Naglalaro si Lucky at Chii nang magpaalam si Megumi na may bibilhin sa labas, agad na nagpresenta ang anak niya na sumama sa assistant na pinayagan naman ni Lucky. Mukhang bored na kasi ito kakatambay sa kwarto niya.Nang wala na ang dalawa siya namang dating ni Genesis makalipas ng limang minuto, may dalang bulaklak ang lalaki at isang basket ng halo-halong prutas. Ngayong umaga lang ulit siya dinalaw ng lalaki, kahapon ay buong araw niya itong hindi nakita."Akala ko'y nabahag na ang buntot mo at umuwi ka na ng Maynila," biro niya sa lalaki."I'm sorry. I was busy yesterday. Inasikaso ko ang kaso ng driver ng truck na bumanga sa taxi na sinasakyan. Tumakas raw ito kahapon at pinaghahanap pa rin ng mga pulis.""Bakit, buong araw ka bang nasa prisento?" "Not exactly. May kutob kasi akong hindi aksidente ang nangyari sayo," seryosong tugon ni Genesis."You think someone is trying to kill me?"Umiling si Genesis. "No. I was trying to say someone might mistook that we are together in th
"Kidding…" bawi ni Chii.Napahawak si Genesis sa d*bdib. Bibigyan yata siya nito ng sakit sa puso. Utang na Half Million ng isang limang taong gulang na bata? Saan naman nito ginamit ang kalahating million? Mabuti nalang pala at nagbibiro lang ito. Hindi lang siya nagulat sa narinig, saglit rin yatang huminto sa pagtibok ang puso niya."You look, scared old man." Kumunot ang noo ni Genesis. Bahagya niyang piniling ang ulo. Did his son called him old man? Nilingon niya si Lucky at napangiwi. "Did he…" Tinuro niya si Chii.Tumango naman si Lucky, impit ang ngiti nito sa labi. "Yeah... He did," proud nitong sagot."No.., no.., no.., Not that kiddo." Mariing pinikit ni Genesis ang mga mata. Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay muli niyang hinarap ang anak. "Did your Daddy Apocalipsis told you to call me that?""Nope!" Iling ni Chii. "I never listen to anyone, anyway."Umawang na naman ang labi ni Genesis sa pagkamangha. Wow! Kamukhang-kamukha niya ang bata, ngunit nakuha nito ang ugali n
Sa ilalim ng madilim na tulay pumarada ang sasakyang minamaneho ni Psalm, mula sa backseat ng naturang sasakyan bumama si Apocalipsis na agad kinasa ang hawak na baril, at itinutok sa babaeng nakaupo sa bumper ng itim nitong sasakyan.Dahil sa ginawa ni Apocalipsis naalerto ang dalawang lalaki na kasama nito at itinutok kay Apocalipsis ang hawak na mga baril. Ngunit hindi nagawang pumalag ng dalawang bantay ng babae nang bumaba si Psalm sa driver's seat hawak ang isang bazuka na katulad ni Apocalipsis ay itinutok sa mga kalaban."Whoa, whoa… Masyado naman yata tayong marahas dito," biro ng babae at itinaas ang dalawang kamay."Hindi ako nagpunta rito para makipagbiruan Talia, or should I call you. Preya Armande?"Preya smirked. "Come on, Epsis… Hindi mo man lang ba ako babatiin sa nagawa kong achievement?""Sinabi ko nang h'wag mong idadamay ang asawa ko," gigil na turan ni Apocalipsis na humigpit ang hawak sa baril."That was a mistake. Napakabobo naman kasi ng informant ko, biruin m
Nagluluto si Lucky ng tanghalian nang mag-ring ang doorbell ng apartment ni Apocalipsis. Mula sa kusina, nasilip niyang tumakbo palabas ng sariling silid ang anak para pagbuksan ang bisita."Papa!!" masayang binati ni Chii ang ama."Hi, kiddo!"Natawa si Lucky nang hawakan ni Chii ang hinlalaki ni Genesis at hinila ito papasok ng unit. Dala ni Genesis ang isang box ng cake, na sa tingin ni Lucky ay binili nito sa cafe sa tapat condominium building."Paborito ni Chii ang caramel cake nila," ani Lucky nang ilapag ni Genesis sa ibabaw ng center islang ang cake."Oh, really? I didn't know. Chocolate ang binili ko." Nakamot ni Genesis ang likod ng ulo. Ang hirap mag-adjust para sa anak niya sa totoo lang, hindi niya alam ang mga gusto at ayaw nito, pero ayos lang, handa naman siyang pag-aralan ang lahat ng dapat pag-aralan para kay Chii."Hindi caramel? Aw~ Tapon na lang natin," anas ni Apocalipsis nang pumasok sa kusina."Tsh!" Binawi ni Genesis ang cake at niyakap. "Hindi ka kakain ng ca
