas ng dagundong. Kinakabahan ako ng sobra sa mangyayaring paghaharap naming muli ni Beta Keiver. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Lihim ko na lamang idinadalangin na sana ay hindi ako ibalik ni Alpha Hunter sa mga kamay ni Beta Keiver kahit anong mangyari."Relax, Zeph. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ibabalik sa kanya," kausap sa akin ni Alpha Hunter habang naglalakad kami papunta sa sala kung saan naghihintay si Beta Keiver. Hinawakan niya ang isa kong palad at bahagyang pinisil. Siguro ay naramdaman niya ang pag-aalalang nararamdaman ko kaya niya ginawa iyon. At nakatulong naman ang ginawa niyang pagpisil sa kamay ko dahil tila iyon ang naging assurance ko mula sa kanya na hindi niya ako ibabalik kay Beta Keiver kahit ano ang mangyari.Bahagya lamang akong tumango sa kanya at hindi na nagsalita. Kahit paano ay nabawasan ng kabang nararamdaman ko at biglang lumakas ng aking loob. Palap
Zeph PovGaya ng advice nila sa akin ay nanatili lamang ako sa loob ng bahay ni Alpha Hunter. Ngunit hindi naman ako sitting pretty lamang dahil gumagawa ako ng mga gawaing-bahay. Nag-aasikaso rin ako ng pangangailangan ng mga babaeng kandidata para maging luna ni Alpha Hunter. At ngayon na alipin na niya ako ay hindi na ako gaanong nakakarinig ng hindi magagandang salita laban sa akin. Siguro natatakot sila na makarating kay Alpha Hunter kaya sinasarili na lamang nila ang anumang salitang hindi maganda na nais nilang sabihin tungkol sa akin."Zeph, ang sabi ni Alpha Hunter ay sumama ka raw sa amin na manguha ng mga bulaklak na ibibigay niya sa bawat kandidata na matatanggal," kausap sa akin ng alipin na si Verly habang nagpupunas ako ng mga gamit sa sala. Mamayang gabi ay ibabalita na ni Alpha ang ilang kandidata na matatanggal sa contest."Sigurado ka na sinabi ni Alpha Hunter na sumama ako sa inyo?" alanganin kong tanong kay Verly. Hindi ba't sabi ni Alpha Hunter ay huwag akong lal
Alpha Hunter PovKasalukuyan akong naghahanda para sa gagawin kong pagpili ng limang matatanggal sa contest ng babaeng magiging aking luna. Walo na lamang silang natitira dahil isa ang hindi nakapasa sa aking unang pagsubok at sadyang dinisqualified ko si Hillary para hindi na siya makapagpatuloy pa sa contest. Hindi ako papayag na siya ang aking maging luna. Kapag siya ang aking maging luna ay para na rin akong pumayag na hawakan ako sa leeg ni Keiver. Alam kong hindi na siya makapaghintay na maging bagong alpha ng aming pack kaya gumagawa siya ng paraan para mahawakan niya ako sa leeg at mapasunod sa kanyang gusto. At ang pagsali ni Hillary sa contest para sa aking magiging luna ay paraan ni Keiver para magawa niya ang gusto niyang mangyari. Iniisip yata nkya na magkakagusto ako at pakakasalan ko ang kanyang anak kagaya ng inaasahan ng marami. Ngunit nagkakamali siya dahil ni katiting na pagtingin ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Biglang pumasok sa aking isip ang magandan
Zeph PovNakatayo ako sa isang lugar na ngayon ko pa lamang nakita at narating. Ramdam ko ang sobrang lamig ng paligid kaya lahat ng balahibo ko sa katawan ay nakatayo na. Nakatayo ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saang panig ng mundo. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Basta namalayan ko na lamang na nakatayo ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbakasakali ako na may makita akong ibang tao maliban sa akin. Ngunit tila ako lamang ang narito sa lugar na ito. Hindi ko rin masyadong mabistahan ang kinaroroonan kong lugar dahil medyo madilim ang paligid. "Alpha Hunter! Alpha Hunter! Tulungan mo ako!" malakas kong sigaw. Hindi ko alam kung bakit pangalan niya agad ang unang pumasok sa aking isipan para hingan ng tulong. Ngunit kahit anong pagtawag ang gawin ko ay hindi niya ako sinagot kaya natiyak ko na ako lang talaga ang mag-isang narito sa malamig ay napakatahimik na lugar na ito."Maligayang pagdating sa kaharian ng
Zeph Pov"Kumusta na ang pakiramdam mo, Zeph?" tanong sa akin ni Alpha Hunter sa tono na may pag-aalala. Nang tinangka kong bumangon ay tinulungan niya ako para makasandig ako sa head board ng kama."Okay lang ako, Alpha Hunter. Salamat sa pag-aalala mo at sa muling pagliligtas mo sa buhay ko," mabilis kong pasasalamat sa kanya. "Patawad dahil umalis ako sa bahay mo nang hindi nagpapaalam. Nagpadala ako sa kasinungalingan nina Verly at Marga," paumanhin ko naman pagkatapos ay bahagya akong napayuko dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya. Wala akong naidudulot kay Alpha Hunter kundi puro sakit ng ulo lamang. Baka dahil sa ginawa kong ito ay paalisin niya ako sa bahay niya. At kapag nangyari iyon ay hindi ko alam kung saan ako titira."Huwag mong alalahanin ang nangyari. Basta sa susunod ay mag-iingat ka na lamang at huwag ka nang basta-basta sasama sa kahit kanino kung hindi ka sigurado na ligtas ka," sagot niya sa akin. Nakita ko ang saglit na pagdaan ng galit sa kanyang mga mata ngunit
Zeph PovPagkatapos naming mapatay si Urusula ay agad kaming nagtungo sa dating bahay kung saan nakatira si Hunter. Pagdating namin ay kasalukuyang nakikipaglaban na ang dalawang magkalabang panig. Sa nakita ko ay malapit nang matalo ang aming mga kapanalig at tila nawawalan na sila ng pag-asang manalo ngunit nang makita nila ang pagdating namin ni Hunter ay bigla silang nabuhayan ng loob. Malaking bagay ang pagdating ng presensiya namin ni Hunter para manumbalik ang tapang sa kanilang mga puso.Sa unang pagkakataon ay ipinakita ko sa buong pack members ng Golden Wolf Pack ang aking kapangyarihan. At dahil mga ordinaryong taong-lobo lamang ang mga kalaban kaya mabilis namin silang natalo. Ngunit ang mga kawal lamang ni Keiver ang nahuli namin dahil wala siya roon. Alam ko na may binabalak siyang plano laban sa amin kaya wala siya rito. Dahil doon ay inutusan ko ang aming mga kapanalig na maging alerto. Pagkatapos ng madugong laban ng dalawang magkaibang panig ay nagawa naming pasukui
Zeph PovAng simpleng halikan namin ni Alpha Hunter ay nauwi sa mas mainit na eksena. Hinayaan ko siyang alisin ang lahat ng saplot sa aking katawan at tuklasin ang bawat bahagi ng katawan ko na nais marating ng kanyang mga kamah. At bawat bahagi ng katawan ko na madaan ng kanyang mga palad ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat. Apoy na hindi nakakasunog sa halip ay nagbibigayng ng ibayong sarap at kiliti na hindi ko maipaliwanag. Bago sa akin ang pakiramdam na ito ngunit inaamin ko na ito ang pakiramdam na gusto kong paulit-ulit na maramdaman.Nang tuluyan na niyang pag-isahin ang aming mga katawan ay nakaramdam ako ng sakit na tila ba may napunit sa kaloob-looban ng aking katawan. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang sakit. Hindi ko akalain na makakarmdam din ako ng sakit dahil akala ko ay puro sarap lamang ang mararamdaman ko. Ngunit saglit lamang ang sakit na aking naramdaman dahil agad na pumalit ang pakiramdam na hindi ko kayang mapangalanan. At ito ang pakiramdam
Zeph PovLumitaw kami ni Alpha Hunter sa harapan ng kuwebang binanggit ni Hillary. Lahat ng mga taga-suporta ni Alpha Hunter ay nagsaya nang makita nilang magkasama kaming dumating ni Alpha Hunter sa kanilang safe place. Naroon na rin sina Duffy na matagumpay na nailigtas ang mga kaibigan ni Alpha Hunter."Ligtas na tayo! Nandito na ang ating alpha at luna!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong-lobo. Napansin ko na maliban sa south council ay mga taga-north council din na kasamang nagtatago. Siguro sila ang mga taga oposisyon na ayaw sa malupit na pamamalakad ni Alpha Hunter kaya mas pinili nilang magtago. Binibihag kasi ni Keiver ang kahit sino na kontra sa kanyang pamamalakad o worst ay pinapatay."Natutuwa kami at ligtas kang nakatakas sa pagkakulong, Alpha Hunter," masayang salubong ni Ashley sa amin. Kasama niya sina Duffy at Hillary pati na rin ang mga kaibigan ni Alpha Hunter na bagama't puno ng sugat sng mga katawan at nanghihina ay ginusto pa ring salubungin ang aming pagd
Zeph PovNang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley."Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso."Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya."Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi
Zeph PovHindi ko napigilang sisihin ang aking sarili matapos kong malaman kay Duffy at Ashley ang naging kalagayan ni Alpha Hunter nang umalis ako sa pack namin. Kung alam ko lang na makakaranas pala siya ng matinding backlash dahil sa ginawang pagtanggi sa kanya bilang mate ko ay hindi na sana ako nagliwaliw sa iba't ibang werewolf pack. Kung sana ay hindi ko na pinaabot pa ng mahigit anim na buwan bago ko naisipang magbalik sa pack namin ay hindi sana nararanasan ngayon ni Alpha Hunter ang kalupitan sa mga kamay ni Keiver."Patawarin niyo ako. Naging makasarili ako. Kahit nalaman kong na wala talagang kasalanan ang ama ni Alpha Hunter ay mas ginusto ko na huwag bumalik. Naduwag kasi akong harapin ang galit niya sa akin," umiiyak na paumanhin ko sa dalawa kong kaibigan. Halos madurog ang aking puso nang malaman ko kung paano pinahihirapan ni Keiver si Alpha Hunter."Wala kang kasalanan, Zeph. Biktima ka lamang din ng pagmamanipula ni Keiver. At hindi pa huli ang lahat. Buhay ka pa k
Zeph PovNakangiting kinawayan ko ang huling pasyente ko sa araw na ito. Nagpatayo ako ng isang maliit na clinic sa Ash Pack kung saan ay nagustuhan kong pansamantalang manirahan. Mahigit tatlong buwan na ako rito dahil ginugol ko ang ibang mga buwan sa pag-iikot kaya maraming pack akong napuntahan. Lahat sila ay tinanggap ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya bilang kapalit ng mainit nilang pagtanggap sa akin ay pinagaling ko ang lahat ng mga may karamdaman sa bawat pack kung saan ako nanatili ng mga ilang araw. Hanggang sa nakarating ako sa Ash Pack. Isang pack na nasa paanan ng bundok at naninirahan ng tahimik. Nagustuhan kong manatili rito dahil ang mga taong-lobo na nakatira rito ay mababait. Wala silang discrimination kahit anong rank ka man nagmula. Lahat ay masaya. Nalilibang ako kaya hindi pumapasok sa aking isip ng iniwan kong pack kung saan ako nagmula. At kapag hindi talaga naiiwasang sumagi sa aking isipan lalo na kapag nag-iisa ako ay agad kong ipinipilig ang akin
Hunter Pov"Hunter!" tawag ni Ruyi sa aking pangalan mula sa labas ng kulungang kinaroroonan ko. "I'm sorry kung natagalan kami bago ka namin napuntahan para maitakas. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay na kawal kaya hindi kami makapasok. Ngunit ngayon ay nabawasan ang mga bantay na kawal dahil pinasama ni Keiver sa paghahanap sa mga tagasuporta mo na nakatakas," paliwanag sa akin niya sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti. "Makita ko lang na ligtas kayo ay okay na ako. At saka hindi niyo ako magagawang maitakas dito dahil naglagay ng spell si Urusula para hindi ako makatakas sakaling makakawala man ako sa pagkakatali nila sa akin," paliwanag ko sa kanila."Mga walang hiya sila!" galit na bulalas ni Sami habang nakakuyom ang mga kamao. "Paano ka namin magagawang maitakas dito, Hunter?""Si Zeph lamang ang tanging makakaalis ng spell dahil isa siyang goddess. Ang anumang kapangyarihang itim na ginamit ni Urusula ay walang bisa sa kanya at kaya niyang kontrahin," sagot ko haban
Hunter PovSa apat na sulok ng kulungang kinaroroonan ko ay maririnig ang aking mahihinang pagdaing at ang malakas na hagupit ng latigo na tumatama sa aking katawan habang ang aking dalawang kamay ay nakatali ng padipa. Sa tindi ng nararamdaman kong sakit ay halos nakaluhod na ako sa malamig na sahig ng kulungan. Ngunit walang awa pa rin akong hinahagupit ng latigo ni Beta Keiver na ngayon ay siya nang bagong alpha ng Golden Wolf Pack.Halos anim na buwan na ang nakalilipas magmula nang lusubin ng mga kawal ni Keiver ang aking bahay at dinakip ako. Wala akong lakas para makipaglaban sa kanila kaya walang kahirap-hirap na nakuha niya ang aking bahay at ang pagiging alpha ng aming pack. Magmula kasi nang umalis si Zeph ay hindi na bumalik ang aking lakas. Tuwing gabi, pagsapit ng alasais ay umaatake ang matinding sakit ng katawan na una kong naramdaman nang gabi ng aking kaarawan kung kailan naman ako iniwan ni Zeph matapos niyang tanggihan ang aking pag-ibig sa harapan ng aking mga bi
Zeph PovParang dinaklot ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Sa wakas, pagkatapos ng labinwalong taon ay nalaman ko rin ang pangalan ng aking mga magulang. Lumaki kasi ako na ni pangalan ng aking mga magulang ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang tungkol sa kanila ay pareho silang omega at traydor sa aming pack. Kaya naman nang marinig ko ang kanilang pangalan ay parang may dumaklot sa aking puso. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. "Alpha Amaro at Luna Quinee ang pangalan ng dating alpha ng Golden Wolf Pack at nang kanyang luna?" tanong ko kay Alpha Trio kahit na kababanggit pa lamang niya sa pangalan ng aking mga magulang. Gusto ko lang talagang siguraduhin na hindi ako nagkamali ng dinig sa kanilang mga pangalan."Tama ang narinig mo, Zeph. Alpha Amaro at Luna Quinee ang kanilang pangalan. May koneksiyon ka ba sa kanila?" curious na tanong sa akin ni Alpha Trio.Tumango ako bago ko siya sinagot. "Ako ang nag-iisa nilang anak na babae," sagot ko