KABANATA 2: PAGKAWALA SA SARILI (Out of Control)
ㅡ Julliana
Naramdaman ko ang senseridad sa boses ng lalaking nakayakap sa akin. Ngunit hindi ko siya kilala. Marahil ay sa kaniyang paningin ay ako si Clarisse. Siguro ang Clarisse na 'yon ang tinutukoy ng mga dumukot sa akin na sinabing pinatakas ng isa sa mga kasamahan nila.
Pero bakit ba narito ang lalaking ito? Bakit siya binugbog at pinapahirapan? Hindi naman siya mukhang masama, ngunit base dito ay nilango siya ng droga at ang ibig sabihin no'n ay maaaring paunti-unti na siyang mawala sa sarili.
But I can't kill someone! Hindi ako ganoong tao. Pero paano kung may gawin ito sa akin na mali? Hindi ko rin naman hahayaan na masaktan ako at hindi ko pa gustong mamatay.
"Give me a damn good show, G-Dragon," sambit ng isang boses lalaki mula sa speaker.
Kung gano'n ay may nanunuod sa amin? Napakuyom ako ng kamao. Ano bang kasalanan ng taong 'to kung bakit siya ginaganito? At sa sitwasyon ko ngayon ay parang naiipit ako. Narinig ko naman ang pag-ismid ng katabi kong lalaki.
"I will kill that f*cking trash, once I have his information. Sisiguraduhin kong mas masahol pa sa impyerno ang mararanasan niya."
Seryosong sambit ng lalaki, kasabay nito ang pagtaas ng balahibo ko. Nakakatakot ang tono ng boses nito. Puno ng galit at pagbabanta na kahit sino ay tiyak na maiiyak sa takot.
"Clarisse, listen to me this time, kahit ngayon lang, okay? If I hurt you, I want you to kill me, dahil baka matagalan pa ang pagdating ng mga tauhan ko," muling bumalik ang maamong mukha nito habang nakatingin sa akin.
"I'm not Clarisse," lumayo ako ng bahagya dito. "I'm Jullia--"
"This is not a joke time, Sweetie. Now, like what I said earlier, kill me. Kailangan patayin mo ako bago pa kita masaktan."
So sa tingin niya ay ako talaga si Clarisse? Kamukha ko ba ang babaeng 'yon?
Kinuha nito ang isang upuang kahoy saka 'yon hinampas sa sahig. Ang mga parte ng upuan ay nagkapira-piraso. Natulos ako sa aking kinatatayuan. Sa isang iglap ay nasira niya 'yon ng gano'n gano'n lang? Napatingin akong bigla sa likod nito, at doon ko nakita ang isang napakalaking Dragon tattoo na halos sumakop sa buong likuran nito. Sobrang perpekto ng pagkaka-tattoo nito sa kaniyang likuran at bumagay iyon sa matipuno nitong katawan.
Bahagya itong huminto at tila nawawalan ng balanse. Ipinilig din nito ang kaniyang ulo na para bang nahihilo at nanlalabo ang paningin. Siguro ay umi-epekto na rito ang droga.
"Use this as your weapon. I can endure the pain. I can die for you just to protect you--"
"Teka, sandali nagkakamali ka hindi nga ako si--"
"The f*ck are you two doing? Tsk. Mukhang matibay ka nga talaga," sabay kaming napatingin sa isang malapad na salamin na para bang nakikita namin ang tao sa likuran nito habang nakikinig sa boses na nagmumula sa speaker. "You leave me no choice. Tandaan mong ikaw rin ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na 'to sa babaeng pinakamamahal mo."
Nakita ko na napakuyom ng kamao ang lalaking nasa harapan ko.
"Take this, sundin mo ang sinabi ko," nangungusap ang mga mata nitong direktang nakatitig sa akin
Mayamaya pa ay may mga matatangkad na armadong lalaki ang pumasok. Tinutukan nila ako ng baril dahilan ng pagtaas ng dalawang kamay ko na tila ba sumusuko. Narinig ko pa na napatiim bagang ang lalaking katabi ko.
"Don't hurt her, or this would be your last day kahit pa ikamatay ko," sambit nito.