Tumataginting ang gintong tungkol ni Sauron habang pababa ng airstair. Nakasunod sa matanda ang butler na si Moris na hawak ang itim at malaking payong. Huminto ito nang makarating sa harap ng anak na si Beth."Welcome, father. It's been a while since you visited us," bati ni Beth sa ama. Makulimlim at umaambon ng hapon na iyon kaya maging siya ay may hawak na payong."I have come to personally fix the situation."Namawis ang palad ni Beth, kinabahan siya sa sinabi ng ama. Huli itong bumisita sa bansa noong magkaroon ng pananambang sa kambal niyang anak, at kahit minsan ay hindi ito personal na dadalo sa events ng pamilya niya. Kahit sa kasal dapat ni Genesis noon ay 'di ito nagpasabing dadalo."I understood. Please follow me, father." Giniya ni Beth ang ama patungo sa isang bulletproof na sasakyan. Kasama nila na pumasok ang butler nitong si Moris."Moris, what time will the kings assembly?" Deretso lang ang tingin ng matanda. Tila ba wala itong nakikitang tao sa paligid, o mas magan
Binisita ni Genesis ang anak na si Lucy sa bahay ng adopted mother nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya naabutan ang anak. Ang sabi ni Caladieae ay gumala daw ito ng mall kasama ng mga kaibigan nito sa school. Dahil wala naman siyang ibang appointment nang hapon na iyon nagpasya siya na hintayin na lang ang anak na babad. Ilang araw na rin kasi niya itong hindi nakikita at nananabik na siyang masilayan itong muli."So, binalewala mo na talaga ang lahat ng mga sakrepisyo natin noon dahil handa ka ng makipagbalikan sa ex-fiancee mong asawa na ng kapatid mo?" masungit na saad ni Caladieae. Nakaupo ito sa high chair at may sinusulat na medical report nito."Cal, hayaan mo na si Genesis. Hindi na mahalaga ang ginawa natin noon, kung nagdesisyon na siyang gawin ang makapagpapasaya sa kanya, bakit hindi na lang din tayo maging masaya para sa kanya?" singit ni Nathaniel na kumakain ng chichirya sa kabilang bahagi na island counter."Hindi ikaw ang kausap ko.""Sungit naman, menopos k
"How is she, uncle?" tanong agad ni Caladieae nang makalabas ng silid ni Lucy ang tiyuhin na doctor. Ito ang tinawagan nila upang gamitin ang anak. "Thanks to you, she's stable. If you hadn't administered emergency treatment, your child's condition could have become critical." "Thank God!" Sa wakas ay nakahinga rin ng maluwag si Caladieae. Parang aatakihin na siya sa puso sa labis na pag-aalala para sa anak. Mabuti na lang at ligtas na ito, dahil kung may mangyaring masama, hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa kanyang nagawang kapabayaan. "However, you must send her to the hospital in order to monitor her condition, mas kompleto ang gamit sa ospital kesa dito sa bahay mo," payo ng tiyuhin niya. "I understood." "The sooner the better. I'll get going then..." Tinapik nito ang balikat ni Caladieae at iniwan na siya sa harap ng pinto. Nanginginig ang kamay na pinihit ni Caladieae ang dooknob at pumasok sa silid ng anak. Tila pinunit ang puso niya nang makita itong nakaratay, at w
"Are you crazy? You just stabbed a child! Sa tingin mo ba okay lang ang ginawa mo dahil walang tinamaan na organ?" tila puputok ang ugat sa leeg ni Genesis sa kasisigaw. Hinahawakan naman agad ni Nathaniel ang balikat nito upang pigilan na lumapit sa kapatid. Sa bawat bitiw kasi ni Genesis ng salita ay tila susugod ito sa kinauupuan nila Apocalipsis."Mag-isip ka nga, paano kung naubusan siya ng dugo?" dagdag pa ni Genesis."You could always donate your blood to her. She is, after all, your daughter. Unless she has the same blood type as her biological mother." Apocalipsis smirked.Si Genesis ay natigilan, hindi inasahan ang ginawang pagbanggit ni Apocalipsis sa biological mother ni Lucy."I wonder... Sino sa mga fling mo noon ang tunay na ina ni Lucy. Ah! Si Lucky ba? Hindi siya fling, pero alam naman nating pareho na ginahasa mo siya." Natawa sa sariling naisip si Apocalipsis. "No, no, no... That's impossible. I check her data, wala namang record na nanganak o nabuntis si Lucky noon
"It was me tito... I was the one who assaulted your daughter. I'm very so--" Isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ni Genesis mula sa ama ni Lucky. "Pinagkatiwalaan ka namin, Genesis! Paano mo ito nagawa sa kababata mo? Matalik kayong magkaibigan kaya bakit? She's my only child, why did you have to ruin her?" Hinaklit si Genesis ng ama ni Lucky sa kwelyo. "Nakita mo na ba siya? Nakita mo na ba kung anong nangyari sa kanya? Lucky is slowly losing her mind. Araw-araw na lang niyang iniiyakan ang nangyari, hindi niya matanggap na basta mo na lang kinuha sa kanya ang pinakaiingatan niyang puri! She made a promise to her grandfather, but you just took everything just because of that f*cking lust!" "I'm very sorry, tito. Alam kung napakasama ng ginawa ko, and I'm the only responsible, pero gusto ko pong sabihin sa inyo ang totoong nangyari. Gusto kong ipaalam sa inyo hindi para maghugas ng kamay, but to explain why and how it happened." "Para saan pa? Kung malalaman ko ba ang det
