KEYLA“Anong ginagawa mo diyan? Wag mong sabihin na binabantayan mo yand Dad mo at si Thaigo?” Tanong ni Mommy sa akin pagkatapos niyang mailapag ang adobong mani sa mesa nila Daddy. Magkaharap na sila ngayon at nilalantakan na nila ang isang galong lambanog na dala ni Daddy. Hindi ko alam kung nakainom na si Thaigo noon pero hindi naman siya tumangi sa alok ni Daddy. Natuwa pa nga siya nang sabihin nitong papayag siyang magkatabi kami matulog kapag natalo siya nito.Umupo si Mommy sa tabi ko, inabutan niya ako ng isang tasang chocolate at tsaa naman para sa kanya. Nasa kabilang table kami hiwalay kila Daddy dahil masinsinan ang naging usapan nilang dalawa.“Mom? Kailan pa naging lasingero si daddy?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Umiinom lang ang Daddy mo kapag nandito sila Nathan at si Raul. Alam mo naman yung dalawang yun naging best friend na ng Daddy mo. Hindi ko rin alam kung bakit niya ginagawa ito. Pero sa tingin ko mauunang bumagsak ang fiancé mo.” Nakangiting sabi niya sa
KEYLAMagkahawak kamay pa kaming bumaba ni Thaigo sa hagdan. Kakagising lang namin at tanghali na pero wala namang umabala sa amin. Pinuyat niya kasi ako kagabi kaya tinanghali na kami ng gising. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at ganun din si Thaigo dahil nakita ko ang matalim na tingin ni Dad mula sa baba.“H-Hi, Daddy.” Kinakabahang bati ko sa kanya.“Bakit ngayon lang kayo gumising? Tirik na ang araw. Wala kayo sa siudad kaya hindi kayo puwedeng gumising ng tanghali na.” Litanya ni Daddy halata namang para kay Thaigo ang sermon niya kasi pag kami nga ni Nara ang nandito hindi naman ganito si Daddy kasungit kapag tanghali na kami nagigising.“I’m sorry po Sir, masakit po kasi ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi.” Wika ni Thaigo. Inismiran siya ni Daddy at bumaling ulit ng tingin sa akin.“Kumain na kayo ng tanghalian at patulungin mo yang Fiancé mo sa pag-harvest ng mga mangga.” Utos ni Dad na ikinagulat ko.“Pero Dad—”Hinila ni Thiago ang kamay ko kaya naputol yung pagsasalita
KEYLAHapon na nang dumating sila Daddy at Thiago. Halata ko sa kanyang napagod talaga siya sa pag-dilever ng mga prutas at gulay sa bagsakan nito. Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap at halik sa labi.“Ehem!”Napalingon ako kay Daddy at nakalimutan kong batiin din siya kaya lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Siya namang paglabas ni Mommy sa kusina.“Wala pa sila?” Tanong ni Daddy kay Mommy nang batiin siya nito.“Si Isaiah dumating na, nasa kuwarto niya, pero si Nara malapit na daw siya.” Si Mommy ang sumagot. Nagpaalam kaming aakyat muna para makaligo at makapagpalit ng damit si Thaigo.“Napagod ka ba?” Tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa guest room.“Hindi, medyo masama lang ang pakiramdam ko.”Nagulat ako sa sinabi niya kaagad kong sinalat ang noo niya pero hindi naman siya mainit.“Wala ka namang lagnat bakit masama ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.Hinubad niya ang t-shirt niya at hinila ako sa kandungan niya.“Masama ang pakiramdam k
Third Person POVNagkagulo ang hacienda dahil sa pagpasok ng mga armadong lalaki. Natunton kasi ng mga kalaban ang kinaroroonan ng assassin na pumatay kay Mr. Fang. Limang van ang sapilitang pumasok sa hacienda. Samantala nagmadali namang pumunta sa weapon room ang buong pamilya ni Keyla. Nagulat si Thiago nang makita ang collection ng mga armas ng pamilya. Hindi niya akalain na kayang humawak ng mga sandata ang buong pamilya ng babaeng pinakamamahal niya. Kanya-kanya itong suksok ng baril at patalim bago nagmamadaling lumabas ng silid.“Sandali! Lalaban talaga kayo?” Nag-aalalang tanong ni Thaigo. Dahil double na sa edad nila ang mga magulang ni Keyla at gusto niyang protektahan ang mga ito. Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Nara at nagmamadali itong lumabas. “Keyla! Masyadong delikado. Baka kung mapaano ang mga magulang mo.” Pigil sa kanya ni Thiago habang nagkakarga ito ng bala sa baril sa shot-gun na hawak nito. “Nagkamali sila nang pinasok Thiago, dahil walang lalabas s