"G-Dragon, hindi ito ang tamang oras para magmatapang ka. Alam ko naman na mas gugustuhin mong mamatay kaysa sa fiance mo. Huwag kang mag-alala dahil darating din tayo diyan, at may pa-bonus pa ako dahil magkasama kayong dalawa!" at nasundan nanaman ng halakhak ang mga katagang sinabi ng taong nasa likod ng speaker na 'yon.
Napaisip ako sandali. Kung sasabihin kong hindi ako ang fiance niya, maaaring mas lalong manganib ang buhay ko. Maaaring hayaan na lamang ako ng lalaking 'to na mamatay at worst ay baka sa mga kamay niya pa.
Muli akong napatingin sa lalaking katabi ko na tinatawag na G-Dragon. Sa itsura at awra nito ay hindi malabong mangyari 'yon. Kailangan kong mag-isip ng paraan, kailangan kong makatakas dito ng buhay.
May pumasok muli na lalaki, nakamaskara ito at lumapit sa akin saka mabilis na may pilit na ipinainom sa akin. Mapait iyon at tila humahagod sa aking lalamunan. Matapos no'n ay kaagad na sinuntok ang sikmura ko kaya nainom ko ang mas marami nito at kaunti lamang ang aking nadura.
"I will f*cking kill you! Mark my words, A*shole!" galit na sigaw ni G-Dragon.
Sabay-sabay na umalis ang tatlong mga lalaki, at kaagad naman akong nilapitan ni G-Dragon. Hinawakan nito ang baba ko at tinitigan ako sa mga mata. Unti-unti kong naramdaman ang init sa paligid, gano'n din ang aking pakiramdam.
"Uminit... A-ang init ng pakiramdam ko."
"F*ck! That was s*x drugs!" bulong nito sa tabi ko.
Kung gano'n ay maaaring mag-init din ako? Maaaring pumayag ako makipag s*x? Hindi maaari 'yon! Napaisip ako, kung magpapanggap akong fiance niya ay dapat hindi ako mailang, pero paano ko gagawin 'yon kung ganito ka-gwapo ang tititig sa akin?
"Bakit kasi ang tagal nilang matunton tayo? I will surely kill them too, lalo na kung nay mangyaring masama sa 'yo, mismo sa mga kamay ko," muling bulong nito.
Nasabi niya rin kanina na may mga tauhan siyang hinihintay dumating. Kung gano'n ay may hinihintay itong tulong? May naghahanap sa kaniya? May magliligtas sa kaniya? Ibig sabihin kung kaya kong magpanggap maililigtas din ang buhay ko?
"T-talaga bang may darating na t-tulong para sa atin?" paninigurado kong tanong.
Nakita ko ang pagkakunot ng noo nito.
"Of course, are you forgetting who I am? Oh, f*ck! Papatayin ko talaga silang lahat. Uubusin ko ang lahi nila hanggang sa susunod na henerasyon," saka ako hinalikan nito sa noo at tumabi sa akin sa pagkakaupo.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay nagulat ako at hindi nakapalag. Ipinagsiklop nito ang mga palad naming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang nagwawala ito dahil sa magkahalong takot at kaba.
"Always remember whatever happens, kahit anong gawin ko na makakasakit sa iyo. You know that I love you."
Mabilis na naramdaman ko ang init sa aking pisngi. Dumoble rin ang init na nararamdaman ko, parang sinisilaban ang katawan ko at tila may hinahanap ito. Especially down there.
Ngunit ang mas ikinagulat ko nang bigla na lamang ako nitong sunggaban ng halik. Hindi ako makagalaw. I was so shock and afraid kahit na ang katawan ko ay hindi nagrereklamo. Marahas ang halik nito na tila ba masusugatan ang labi ko. Habang ako ay nasa sarili ko pa, mabilis kong itinulak ito at saka tumayo.
Gulat itong napatingin sa akin na kinalaunan ay sumilay rito ang isang nakakatakot na ngiti. He's out of control! Anong gagawin ko? Naalala ko naman bigla ang matulis na kahoy na inabot niya sa akin kanina. Wala na 'yon sa mga kamay ko kaya naman hinanap ko sa sahig. Nang makita ko ito at akmang kukunin ay siya namang pagtulak sa 'kin ng malakas ng lalaking kasama ko.
