Ang sarap sa pakiramdam na gumising sa umaga na dinig mo ang mga huni ng ibon at ingay ng mga manok sa paligid. Dahil ang bukas ang bintana dama ko ang lamig na mula sa hanging pang-umaga at ang peskong amoy ng mga halaman. This is the life, ito ang buhay na matagal ko nang nami-miss. Simpleng buhay namin dito sa probinsiya.Humikab ako at iniunat ang kamay para sana yakapin ang anak ko pero nagulat ako na wala na pala ito sa aking tabi. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan, maaga pa naman. Alas sais pa lang ng umaga. My son usually wakes up late kaya nakakapanibagong wala na ito sa tabi ko gayong ang aga-aga pa. Nagmamadali akong bumangon at lumabas. Tinali ko lang ang mahaba at maitim kung buhok. Kinuha ko ang roba at sinuot bago ako lumabas ng silid.Naabutan ko si mamang na nagluluto na ng agahan."Good morning mang." bati ko sa kanya. "Nakita mo ba si Dalton?""O nak gising ka na pala, good morning." ganting bati ni mamang sa akin. "Sumama si Dalton kay papang mo at kay E
"Baby, Wait!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Baby your face! Ang landi-landi. Kaya pala hindi nagsuot ng damit dahil gustong ipakita dun sa mga babae ang katawan. "Pogi ang bibingka, sayo na lang libre ko na." dinig kong sigaw ni Maria."No thanks, my baby don't want to eat that, mas gusto niya daw ang suman."Naiinis ako sa sarili ng pumasok sa kusina. Why am I acting like that? Nakakainis!Kumuha ng tubig sa ref at uminom.Pinakalma ko ang aking sarili dahil bigla atang uminit ang ulo ko dun sa labas. "What happened, Mom?" seryosong tanong ng anak ko. Hindi ko namalayan na nakatingin pala ito sa akin. "Ahm, Nothing son." I smiled cutely at him. " Please call your lolo ang lola, let's eat na."Sumunod naman si Dalton, tinawag niya si Mamang sa labas pati si papang saka pumunta siya sa kubo kung saan 'nakatira' si Ethan at sinabihan din itong kakain na. Gaya kahapon ganun pa din ang pwesto namin, si Ethan at Dalton ang magkatabi at magkaharap naman kami. Todo asika
Buong araw akong nakipagchikahan kay Veronica dahil ayaw niya akong pauwiin, pambawi ko daw sa mga buwan na hindi ako nagpakita sa kanya. Pero habang nakikipagchikahan ako sa kanya kanina nakikita ko mula sa pwesto namin ang pagsilip silip ni Major, ni Gaden at parang may isa pa, lalo na nung umupo at nakipagtawanan din si Kuya Gustavo sa amin.Si Kuya Gustavo naman hindi rin nagtagal dun kanina kasi may inaasikaso daw siya ngayon sa hacienda nila. Pero bago pa siya nakalayo kanina nakita kong isinakay niya sa kabayo ang apo nung tagapamahala ng bakahan nila... si Chiara. Si Gaston naman nagsabi sa akin kagabi na pupunta siyang Manila dahil may emergency sa company nila. Kung maayos daw agad ay uuwi din daw siya dito para makapagbonding sila ni Dalton. Sabi ko naman kanya na ayos lang at asikasuhin niya muna ang negosyo nila. Dalton is doing well with Ethan naman kaya ayos lang talaga.Papadilim na ng umuwi kami ni Mamang. Pagdating namin sa bahay malayo pa lang dinig ko na ang taw
Last night, I slept early. Napagod ako sa sa buong araw naming chikahan ni Veronica kaya hindi ko na nahintay si Dalton na sabay na matulog sa akin. Busy ito at si Ethan kagabi kakapukpok sa lata para gawin daw nilang laruang telepono. At ngayong umaga naman wala na ito sa aking tabi pagkagising ko. I'm wondering kung anong oras sila natulog kasi pakiramdam ko kagabi parang ang sikip ng bed namin ni Dalton. Gusto ko sanang magtanong kay mamang kung...baka dun nakitulog si Ethan sa silid namin ng anak pero nahihiya naman ako. Baka kung ano pa ang isipin ni mamang.O baka naman assuming lang ako? Pero hindi talaga e, feel ko talaga na may mabigat na kamay na nakayakap sa akin kagabi. Tsaka si Dalton kapag nakatulog na hindi na yun yumayakap sa akin."Mang, anong oras natulog si Dalton at Ethan kagabi?" tanong ko kay mamang. Nagsasangag ito ngayon ng kanin para umagahan."Hindi ko din alam nak kasi maaga din akong natulog kagabi. Naiwan silang tatlo ni papang mo kagabi kasi yung anak mo