THIAGO“Ano ba? Kanina pa ang mga babae diyan sa harapan mo wala ka pa ding napipili? Kita mo nga, kulang na lang magka-ugat na sila sa kakatayo sa harapan mo. Tapos ikaw puro ka lang lango ng alak diyan.” Litanya ni Harvey sa akin.Pagkalabas ko ng hacienda matapos ng naging pagtatalo namin noong gabing yun ay naglakad ako sa pinakamalapit na tindahan upang makitawag para masundo ako ni Harvey dahil naiwan ko ang phone ko at ang iba ko pang gamit sa kanila.Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin ako sa sarili. Hindi ko matangap na sa ganun lang matatapos ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na siya makikita. Parang kahapon lang hawak ko pa ng mahigpit ang kamay niya. Nagigising akong magandang mukha niya ang aking nakikita. Pero ngayon, mag-isa na lamang ako. Nakakatulog lang ako dahil sa labis na kalasingan. Gaya ngayong gabi na nasa isang club kami at nagpapalipas ng magdamag. Nilulunod ko ang aking sarili sa alak. Nagbabaka-sakali na makalimutan ko ang saki
THIAGOKatatapos lang namin mag-almusal at nagpaalam na rin sila Harvey at Victor para tumulong sa paghahanap kay Keyla. Hindi ko alam kung ilang araw silang mananatili sa suidad pero nagbilin ako sa kanya na tumawag kaagad basta may malaman siyang kahit maliit na detalye kung saan ko mahahanap si Keyla. Kapag hindi pa rin niya ito nakita ay ako na mismo ang maghahanap sa kanya.Pagkaalis ng chopper ay pumasok na ako sa loob. Binuksan ko ang laptop na ipinatong ko sa mesa. Nasa sala ako at gumagawa ng mga business transaction online. Kahit matagal akong nananatili dito ay may mga tauhan naman akong gumagalaw para sa akin. Yun ang advantage dahil mayaman ako kaya imbis na ubusin ko ang oras ko para sa negosyo ay pera at mga tauhan ko ang pinapagalaw ko.Sa ngayon naghahanap na ako ng good investment upang talikuran ko ang iba kong illegal na negosyo. Nang sa ganun bumagay na ako sa babaeng mahal ko.Kahit abutin ng dekada ang paghahanap ko sa kanya ay hindi ako bibitaw. Alam ko at nara
KEYLAHalos magdadalawang buwan na simula nang ipagtabuyan ko si Thaigo paalis. Masakit sa akin ang ginawa kong desisyon pero yun lang ang tanging paraan para makalimutan namin ang isa’t-isa. Hindi kami pwede dahil sa maraming dahilan. At isa na doon ay dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo na isa siyang mafia at kapatid siya ng lalaking pinatay ng kapatid ko.Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. At hindi kami maaring magsama sa iisang bubong. May mga panahon na labis akong nananabik sa kanya. Ilang beses ko siyang gustong puntahan pero naduduwag akong sumugal sa maling pag-ibig. Naibigay ko na sa kanya ang lahat at nasisiguro kong pareho lang kaming magdurusa kapag pinagpatuloy namin ang aming pagmamahalan.Pero hindi ko nararamdaman sa aking pamilya ang pagtutol. Pakiramdam ko hinahayaan nila akong magdesisyon sa kung ano ang tama sa mali. Kaya lalong bumigat para sa akin ang lahat. Kinailangan ko na lumayo at pansamantalang mamalagi dito sa Cristal de Galio sa isla kung saan k