"Genesis," tawang ng anim na taong gulang na si Lucky sa kaibigan. Busy ito sa pagkalikot ng toy car. "Genesis, I think there's a ghost in that room." "Huh? What are you talking about?" Nag-angat si Genesis ng tingin sa batang babae. "There… I keep seeing a silhouette or something." Nag-angat ng tingin si Genesis sa bintana ng pangalawang palapag ng kanilang mansion. Sumimangot agad siya nang makita ang bulto ng bata na nakasilip sa manipis na kurtina ng bintana. "Idiot," bulong niya at tumayo. "Let's go, Lucky! I wanna play with you in some other place." "Huh? But I thought you wanted to play sand castle here?" the little girl pouted. Nagbuntonghininga si Genesis. "I'm not comfortable here." Nag-angat siya ng tingin sa bintana. "That shadow over there is bothering me," malungkot pa nitong sabi. "Fine. I don't want to upset my friend." Kinuha ni Lucky ang kamay ni Genesis. "Let's go?" Sunod-sunod na tumango si Genesis at ngumiti sa batang babae, hinayaan niyang hilain siya nito
10 years later…Pinarada ni Malachi ang pulang sports car sa harap ng isang kilalang nightclub, bumaba siya ng driver' seat na nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang phone."I'm outside. Get your f*cking ass here," malamig niyang sabi at ibinaba ang tawag. Binulsa niya ang cellphone at naka-cross ang mga brasong sumandal sa gilid ng kanyang sasakyan.Ilang babae ang napapalingon sa gawi niya, presko naman iyong nginingitian ni Malachi, halatang curious at interesado sa kanya. Kilig na kilig pa ang mga ito kapag kinakawayan niya. Ang mga lalaki namang napapadaan ay sa kanyang sports car nakatingin, inggit at pagkamangha sa sasakyan niya ang nasasalamin sa mga mata nito."Looks like you're enjoying the attention people are giving to you. Ang babaw ng kaligayahan mo," sabi ni Lucy nang makalapit sa nakababatang kapatid."And looks like inggit ka big sis! Where's your f*cking boyfriend though, why call me instead your boyfriend," iritadong hanas ni Malachi at binuksan ang shotgun sea
"Congratulations! You are now officially the head of the Gevorgian Mafia. Are you feeling great? You finally got the throne that was meant for you, Gin. I'm so happy for you." Masayang niyakap ni Lucky ang kasintahan."Come on, Luck! Don't act like I'm the real heir when I'm just a substitute," pa-humble kunwari na saad nito kay Lucky, ang dalaga naman ay natatawang humiwalay dito ng yakap.“Don’t be so hard on yourself, deserve mo rin ng recognition. Kahit pa sabihin na substitute ka, ikaw na ang tunay at nag-iisang Genesis ngayon.”“Hey, lover birds… It’s almost a year since you’ve been together. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating na si Apocalipsis.“Epsis! You’re here. Kailan ka dumating ng Philipinas?” Sinalubong ni Lucky ng yakap si Apocalipsis at nakipagbeso dito. “Are you staying here for good?”“Nah~ I just came here to attend Wregan's wedding and was hoping to hear some good news from you two. So kailan ang kasal niyo?”“H
“Now, let’s hear from Genesis,” baling ni Beth sa pangalawang anak. “What about me?” “What are your plans? May plano ka bang pakasalan si Lucky?” walang paliguy-ligoy na tanong ni Beth. Ito ang pinaka gusto niyang malaman, ang plano ni Genesis para sa sariling pamilya. Well, matagal na niyang ship ang dalawa, mula noon at boto na siya kay Lucky para kay Genesis, ngunit itong anak naman niya ang napakahirap tansyahin. Alam niyang may nararamdaman si Genesis para sa dalaga pero kakaiba itong mag-isip, iba ang mga pamamaraan nito para ipakita ang affection kay Lucky. Hindi niya alam kong paano ipaliwanag pero, medyo weird magmahal ang middle child niya. Tumikhim si Genesis, naiilang sa tanong ng ina. Ang atensyon naman ng lahat ay natuon sa kanya, lalo tuloy siyang nailang. "It's not that I don't want to get married, but how can I ask for her hand in marriage if she isn't even my girlfriend? That's probably not right." “Tch! Is that even a problem? Edi, manligaw ka!” singit ni Lucky.