Kinabukasan maaga kaming pumunta sa bayan dahil kailangan naming mamalengke. Kami sana ni Mamang ang aalis pero nagpresinta si Ethan. Ang sabi niya alam niya na pasikot sikot dito sa amin dahil minsan siya daw ang namamalengke para sa bahay."Zia bumili ka ng pang-dinuguan." sabi ni mamang. "Nasa listahan na, alam na din ni Ethan yan. Tsaka yung panghumba nak doon mo bilhin kina Tikboy." Kagabi kasi nabanggit ko kay mamang na namiss kung kumain ng dinuguan tsaka humba."Ethan, nak yong ibang pansahog doon niyo bilhin kina Belinda mas sariwa yong mga tinda nila doon. Tsaka yong isda doon kayo bumili kay Matoy."Panay lang ang tango ni Ethan kay mamang, tila ba kabisado at alam niya na talaga kung Nang tumingin ako sa kanya ngumiti ito sa akin. "I know them all baby. Kami ni mamang ang laging magkasama kapag namamalengke doon." paliwanag niya kahit di naman ako nagtatanong."Excited na akong matikman ang dinuguan mo baby." nakangiting sabi niya sa akin. "I'm sure it taste good." Gaya k
Naglilinis ako sa sala ng marinig kong may kausap si Dalton sa labas. Sumilip ako sa bintana para tingnan kung sino ang kausap niya, yong dalawang batang babae pala. Kahapon pumunta din ang dalawang 'to para makipaglaro sa kanya, si Joy at si Annie mga batang nakakalaro din ni Tasha sa hacienda. May isa ding batang lalaki na dumagdag ngayon, kuya ata ni Annie dahil narinig kong pinakilala niya ito kay Dalton, Jesryl daw ang pangalan.Hinayaan ko silang maglaro para kahit papano may iba namang makausap ang anak ko. Masaya nga ako at unti-unti na itong nakakapag adjust sa paligid. Sinusubukan narin nitong magsalita ng tagalog at bisaya kahit putol-putol lang. Wala si Ethan ngayon dahil sumama kay papang at mamang sa pagdeliver ng mga palay na naani kaya walang nangungulit sa akin. In fairness naman sa kanya, consistent siya sa pinapakita niyang kabaitan sa mga magulang ko lalo na kay mamang, mas close talaga silang dalwa. Parang ina talaga ang turing niya sa nanay ko. Siguro dahil nami
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Z...please sabihin mo sa akin anong gagawin ko para mapatawad mo ako." Nakita kong nasa labas din ng pintuan si Mamang at punong-puno ng luha ang kanyang mukha. Sinenyasan niya akong kukunin niya muna si Dalton kaya kinausap ko ang bata na sumama muna ito kay Mamang at kausapan ko lang ang ama niya, agad naman itong sumunod sa akin. Iniwas ko ang tingin ko kay Ethan na ngayon ay nakaluhod pa rin sa aking harapan. The silence between is us is deafening, its so painful and I could almost feel the excruciating pain inside my heart. I could hardly breath because of the pain I was feeling inside. Ang sakit, sobrang sakit.Tumingala ako para pigilan ang pagtakas ng namumuong luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sakit pero hindi nito kayang pigilan ang sakit na nadarama ng dibdib ko. I tried hard to stop my tears from crying but to no avail. Unti-unting tumakas ang luha sa aking mga mata ng tumingin ako sa mga mata niyang nagm
I never thought that finally introducing them to each other will be so liberating like this. Words are inadequate or too weak to describe the happiness I felt inside. I felt that the bond between Dalton and Ethan became stronger this time. Sobrang saya ng puso ko habang nakatingin ako sa kanilang dalawang naglalambingan ngayon. Kinikiliti ni Ethan si Dalton at panay naman ang hagikhik nito. "S-stop Daddy! I...I can't...I c-cant breath..." putol-putol na saway ni Dalton sa ama niyang nanggigigil sa kanya. "Mommy help me! Daddy s-t..aaah stop tickling me daddy!"'Daddy', isang simpleng salita pero parang bata si Ethan kung umiyak pagkarinig nitong tinawag siya ni Dalton ng daddy kanina. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang saya. Naiiyak ako labis na kasiyahan. The sight in front of me is so beautiful. Nakakataba ng puso. Ang ganda tingnan na masaya ang mag-ama ko. Biglang nagkakulay ang mundo ni Dalton. He is laughing in glee. Nagniningning ang mga mata niya gaya ng sa ama niya.
