Zeph PovNanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Biglang naglaho ang sakit at sugat sa aking katawan. Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong kakayahan na mapaghilom ng mabilis ang aking mga sugat? Ang mga taong-lobo maliban sa akin ay may kakayahan na mapagaling ng mabilis ang kanilang mga sugat ngunit hindi ganito kabilis katulad ng nangyari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari sa akin ngunit ikinatuwa ko ang aking bagong tuklas na kakayahan. Nagulat ako at nagtaka ngunit hindi ko maikakaila na talagang natuwa ako sa nangyari. Sa wakas ay may kapangyarihan na rin ako. Hindi na ako isang ordinaryong taong-lobo lamang na parang normal na tao dahil may kapangyarihan na ako ngayon. Ngunit kailangan kong makasiguro na kaya ko nga ang magpagaling. Ngunit sino naman ang pagagalingin ko?Tila sinasadya naman na biglang may nasagasaang rabbit sa aking harapan. Mukhang nakatakas lamang ang rabbit mula sa kanyang kulungan dahil malinis ito.
Zeph PovHindi lamang ako ang nagulat kundi maging ang lahat ng mga bisita ni Hillary na naroon sa kanyang party. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Alpha Hunter ngunit saglit lamang dahil naging blangko na ulit ang expression ng kanyang mukha.Natuwa ang mga bisita ni Hillary nang makita ang bagay na iyon na lumabas sa kanyang noo. Hindi ko alam kung bakit sila natuwa lalong-lalo na si Hillary na hindi maitago ang sobrang galak sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa aking isip kung ano ang mayroon sa drawing na iyon na biglang lumitaw sa noo ni Hillary?"Si Hillary ang tinutukoy sa propesiya na babaeng nakatakda na magiging Luna ng ating alpha!" masayang bulalas ni Duffy na napalapit kay Hillary at niyakap ng mahigpit.Babaeng tinutukoy sa propesiya na magiging Luna ni Alpha Hunter? Ano ang ibig sabihin ni Duffy? hindi napigilang tanong ko sa aking isip. Hindi ko alam na may propesiya palang ganoon para sa magiging asawa ni Alpha Hunter. I thought he will be the
Alpha Hunter PovNaging usap-usapan ang nangyari sa birthday ni Hillary nang mga sumunod na araw. Lahat ay naniniwala na si Hillary ang babaeng nakatakda para maging aking Luna. Kung lahat sila ay naniniwala na si Hillary nga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil sa paglitaw ng moon-shaped tattoo sa kanyanh noo ay hindi ako. Sa pagkakaalam ko ay mabait at mapagmahal ang aming moon goddess na siyang nagtataglay ng moon tattoo na iyon. Mahal niya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi maging ang mga mortal. Natitiyak ko na pipili siya ng mabait at matinong babae para sa mission na iniatang niya sa mga balikat ng kung sino mang babaeng iyon. Si Hillary naman ay arogante, mapagmataas, at kayang gumawa ng hindi maganda laban sa kanyang kapwa. Kaya paano pipiliin ng aming moon goddess ang isang tulad niHillary na masama ang ugali para pagkaisahin ang lahat ng pack?Hindi magagawa ni Hillary ang nakasulat sa propesiya. Baka nga mas lalo lamang magkagulo ang lahat ng pack kapag siya ang aki
Zeph PovUnang araw ng pagtira ni Hillary sa bahay ni Alpha Hunter at siyempre ako rin. Marami ang nagpalista para sumali sa contest ngunit sampu lamang ang ang nakapasa. At kasama na roon sina Hillary at Duffy na biglang nag-iba ang turingan sa isa't isa magmula nang malaman nang una na interesado ang kaibigan niya na maging Luna ni Alpha Hunter sa halip na suportahan na lamang siya at i-cheer. Hindi man gusto ni Hillary na pati ang kaibigan niya ay karibal niya kay Alpha Hunter ay wala siyang magagawa kundi tanggapin na magkalaban sila ngayon sa iisang lalaki.Mula sa iba't ibang werewolf pack ang sumali ngunit hindi rin pinalad na mapasama sa top ten. Tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakaalam kung paano ang gagawin niyang pagpili sa sampung kandidata at kung may ipagagawa ba ito sa kanila.Para sa akin ay nagsasayang lamang ng oras at panahon ang parehong panig. Ano ba ang makukuha kapag naging Luna na ni Alpha Hunter ang isang babae? Magkakaroon ba siya ng malakas na kapangyar
Zeph PovNag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit."Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad
Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman
Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang
Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi
Zeph PovPagkatapos naming mapatay si Urusula ay agad kaming nagtungo sa dating bahay kung saan nakatira si Hunter. Pagdating namin ay kasalukuyang nakikipaglaban na ang dalawang magkalabang panig. Sa nakita ko ay malapit nang matalo ang aming mga kapanalig at tila nawawalan na sila ng pag-asang manalo ngunit nang makita nila ang pagdating namin ni Hunter ay bigla silang nabuhayan ng loob. Malaking bagay ang pagdating ng presensiya namin ni Hunter para manumbalik ang tapang sa kanilang mga puso.Sa unang pagkakataon ay ipinakita ko sa buong pack members ng Golden Wolf Pack ang aking kapangyarihan. At dahil mga ordinaryong taong-lobo lamang ang mga kalaban kaya mabilis namin silang natalo. Ngunit ang mga kawal lamang ni Keiver ang nahuli namin dahil wala siya roon. Alam ko na may binabalak siyang plano laban sa amin kaya wala siya rito. Dahil doon ay inutusan ko ang aming mga kapanalig na maging alerto. Pagkatapos ng madugong laban ng dalawang magkaibang panig ay nagawa naming pasukui
Zeph PovAng simpleng halikan namin ni Alpha Hunter ay nauwi sa mas mainit na eksena. Hinayaan ko siyang alisin ang lahat ng saplot sa aking katawan at tuklasin ang bawat bahagi ng katawan ko na nais marating ng kanyang mga kamah. At bawat bahagi ng katawan ko na madaan ng kanyang mga palad ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat. Apoy na hindi nakakasunog sa halip ay nagbibigayng ng ibayong sarap at kiliti na hindi ko maipaliwanag. Bago sa akin ang pakiramdam na ito ngunit inaamin ko na ito ang pakiramdam na gusto kong paulit-ulit na maramdaman.Nang tuluyan na niyang pag-isahin ang aming mga katawan ay nakaramdam ako ng sakit na tila ba may napunit sa kaloob-looban ng aking katawan. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at tiniis ang sakit. Hindi ko akalain na makakarmdam din ako ng sakit dahil akala ko ay puro sarap lamang ang mararamdaman ko. Ngunit saglit lamang ang sakit na aking naramdaman dahil agad na pumalit ang pakiramdam na hindi ko kayang mapangalanan. At ito ang pakiramdam
Zeph PovLumitaw kami ni Alpha Hunter sa harapan ng kuwebang binanggit ni Hillary. Lahat ng mga taga-suporta ni Alpha Hunter ay nagsaya nang makita nilang magkasama kaming dumating ni Alpha Hunter sa kanilang safe place. Naroon na rin sina Duffy na matagumpay na nailigtas ang mga kaibigan ni Alpha Hunter."Ligtas na tayo! Nandito na ang ating alpha at luna!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga taong-lobo. Napansin ko na maliban sa south council ay mga taga-north council din na kasamang nagtatago. Siguro sila ang mga taga oposisyon na ayaw sa malupit na pamamalakad ni Alpha Hunter kaya mas pinili nilang magtago. Binibihag kasi ni Keiver ang kahit sino na kontra sa kanyang pamamalakad o worst ay pinapatay."Natutuwa kami at ligtas kang nakatakas sa pagkakulong, Alpha Hunter," masayang salubong ni Ashley sa amin. Kasama niya sina Duffy at Hillary pati na rin ang mga kaibigan ni Alpha Hunter na bagama't puno ng sugat sng mga katawan at nanghihina ay ginusto pa ring salubungin ang aming pagd
Zeph PovNang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley."Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso."Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya."Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi
Zeph PovHindi ko napigilang sisihin ang aking sarili matapos kong malaman kay Duffy at Ashley ang naging kalagayan ni Alpha Hunter nang umalis ako sa pack namin. Kung alam ko lang na makakaranas pala siya ng matinding backlash dahil sa ginawang pagtanggi sa kanya bilang mate ko ay hindi na sana ako nagliwaliw sa iba't ibang werewolf pack. Kung sana ay hindi ko na pinaabot pa ng mahigit anim na buwan bago ko naisipang magbalik sa pack namin ay hindi sana nararanasan ngayon ni Alpha Hunter ang kalupitan sa mga kamay ni Keiver."Patawarin niyo ako. Naging makasarili ako. Kahit nalaman kong na wala talagang kasalanan ang ama ni Alpha Hunter ay mas ginusto ko na huwag bumalik. Naduwag kasi akong harapin ang galit niya sa akin," umiiyak na paumanhin ko sa dalawa kong kaibigan. Halos madurog ang aking puso nang malaman ko kung paano pinahihirapan ni Keiver si Alpha Hunter."Wala kang kasalanan, Zeph. Biktima ka lamang din ng pagmamanipula ni Keiver. At hindi pa huli ang lahat. Buhay ka pa k
