Naiwang nakahandusay sa sahig ang grupo ng mga kumidnap kay Alyssa. Magmamadali siyang lumabas sa silid na iyon. Paglabas, nagulat siya. Madilim ang paligid at nasa gitna pala siya ng dagat. Silid pala ng yate ang pinagkulungan sa kanya. Agad siyang naghanap ng puwede niyang sakyan para makaalis sa lugar na iyon. At nakakita siya ng isang rubber boat.
Ngunit, hindi pa man niya ito nakakalag sa pagkakatali ay biglang may narinig siyang putok ng baril. Nakita niya ang isa sa mga kidnapper na papalapit, may dala itong baril. Tumakbo siya sa gawing dulo ng yate. Nang makitang wala siyang puwedeng pagtaguan doon, naisip niyang tumalon na lang sa dagat. Wala siyang ibang choice. Marunong naman siyang lumangoy.
Nang makita ng mga kidnapper ang ginawa ni Alyssa. Pinagbabaril siya nito. Sinubukan niyang ilagan ang mga bala habang nasa ilalim ng tubig. Ngunit, may isang dumaplis sa kanyang braso. Nakaramdam siya ng hapdi pero itinuloy pa rin niya ang paglangoy.
Pagkalipas ng trenta minutong paglangoy, nakaramdam nang pamamanhid ng braso si Alyssa. Partikular sa brasong nadaplisan ng bala. Huminto siya saglit at tumingin sa paligid. Kadiliman, iyon lang ang kanyang nakikita.
"Paano na?" Pinagpatuloy pa rin ni Alyssa ang paglangoy. Mayamaya pa, tuluyan ng namanhid ang kanyang mga braso. Napapapikit na rin ang kanyang mga mata. Giniginaw na siya. Ilang saglit pa, naramdaman ni Alyssa na para siyang papel sa gaan na lumulutang sa tubig. Hudyat na unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkapagod. Hanggang sa nagdilim na ang kanyang paniningin.
~Sa Verdes Island~
Death anniversary ng mga magulang ni Mark kahapon, kaya siya nasa isla. Nag-alay siya ng mga bulaklak at panalangin para sa kanyang namayapang mga magulang. Taon-taon ganito ang kanyang ginagawa. Pagkatapos ay tumuloy na siya papunta sa kanyang cabin.
Maliit at simple lang ang cabin, pero kumpleto ito sa kagamitan. Mayroon itong maliit na living room, kitchen, dalawang bedroom at attic na siya niyang nagsisilbing office. Ipinatayo niya ito para sa tuwing pupunta siya sa isla ay maging kumportable naman siya. Isang linggo kasi siya kung mamalagi roon.
Ang Verdes Island ay nanatili pa ring virgin island. Kaya ito ang naging hidden sanctuary ni Mark sa tuwing nakakaramdam siya ng stress at pagod sa kanyang trabaho.
Kapag nasa isla si Mark, nakagawian na niyang magjogging sa dalampasigan tuwing umaga. Isang oras na niya itong ginagawa ng makaramdam siya ng uhaw. Tumigil siya saglit. Naupo sa isang malaking bato sa dalampasigan at uminom ng tubig. Mayamaya pa ay nakita niyang papasikat na ang araw.
Ang sunrise sa isla ay nakakabighani. Kaya gustong gusto ni Mark na ito ay laging makita tuwing pupunta siya roon. Naghahatid kasi ito ng calming effect sa kanya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Ngunit habang pinagmamasdan ito, nakuha ang atensyon niya ng isang bagay na palutang lutang sa dalampasigan. Nacurious siya kaya nilapitan niya ito. Hindi pala ito bagay kundi isang tao. Isang babae, ayon sa suot nitong damit.
Mabilis niya itong binuhat mula sa tubig. Inihiga ng maayos sa buhanginan at agad na nagCPR. Mayamaya pa narinig niya itong umubo. Iniluwa nito ang mga nainom na tubig. Pagkatapos ay inalalayan ito ni Mark na maupo. Hinawi niya ang buhok nitong tumabing sa mukha. Napatigil si Mark. Isa pala itong napakagandang babae.
"Aahhhh..." Iniumpog ni Alyssa ang kanyang ulo sa ulo ni Mark at sabay pakawala pa ng isang suntok sa sikmura para sa binata. Nagulat si Mark sa ginawa nito. At bago pa man siya makapagreact, nakatakbo na agad si Alyssa papalayo. "Miss, saglit..." Tawag ni Mark dito. Ngunit, hindi man lang siya nito nilingon. Bagkus ay lalo pa yatang binilisan ang pagtakbo. Agad kasi itong nawala sa kanyang paningin. "Kakaibang babae..." Napailing na lang si Mark sa pangyayari. Mayamaya pa bigla siyang napaisip. Bakit kaya ganoon ang naging reaksyon nito sa kanya? Saka ano kaya ang nangyari dito? Bakit kaya ito nagpalutang lutang sa dagat? Para magkaroon ng kasagutan ang kanyang mga tanong, sinundan niya ang dalaga. Tinahak ni Mark ang direksyong tinumbok nito. May nakita siyang trail ng mga footprints na naiwan sa dalampasigan kaya madali niya itong masusundan. Huminto ang last footprint nito sa bukana ng gubat. "Shit!" Mabilis na tumakbo si Mark papasok sa gubat. Pamilyar na siya sa lugar kay
"Nasaan si Alyssa?" "First Young Master, ganito po kasi.." Detalyadong isinalaysay ni Jaycee ang buong insidente sa First Young Master. Siya na ang gumawa nito dahil batid niyang magiging emosyonal si Laura kung ito ang magsasalaysay ng buong pangyayari. Mataman namang nakinig ang First Young Master kanyang mga sinabi. "First Young Master.." Lumapit si Chris, isa sa mga bodyguard nito. May ibinulong ito saglit at may iniabot na isang USB. Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid. "Here is the copy of the CCTV footage. Jaycee, ikaw na ang magcheck n'yan." "Yes, First Young Master." Pagkaabot sa USB, agad nang tumalima si Jaycee sa ipinapagawa sa kanya. Naiwan naman si Laura na tahimik na nakaupo sa sofa. Batid ng First Young Master na malalim ang iniisip ng dalaga kaya hindi nito namalayang lumapit siya at naupo sa tabi nito. "Laura..." Tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya. "Kyle...I'm..." Bago pa man matapos ni Laura ang kanyang sasabihin, agad na siyang niyakap nito. "
Muling pinagmasdan ni Mark ang nakahigang dalaga sa kama. Tulog na tulog pa rin ito. Marahil nakaramdam ito ng ginhawa matapos mapunasan at magamot ang brasong may sugat. Pinalitan din niya ang suot nitong damit na maraming bahid ng dugo at putik. Kinumutan niya ito at tahimik na lumabas sa silid. Batid niya ang naranasan nito, kaya hahayaan muna niya itong makapagpahinga. Pumunta si Mark sa kusina. Magluluto muna siya, para kapag nagising ang dalaga mayroon itong kakainin. Tiningnan niya ang laman ng kanyang ref. May nakita siyang beef, chicken at mga veggies. Kaya naisip niyang gumawa ng ilang putahe mula rito. Mabilis niyang iginayak ang kanyang mga kailangan at nagsimula ng magluto. Sa silid... "Ang bango..." Nagising si Alyssa nang maamoy niya ang mabangong aroma na iyon. "Chicken noodle soup..." Agad siyang bumangon. Amoy kasi iyon ang paborito niyang pagkain. Napangiti siya nang maramdaman niyang kumulo ang kanyang sikmura. Pagbaling niya sa kanyang paligid, nagulat siya sa
"Ahem..." Umubo nang bahagya si Alyssa para makuha niya ang atensyon ni Mark. Abala kasi ito sa pagliligpit sa kusina. Nais niya itong tulungan kanina ngunit ayaw naman nito. "Yes. Do you need anything?" Lumingon ito sa direksyon niya. "Can I borrow your telephone or cellphone for a minute?" "Sure, you can. Pumunta ka sa attic, nandoon ang telepono at cellphone ko. Doon ka na rin tumawag. Mahina kasi ang signal dito sa baba." "Okay. Thanks." Nagmamadaling tumalima si Alyssa. Pagdating niya sa attic, na-amaze siya sa kanyang nakita. Isa pala iyong opisina. Kumpleto ang kagamitan sa loob. Mayroong computer, telepono atbp. Natanaw niya ang cellphone ng binata sa ibabaw ng study table. Kinuha niya ito at agad na nagdial. Laking tuwa niya nang magring ang kabilang linya. "Hello." "Jaycee..." "Young miss?" "Yes. Ako nga ito." Sa silid ng hotel... Abala sa magchecheck ng CCTV footage si Jaycee. Lahat ng kuha roon ay mataman niyang pinapanood at inaalisa, nang biglang tumunog ang
