Share

CHAPTER 3 The Loyal Wife

Mag-isang umalis si Mekki papunta sa bahay Ng mga Hermona. Dala-dala Ang mga damit at gamit nito.

Sumakay siya sa terminal Ng train pa puntang probensiya ni Niel. Pagdating niya sa station Ng train sa probensiya ay hinahanap niya si Niel na magsusundo sa kanya. Pero Wala pa ito doon. Kaya minabuti niyang umupo na Lang Muna sa mga upuan na naroon.

Sa bahay Ng mga Hermona ay abala silang nagluluto. Hinahanap ni Ginang Charo Ang anak na si Niel dahil anong Oras na ay Wala pa Rin ito. Siya Sana Ang magsusundo sa mapapangasawa pero umalis ito para sa kanyang trabaho.

Narding... nasaan na ba iyang amo mo tanong nito sa driver ni Niel. Kasi madam umalis Po siya pupunta raw Po sa munisipyo sagot Ng driver. Naku... iyang batang yan talaga... Sabi Kong siya Ang susundo sa mapapangasawa niya. Narding halika na nga tayo na ang susundo. Naku yang batang iyan... sige Po madam sagot Naman ni Narding. Pagdating nila sa station ay Wala nang mga tao roon. Pero may nag-iisang babaeng nakaupo lang sa may upuan Ng station. Iha.... Ikaw ba si Britney Reynares? tanong Ng ginang. Tumayo ito at nagsalita. Opo...mahinhin nitong tinig.

Ang Ganda Po niya madam... sigurado akong magugustuhan siya ni Sir...saad ng driver sa ginang. Napangiti naman Ang ginang sa driver...sa pagsang-ayon niya dito. Narding kunin mo Ang mga bagahe niya..utos Ng ginang sa driver. Opo..madam at agad Namang kinuha iyon Ng driver.

Pagdating nila sa bahay Ng mga Hermona ay tumingin-tingin si Britney sa paligid Ng bahay. Tila hinahanap niya Ang binata. Oscar... narito na ba Ang Sir Niel mo? tanong Ng ginang sa kasambahay. Opo madam kararating lang Po niya. Pero nasa likuran nag-iinsayo Po siyang bumaril Saad ni kasambahay na si Oscar. Sige tawagin mo... sabihin mo na narito na Ang mapapangasawa niya na si Britney utos Ng ginang sa kasambahay. Opo...madam...at agad na umalis Ang kasambahay na si Oscar para tawagin Ang amo. Sir... sir... narito na Po Ang mapapangasawa mo...sigaw-sigaw nito sa amo habang tumatakbo.

Napatingin si Niel sa tumatakbong kasambahay na si Oscar. Isang Kasing Person with disability si Oscar anak siya Nina Narding at Marta. Kaya para siyang Bata Kong kumilos. Sir narito na Ang mapapangasawa mo...napakaganda Ng mapapangasawa mo...saad pa nito. Nang marinig iyon ni Niel ay huminto ito sa pag-iinsayo. Umalis ito Dala Ang kanyang baril at nagtungo sa kinaroroonan Ng kanyang Ina at mapapangasawa. Pagdating sa harap nila ay tinignang mabuti ni Niel si Britney. Bumalik ang kanyang alala sa nakaraan Kong saan nakilala niya si Britney. Nais nito dahil Ang Britney na Nakita niya noon ay iba sa kanyang Nakita Ngayon. Hoy....Niel titignan mo lang ba si Britney. Bakit Hindi mo siya kausapin at batiin?Saad Ng ginang.

Pero laking gulat ni Mekki ng itinaas niya Ang kamay na may hawak na baril at itinutok iyon sa kanya Ng binata. Sir... sir... Anong ginagawa mo...Saad nito Oscar. Niel... bakit naman ganyan Ang salubong mo Kay Britney...Saad ni ginang. Kaya binaba niya Ang kamay na may hawak na baril. Si Mekki ay mahinahon lang Hindi ito kumibo.

Pero Ang mag-ina na nasa sulok na sina Oscar at Marta ay nagulat Rin sa ginawa Ng binata. Hindi lang maganda Ang mapapangasawa ni Sir Napakatapang pa...Saad nito. Tumigil ka nga pati nga ako nininerbos sa ginawa ni Sir Niel. Bakit ba siya ganoon? Saad ni Marta sa anak.

Pasensiya ka na iha... Kay Niel pahingi Ng pasensiya Ng ginang dahil sa ginawa Ng anak niya. Hoy... Niel Ang mabuti pa ay maglinis ka na Ng katawan mo. Para makakain na Tayo. Sigurado akong nagugutom na si Britney Saad Ng ginang sa anak. Halika na... iha sa loob na Tayo para makapagpahinga ka na dahil alam Kong malayo Ang nilakbay mo. At sabay na pumasok Ang ginang at si Britney sa bahay. At sumunod Naman si Narding Dala Ang mga bagahe ni Britney.

Narding dalhin mo na iyan sa kuwarto. Dahil Hindi pa kasal Ang sir mo at si Britney ay doon Muna iyan sa kuwarto na pinagkukuwartuhan ko. Habang narito ako tabi Muna kami ni Britney. Pero pagkatapos Ng kasal ay sa bahay Ng Kapatid ko ako titira. Dahil Wala Naman na Ang Kapatid ko roon Saad Ng ginang.

Marta nakapaghain ka na ba? Opo madam sagot Naman Ng kasambahay. Sige na halina kayo para makakain na. Siguradong gutom ka na iha Saad ito Kaya Mekki. Kaya agad silang umupo sa hapag kainan.

Heto na nagluto ako Ng masarap na ulam Saad ni Marta at nilapag iyon sa lamesa sa harap Ng hapag kainan. At nagsandok Naman Ang ginang... Madam magugustuhan Po niyo iyang niluto ko masarap Po Yan pagmamalaki pa nito sa ginang. At kumuha siya Ng kapiraso mula sa kanyang Plato at isinubo iyon. Napakunot Naman Ang noo Ng ginang dahil sa lasa Ng pagkain. O..tignan mo na masarap Ang luto ko Sabi ko na sa iyo...Saad ni Marta sa Asawa na kabi lang niya. Hay naku... alam Naman natin na hindi nagugustuhan ni madam Ang luto mo. Kahit si Sir Niel Hindi nga makakain Ng marami dahil sa luto mo... pang-aasar ni Narding sa Asawa. Oo nga nanay... Hindi Kasi masarap Ang luto mo hehehe...sabat pa Ng anak na si Oscar. Kayo...inis na Sabi nito. Hindi ko kayo pakakain Ng niluto ko mamaya...dagdag pa nito sa kanyang mag-ama. Nanay...huwag naman...Marta... huwag naman..sabay Saad Ng dalawa.

Pero sa hapag ay tahimik lamang sina Niel at Niel hinihintay Kasi ni Mekki na kausapin siya ni Niel. Pero Wala itong narinig. Kasi panay subo lang ito sa kanyang pagkain. Napailing lang Ang ginang dahil sa ginawa Ng anak. Nang matapos si Niel sa kanyang pagkain ay agad itong umalis. At nagpaalam na babalik ito Ng Munisipyo dahil marami daw itong gagawin. May gagawin operasyon Kasi Ang mga Pulis kailangan Kasing huliin ni Niel Ang mga magnanakaw sa kanilang bayan. Hindi Kasi basta-basta Ang mga magnanakaw na kanilang huhuliin. Mga sendikato Kasi Ang may hawak sa kanila. Mga Malalaking negosyo Ang puntirya nila.

Naiwan Naman si Mekki sa bahay nila Niel na mag -isa dahil umalis din Ang ginang dahil doon Muna daw ito sa Kapatid niya. Nagmukmuk lang ito sa kanyang kuwarto dahil ayaw Kasi nang mga kasambahay ni Niel na tumulong ito sa gawain nila. Kaya na roon lang ito maghapon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status