Pagkatapos ng kumosyon, nagpasya ang mga Gevorgian na magkaroon ng masinsinang pag-uusap ukol sa nakaraang pangyayari sa HQ at sa bigla pagsulpot ng tunay na Genesis, kasama ang lahat ng membro ng pamilya, nagharap-harap ang mga ito sa mansion ng mga Gevorgian."Stop staring at me like that, brat.""I'm not staring at you old-man," ganti naman ni Chii sa matandang Gevorgian."Chii, ano ba. You're being disrespectful to your grandpa," saway ni Lucky na nakaupo sa tabi ni Chii sa mahabang sofa ng study room."It's because he's annoying! He kept on glaring at me. I didn't do anything wrong!""Paanong hindi iinit ang ulo ng lolo mo sa 'yo? Eh, muntik nang atakihin sa puso dahil sa kalokohan mo," singit naman Genesis. Nasa kabilang gilid ito ni Chii, pinagigitnaan nila ni Lucky ang makulet at supladong bata.“Papa, he’s hurting you kasi, and that old-man never say his sorry,” nakasimangot nitong sabi. Si Genesis naman ay napapailing nalang, kahit siya ay hindi maawat ang pagiging brat ng a
“How have you been, Genesis?” tanong ni Sauron. Hindi nito napigilan ang tumayo at lapitan ang apo na matagal na nilang hinahanap.Napatingin si Ephraim kay Wregan na nagdala sa kanya sa lugar. Nguniti ito at tumango sa kanya, sumimangot si Ephraim. Nakakainis ang lalaking ito, kung umasta ay magkaibigan sila, at sino naman ang mga taong ito sa harap niya?“Ah… Ephraim ang pangalan ko. Pasensya na, hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng boss ko, pero sino ba kayo lolo?” Kamot ulong tanong nito kay Sauron.Ang matanda naman ay nakunot ang noo. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap, nilingon niya si Wregan at nagtataka itong tinignan.“Ephraim here doesn’t remember his passed.”“What? Then, how did you find him?”“It’s all just luck. Fortunately, this guy is working under my command. I don’t know how he manages to enter this world and work for me, but I guess it’s faith, after all this is his world.” Nilingon ni Wregan si Ephraim at inakbayan. “This dude told me that he gre
Malakas na tawa ni Dean Leath ang pumailanlan sa buong conference room, walang halong pangungutya ang pagtawa nito, ngunit puno ng pagkamangha. Pagkamangha kay Apocalipsis na walang takot na nagdeklara ng gyera laban sa samahan ng sarili nitong lolo. Minsan lang siya makaharap ng ganitong tao sa buong buhay niya; isang taong walang takot at puno ng kompyansa sa sarili.“At paano ka naman nakakasiguro na papayag kaming humalili sa iyong lolo?”“I don’t care about the elders opinion. Sinabi ko na ang gusto ko, at iyon ay ang pinaka mataas na posisyon sa pamilya namin. You required a heir to accept me as the new mafia leader? Fine, I’ll f*ck this b*tch right away and make her pregnat—”“What the f*ck are you talking about, Apo?” putol ni Genesis. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ito sa nakababatang kapatid. “H’wag kang makialam sa issue na ito. Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka nababagay?”“Ang duwag na tulad mo ang hindi nababagay sa mundong ito, Gene
Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas. Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito. “Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang