Nanatili akong nakatunganga at hindi malaman kung anong sasabihin. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin tanggapin ng isip ko ang sinabi niya. Parang hindi ako makapaniwala. Parang mali lang ako nang dinig.
Bigla ko naman na iniling ang ulo ko dahil ayaw ko talaga maniwala sa sinabi niya. Baka nga binibiro niya lang ako. Paano niya naman mapapatunayan sa 'kin na mahal niya ako kung kanina ay hinalikan niya ang babae.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo, Damien. Umalis ka na at kailangan ko nang magpahinga." Sabi ko at paika-ikang pumunta sa kama. Akala ko aalis na siya pero bigla niya namang hinawakan ang kamay ko dahilan para tignan ko siya nang masama.
Sobrang sakit na nga ng puso ko tapos gusto pa niyang dagdagan ang sakit. Ang sama niya kung gano'n.
"Ano bang puwede kong gawin para maniwala ka?" Tanong niya dahilan para matawa ako
(Sabrina's POV) Pagkababa namin ni Damien sa kotse ay agad kaming naglakad papasok sa loob ng bahay. Medyo masama pa din ang pakiramdam ko dahil sa alak. Mukha atang nasobrahan ako nang inom. Siyempre sino ba namang hindi maglalasing dahil sa nangyari kanina. Pero ayos na kami. Katunayan nga nito ay nakahawak pa si Damien sa kamay ko at kagat-kagat ko pa ang ibabang parte ng labi para pigilan ang sarili na mapangiti. Sobrang kinikilig ako kay Damien. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang may mapansin ako na nakaparadang kotse. Madami namang kotse si Damien pero halos lahat ay kilala ko na. Ngayon ko lang ata napansin ang bagong kotse na ito. "Do we expect a visitor?" Biglang tanong ko dahilan para pisilin niya ang kamay ko. Nagtaka naman ako nang biglang huminto si Damien sa paglalakad at hinarap ako. "Whatever happen Sabrina, please
(Sabrina's POV)Bigla akong napatalikod nang makita ko ang tatlong rosas na hawak ni Damien. Iyon ang kanyang sinasabi na gusto niyang ibigay sa akin at gano'n na lang ang pagkabog ng puso ko dahil pinapakilig niya na naman ako.Napapakagat na nga lang ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na mapangiti. Kinukurot ko nga din ang mukha ko na baka nananaginip lang ako pero nakaramdam ako nang sakit."Hey, is there something wrong?" Tanong ni Damien. Hindi pa din ako humaharap dahil nahihiya akong makita ni Damien ang pamumula ng mukha ko."Wala," ani ko na hindi makasagot nang diretso. Ang lakas talaga nang kabog ng puso ko."So, why can't you face me. Turn around, Sabrina." Utos ni Damien kaya napahinga ako nang malalim. Bakit ba ako mahihiya? Ewan ko din ba, talagang hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako kay Damien.
(Sabrina's POV)Kasalukuyan pa din akong nakatunganga sa harapan ng mga hindi ko kilalang bisita ni Damien pero may namumuo ng ideya sa utak ko kung sino at ano sila sa buhay ni Damien.I am a keen observer too and based from my observation, they must be his friends. Kung paano siya tratuhin ng kanyang mga bisita ay alam kung matagal na silang magkakilala."Gusto niyo bang ipatikim ko ang bala ng baril ko sa bibig niyo?" Kalmadong tanong ni Damien habang pinaiikot ang baril niya sa kamay kaya't ako man ay hindi din maiwasang kabahan.Nakakatakot tignan ni Damien kapag may hawak na baril. Nananayo ang balahibo ko sa buong katawan ko."Masyado namang mainit ang ulo mo bossing. Tinatanong lang naman namin kung namiss mo ba kami." Napanganga ako nang marinig ko iyon mula sa tatlong lalaki sa harapan ko.Pero ang mas napansin ko, bakit tinawag nila
(Sabrina's POV)Nanatili pa din akong nakatayo at nakaharap kay Damien. Siya naman ay ganoon pa din ang reaskiyon na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kanina lang."Gusto pa kitang ligawan Sabrina kahit na nagkaaminan na tayo. Kahit sinabi mo na hindi na kailangan pang ligawan kita ay kailangan ko pa ding gawin iyon. Kahit na tayo na, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na mahal kita at ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin nang ganito. Pinukaw mo ang nagtatago kung kasiyahan, Sabrina." Biglang hinawakan ni Damien ang kamay ko kaya't sobrang lakas nang pagkabog ng puso ko.Iyong tipo na, gusto na nitong lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas nang kabog. Nakakatuwa lang isipin na iyong Damien na kilala sa nakakatakot na presensiya niya ay biglang naging maamo sa akin.Kaya't ramdam ng puso ko na mahal niya nga talaga ako. Hindi ako nag
