Xyrica’s POV:
Busy ang lahat ng estudyante rito sa Gangster Academy at halos walang tao ang Cafeteria pati na ang Center building dahil nag-eensayo ang lahat. Ilang araw nalang din kasi ay magsisimula na ang event tapos mandatory rin na magkaroon ng kahit isang laro sa event kaya walang kawala ang lahat. Pwede naman lumagpas sa tatlo ang event na sasalihan ng mga estudyante basta ba’t kaya nilang pamahalaan ang mga event na sasalihan nila.
Isang event lang ang sigurado akong sasalihan ko kasi hindi pa rin namin alam ang schedule ng mga laro. Siguro sa mga araw na ito ay malalaman na namin kung saan at kailan ang mga laro namin. At dahil nga papalapit na ang event ay naka-focus nalang kaming lahat sa training. Walang assignments, walang quizzes at walang subjects na boring.
“Hey, care to drink?” Bati sa akin ni Cyborg at ibinigay sa akin ang isang bottled water.
I'm still having some technical errors. Pardon me for my update today, I'll edit this later when I have the chance.
Xyrica’s POV:I opened my eyes and immediately looked at the time using my cellphone. It’s currently six in the morning and, I’m supposed to meet my friends around eight in the morning but, I woke up because of the notification I received from Gangster Academy. I checked my cellphone and found out it was about the schedule of the events.I got up immediately and went to the bathroom to do my morning routine before going to the auditorium, which was the place indicated in the message. It’s a good thing that I’m a light sleeper because I can wake myself easily, especially in times like this.At saka kung maaga man akong matapos sa morning routine ko ay may oras pa ako para makapagbreakfast.“I better hurry up,” sabi ko sa sarili ko.Lumagpas sa tatlumpung minuto bago ako matapos sa morning routine ko at pagkalabas ko sa k
Xyrica’s POV:I woke up feeling not so excited because today was the first day of the game event. Pagkatapos ng morning routine ko ay naabutan ko na naman si Cyborg na nakasandal sa gilid ng pintuan ko. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na tawagin ako o kaya’y kumatok pero ayaw talaga, kaya tumigil na ako sa pagpapaalala sa kanya.“Good morning,” nakangiting bati sa akin ni Cyborg.“Morning,” tipid akong bati sa kanya kasi hindi pa naman ako sigurado kung magiging ‘good’ ba ang morning ko.“Oo nga pala, Michiaki and the gang are waiting for us outside Thornesbrook. Gusto nilang kompleto tayo ngayong araw,” sabi ni Cyborg.“And why is that?” Tanong ko kay Cyborg.“
Xyrica’s POV:May stage na napaghandaan ang Gangster Academy sa field at para ito sa pagtanggap sa mga foreign students na narito ngayon sa paaralan. Hindi ko akalaing makakagawa ang Gangster Academy ng ganito para sa mga estudyante na hindi naman magtatagal. Hindi kaya sila nag-aaksaya ng pera? Pero sino nga ba ako para tanungin sila tungkol dito?“Good morning, everyone!” Bati ni dean Steinfeld sa aming lahat.Hindi ko alam kung nasa kay dean Steinfeld ba ang atensyon ng mga foreign students kasi may mga estudyante akong nakikita na nakikipag-usap sa mga kasama nila o kaya’y sa cellphone. Ang iba naman ay halatang hindi interesado kasi galing sa byahe at siguradong jet lag pa.Ipinagpatuloy ni dean Steinfeld ang speech niya, “Welcome to our 111th game event, where we celebrate camar
Xyrica’s POV:Hindi ko akalaing aabot sa tatlumpong minuto ang paghihintay namin kay miss Ludwig para lang tanungin siya tungkol sa sasakyan ko kung pwede ba itong dalhin sa ibang bansa. Humingi naman ng patawad si miss Ludwig kasi naka-silent mode pala ang cellphone niya at nasa bag niya ito nakalagay. Kaya pala nakailang tawag kami sa kanya pero ayaw niyang sumagot, akala ko nga sinasadya niya e.“I was worried about you,” sabi ni Klent kay miss Ludwig at niyakap ito.“I’m fine,” sabi naman ni miss Ludwig.“Kaya nga pala kami tumawag kasi may kailangan kami,” sabi ni Michiaki.“It’s not that ‘may kailangan’ talaga kami kasi it’s more of a question. You know what I mean,” sabi ko kay miss Ludwig.
Xyrica’s POV:Pagkatapos makipag-usap ni Cyborg sa mama niya ay pumunta kami sa lugar kung nasaan ang eroplano nila, dala ang mga gamit ko at pati na ang gem ko. Pagdating namin sa lugar ay kaagad akong namangha sa nakita ko kasi hindi lang isa ang eroplano na pagmamay-ari nila. Kung hindi, lima!Matapos naming tignan ang ibang eroplano ay tumigil kami sa isa, ‘yung gagamitin ko papunta sa London.“Ano nga ulit ang pangalan ng eroplanong ito?” Tanong ko kay Cyborg.“It’s CG21… bakit?” Sabi ni Cyborg.“I think it’s weird. May pangalan kasi ang eroplano ninyo,” sabi ko kay Cyborg.“Look who’s talking… baka nakakalimutan mong may pangalan din ang sasakyan mo,” sabi ni Jhin.
Xyrica’s POV:Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ulit pero ginising ako ni secretary Seo kasi lalapag na ang eroplano. Nakatulog kasi ako noong lumipad na kami papuntang London, gumigising lang ako para kumain, pumunta sa banyo at kapag gusto kong manuod ng palabas. Wala akong ibang naisip na gawin at ayaw ko namang kausapin si secretary Seo kasi wala naman kaming dapat pag-usapan.“Please wear your seat belt on because the plane will be landing soon,” sabi ni secretary Seo sa akin.I stretched for a bit because I felt like my body needed it, then fastened the seatbelt. I’m pretty much exhausted for a girl who didn’t do anything but sit for fourteen hours and twenty minutes.“Thank you for waking me up,” nakangiting sabi ko kay secretary Seo.“You must be exhaust
Xyrica’s POV:I woke up early like usual because I needed to prepare myself for the race. I did my morning routine pretty fast then headed to the banquet hall that Aris mentioned last night. The hall was specifically for foreign-student like me and, I was expecting the banquet hall would be full of people, which was indeed true.After eating my breakfast alone, I went to the place that Aris’ employee parked the car when Aris and I decided to tour some parts of the academy. Some students from Werian academy were kind enough to show me the right way and, I immediately arrived at the place where the car parked.I was about to get in my car when a car pulled over in front of me. It rolled the window down and, I saw Aris in the driver’s seat. He waved hello and I waved back, just to be polite.“Do you know where to go?” Tanong ni Aris sa aki
Xyrica’s POV:The race was exhausting because after I won the first set race, beating the Werian brothers, they called me to prepare myself and race again. I had to compete again with the winners of every sets that the hosts created. In that way, they can determine the winner of the race. They didn’t care much for the second placer or the third placer. They want the winner because the winner will take all the points.It was spectacular to have beaten them all but, it drained my energy. I was too exhausted that I even asked secretary Seo for some help. She didn’t even hesitate to take care of me after the race. I am forever grateful to secretary Seo and the Demsford family’s generosity.After having a day off, I felt a little bit better and, that was when I decided to go home. I asked secretary Seo to inform mister Smith to deliver us to the airport. And to notify the pilot as soon as poss
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na