KEYLAI am now here in Maxim’s hotel resort world Manila. Kumuha ako ng isang kwarto para sa aking misyon mamayang gabi. Handa na ang lahat ng kakailanganin ko sa party. Ako na lamang ang hindi pa rin handa sa ngayon. Pupunta ako sa party as an escort ni Mr. Enrique. Dahil hindi daw basta-basta nakakapasok ang mga taong wala sa guest list ng naturang party. Isa si Mr. Enrique sa investor ng Escobar Enterprises. Kakamatay lang ng asawa nito kaya wala siyang ibang kasama na dadalo. Syempre ginamit ko ang acting skills ko para maisama niya ako sa party mamayang gabi. Nang sa ganun ay malaya akong makagalaw mamaya.Tatlong oras pa bago maganap ang party mamayang gabi kaya nagbabad muna ako sa bath tub upang ma-relax ko ang aking isipan. Naalala ko na naman ang mga sandali namin ni Thaigo. Sa totoo lang wala pa rin akong lakas ng loob na patayin siya. Pero may parte sa isip at puso ko na gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung kumusta na siya. Gusto kong makita ang kanyang mukha. A
SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLAEveryone is here, celebrating with us. Talagang binigyan nila ng araw at oras ang mahalagang araw na ito for me and Thiago. Although wala si Nara dito I know kung nasaan man siya masaya siya for me. Natupad ang isa sa pangarap ko ilang beses na ring hindi matuloy-tuloy ang pagpapakasal naming dalawa pero heto kami ngayon. Were dancing in front of all people who are happy to see both us. Talagang ginastusan ni Thiago ang buong resort dahil exclusive lang ito para sa aming at sa mga bisita. “Are you happy?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Of course, ikaw ba? Paano tayo after nito?” Tanong ko sa kanya. Siya kasi ang nagplano ng lahat ng ito. Nang malaman kong gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa hindi na niya ako ini-stress sa lahat ng detalye. At kumuha siya ng wedding planner at organizer sa California to prepare our wedding. At hindi ko alam kung ano ang plan niya after the reception. “Huwag mo nang problemahin yun. Si Mommy daw muna ang mag-aalaga kay Seb. Sabi niya mag
THIAGO“Hoy! Ano ka ba? Para kang hindi mapatae diyan!” Saway ni Harvey sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali nandito kami waterfront beach resort sa huntington beach sa California. Dito ko napiling pakasalan si Keyla kasama ng pamilya at malapit naming kaibigan. Bukod sa luxurious Hilton hotel kung saan magaganap ang aming reception napili kong maging backdrop ng exchange vows namin ay ang sunset at blue wavy waves ng resort beach resort. At almost five minutes na siyang late nandito na lahat ng a-attend sa kasal namin. Kabilang si Harvey na best man ko. Ang lahat ng kaibigan ni Keyla at agents ng TAJSO kompleto at pati na rin ang mga bago naming business partners at investors. “Late na siya at malapit na ring lumubog ang araw sa tingin mo paano ako kakalma?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Five minutes palang, ganun talaga ang mga babae Thiago. Si Cherry nga eh tatlong oras akong pinag-antay sa date namin at nakalimutan d
KEYLANapabalikwas ako ng bangon nang makapa kong wala na akong katabi sa kama. Mataas na rin ang araw at tumatagos na ang hangin sa nakabukas na salamin ng balkonahe. Paglingon ko sa crib ay wala na din doon si Baby Seb kaya bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa balkonahe upang tanawin ang magandang panahon sa labas. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko silang dalawa. Karga niya si Baby at tuwang-tuwa niya itong nilalaro habang pinapainitan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na darating ang araw na ito. Na buhay siya at makakasama namin siyang muli. Napa-angat siya ng tingin sa gawi ko at malawak na nginitian niya ako. Kung ganito ba naman ka-guwapo ang bubungad sayo pagising palang ang sarap ng sundan ni Baby Seb! Kumuha ako ng cardigan at lumabas ako ng kuwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay bumungasd si Mommy sa akin na naghahanda ng pagkain sa veranda. “Mabuti naman gising ka na. Pinuyat ka ba ni Baby Seb? O baka naman ang lalaking yun ang pumuyat sa’yo? Alala