Friday came, bukas na ang birthday ni Mamang Alice pero bago ako magpapahatid kay Simone sa Davao dinaanan ko muna si Mommy. Maingat kong binaba ang dala kong isang pumpon ng lilies at cake na paborito ni Mom at nakangiti akong humarap sa kanya. Sa tuwing nalulungkot ako at gusto kong may makausap maliban sa mga kaibigan ko dito ako sa musoleo ni mommy pumupunta.Kay mommy ko kinukwento kung anong mga nararamdaman ko. Sa kanya walang pag-aalinlangan kong nilalabas kung anong mga nasa puso ko. Madalas dito ko malayang pinapakwalan ang mga luha ko dala ng pangungulila ko kay Zia. "Mom, another year had passed." malungkot kong panimula. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Mom, I'm so tired, I'm so weak but I don't want to give up..." nagsimula ng manlabo ang mga mata ko dahil sa namumuong luha. "Pagod na pagod na ako Mommy pero hindi ako pwedeng sumuko. Wala akong karapatang sumuko dahil ako ang dahilan kung bakit nya ako iiwan.P-pero hanggang k-kelan a-ako maghihintay Mom? I did everythi
I was very furious. My heart was filled with so much anger and I don't want to give any mercy to those who were involved in framing-up my baby. After weeks of thorough investigation with the help of my friends. We found out that it was Georgina and her two other sisters, Gia who happened to be my baby's housemate and Micaela who's one of my employee and Zia's friend. "I'm sorry, Roe." Georgina's annoying voice made me more angry at her. "I just did that because of my love for you." "Love?" I held her chin tightly and I saw her winced in pain. "You b*tch! How many time I told you that I don't like you. Even if you're the only one left in this world I will never like you! Walang-wala ka sa kalingkingan ng baby ko. Look at yourself, you're like a cheap whore!" I shouted with disgust in her face. Nakita ko ang pagdami ng luha sa kanyang mga mata pero wala akong naramdamang awa sa kanya...sa kanila. Marahas kong binitawan ang mukha niya at lumipat kay Gia. Tahimik lang itong umiiyak,
Marahas akong napalunok pagkatapos ng umupo ito sa harap ko, pati si papang ay nakita kong napalunok din. Kaya pala pinapalagay niya ang itak ni papang sa kusina at pumasok siya sa silid nila dahil may kinuha pa ito. Hindi lang simpleng baril kundi isang shot gun.Pinatong niya ito sa hita niya at diritsong nakatingin sa akin."Anong ginawa mo sa prinsesa namin?""I'm sorry..." dalawang salita palang at nag-uuanahan na ang mga luha sa aking mga mata. I don't know how to start, sa dami ng naging kasalanan ko sa prinsesa nila. Hindi ko nga alam kung pagkatapos nito mapapatawad ba nila ako. Baka pati sila kamuhian ako. "I'm so sorry, I hurt the princess." My cries filled the room, I can even hear my own sobs. "I di horrible things to her, tinulak ko siya palayo sa akin. Nagalit ako sa kanya na hindi ko man lang pinakinggan ang side niya. Niyurakan ko po ang pagkatao ng prinsesa, winasak ko po ang puso niya at nandito ako ngayon para magpakumbaba at humingi ng tawad sa kanya."Inisa-isa
"No! No! I can't...." My body started shaking after she closed the door. This is what I want right? Pero bakit ang sakit-sakit? Pinagbabasag ko ang anumang bagay na aking mahawakan. Ito ang gusto ko pero bakit nasasaktan ako? Tang-ina! Why do I have to feel this pain?"I hate you Zia!" I screamed like crazy. "I hate you for doing this to me! I love you so much but why did you you hurt me like this?" I cried harder and louder. Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ng puso ko. I love her...I love her so much.Gusto ko siyang habulin, gusto kong bawiin lahat ng masasakit na salitang binitawan ko sa kanya."I can't do this...hindi ko kayang mawala siya sa akin.""Baby I'm sorry...I'm sorry...I didn't mean it...please forgive me..."Nagmamadali akong tumayo, walang pakialam kung ano ang ayos ko. I know I looked miserable right now but I need to follow her. "Zia! Zia! Baby!" I'm screaming her name. Wala akong pakialam kung sino man ang mga nakakasalubong ko. "Baby please I'm sorr
"I'm not getting any younger son, I need your help in our business." mahinahong sabi ni Daddy sa akin.Nandito ako ngayon sa opisina niya dahil pinatawag niya na naman ako. Ayoko nga sanang pumunta dahil alam ko naman kong anong pakay niya but out of respect pumunta pa rin ako. We seldom see each other, basta ang alam ko lang ngayon ay sa hotel siya namamalagi at yun ang pinagtutuunan niya ng pansin. "I told you Dad, I don't want to manage the hotel. My bar is doing well and I'm working with Hendrick. I'm earning well and I'm fine with it."Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinanggihan si Daddy pamahalaan ang negosyo niya. Lumaki akong malayo ang loob sa kanya at kahit ilang beses niya na akong kinausap na e-manage ang hotel na iniwan ni Mom sa akin ay hindi ko ito tinatanggap.I want to prove to him that I will be successful even without his help. Instead of helping him in his empire I chose to work with Hendrick Valderama while slowly building my own name. Lumalaki na din
ETHAN'S POV"Huy bro sinong sinisilip mo dyan? Patingin..." William's annoying voice stopped me from looking at the kid who's busy watering the veggies and other flowers.Kanina ko pa ito nakitang pabalik-balik sa poso para umigib ng tubig pandilig sa mga tanim niya. Para bang wala lang sa kanya ang bigat ng dalawang maliliit na galon ng tubig at pansin ko pang parang ang saya pa nito sa ginagawa niya.I'm having my coffee now at mula dito sa terrace kita namin ang mga tauhan ng mga Valderama na busy sa kani-kanilang mga gawain. Maganda na sana ang gising ko kaso maaga din akong binulabog ni William."Will you please leave me, Guerrero? I want to have my peace." Ke-aga aga ang taas na ng energy niya. Okay lang naman sana kaso wala ako sa mood, kakatawag lang ni Daddy sa akin at pinapauwi niya na ako. I still don't want to go home, wala naman kasi akong gagawin dun. Maiiwan lang din naman akong mag-isa dahil busy naman si Dad sa work niya. After my mom died, he made himself busy that
Pagkatapos naming kumain ang-aya na si Ethan na aalis kami dahil may ipapakita daw siya sa akin. Pero bago yun, nakita ko pang seryoso silang nag-usap ni Daddy Mon. Nagpaalam din si Daddy sa akin na isama niya si Dalton at siya na ang bahalang maghatid sa bahay mamaya. Ang anak ko naman ay nakiayon din sa Lolo niya at nakita ko pang nagtatawanan ang dalawa nung palabas na ang mga ito. They're acting weird. Anong meron?Bago kami tuluyang nakalabas biglang tumunog ang phone ni Ethan. Actually kanina ko pa napapansing busy siya sa phone niya pero hindi lang ako nag-usisa.Nakita ko ang pangalan ni Simone sa screen niya bago niya ito sinagot. "Yes, Brute..." sagot niya saka muling nakinig sa kausap. "okay...yeah...thanks" Tumang-tango at nagpasalamat bago pinutol ang tawag.Hindi niya pa naibabalik ang phone sa pantalon niya ng muli na naman itong tumunog. It's William this time. Muli napakunot ang noo ko dahil parang balisa si Ethan ayaw niya lang ipahalata sa akin."Dude..." bungad
"Mom, Dad, Lolo is calling..." sigaw ni Dalton mula sa labas ng silid. Katatapos ko lang magbihis at si Ethan ay naghihintay na lang sa akin. Pangiti-ngiti habang nakaupo sa sofa at parang high school lang kung makatitig sa crush niya. "You're taking too much time again, Daddy." bungad nito pagkabukas ni Ethan ng pinto."I'm done son, I'm just waiting for Mommy." sagot niya. "You look handsome in that polo young man." puri niya sa anak. Dalton is wearing white polo shirt, maong pants and white sneakers. Simple lang ang suot ng anak ko pero ang gwapo niya pa rin tingnan. "Dad, you're just trying to say that you look handsome too because we look a like, right?" ganti ng bata sa kanya na lalong ikinangisi ni Ethan. Parehas kasi sila ng suot dalawa. Pati ayos ng buhok parehas din, crew-cut at parehas may guhit sa kilay. Maangas tingnan pero bagay naman. Ngayong lumaki na si Dalton lalo lang itong naging kamukha ng daddy niya. It's like every time I look at my son, I am looking at the
I am not feeling well.Maaga na naman akong nagising dahil parang hinalukay ang tiyan ko at gusto kong ilabas ang lahat ng kinain ko kagabi. Masakit at namamalat ang lalamunan ko pagkatapos kong sumuka kahit wala pa naman akong nakain ngayong umaga. Nitong mga nakaraang araw palagi na lang masama ang pakiramdam ko sa tuwing umaga. Kagabi naman maaga din akong natulog pagkatapos kong lantakan ang taho na pinabili ko kay Ethan galing Baguio. Damn! Ayoko ng kumain ng taho. Siguro may nilagay sila ni Simone doon dahil ang layo ng pinagbilhan ko sa kanila. I hate them! Isusumbong ko talaga si Simone sa kaibigan ko mamaya. Makikita niya!Nanghihina akong tumayo at nagmumog. Kailangan ko na sigurong magpacheck-up. Namumutla ako at feeling ko ang laki ng eyebags ko. Ang pangit-pangit ko na, parang gusto ko tuloy maiyak habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pa nung umuwi ako dito galing Amerika pero ngayon ang pangit ko na. Mukha akong pinabayaan sa kusina at bigla ata ako