"Wow! Ang ganda naman dito." Nakangiting sabi ni Alyssa. Naglalakihan at naggagandahang bulaklak ng sunflower kasi ang bumungad sa kanya pagkalabas niya sa veranda. Natanaw na niya ito kanila sa attic while talking to Jaycee. So, she made a mental note na pupuntahan niya ito right after their conversation. "Talagang maganda..." Narinig niyang tugon sa kanyang sinabi. Napalingon si Alyssa sa kanyang likuran. Si Mark pala ang nagsalita. "You want some tea?" Tanong nito habang papalapit sa kanya. May dala itong dalawang tasa. Hindi pa man siya nakakasagot ay iniabot na nito sa kanya ang isa while taking a sip on the other cup. Naamoy ni Alyssa ang tsaa. It was a chamomile tea. She take a sip and soon the calming effect of it reach her senses. "And relaxing too." Nakangiting sabi ni Alyssa habang nakatanaw sa magandang tanawin. Ang mga bulaklak ng sunflower ay parang sumasayaw habang ito ay iniihip ng hangin. "Yeah." A moment of silence pass through them. Naupo si Alyssa sa upuan
"What the..." Gulat na nasabi ni Alyssa nang bigla siyang hilahin ni Mark papasok sa loob ng cabin. At bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay sinenyasan na siya nito na huwag siyang maingay. Nakita niyang lumapit si Mark sa tabi ng bintana. Hinawi nito nang bahagya ang kurtina para makita kung ano o sino ang nasa labas. "Sila ang dumukot sa akin." Mahinang sabi ni Alyssa kay Mark, habang matamang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi niya maaaring makalimutan ang mga itsurang iyon. "Are you sure?" "Yes." Mariing sagot ni Alyssa. Hinila ni Mark ang isang drawer at may kinuha doon. "Here, take this." Inabot nito sa kanya ang isang baril. "For protection in case you'll need it." "Okay." "Sa likuran tayo dumaan." Mabilis silang naglakad papunta sa back door. Sinenyasan siya ni Mark na ito muna ang mauunang lumabas para icheck kung makakaraan sila doon. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Tiningnan muna nito ang paligid at nang makumpirmang safe naman, mabilis na iton
"Tsk! Tsk! Nandito lang pala ang hinahanap natin." Napalingon si Mark nang marinig niyang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na siya nabigla nang makita niya ang tatlo sa mga kidnapper na humahanap kay Alyssa. "Kapag sinusuwerte ka nga naman." Nakangising sabi ng isa sa mga ito. "Matutuwa sa atin si Boss n'yan." "Tama. Lalo na kapag nahanap din natin iyong magandang babae." "Tara na. Isama na natin 'yan." Lumapit ang tatlong kidnapper kay Mark at akmang hahawakan siya. Ngunit bago pa nila ito nagawa, nagpakawala na nang tig-isang suntok si Mark para sa mga ito. "Aba't..." Nabiglang sabi ng isa sa mga kidnapper. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng binata. Sinamantala naman ni Mark ang pagkakataong iyon. Muli niyang inundayan nang tig-iisa pang suntok ang dalawang kidnapper na malapit sa kanya. "Napipikon na ako sa isang ito, ha!" Sabi ng pangatlong kidnapper. Kinuha nito ang nakasukbit na baril sa tagiliran at itinutok kay Mark na abalang sumusuntok sa dalawang kidnappe
"Freeze..." "Drop your guns." Agad na napalingon si Alyssa nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Boses kasi iyon ni Jaycee. Nakita niyang papalapit na ito sa kanila at may kasama pang isang dosenang bodyguard na pamilyar din ang mga mukha sa kanya. Mga bodyguard kasi ito ng kanyang mga kapatid. "Subukan mo lang hindi sumunod." Narinig pa ni Alyssa na banta ni Chris, isa sa bodyguard ng kanyang Kuya Kyle sa lalaking nakashades. Pumalag kasi ito at balak pang manlaban ngunit wala rin namang nagawa kinalaunan. Nang matiyak ni Mark na kakilala ni Alyssa ang mga dumating, agad na niyang ibinaba ang kanyang baril at dahan-dahang binitiwan ang baywang ng dalaga. Hindi siya umalis sa tabi nito bagkus ay nanatili pang mas alerto sa mga maaari pang mangyari sa paligid. "Alyssa..." Narinig ni Mark na may tumawag sa dalaga. Pareho silang napalingon dito. "Ate." Isang magandang babae ang tinawag nitong ate. Tumatakbo itong papalapit at agad na niyakap si Alyssa. Kasunod nito ang