THIAGONabigla ako nang sabihin ni Keyla na wala na si Nara. Hindi ko inasahan na matatalo siya ng ganun at hahantong sa masaklap na kamatayan. Matagal ko na rin naman siyang napatawad kaya nakikisimpatya ako sa pagdadalamhati nila at nagpasyang ipagpaliban muna ang kasal. Dahil yun ang hiling ng kanyang mga magulang. Isa pa wala pang fourty days at nagluluksa parin sila kaya ni-respeto ko ang kanilang hiling. Hindi ko na naman kailangan ng assurance dahil sapat na si Baby Seb upang masiguro kong papakasalan ako ni Keyla sa kabila ng nangyari sa mga nakalipas na buwan.Sa ngayon ay nandito kami sa crystal de galyo ang islang pagmamay-ari at minana ng kanyang ama. Nalaman kong dito din pala siya nagtago kaya hindi ko siya mahanap noong mga oras na naghiwalay kaming dalawa. Kailangan daw kasi namin ng magandang lugar to unwind lalo pa’t mabigat parin ang kalooban ng kanyang mga magulang. At kasama akong nagdadalamhati dahil alam kong masakit din ito kay Keyla. “Mahal, kanina pa naiya
KEYLATumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Thiago. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Thiago habang yakap niya ako. “Hindi pa tapos Thiago, kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Tanita diyan sa katawan mo.” Hinaplos ni Thiago ang buhok ko.“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.“Dahil laban namin yun ni Tanita. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat
Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita. Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak. “Sino ka?!” Madiin niyang tanong kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.
Matutulog na sana si Thiago nang bumukas ang pinto.“Thiago! I have a surprise for you!”Excited na bulalas ni Tanita nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Isay. Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya. Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Thiago na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.“This is our child…Baby Sebastian.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya. Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol. Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo. Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan. Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Tanita ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pag
Nagising si Keyla dahil sa ingay na nasa paligid niya. Pagdilat niya ay nakapalibot na sa kanya ang buo niyang pamilya.“Ate!”“Anak…”Nag-aalalang sambit ng mga ito. Napatingin siya sa kanyang ama dahil ang huli niyang naalala ay naghihinagpis siya sa gilid ng kotse yung nasaan ang bangkay ng tumangay kay Baby Seb.Naupo siya sa kama at muli niyang naalala na wala na sa kanyang piling ang kanyang anak kaya muling nangilid ang kanyang luha at napahagulgol sa sakit ng kanyang nararamdaman.“Anak, tama na…alam na namin kung sino ang may pakana ng lahat.”Nag-angat siya ng tingin dahil sa sinabi ng kanyang Ama. Kinuha nito ang pulang sobre sa ibabaw ng mesa na ibinigay ni Mr. X para sa susunod niyang misyon.“Anong ibig sabihin nito?” Nagtatakang tanong ni Keyla.“Open it...hahayaan ka naming mag-desisyon kahit labag sa loob namin dahil sa pagkawala ng kapatid mo.”Kinabig ni Brian ang kanyang asawa na si Aliixane na nasa tabi lang niya at naiiyak na rin. Dahil alam niyang kapag tinangap