(Sabrina's POV)Isang araw din ang lumipas at wala kaming ibang ginawa kung hindi magsaya sa mansion ni Damien. Nagdesisyon kasi siya na hindi muna papasok kaya napagpasyahan niya na manatili sa bahay at siyempre ano pa bang ginawa namin.Imbis na sa kaniyang kuwarto siya tumambay ay sa kuwarto ko na siya nanatili buong araw. Hindi ko naman siya matanggihan siyempre, ano pa bang dapat naming gawin?Manood ng telebisyon, humalakhak, kumain at nagkuwentuhan. Pero siyempre may nangyari din sa amin. Nahihiya nga ako pero kailangan ko na yatang masanay lalo na at girlfriend niya na ako at boyfriend ko siya.Ilang minuto akong nanatiling nakapikit at walang balak na imulat ang mga mata ko. Actually, kanina pa talaga ako gising at medyo ayaw pa bumangon ng katawan ko. Pero dahil umaga na at sigurado akong gising na si Damien ay bumangon na ako.Una kung ginawa ay pumuntang ban
(Sabrina's POV)Iniwan na lang bigla ako ni Damien at nauna siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at pinagbuksan ako ni Scott ng sasakyan. Na sa kabilang kotse sina Hayden, Sean at Neil kaya hindi kaming lahat magkakasama sa iisang sasakyan.Napabuntong naman ako sa hininga ko nang mapadako ang tingin ko kay Damien na ngayon ay seryoso lang at na sa ibang direksiyon ang tingin niya. Kay aga pa, mainit na agad ang ulo niya."Damien," mahinahon kung sambit sa pangalan niya pero hindi pa din siya lumilingon. Hindi naman maiwasang mainis ako pero pinigilan ko lang kasi ayokong magalit sa kaniya kaya hinabaan ko pa ang pasensiya ko. "Please talk." Dagdag ko pa pero hindi talaga siya umiimik.Kaya naman nainis na talaga ako at biglang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko at biglang sumigaw."Stop the car, Scott!" Sambit ko at bi
(Sabrina's POV)Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko kaya naman nagtataka akong tinignan ni Damien. Magkasalubong na ang dalawang kilay nito at alam ko na naghihintay ito sa paliwanag ko."I was thinking of what Scarlet said, Damien." Sabi ko sa nalulungkot na boses. Nag-aalala lang kasi ako na paano kapag tinuloy niya ang sinabi niya. Paano kung sa susunod niyang pagbalik 'dito ay tuluyan niya nang mabawi si Damien sa akin."Don't worry about her, Sabrina. She can't touch you unless you're beside me. I will definitely wrench her head away from her body." I just grimaced to what Damien said. I know that what he said is he meant it. However, I won't allow him to do that."Don't do that, Damien. I don't want to see you kill." I said seriously and he hold my hand."Of course, I won't
(Sabrina's POV)Pagkatapos ng eksena sa restaurant kanina ay nag-aya na si Damien na umuwi na daw kami sa mansion niya. Bigla itong nawalan nang gana kaya pumayag naman ako. Sa mga nangyari kanina ay nawindang din ako.Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Damien pauwi sa mansion niya. Tahimik lang siya at na sa unahan ang kaniyang buong atensiyon. Hindi ko naman maiwasang malungkot. Sinira ko ata ang mood niya at hindi ko sinasadya iyon."Damien," sambit ko sa pangalan niya kaya napalingon ito sa gawi ko at ngayon ay naghihintay sa kadugtong nang sasabihin ko. "I'm sorry." Paghingi ko nang tawad at kasabay no'n ay iniyuko ko ang ulo ko.Bigla namang hinawakan ang kamay ko at dahan-dahang itinaas ito saka halikan ang likod ng kamay ko. Napakagat naman ako sa ibabang parte ng labi dahil sa kilig."Hindi mo kailangan humingi nang tawad
(Sabrina's POV)Mahigit dalawang buwan na ang lumipas nang ikasal kaming dalawa ni Damien at ngayon ay namumuhay kaming dalawa na masaya at kasama ang anak namin na si Elijah. Higit sa lahat ay may panibago na namang miyembro ng pamilya dahil nalaman ko ngayon lang na buntis ako.Damien was on the company dahil may meeting siya sa mga oras na ito pero mukhang hindi na ata ako makatiis at gustong-gusto ko nang ibalita sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Alam ko na sobrang matutuwa iyon kapag nalaman ang tungkol sa dinadala ko. Agad naman akong nagbihis at nagmamadali na lumabas sa kuwarto namin. Sa baba ay nadatnan ko ang mga kaibigan na nakikipaglaro kay Elijah."May lakad ka, Sab?" Nagtatakang tanong ni Glaiza kaya napangiti ako saka lumapit sa kanila at hinalikan ng mabilis si Elijah."Mamaya sasabihan ko kayo. Kailangan ko lang puntahan si Damien sa kompanya." Sabi ko na nakan
(Sabrina's POV)Nakalabas na kaming lahat sa loob ng bahay na iyon dala-dala ang bangkay na katawan nina Cole at Scarlet. Tuluyan na ngang binawian ng buhay si Cole dahil sa 'kin. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan at nagpapasalamat ako sa kaniya ng sobra sa lahat ng mga ginawa niya para sa 'kin.Madaming nawala, madami ang nagbuwis ng buhay dahil sa gulong ito. Pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ako at si Damien. Nawala man ang mga mahal ko sa buhay pero alam ko na masaya na sila kung na saan man sila ngayon.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa puntod ni Dad, ni Mom, ni Scarlet at maging sa puntod din ni Cole. Nagdesisyon ako na itabi na lang silang lahat. Nalaman ko na din kasi kung saan inilibing si Mommy at nagdesisyon na itabi sila ni dad."Baby, are you okay?" Napangiti naman ako nang may biglang yumakap sa 'kin sa likod ko."I'
(Sabrina's POV)Nagulat naman ako nang makarinig ako ng mga putukan sa labas kaya naman ay napahigpit ang paghawak ko sa baril. Ang lakas din nang kabog ng puso ko sa isiping baka nandito na sila Damien.Nagtago naman ako sa likod ng pinto dahil alam ko na papasok ang isa sa mga kalaban para kunin ako at ang hindi nila alam ay nakatakas na ako at hindi na ako papayag pa na makuha nila ako ulit.Lumakas na naman ang kabog ng puso ko nang may marinig akong kalabog ng paa papunta sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili hanggang sa pumasok na nga si tita Phoebe at hinanap ako."Huwag kang gagalaw." Sabi ko at naglakad na papalapit sa kaniya. Dahan-dahan naman na napapaharap sa 'kin si tita Phoebe na ngayon ay gulat ang kaniyang reaksiyon ng makita ako."Nakatakas ka talaga, huh." Sabi niya kaya naman ay napangisi ako at tinutok sa kaniya ang baril ko."Hindi mo aakal
(Sabrina's POV)Napatingin naman ako sa mga lalaking nagbabantay sa akin at saktong-sakto naman na hindi sila nakatingin sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kanila at inatake ang mga ito patalikod. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Damien noon. Hindi ako puwedeng gumamit ng baril dahil baka maalarma ang mga kalaban.Tatlo lang naman ang nagbabantay na kapuwa ay na sa ibang direksiyon ang kanilang mga atensiyon. Hindi nila ako napansin."Hintayin mo ako, Phoebe tatapusin ko kayo ngayon." Nakangising sabi ko at kinuha ang mga baril ng lalaking napatay ko. Nilapitan ko naman ang katawan ni Scarlet at tinanggal ang pagkakadena. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari sa kaniya. Niyakap ko na lang si Scarlet at pinangako sa kaniya na matapos ang laban na ito ngayon ay bibigyan ko siya ng maayos na libing sa tabi ni dad.Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa pamily
(Sabrina's POV)Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung paano ako makakatakas dito. Kailangan kong iligtas silang lahat dahil nanganganib ang kanilang mga buhay.Hindi ako papayag na may isa pa na mawawala na naman sa mga mahal ko. Hindi ako papayag na sasaktan nila ni isa man sa mga taong naiwan sa 'kin.Umalis pansamantala sina Marra at Phoebe. Naiwan ako dito sa loob na ngayon ay binabantayan nang maigi ng kanilang mga tauhan.Napalingon naman ako sa gawi ni Scarlet at hindi maiwasang mapaluha. Nasasaktan ako sa kalagayan ng kapatid ko. Alam ko na wala na siya at hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpaalam kami sa isa't-isa."I'm really sorry, Scarlet. Wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kanila. Hindi man lang kita naipaglaban. Pero isa lang ang pinapangako ko, bibigyan ko kayo ng hustisya ni dad. Hindi ako papayag n