"Magandang araw, Young Miss.""Magandang araw, Sir Mark." Bati ng mga kasambahay sa kanilang dalawa."Dumating na ba ang mga kapatid ko?" Tanong ni Alyssa sa isa sa mga kasambahay."Bukod tanging ang Third Young Master at si Miss Celine pa lang ang naririto, Young Miss.""Talaga!" Masayang reaksyon ni Alyssa. "Where is Celine? Kasama ba ni Kuya Dave?""Nagpapahinga siya sa silid ko, brat." Bungad na sagot ni Third Young Master Dave habang pababa ito sa grand staircase."Kuya Dave..." Lumapit si Alyssa dito at yumakap. "Good thing at okay na talaga kayo ni Celine.""Yeah.""I'm happy for you, Kuya Dave." "Thanks, brat.""By the way, where's mom?" Tanong ni Alyssa."She's in the kitchen." Sagot nito saka bumulong. "Brat, masama na ang tingin sa akin ni Mark.""Kuya... he's not jealous of you."Natawa si Third Young Master Dave. "Are you sure? Eh, parang any minute ay titimbuwang na lang ako dito."Natawa na rin si Alyssa sa sinabi nito. "Maiwan ko na nga kayong dalawa. I'll look for mo
"Hello..." Sagot ni Alyssa sa kabilang linya. Kasalukuyan silang nasa loob ng private elevator ni Mark ng tumawag ang secretary niyang si Grace. "Ipapakuha ko na lang kay Jaycee mamaya... okay... umhh... alright... bye."Matapos ibaba ni Alyssa ang tawag na iyon, katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakakailang na katahimikan. Feeling ni Alyssa nasu-suffocate siya. Para kalmahin ang sarili, dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Inhale. Exhale.Nang kalmado na siya, pinakiramdaman niya si Mark. Chill lang itong nakatayo sa tabi niya habang nagpipipindot sa cell phone nito. Napaismid si Alyssa."Kaasar 'tong lalaki na 'to." Bulong niya sa sarili. "Sobra na nga ang pagka-akward ko dito, samantalang siya walang pakialam. Kainis...""Are you saying something, sweetheart?""Wala." Mabilis na sagot ni Alyssa. "Bakit ba ang bagal yata ng elevator ngayon?"Natawa at napapailing na lang si Mark sa sinabi niya.Sa mansyon ng mga Araneta..."Celine... hija, how are you?" Bungad na tanong ni Madam
Ding Dong! Ding Dong!"Are you expecting someone?" Tanong ni Alyssa kay Mark ng marinig ang tunog ng doorbell."That must be Simon." Sagot ni Mark. "Sweetheart, pagbuksan mo naman s'ya. Tatapusin ko lang 'to." Kasalukuyan silang nagliligpit ng pinagkainan noon."Sure." Sagot ni Alyssa saka tumalima patungo sa main door. Bago binuksan ni Alyssa ang pinto ay tumingin muna siya sa monitor. Kita kasi roon kung sino ang taong nasa labas. Si Simon nga iyon. Pinindot ni Alyssa ang passcode ng pinto saka ito binuksan."Simon... pasok ka." "Magandang araw, Young Miss." Bati nito."Magandang araw din. Nasa kusina si Mark. Doon ka na dumiretso." Sabi ni Alyssa dito. "Didiligan ko lang sandali itong mga halaman."Tumango lamang si Simon at nagtungo na sa loob."Master Clyde..." Bati ni Simon kay Mark ng makita niya ito sa kusina. Lumingon si Mark sa kanya."Anong bago?" "Narito na po ang resulta ng DNA testing?" Saka inabot ni Simon ang isang brown envelope. Mabilis na binuksan ni Mark ang env
"Jaycee... huwag mo na akong sunduin. Nandito na ako sa parking lot ng Le Grande. Sa penthouse na lang muna ako tutuloy ngayong gabi." "Sige, Young Miss." "Tatawagan na lang kita bukas ng umaga kapag magpapasundo na ako." "Noted, Young Miss." Matapos ibalik ni Alyssa ang kanyang cellphone sa bag ay lumabas na siya sa kanyang kotse. Akmang isasara na niya ang pinto ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakita niya mula sa reflection ng bintana ng kanyang kotse na may taong papalapit sa gawing likuran niya. Nakasuot ito ng itim na face mask at jacket na may hood. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpanggap na hindi ito napansin. Mabilis na sinugod siya nito. Ngunit alerto naman niyang nailagan. May hawak pala itong patalim. Tumama ang patalim sa bintana ng kanyang kotse. "Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus ay muli na naman siyang inundayan ng patalim. Sa pagkakataong iyon, lumaban na siya. Pinatamaan niya ng isang malakas na si
