Nasa park si Lucky kasama ang anak, dahil walang malawak na area sa condo ni Apocalipsis dito niya naisip dalhin si Chii. Mukhang nagustuhan naman ng bata at wiling-wili itong naglalaro, pinahihiram pa nito sa ibang bata ang toy car na binili ni Apocalipsis.
“May problema ba, Ma’am? Kanina ko pa napapansin, panay ang buntong-hininga niyo,” usisa ni Psalm, ang siyang bantay nila ng anak ngayong hapon. Naupo ito sa conrete bench isang diba ang layo sa kanya.
“When Apocalipsis told me that someone would pick me up that night. I really didn't expect the person would be you. I didn't ask and thought you might be working for Apocalipsis. Then I realize you were the one who let Apocalipsis into my room the night before my wedding to Genesis.” Nagyuko ng ulo si Lucky. Pinagsiklop niya ang mga kamay. “I still don’t want to ask you, but something is really bothering me…”
“Ano iyon, Ma’am?”
Nag-angat ng tingin si Lucky sa kausap. “Is this the true reality of the
After having dinner with her family, busog at masayang umuwi sina Lucky sa condo ng kanyang asawa. Saglit pang nag-bonding ang mga ito sa kusina habang umiinom ng coffee na ginawa ni Psalm, si Chii naman ay nanuod ng cartoon sa telebisyon kasama ni Megumi na siyang mag-isang naiwan ng bahay buong araw. At nang antukin isa-isang nagsitulugan sa kani-kanilang mga silid, si Lucky ang huling nag-paalam kay Apocalipsis na nagbabasa ng kung anong libro sa couch. Sa kwarto ni Chii natutulog si Lucky, habang si Apocalipsis naman ay sa katabing silid. Hindi kasi talaga sila natutulog ng magkasama kahit pa mag-asawa silang maituturing. Hindi pa nakakahiga si Lucky ng kama nang tumunog ang kanyang telepono. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Isang minuto na lang ay mag-a-alauna na ng madaling araw. Kumunot ang noo niya nang makitang si Genesis ang caller. Pinatay ni Lucky ang tawag ngunit muli lamang itong tumawag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya.
Genesis woke up with a major headache the next morning, nagulat rin siya nang magising sa isang hindi pamilyar na silid. Agad siyang bumangon ang nilinga ang tingin sa buong kwarto at isang picture frame ang napansin niya sa ibabaw ng cabinet malapit sa sliding glass window. Tumayo siya hawak ang sumasakit na ulo at tumayo sa harap ng cabinet, kinuha niya ang piture frame at tinitigana ang dalawang batang nasa iltra, ang isa ay blonde at pula naman ang buhok ng isang bata ngunit hindi katulad niya ang dalawang bata ay parehong kulay berde ang mga mata; it was Apocalipsis and Malachii.“Gising ka na pala...” Hindi natinag si Genesis sa kinatatayuan, ni hindi siya nag-abala na lingunin ang taong kakapasok lang ng silid.“Anong ginagawa ko dito?” tanong ni Genesis ang tingin ay nasa larawan pa rin. Ang naalala niya’y uminom siya sa isang bar kahapon, ngunit nang malasing ay hindi na malinaw sa kanya ang sumunod na mga nangyari. Tinawagan ba niya si Apocalipsis? O baka naman ang mga staff
Umuwi si Genesis ng kanyang bahay matapos makipag-argumento kay Lucky. Wala siyang nagawa para baguhin ang pasya nito, talagang disidido na itong pababain siya bilang tagapagmana ng samahan. Nagbanta pa si Lucky na ipaalam sa samahan ang tungkol sa itinatago niyang anak, si Lucy. Mapapadali ang pagkuha niya sa posisyon ngunit hindi niya maatim na ilagay sa peligro ang buhay ni Lucy, hindi niya ito itinago ng ilang taon para lang mahulog sa kamay ng kanyang pamilya. Despirado na talaga si Lucky para isakripisyo nito si Lucy o sadyang nawala na ito sa katinuan.Hindi na alam ni Genesis kung ano ang dapat niyang gawin, kung hindi niya pipigilan si Lucky ay mapapahamak ang panganay niya, at kung bibitiw naman siya bilang tagapagmana ng samahan, si Lucky at ang anak naman nila ang mapapasakamay ng mga taong naging dahilan ng mesirable niyang buhay. Paano na? Ano ang maari niyang gawin para pigilan si Lucky?“Uncle? Daddy told me to bring you this soup. Okay lang
Tahimik lang na nakasakay sa backseat ng sasakyan si Lucky at Genesis. Sa unahan ang driver ng companya at sa shotgun seat naman nakaupo si Nathaniel, patungo silang apat sa Baguio para sa kanya-kanya na event nilang dadaluhan. Sinundo si Lucky ng service at simula pa kanina ay hindi pa sila nagkakausap ni Genesis. Wala itong ibang ginawa kundi ang kausapin ang kung sino mang mga tauhan na tumatawag dito, at kapag wala naman ay nasa cellphone pa rin ang atensyon nito. Ang awkward tuloy ng sitwasyon nila sa loob ng sasakyan. Madaling araw silang bumyahe, at inabutan na sila ng tanghali sa daan kaya naisipan nilang huminto muna sa isang restaurant para kumain ng lunch. Syempre, katulad sa loob ng sasakyan hindi pa rin siya kinikibo ni Genesis. Palaging si Nathaniel ang nagtatanong ng mga kailangan at gusto niya, para siyang hangin sa paningin ng lalaki na ikinainis ni Lucky sa huli. Hanggang kailan ito mananahimik? Wala ba talagang balak ang lalaki na kausapin siya? Nagalit ba ito dahil
Genesis growled in pain, reaching for his aching head and realizing he was in a hospital bed. Nakunot niya ang noo at iginala ang tingin sa buong silid. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Bumaling siya sa gilid ng kama ng mapansing hindi siya nag-iisa sa silid. Nagulat siya ng makitang si Lucky iyon, natutulong sa gilid ng kama niya, unan ang sariling mga braso. “Luck,” tawag ni Genesis at marahan na niyugyog ang balikat ng babae. “Mhmm…” Mabigat ang talukap ng mga mata, pilit na gumising si Lucky at naupo ng maayos. “Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” “What happened?” “Pinagtangkaan ang buhay mo. Mabuti na lang at lumabas ako ng restaurant para sundan ka, at nakita ko ang shooter. Sa kasamaang palad napalakas yata ang pagtulak ko sayo’t na untog ka sa matigas na bagay. Your head was bleeding, pero hindi naman malalim ang sugat. Sabi rin ng doktor ay tinahi na nila at safe ka na.” Nagtangis ang bagang ni Genesis. Sa kwento ni Lucky, hula niya ay nagkaroon ng engkw
Buong araw ay busy si Lucky sa signing event na ginanap sa city mall ng Baguio. Syempre, may maliit na dinner event ang hinanda para sa kanya ang publishing team kaya sa labas siya naghaponan, ngunit hindi niya nakalimutan si Genesis na siguradong nasa hotel lang buong araw dahil sa natamong head injury. Nagpa-take-out siya ng pagkain bago nagpaalam sa team at bumalik ng hotel, kung saan rin naka-check-in ang team ni Genesis. Nasa iisang floor lang ang room nila ni Genesis kaya hindi mahirap sa kanya na idaan sa lalaki ang take-out na pagkain. Nasalabas na si Lucky ng elevator ng mamataan niya sa dulo ng hallway si Nathaniel, mukhang katulad niya ay patungo ito sa silid ni Genesis, ngunit nagtaka siya nang bigla na lamang tumakbo si Nathaniel matapos nitong sagutin ang kung sinong tumawag sa bitbit nitong phone. Kinabahan si Lucky kaya tumakbo narin siya at naabutan niyang bukas ang pinto ng hotel room ni Genesis. Nakita niya agad si Nathaniel, nakatalikod mula sa kanya ang lalaki
Niluwagan ni Apocalipsis ang suot na necktie pagkapasok sa kanyang condominium. Namataan niya ang limang taong gulang na batang lalaki sa living room, nagkalat sa center table ang mga papel at iba't-ibang kulay ng crayons. Napangiti si Apocalipsis, busy ito sa pagkukulay ng kung ano sa papel at hindi man lang nito napansin ang kanyang pagpasok. Pinagmasdan niya ang batang lalaki, hindi niya alam kung pano, pero nakikita niya sa anak ang pinakamamahal at iniidulo niyang nakatatandang kapatid. Kung sana ay nabuhay lang ito, siguradong magiging spoiled si Chii sa kapatid niya.Tumikhim si Apocalipsis upang kunin ang atensyon ng anak, nanlaki ang mata ng batang lalaki nang makita siya, tumayo ito at excited na tumakbo patungo sa kanya, hawak nito ang isang puting papel. "Daddy!! You're home, I miss you!" Kinarga niya ang anak, at pinupog nito ng halik ang kanyang mukha kaya hindi niya napigilan ang matawa ng malakas. Napansin naman iyon ni Psalm at Megumi na busy sa kusina, lumabas ang da
Isang oras din ang lumipas bago nakabalik si Apocalipsis at Chii sa condominium. Parehong nakangiti ang mag-ama nang pumasok ng kanilang unit, ngunit isang masamang balita ang sumalubong sa kanila. Hindi nagdalawang isip si Apocalipsis at agad na tumulak patungong Baguio kasama ni Chii upang i-check ang kalagayan ng mga nasangkot sa aksidente. Binangga raw ng isang delivery van ang sinasakyang taxi ni Lucky, ang kwento kay Apocalipsis ay galing sa isang congratulatory party ang asawa niya at pabalik na sana ng hotel nito nang mangyari ang aksidente. Kahit malalim na ang gabi at labis nang inaantok, hindi ito ininda ni Apocalipsis. Ang nasa isip lang niya ay makarating agad ng Baguio upang makita ang asawa. Labis siyang nag-aalala, sana ay hindi malubha ang kalagayan nito. "Epsis, dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Baka nakakalimutan mong kasama natin si Chii, hindi matutuwa si Miss Lucky kapag nalaman niyang nagmaneho ka ng lagpas sa speed limit," paalala ni Psalm na nakaupo sa shotgu