"Hey, stop!" sigaw ko rito ngunit patuloy itong umibabaw sa akin at hinahalikan ang leeg ko.
"Just go with the flow, Sweetie. I'm in control."
Napakunot ako ng noo.
"I'm just acting that I hurt you, dahil sa likod ng salamin na 'yan ay iyon ang gusto nilang makita. Now, I need you to act too, Sweetie."
Napakurap ako ng dalawang beses bago umakting na nasasaktan at tila ayoko sa nangyayari. Kung ang lalaking ito ay makakapagpanggap sa tingin ko sa part ko ay hindi. Patindi ng patindi ang init at pagnanasa ang nararamdaman ko.
Bago pa man niya ako halikan muli ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog kasunod nito ang sunod-sunod na putok ng baril. Napatingin ako sa lalaking nasa ibabaw ko. Nakarehistro sa mukha nito ang tila nakangiti ngunit nakakatakot na tingin.
"They're just few minutes late," sambit nito.
Tuluyan ng bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang ilang armadong kalalakihan. Tumayo ang lalaking nasa tabi ko saka ako binuhat ng pa-bridal style. Kinuha rin nito ang isang baril mula sa isang lalaki.
"Ilayo niyo si Clarisse dito. Ako mismo ang tatapos sa mga basura na 'to," madiin at mawtoridad na sambit nito.
"Señior, ang sabi po ng iyong Ama ay itakas namin kayo rito. Kami na po ang bahalang humarap sa kanila," sambit ng isa sa mga tauhan.
"No, I insist--"
Napayuko ako saka hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hudyat 'yon na ayokong ipagkatiwala niya ako sa iba. After all, hindi ko naman kilala ang mga lalaking ito, ngunit sa bisig niya pakiramdam ko ay ligtas ako.
"Fine, tell Primo to clean our way, protect Clarisse at all cost."
Naramdaman ko na nag umpisa ng lumakad ang lalaki at dahil sa takot ay kusang sumiksik ang katawan ko sa katawan niya at ipinikit ko ang mga mata ko. Sunod-sunod na pag sabog at putok ng baril ang naririnig ko. Madalas rin ang pagmumura ng lalaking nagbubuhat sa akin.
Nang makasakay kami sa isang Van ay unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ang matipuno nitong katawan ang sumalubong sa akin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay nagawa ko pang halikan ang dibdíb nito. Mukhang nagulat ang lalaki sa ginawa ko dahil halata 'yon sa nakakunot niyang noo.
Mabilis akong umiwas ng tingin saka naman ako dahan-dahan nitong ibinaba. Naramdaman ko ang pag sakit ng binti ko, kaya naman napadaing ako.
"You're hurt? May sugat ka?" tanong nito saka masinsinan akong sinuri.
"Ah!" reklamo ko nang mahawakan nito ang binti ko.
Nanlaki ang mga mata nito. Ngayon nakikita ko kung bakit humahapdi ang sugat ko dahil dumudugo nanaman ito. Narinig ko ang pagkasa ng baril at nakita ko na hawak ito ni G-Dragon.
"I'll go back inside!" sigaw nito habang nakatingin sa driver.
"No! Ilayo niyo na po kami dito ngayon. Please!" sigaw ko naman.
Napatitig sa akin ang driver gano'n din ang lalaking katabi ko. Tila ba may sinabi akong mali. Muli akong napayuko dahil sa mga tingin nila na parang sinusuri o kinikilala ako. Mukhang nakakahalata na sila.
"J-Just please can we get out of here?" mahinang tanong ko.
"Sean, bring us to the hide out mansion."
Napakunot ako ng noo. Hide out mansion? Teka lang hindi ko alam kung saan 'yon. Saka paano kung malaman nila na hindi ako ang kilala nilang Clarisse? Baka mamaya ay sila pa ang mismong pumatay sa akin. This is not good! I'm in trouble!
Habang nasa byahe ay yakap-yakap niya ako at panay ang halik nito sa ulo ko. Pinipigilan ko ang mapaungol sa tuwing nararamdaman ko ang kakaibang sensation na dulot ng halik nito dahil tila ba konektado ito sa pagkababae ko.
Maybe this is the effect of the drugs na pilit ipinainom sa akin.
Naging mabilis naman ang byahe. Nagpanggap akong tulog kaya naman muli akong binuhat nito. Naramdaman ko na lamang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Pinakiramdaman ko ang gagawin nito at mukhang nilinis niya ang sugat ko. Nang sa tingin ko ay tapos na ito ay saka pa lamang ako dumilat. Sa pagkakataong 'yon tila ba nagsisi ako na dumilat ako dahil halos one inch lamang ang layo ng pagitan ng mga mukha namin.
"I'm sorry, dahil napabayaan kitang saktan nila. Ang akala ko ay nakatakas ka na. Dapat ay hindi ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko."
"O-okay lang 'yon," naiilang na sambit ko saka umiwas ng tingin. "Buhay pa naman tayo," dugtong ko pa.
Wala akong narinig na reaction mula sa lalaki kaya naman napabalik ako ng tingin dito at nakita ko ulit ang gulat at nagtatakang expression nito sa mukha.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Nothing."
Pagkasambit niyang 'yon ay marahan nitong hinalikan ang labi ko. At ang mga kamay nito ay dahan-dahang naglakbay sa aking katawaan. Hindi ko na maramdman pa ang hapdi ng sugat ko dahil napalitan na 'yon ng sarap sa bawat haplos nito. Dito na tuluyang nawala ako sa sarili.
I'm craving for more, and I know na hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko.
KABANATA 3: ANG KATOTOHANAN (The Truth)ㅡ JullianaNapatayo ako mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napahawak sa aking sintido dahil sa nararamdamang sakit at kirot nito. Ipinalibot ko ang aking paningin nakasalukuyang malabo pa, at doon ko lamang napagtanto na nasa isang malawak na kwarto ako.Pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang isang bisig na nakayakap sa akin. Hindi ako nakagalaw at nanlaki kaagad ang mga mata ko saka unti-unting tumingin sa side nito.Sino ang lalaking ito?!Pinakiramdaman ko ang sarili ko at doon ko napagtanto na wala akong suot kahit isa! Magkadikit ang aming balat at tanging kumot lamang ang nagtataklob sa hubad na katawan naming dalawa. At ang ibig sabihin no'n ay may nangyari sa amin! Hindi 'yon maitatanggi mula sa huling alaala na mayroon ako. F*ck! Anong ginawa ko? Bakit ko hinayaang maibaba ng lalaking ito ang bandera?!Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito sa aking tiyan, saka ako tumayo. Literal na nara
KABANATA 04: MAPANAKIT NA ASAWA (Abusive Husband)"Wala ka talagang kwenta!"Malakas na sampal ang tumama sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at pagkamanhid ng aking pisngi at halos ikaluhod ko ang pagsampal sa 'king 'yon ni David. Gustuhin ko mang umiyak pero wala ng luhang lumalabas. Marahil ay napagod na ang mga mata kong lumuha.Limang taon na ang nakalipas simula nang ikasal kami at tanggapin niya ang anak kong si Misha. Tunay na itinuring niya itong parang tunay na anak. Ngunit pagdating sa akin ay tila isa akong maruming babae, isang parausan, isang tauhan."Napakasimple lang ng pinapagawa ko sa 'yo pumalpak ka pa?!" muling sigaw nito. "Aakitin mo lang naman si Mr. Cortez, iyon lang ay nag inarte ka pa? Now, ayaw na niyang mag invest sa company ko!" hinila ni David ang buhok ko saka ako ibinalibag sa lamesa nito.Ang tinutukoy nitong Mr. Cortez ay isang matandang lalaki na siyang CEO ng EFGHI Company sa America. Pinag-aagawan ito ng iba't-ibang company dito sa Pilipin