"Master Clyde." Bati ni Simon sa kanya bago nito iniabot ang isang folder. "Iyan ang lahat ng impormasyong nakalap ko." Kaagad na binuklat at binasa niya ang nilalaman ng folder. "May alam si Uncle George?" "Yes, Master Clyde. Kaya mas makabubuti kung personal n'yo siyang kakausapin tungkol dito." Mabilis na tumayo si Mark mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. "Before I go, ask someone to look for Alyssa." "Yes, Master Clyde." Sa mansiyon ni Master George... "Master, a man named Mark Montenegro was looking for you." "Have him in." "Yes, Master." Makalipas ang limang minuto ay natanaw na nga niya si Mark na papalapit. "Uncle George." Bati ni Mark sa kanya. "Mark." Ganting bati niya dito. "Have a seat." Muwestera niya dito na maupo. "What can I do for you?" "Uncle George, I need to talk to you." "Alright." Sagot niya dito. "Bring it on." Mataman niyang tiningan si Mark. Kita niya sa facial expression nito na importanteng bagay ng kanilang pag-uusapan. Inabot sa kanya
"Hey! What happened?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. She was on another commitment during the accident happened. Kaya nagmamadali siyang nagtungo sa ospital ng malaman niya ang nangyari kay Celine. "One of the girls accidentally pushed her. Tumama ang tiyan niya sa kanto ng mesa. Then... then, I saw some blood in between her legs." Garalgal ang boses na kuwento ni Erica. Halatang pinipigilan lang nitong umiyak sa harap niya. "Good thing, Third Young Master Dave passed by. He helped us." "Thanks, God." Sambit ni Alyssa. "Ate Alyssa... is Ate Celine pregnant?" Tanong ni Erica. Tumango si Alyssa bilang tugon dito. "Bakit hindi niya sinabi sa akin?" "She was about to." Sagot ni Alyssa sabay buntong hininga. "After daw ng fashion show niya sasabihin sa'yo. Busy ka daw kasi sa preparation kaya ayaw niyang sumabay." "Si Ate talaga..." "Alam mo naman ang ugali ng Ate mo? Hindi ba?" "Yeah. Matigas ang ulo." Sagot ni Erica. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Mayamayapa'y tanong ng n
Niyakap na lamang ni Alyssa si Celine bilang tanda ng pakikisimpatya at pagbibigay ng suporta dito. Ang suporta niya bilang kaibigan na laging maaasahan ay malaki ang maitutulong sa aspetong emosyonal nito sa ngayon lalo pa at nais ni Celine na palakihin ang anak nito ng mag-isa. "Thanks, Yssa." Sabi ni Celine. "Ano ka ba. Wala iyon." Sagot ni Alyssa dito. "Magkaibigan tayo at magiging inaanak ko ang batang iyan. Nasabi mo na rin ba kay Erica ang tungkol dito?" "Hindi pa. Pero alam niyang nagpakonsulta ako." Sabi ni Celine. "Sa mga susunod na araw ko na lang sasabihin sa kanya. Masyado pang busy si Erica sa fashion show para abalahin ko pa." "Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Alyssa. "My treat." Kinabukasan sa Araneta Shooting Range... Maaga pa lamang ay abala na si Third Young Master Dave. Marami siyang kailangang i-review at pirmahang dokumento. Ilang araw din kasi siyang hindi nakapunta sa opisina dahil sa iba pa niyang aktibidad. "Third Young Master..." "Yes?" "Nakagayak
"You're nine weeks pregnant."Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito."Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon. "Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.Sa mansyon ng pamilya Araneta..."Ate Z
"Hello, everyone." Bungad na pagbati ni Third Young Master Dave sa mga taong nasa silid ni Laura. "Nahuli ka na naman, Kuya Dave." Sagot ni Alyssa dito. "I know, and I'm sorry for that." Sabi nito. "Ang importante nakahabol ako. Nasaan na ba ang pamangkin ko?" "Narito na po siya." Sagot ng nars habang papasok ito sa silid karga ang isang sanggol. "Oh! There you are.' Excited na sabi ni Third Young Master Dave at kinuha ang sanggol mula sa nars. "Kuya Dave... baka mabitawan mo." "Brat... relaxed. Hindi ko siya mabibitawan." Sabi ni Third Young Master Dave sa kapatid. "He's right, brat." Sang-ayon naman ni Second Young Master Xander dito. "Sanay na sanay si Dave magkarga at mag-alaga ng mga bata. Noong maliit ka pa, siya ang madalas na nag-aalaga sa sa'yo." "You're right, Xander." Natatawang sabi ni First Young Master Kyle. "Natatandaan ko pa noon kung gaano kabilis patigilin ni Dave si Alyssa sa pag-iyak. Habang tayo ay hindi malaman ang gagawin." "Talaga?" Hindi makapaniwal