(Sabrina's POV)Bigla akong nagising dahil sa may biglang nagbuhos sa akin ng isang malamig na tubig kaya naman ay napaubo-ubo pa ako. Pagdilat ng mata ko ay na sa ibang lugar na ako particularly, na sa isang malawak na kuwarto. Ginalaw ko ang kamay ko ngunit hindi ko magalaw dahil nakagapos na ang mga kamay ko, mas lalo na din ang mga paa ko."Saan niyo dinala si Scarlet!?" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking ngayon ay na sa harapan ko. Sila ang nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Pero ang siste, ay napangisi lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin."Na sa tabi mo lang siya." Sabi ng isa sa kanila kaya naman ay kaagad akong napalingon sa tabi ko at nakita si Scarlet na ngayon ay nakagapos ang mga kamay ng kadena at pati na din ang kaniyang mga paa.Wala na siyang malay at parang pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko makita ang ayos niya. Sobrang nakakaawang tignan si Scarlet.
(Sabrina's POV)Dahan-dahan lang akong umalis ng bahay na hindi napapansin ng mga kasama ko. Hindi nila dapat na malaman na umalis ako. Walang sino man ang dapat makakaalam sa sinabi ng caller kanina dahil kapag isang maling galaw ko lang ay mamamatay ang mga mahal ko sa buhay na ayaw kong mangyari.Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito at malalagay kaming lahat sa peligro. Kailangan kong iligtas si Scarlet dahil ayokong mawala siya. Wala na nga ang mga magulang ko at hindi ko hahayaan na pati din siya.Kaagad naman akong sumakay ng taxi at pumunta sa lugar kung saan dapat kami magkita ng taong tumawag sa akin kanina lang. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga oras na ito pero para sa mga taong mahal ko at para kay Scarlet nakahanda akong gawin lahat maligtas lang sila.Nakarating naman kaagad ako sa lugar at nagpalinga-linga pa ako da
(Sabrina's POV)Ilang minuto lang ang biyahe namin pauwing mansion at nakarating naman kami kaagad. Na sa pinto pa lang kami ng bahay ay napansin ko na si Damien na ngayon ay nakasandal sa pinto habang ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa niya.Napalunok naman ako dahil sa masamang tingin niya at alam ko na wala sa mood ito."Where did you go, Sabrina?" Tanong niya sa akin habang nag-aabot naman ang kaniyang dalawang kilay."Mr. Cullen, pasensiya na po kung umalis kami ni Sabrina, nagpasama kasi ako sa mall at may binili lang ako." Si Allysa na ang nagsalita at nakatitig lamang ako kay Damien. Napakunot naman ang kaniyang noo kaya napahinga ako ng malalim. Biglang nagbago ang expression niya at akala ko talaga ay magagalit siya sa akin."Okay, it's okay I understood. Mabuti naman at sinama niyo si Scott." Sabi niya kaya naman ay napangiti ako. Tama lang talaga na dinala ko si
(Sabrina's POV)Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng bahay pero wala pa si Damien. Hindi pa siya nakakauwi at kanina pang umaga wala. Anong oras na ngayon. Napalingon na lang ako sa pinto ng kuwarto ko ng magbukas ito at iniluwa si Allysa."Sab, puwede mo ba akong samahan ngayon?" Tanong niya kaya naman ay napataas ang kilay ko."Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya kaya naman ay napapakamot siya sa batok niya at tila ba ay hindi niya kayang sabihin sa akin kung saan man ang kaniyang lakad."Magpapasama lang sana ako sa mall dahil may bibilhin ako. Huwag kang mag-alala dahil sina Glaiza at Jessel naman ang magbabantay muna sa anak mo." Sabi niya kaya naman ay nagbuntong hininga ako.Total wala pa naman si Damien kaya sasama na lang muna ako sa kaniya. Babalik naman siguro kami kaagad at isa pa, parang may gusto din akong bilhin para kay Damien at baby Elijah."Sig