KABANATA 05: PANG-AAKIT KAY MR. MARIANO (Seducing Mr. Mariano) "Anak, sigurado ka na ba? Tumakas na lang kaya tayo, tutulungan ko kayo magtago ng anak mo sa probinsya kung gusto mo. Huwag ka ng tumuloy, hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin mo," bakas sa boses at hilatya ng mukha ni Manang Lolit ang labis na takot at pag-aalala. Marahan akong ngumiti at saka hinimas ang balikat nito. Kung tutuusin ay sobra na ang naitulong sa akin ni Manang Lolit. At ayokong madamay siya sa galit ni David. Hanggat kaya ko ay gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang silang dalawa ni Misha, dahil siya na rin ang tumayo bilang mga magulang ko. "Hindi na po Manang Lolit. Wala na pong atrasan ito, kayang-kaya ko po iyon. Magtiwala po kayo sa akin. Sa tingin ko naman po ay madali lang akitin ang lalaking tinutukoy ni David. Pagtapos naman niya pong pumirma ng contract ay hindi namuli kami magkikita." Ngunit sa totoo lang ay natatakot ako at kinakabahan. Bakas iyon sa malamig kong mga kamay at paki
KABANATA 06: HELP ME! (Tulungan niyo ako!)Napangisi si Phoenix nang tila ba namutla si David dahil sa sinabi niya habang si Julliana naman ay nakayuko't nanginginig na rin sa takot. Upang hindi mahalata ang takot ni David ay sandali itong napangiti. Hindi niya hahayaan na bumagsak siya pati na ang company at tuluyang mawala si Mr. Mariano. "Mr. Mariano, mukhang nagkakamali po kayo. Hindi po 'yon magagawa ng secretary ko," taas noong sambit ni David. Phoenix chuckled. "Then why she's wearing like that?" sabay turo nito sa katawan ni Julliana, na halatang hindi komportable sa suot. "Hindi lang 'yon, nagawa niya pang ipadausdos sa aking hita ang kaniyang paa. Hindi ba't nang-aakit ang tawag don?" Napayuko si David at ang mga mata nito ay palihim na nanlilisk at nakatitig kay Julliana. Gusto niyang sampalin o sapakin si Julliana ngayon ngunit matindi ang pangangailangan niya at kailangan niyang magtimpi. Hindi niya inaasahan na ganito katindi ang presensya ng Mr. Mariano na ito at mukh
KABANATA 07: THE SYMBOL (Ang Simbolo)Dahan-dahang iminulat ni Julliana ang kaniyang mga mata. Puting kisame ang sumalubong sa kaniya at tila amoy gamot sa paligid. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin hanggang sa makumpirmadong nasa hospital siya."M-Mommy... are you awake?" mahinhin at masarap sa pandinig ang boses na iyon mula sa kaniyang anak.Napangiti siya, ngunit kaagad na naalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Mabilis pa sa alas-kwatrong niyakap niya ang kaniyang anak. At tumingin sa paligid sa isiping naroon si David."Mommy, wala dito si Daddy. Lola said they will talk to her. They told me, na lasing daw si Daddy kaya ka niya sinaktan.""I-Ikaw, sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya.Umiling si Misha, "Hindi po, mabuti na lang po at dumating sila Lola para tulungan ka nila Mommy."Unti-unti ng tumulo ang mga luha sa mata ni Julliana. Ngayon ay alam na ng mga magulang ni David ang sitwasyon niya sa poder ng anak nito. Siguradong lalong titindi ang g
KABANATA 08: SOLD TO BE A SLAVE "Sino ba kayong mga hayop kayo! Pakawalan n'yo ako! Kung pera ang gusto o kailangan niyo ay mali kayo ng dinukot na tao dahil wala ako no'n!" sigaw ni David habang nakaupo sa isang upuan. Nakatali ang mga kamay at paa habang ang mga mata ay nakapiring. Hindi niya alam kung nasaan siya o ilang oras na siyang naroon sa lugar na iyon. Wala siyang kilala na gagawa sa kaniya nito, dahil kahit palugi na ang kompanya ay iniiwasan niyang umutang sa kahit na sino. "Tulong!!! Tulungan niyo 'ko!!!" sigaw niyang muli. Kanina pa siya sigaw ng sigaw at namamaos na rin ang kaniyang boses. Masakit na sa litid ng kaniyang lalamunan, ngunit hindi siya tumitigil. Wari ba ay walang tao sa paligid dahil kanina pa siya walang naririnig na nag-uusap o kahit yabag man lang. "Where is he? Gising na ba?" Isang pamilyar na boses ang narinig niyang nagsalita ngunit hindi tiyak kung sino ito. Pilit na kinakalagan niya ang kaniyang sarili ngunit masyado itong mahigpit kaya nama
KABANATA 09: CLAIR DE LUNATatalikod na sana si Phoenix nang maalala niya ang isang tanong na bumabagabag sa kaniyang isipan. Muli siyang humarap kay Julliana at tiningnan ito sa mga mata. Hindi niya naman alam kung nararapat niya ba itong tanungin ngunit para sa ikakatahimik ng isip niya ay gagawin niya."Is your daughter... ilang taon na siya?"Bahagyang nangunot ang noo ni Julliana kasabay ng matinding kaba."S-She's five years old. Why?""Is she really David's daughter?""Y-Yes, at bakit mo tinatanong? Hindi naman siguro kasama ang anak ko sa pagbili mo sa 'kin."Naiiling na umalis si Phoenix. He just can't believe na tinanong niya pa ang bagay na 'yon. Kahit alam niya mula sa impormasyon na nakalap ng tauhan niya na matapos nitong magpakasal ay nabuntis kaagad.Ano bang iniisip niya?Nang makaalis na si Phoenix at maisarado ni Julliana ang pinto ay unti-unting nanghina ang kaniyang tuhod saka napaupo. Ganito na lang ba ang buhay niya? Puro takot.Kinabukasan ay ipinasyal niyang mu
KABANATA 10: MONSTER [HALIMAW]••• JullianaHindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda ng Bella Paraiso. Talagang nararapat lamang itong tawaging Paraiso dahil sa natural na kagandahan ng isla. Sigurado ako na inaalagan ito upang mapanatili ang ganitong ganda."Bella means beautiful in Italian. It's really nice here right?" tanong ni Primo na nasa tabi ko. "Actually, this place is so much important to us. This place make us comfortable, relaxing, and we make women screams in bed--" Nabigla ako sa huling sinabi niya. "Ah, No. I mean, we make women scream you know, they're idolizing us," at naiilang itong ngumiti.Hindi ko na lamang pinansn ang sinabi nito kahit sa isip ko ay gustong-gusto ko itong batukan dahil sa kadaldalan. Akmang baba na ako ng barko, nang makita kong lumapit sa akin si Primo. Kaagad ko itong nilayuan, at tiningnan naman ako nito nang may halong pagtataka."Huwag kang lalapit. H-Huwag mo 'kong hahawakan.""Huh? Bakit naman? Aalalayan lang naman kita.""He doesn't want
Tahimik na naglalakad sina Julliana at Dark sa makitid na daan, napapalibutan ng mga anino ng naglalakihang puno. Ramdam ni Julliana ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Gusto niyang magsalita, ngunit natatakot siyang sirain ang tensyon. Samantala, si Dark ay tila laging alerto, ang mga mata nito’y paikot-ikot na nagmamasid.Biglang napahinto si Dark. Napasandal siya sa isang puno at tila may nararamdamang kakaiba.“Dark, anong problema?” tanong ni Julliana, pilit na iniwasan ang takot sa kanyang boses.“Huwag kang kikilos nang bigla,” mahinang sagot nito. “May sumusunod sa atin.”Nanlamig si Julliana. Ito rin kaya ang lalaking dumukot sa kaniya kanina? Napalunok siya ng sarili niyang laway. Alam niyang puno ng panganib ang lugar na 'to, pero hindi niya inakalang sunod-sunod ang kapahamakan sa kaniya.Sinubukan niyang lumingon ngunit pinigilan siya ni Dark. “Huwag mong ipahalata na alam natin ang pagsunod niya sa atin.” madiin nitong sabi habang inilapit ang katawan sa kanya, til
Napatigil si Julliana sa sinabi ni Dark. Naghahalo ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha habang nakatitig sa matatalim na mata nito. “H-Hala, selos agad? Eh, wala naman akong ginagawa—” sagot niya, ngunit agad siyang naputol nang bigla siyang hatakin ni Dark papalapit. Napakalapit ng mukha nito sa kaniya. “I’m serious, Julliana,” mahina ngunit mariin ang boses ni Dark. “Huwag kang magpapadala sa kahit anong nakikita mo rito. Ang mundo ko ay mapanganib at hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan.” Kahit na kinakabahan, pinilit ni Julliana na ipakita ang lakas ng loob. “At ikaw? Dapat ba kitang pagkatiwalaan, Dark?” Natigilan si Dark. Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya, tila nag-aalangan. Sa huli, bahagya itong tumalikod at tumingin sa malayo. “Kailangan mo,” sagot nito sa malamig na boses, “Dahil kung hindi, walang ibang makakapagligtas sa iyo.” Napabuntong-hininga si Julliana. Pilit niyang inuunawa ang mga sinasabi ni Dark, ngunit mas lalong nagiging misteryoso
Good day, readers! Hindi po muna ako makakapag-update this month, dahil kakapanganak ko pa lang po. Ngunit, maaari niyo pong mabasa ang iba ko pa pong istorya na COMPLETED na. 1. UNEXPECTEDLY HER SPERM DONOR IS A BILLIONAIRE (escape while pregnant + romance + romcom) 2. MARRIAGE FOR PLEASURE (R+18 — SPG) (arranged marriage + taguan ng anak + dark romance) 3. THE BILLIONAIRE’S INNOCENT BRIDE (R+18 — SPG) (contract marrigae + escape while pregnant + taguan ng anak + romcom) COMPLETED po lahat ng ito, at tiyak ko po na magugustuhan niyo po! Sana ay makita ko rin po kayo sa iba ko pa pong istorya! Thank you so much po, and have a blessed day! — Author Febbyflame/Sashiflame
Hello po sa inyong lahat! Sa lahat po ng mga nagbabasa ng story ni Julliana at Dark! Ngayon lang po ulit ako nabisita sa kuwento ko na ‘to, at talaga naman na super dami niyo na pa lang naghahanap. Pasensya po, at bitin! 2 years na pong nakalipas ang story na ‘to, running for 3 years na po yata HAHAHAHA tapos ang dami po talagang naghahanap! Pero this November 1, promise po na start na po ulit akong mag-update! ^.^ Huwag niyo na po ako awayin, itutuloy ko po ito kahit wala na po akong bonus na makukuha. Sana po ay mahintay niyo po! Maraming salamat po! Keep safe and God bless! ^.^ — Author Febbyflame
KABANATA 16: Ang Misteryosong Lalaki (The Mysterious Guy)Sa sobrang laki ng kuwartong tinutuluyan ni Julliana ay hindi niya makita kung saan nahulog ang kuwintas niya. Umaga na noong kinabukasan ng mapansin niyang wala na ito. Hindi niya iyon pinatanggal sa tatlong maid kaya nasisiguro niyang hindi ito nakuha o nalaglag noong pinaliguan siya.Hindi niya puwedeng mawala ʼyon, dahil ito na lamang ang alaala niya sa mga magulang niya.Takot man ay naglakas loob pa rin siyang lumabas kahit kabilin-bilinan ni Dark na huwag siyang lumabas nang hindi ito kasama. Hindi siya mapapalagay hanggat hindi niya nahahanap ang kuwintas. Napatingin siya sa lugar ng mansion. This is not just like a mansion, dahil parang palasyo talaga ito.Maraming mga guards na nakatayo sa bawat poste ngunit hindi naman siya nito binabawalan or kahit tingnan man lang ay hindi ng mga ito magawa.“May ganito pa lang lugar dito sa Pilipinas? Teka— nasa Pilipinas pa ba ako?” napasinghap siyang bigla. “Oh my gosh. No. Hind