Zeph PovNakangiting kinawayan ko ang huling pasyente ko sa araw na ito. Nagpatayo ako ng isang maliit na clinic sa Ash Pack kung saan ay nagustuhan kong pansamantalang manirahan. Mahigit tatlong buwan na ako rito dahil ginugol ko ang ibang mga buwan sa pag-iikot kaya maraming pack akong napuntahan. Lahat sila ay tinanggap ako ng may ngiti sa kanilang mga labi. Kaya bilang kapalit ng mainit nilang pagtanggap sa akin ay pinagaling ko ang lahat ng mga may karamdaman sa bawat pack kung saan ako nanatili ng mga ilang araw. Hanggang sa nakarating ako sa Ash Pack. Isang pack na nasa paanan ng bundok at naninirahan ng tahimik. Nagustuhan kong manatili rito dahil ang mga taong-lobo na nakatira rito ay mababait. Wala silang discrimination kahit anong rank ka man nagmula. Lahat ay masaya. Nalilibang ako kaya hindi pumapasok sa aking isip ng iniwan kong pack kung saan ako nagmula. At kapag hindi talaga naiiwasang sumagi sa aking isipan lalo na kapag nag-iisa ako ay agad kong ipinipilig ang akin
Hunter Pov"Hunter!" tawag ni Ruyi sa aking pangalan mula sa labas ng kulungang kinaroroonan ko. "I'm sorry kung natagalan kami bago ka namin napuntahan para maitakas. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay na kawal kaya hindi kami makapasok. Ngunit ngayon ay nabawasan ang mga bantay na kawal dahil pinasama ni Keiver sa paghahanap sa mga tagasuporta mo na nakatakas," paliwanag sa akin niya sa akin. Mabilis akong umiling at ngumiti. "Makita ko lang na ligtas kayo ay okay na ako. At saka hindi niyo ako magagawang maitakas dito dahil naglagay ng spell si Urusula para hindi ako makatakas sakaling makakawala man ako sa pagkakatali nila sa akin," paliwanag ko sa kanila."Mga walang hiya sila!" galit na bulalas ni Sami habang nakakuyom ang mga kamao. "Paano ka namin magagawang maitakas dito, Hunter?""Si Zeph lamang ang tanging makakaalis ng spell dahil isa siyang goddess. Ang anumang kapangyarihang itim na ginamit ni Urusula ay walang bisa sa kanya at kaya niyang kontrahin," sagot ko haban
Hunter PovSa apat na sulok ng kulungang kinaroroonan ko ay maririnig ang aking mahihinang pagdaing at ang malakas na hagupit ng latigo na tumatama sa aking katawan habang ang aking dalawang kamay ay nakatali ng padipa. Sa tindi ng nararamdaman kong sakit ay halos nakaluhod na ako sa malamig na sahig ng kulungan. Ngunit walang awa pa rin akong hinahagupit ng latigo ni Beta Keiver na ngayon ay siya nang bagong alpha ng Golden Wolf Pack.Halos anim na buwan na ang nakalilipas magmula nang lusubin ng mga kawal ni Keiver ang aking bahay at dinakip ako. Wala akong lakas para makipaglaban sa kanila kaya walang kahirap-hirap na nakuha niya ang aking bahay at ang pagiging alpha ng aming pack. Magmula kasi nang umalis si Zeph ay hindi na bumalik ang aking lakas. Tuwing gabi, pagsapit ng alasais ay umaatake ang matinding sakit ng katawan na una kong naramdaman nang gabi ng aking kaarawan kung kailan naman ako iniwan ni Zeph matapos niyang tanggihan ang aking pag-ibig sa harapan ng aking mga bi
Zeph PovParang dinaklot ang aking puso nang marinig ko ang pangalan ng aking mga magulang. Sa wakas, pagkatapos ng labinwalong taon ay nalaman ko rin ang pangalan ng aking mga magulang. Lumaki kasi ako na ni pangalan ng aking mga magulang ay hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang tungkol sa kanila ay pareho silang omega at traydor sa aming pack. Kaya naman nang marinig ko ang kanilang pangalan ay parang may dumaklot sa aking puso. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. "Alpha Amaro at Luna Quinee ang pangalan ng dating alpha ng Golden Wolf Pack at nang kanyang luna?" tanong ko kay Alpha Trio kahit na kababanggit pa lamang niya sa pangalan ng aking mga magulang. Gusto ko lang talagang siguraduhin na hindi ako nagkamali ng dinig sa kanilang mga pangalan."Tama ang narinig mo, Zeph. Alpha Amaro at Luna Quinee ang kanilang pangalan. May koneksiyon ka ba sa kanila?" curious na tanong sa akin ni Alpha Trio.Tumango ako bago ko siya sinagot. "Ako ang nag-iisa nilang anak na babae," sagot ko