Bigla ko namang iminulat ang mata ko bigla. Paggising ko ay nalaman kong na sa isang kuwarto na ako at hindi ko alam kung na saan ako. Pinakiramdaman ko naman ang paligid at tila may tunog akong naririnig na sobrang pamilyar sa akin.
Kaya naman ay nagdesisyon akong bumangon sa kama at akmang lalapit na sa may pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Damien.
Nagtataka ko siyang tinignan dahil hindi ko matandaan kung paano ako nakarating dito at bakit kami magkasama hanggang sa napatigil ako. Ngayon ay naalala ko na ang huling nangyari kung bakit ako nandito.
Na sa kotse kaming dalawa habang papaalis kami kung na saan ang business party ay nangyari at kung saan nagkaroon ng gulo. Nawalan ako ng ulirat matapos may mainom ako mula sa binigay ni Damien kaya naman ay pagkatapos no'n nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Anong ginawa mo sa
(Sabrina's POV)Para namang hinaplos ang puso ko na makita ang pagngiti ni Damien. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang gusto kong tumalon-talon sa sobrang saya ng puso ko.Mahal ko pa naman siya hanggang ngayon pero siguro nagmamatigas lang ako kasi ayoko nang masaktan pa ulit tulad ng ginawa niya noon. I know, every person deserves a second chance at hindi ko naman ipagdadamot sa kaniya iyon. Sana lang talaga ay gawin niya lahat o patunayan niya sa akin na karapat-dapat siyang bigyan ng isa pang chance.Nagulat naman ako ng bigla niyang hilahin ang kamay ko saka niyakap ako ng sobrang higpit kaya naman ay natigilan ako."Thank you so much for giving me another chance, baby. I swear, I will do everything para makabawi sa lahat ng mga nagawa ko." Sabi niya kaya ay sekreto akong napangiti."Gawin mo Damien, huwag puro pangako." Sabi ko at
(Sabrina's POV)Kay dali matapos ng araw. Ngayon ay gabi na at bukas ay ang huling araw namin dito sa Yacht. Na sa kuwarto ako sa mga oras na ito at nakaupo sa kama. Nagdesisyon akong manatili dito sa kuwarto matapos akong halikan ni Damien.Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya. Hindi dahil sa hindi ko nagustuhan ang paghalik niya, kung hindi ay dahil nagulat ako. At dahil sa halik na 'yon hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-get over. Damien is making me confused now.Galit ako sa kaniya dahil sa nangyari sa amin noong nakaraan pero tila ba distracted na ako sa kaniya pagkatapos ng halik na iyon."Damn you, Damien!" Dahil sa inis ay ginulo ko na lang ang buhok ko saka nagdesisyon na pumasok sa banyo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa labas ngayon at wala akong pakialam kung ano man ang kaniyang ginagawa. Hindi ko na din binalak pa na lumaba
(Sabrina's POV)Nanatili pa din akong nakatayo at tila hindi ko magalaw ang mga paa ko. Nagtatalo ang isip at puso ko sa mga oras na ito. Gusto kong tumalon sa tuwa ngunit naisip ko na baka patibong na naman ito ni Damien.Hindi dapat ako matuwa sa mga pinapakita niya. Hindi dapat ako maging marupok dahil sobrang nasaktan na niya ako noon.Biglang napakuyom ang kamao ko habang nakatitig dito. Hinarap ko naman si Damien saka nagbuntong hininga ng malakas."Kailangan ko ng makabalik sa kuwarto, Damien. Pagod ako at gusto ko ng matulog." Sabi ko at akmang maglalakad ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko."Please baby, stay. Kailangan natin itong kainin. Hindi mo ba gusto ang ginawa ko? May gusto ka bang ipaalis sa mga ito?" Tanong niya at napapikit lang ako."Fine, I'll stay pero kakain lang tayo Damien at pagkatapos no
(Sabrina's POV)Pababa na kami ni Damien sa sinasakyang Yacht ngayon at walang humpay sa pagkabog ang puso ko sa mga oras na ito lalo na at nakaabang ang mga kabigan ko, sina Cole saka ang mga tauhan ni Damien.Kinakabahan ako na baka ano ang isipin nila sa akin. Baka aakalain nila na kami na ulit ni Damien."Sabrina, I would like to say thank you dahil hinayaan mo ako na makasama ka kahit sa kaonting oras lang." Damien said habang dahan-dahan kaming bumababa. Hindi na lang ako kumibo dahil gusto kong pigilan ang sarili na makapagbitaw ng salita na ikakapahamak ko.Hindi ko din maintindihan kung bakit tila mas gusto ko pang kasama si Damien. Alam kong hindi ito tama pero naguguluhan talaga ako."Damn you, Cullen!" Pagkababa na pagkababa namin ay inambahan kaagad ni Cole ng suntok si Damien kaya naman ay naalarma kaming lahat. Galit na galit si Cole sa