KABANATA 15: HARI NG MGA HARI [King of Kings]Patay? Akala niya patay na ako? Magkakilala ba kami?Naiilang na ngumiti si Julliana sa Head Madam na si Felicia. Bakas naman ang tuwa sa mga mata ng Ginang habang pinagmamasdan nitong mabuti ang mukha ng dalaga. Buong akala niya ay namatay na ito limang taon na ang nakalipas.She was so devastating and heartbroken at that time dahil tinuring niyang parang isang tunay na anak ang dalaga. But now, the Lord Phoenix cameback with her. Kaya kitang-kita niya rin sa kaniyang hari na iba ang awra nito dahil ito pala ang dahilan.Sabay-sabay naman silang tumingin nang biglang dumating muli ang lalaking kasama ni Phoenix at may ibinulong ito sa Head Madam. Bumakas ang takot at pagkagulat dahil sa sinabi ng lalaki. Bigla ay yumuko ito sa harap ni Julliana."A-Ah, pa-patawad. P-Patawad po, L-Lady J-Julliana. Hindi k-ko po sinasadya, a-ang akala ko ay ikaw po ang k-kakilala ko," halos kanda-utal na paghingi nito tawad.Napakamot tuloy sa batok si Julli
KABANATA 14: DÉJÀ VU [Naranasan Na]••• JullianaNagising ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang tila ilang kaluskos at pagbagsak ng ilang gamit. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Akmang tatayo ako nang makita ko ang tila may taong dumaan mula sa bintana.Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lumabas ng kuwarto. Wala doon si Dark pati na ang mga kaibigan nito. Mas dumoble ang takot na naramdaman ko.Nasaan si Dark?Nakarinig ako ng ilang ingay sa labas ngunit ubos na ang tapang ko para buksan ang pintuan. Mabilis akong nagtungo sa kusina saka kinuha ang kutsilyo. It's for my protection. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari sa labas. Nakakarinig ako ng tila mga nag-aaway. Madami sila at hindi lang iisa. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas."Oh, shocks. Lord, iligtas niyo po ako."Muli akong bumalik sa kuwarto at isinara ang pinto sinabayan ko rin kaagad ng pag-lock. Pagkaharap ko sa kama ay nabitaw
KABANATA 13: GINTONG LASO [Gold Ribbon]Napahinto si Julliana sa paglalakad at tiningnan ang pigura ni Phoenix habang nakatalikod ito. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nag-aalangan siyang tumingin kay Hera at Xinden saka umiling upang ipahiwatig na hindi totoo ag sinasabi nito."Now, go back eating. I need to talk you," dagdag pa ni Phoenix. "Go back bago kita ibalik sa pinabggalingan mo," at napakuyom ang kamao nitoNapakibot ang daliri ni Jullia. Pinanggalingan niya? Ibig sabihin ay kay David. Hindi, hindi puwede. Muntik ng mawala sa isip niya ang tungkol sa custody ni Misha. Hindi niya hahayaang mangyaring mapunta ang anak niya sa walang hiyang David na 'yon!Marahang naglakad si Julliana habang ang mga mata niya ay pinipigilang kumawala ang luha. Hindi naman maalis ang paningin ni Hera dito dahil hindi niya masiguro kung totoo ba ang sinasabi ng Kuya niya. Dahil kung totoo man ay malaking gulo 'yon. Napakalaking gulo."Miss Ganda, asawa mo po si Tito Phoenix?" bigla
Kabanata 12: PAGKAKATAON PARA TUMAKAS [Chance to Escape]••• JullianaTatlong araw ang nakalipas bago nagising si Dark. Gano'n ka tindi ang natamo niyang sugat. Sugat na hindi ko alam kung saan nagmula at kung sino ang may gawa."Where's my phone?" malamig ang boses nitong tanong sa kaniya."H-Huwag mo munang hanapin, kailangan mo munang kumain--""I don't give a shit! Where's my fucking phone?!" sigaw nito at kaagad napahawak sa dìbdib. "Damn it!" mura nito.Mabilis akong napatayo, "Huwag mo muna kasing pilitin ang sarili mo. Heto at kumain ka muna, magpalakas ka."Napaigtad ako nang biglang hawiin ni Dark ang mangkok na may laman na niluto kong lugaw. Nabasag ang mangkok at kumalat ang mga basag na bubog sa paahan ko. Naramdaman ko ang konting kirot sa aking paa na siguradong natamaan nito."Give me my fucking phone, or else I will kill you!" mariing sigaw nito.Hindi ko alam kung ano ang ikinakagalit niya. Pero ang sabihin nito na papatayin niya ako? Ilang pagbabanta pa ba ang dapat