(Sabrina's POV)Bigla naman kaming huminto kaya naman ay lumipat ang mga lalaking nagdala sa amin palabas sa bar na iyon dito sa harapan. Lima pala sila and seeing their faces, hindi sila mapagkakatiwalaan."Bakit kayo huminto?" Tanong ng isa sa kanila. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha nito dahil sa kitang-kita na siya sa ilaw."Ano bang kailangan niyo sa amin?" Ako na ang nagtanong kaya mas lalo lamang silang napangisi."Ang hina pala ng mga utak niyo. Hindi niyo ba makuha ang dahilan kung bakit namin kayo dinala dito ay dahil gusto naming makipaglaro sa inyo?" Tanong ng isa kaya napalunok na naman ako."Anong klaseng laro? Truth or dare ba?" Biglang tanong ni Glaiza kaya hindi ko naman maiwasang mapailing. Naalala ko tuloy ang unang ginawa namin ilang taon na ang lumipas at kung saan una kong nakilala si Damien."What a
(Sabrina's POV)Papunta na kami ngayon sa Mansion. Nagpadesisyonan ko na isama si Damien sa bahay dahil hiningi niya din sa akin kanina na gusto niyang makita si Elijah.Hindi naman ako maka-hindi sa kaniya dahil una sa lahat, na-realize ko na karapatan ni Damien na makita ang anak ko at ngayon hindi na ako makapaghintay pa na ipakilala ang anak namin sa kaniya. Sigurado ako na matutuwa si Elijah nito na makikita niya na ang kaniyang ama."Thank you for this, Sabrina. Sobrang saya ko na ngayon dahil sa wakas ay mayayakap ko na siya." Natutuwang sabi ni Damien at tinitigan ko lang siya. Hindi na lang ako kumibo hanggang sa nakarating na nga kami kung saan nando'n ang bahay ni dad.Sa labas pa lang ng gate ay madami na ang nagbabantay. Pinapasok naman kami kaagad dahil siyempre nandito ako. Tuluyan na nga kaming nakababa sa kotse at naglakad na papasok s
(Sabrina's POV)Nabaling naman ang atensiyon namin ni Damien ng magsalita si Elijah na siyang kinalaki naman ng mga mata ko. Hindi ko lubos maisip na sa dinami-dami ng bagay na puwede niyang hingin ay bakit 'yon pa."Can you kiss daddy, mom?" Namula naman ang pisngi ko ng itanong niya ulit iyon."Where did you learn that, Elijah?" Tanong ko at ngumiti lang siya ng malapad sa amin."Do you really want mommy to kiss me?" Napakagat labi na lang ako dahil sa naging tanong ni Damien."Yes, daddy!" Masayang sambit niya kaya naman ay mas lalong namula ang mukha ko. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa gusto na ipagawa ni Elijah sa akin."Paano ba 'yan, baby. Our son request that you should kiss me." Sabi niya kaya naman ay napakagat labi na lang ako saka mabilis na hinalikan si Damien sa labi niya at natutuwang pumapalakpak naman si Elija
(Sabrina's POV)Nagising na lang ako isang umaga ng may bigla akong maramdaman na magagaang halik sa buong mukha ko. Pagmulat ng mata ko ay ang guwapong mukha kaagad ni Damien ang nakita ko."Good morning, baby. How was your sleep?" Tanong niya kaya agad naman na namula ang pisngi ko. Naalala ko tuloy ang ginawa namin sa loob ng shower room. Mabuti na lang at hindi maririnig dito sa labas ang ungol namin dahil naku, hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag kay Elijah.And talking about my son, nilingon ko kaagad ang gilid ko pero wala na ang anak ko."Si Elijah, Damien?" Tanong ko kaya naman ay bigla itong ngumiti. Natulala pa ako ng mga ilang sigundo dahil sa hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito si Damien. Hindi pa din ako makapaniwala na ayos na kami.Bigla namang umusad si Damien sa tabi ko saka hinawakan ang dalawa kong kamay. Hindi naman maiwasang mamula ang pis
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig